Oct 31, 2008

Halloween: Tips or Trips

17 na lasing
Trapik! 'Yan ang isa sa reklamo ng mga tao dito tuwing sasapit ang ganitong araw. Araw kung kailan inaalala ang mga mahal sa buhay na namatay. Trip nilang dalawin ang mga ito dahil natatakot silang sila ang dalawin ng mga yumao. Ang haba nga naman ng pila ng mga sasakyan sa kalye patungo sa kung saan mang sementeryo.


Kaya 'yung iba na lang, mas gugustuhin na lang na maglakad kesa magbiyahe. Mas napapabilis nga naman ang pagpunta nila kung lalakarin na lang. Pero pagdating naman sa bukana pa lang ng sementeryo, puno naman ng mga tao. Siksikan, may mga palabas at may mga papasok.

Lalong sumisikip ang daan dahil sa mga maliliit na tindahang itinatayo sa tabi ng daraanan. Hindi lahat ng tao sa sementeryo ay nandun para dumalaw. Karamihan sa mga nandun ay para rumaket, saydlayn, gimik at kung anu-anong trip pa na pwedeng pagkakitaan. Kaya ang tip natin, wag masyado magdala ng mamahaling gamit o kaya maraming pera. May mga mandurukot na biglang hahawak sa bag mo o sa walet mo, pero mas matakot ka kung may hahawak sa paa mo. May hahawak na kamay sa paa mula sa lupa.

Kung ang binili mo namang bulaklak at kandila eh 'yung may kamahalan at kagandahan, wag mo agad iiwan sa puntod na pinag-alayan. Dahil sa isang iglap, mawawala ng parang bula ang mga 'yun. Ewan kung ano'ng trip nung ibang bata, pati ung mga natunaw na kandila eh kinukuha pa rin, tapos ginagawang bilog. Kaya kesa magandang bulaklak ang iwan mo, subukan mong mag-iwan ng bahay ng bubuyog para makasigurado kang walang kukuha. At kesa kandila ang ilagay mo, kumuha ka na lang ng dinamita at 'yun ang itirik mo, lagyan mo na din ng desayn 'yung dinamita para maganda. 'Wag mo lang sindihan dun, hayaan mo na sila ang magsindi kapag nakuha nila. Sigurado ako, madadala na 'yung kumuha ng hindi kanya.

'Wag na din kayong magdadala ng mga selepono sa sementeryo. Sa dami ng tao, pwede nila madukot 'yun sayo ng hindi mo namamalayan. At hindi mo din naman magagamit 'yun dun. Hindi ka makakatawag o makakateks man lang. "Deadspot" kasi dun. Walang signal.

Madaming posibleng mangyari kung pupunta ka sa sementeryo, kelangan lang natin ng matinding pag-iingat. Pero sa kaso ko naman, medyo hindi ko ginagawa ang ilang tips na nasabi ko diyan. Hindi kasi ako nakikisabay at nakikisiksik sa kanila sa araw na iyon. Makalipas na lang ng ilang araw, saka ako pupunta. Hindi naman dapat na sa araw lang ng patay tayo bumisita sa mga mahal natin sa buhay eh. Subukan mong dumalaw ng walang okasyon o mahalagang araw, wala ka pang aalahanin masyado.

... ......

Basahin ang kabuuan nito...

Oct 29, 2008

Minsan din akong Kinawawa!

22 na lasing
Ibahagi ko lang ang aking isa pang kwentong tula nung ako ay nasa edad pa ng mga kabaduyan at kadramahan. Kung inaakala ninyo na lagi akong masaya, tama kayo, lagi nga akong masaya, ngayon. Pero nung panahon ng tinedyer, bihira lang akong tumawa. Bakit? Basahin ninyo na lang ang naisulat kong tula dati. Oo baduy 'yan, hindi pa kasi ako marunong magsulat ng magandang klaseng tula, kaya pagtiyagaan ninyo na. Kung ayaw ninyo naman basahin, whew, salamat naman.


Ito nga pala ay pinamagatang... teka, tagal ko nang naisulat ito, hanggang ngayon wala pa ring titulo? Ewan ko, basta ayaw kong lagyan ng pamagat eh.

Habang sa isang sulok na dilim ang nakabalot
Ako ay nainip kaya tula ang naisip
At sa aking pag-isip muli kong nasilip
Nakaraang malungkot pilit na nililimot.

Umpisa pa lang, mala-EMO na. Anakng... drama ko pala dati. Buti hindi na ako ganyan ngayon.

Ako'y nahalina sa dilag na maganda
Na sa unang pagkikita minahal ko na siya
Upang makasigurado sa tibok ng aking puso
Balak na pagsuyo akin munang inihinto.

Totoo naman. Madali ako nahulog sa bitag ng babaeng 'yun para mahulog sa puso niya. Syete!

Habang naghihintay sa pag-ibig kong pakay
Lalaking mahusay sa kanya'y sumusubaybay
Sa akin ay may naglinaw ito raw ay nanliligaw
Pagkatao'y nakakubli sa pangalan ng bayani.

May mga alyas-alyas pa kung manligaw. Kaya lalo akong nagkaproblema eh. "Superman" pa ginamit na pangalan sa pakikipagteks ayaw naman umamin na siya. Ako pa ang pinapaamin nung babae na ako 'yun, langya, kahit gusto kong sabihing ako, eh sa hindi talaga ako eh!

At hindi nagtagal nanligaw siya ng marangal
Dilag na minahal ko sa kanya'y nagkagusto
Ang masakit pa nito narinig ko mismo
Balak kung kailan pag-ibig nito ay tulutan.

Awts! Naranasan ninyo na ba 'yun? Ang masama pa niyan, sa araw pa ng bertdey ko. Akala ko ayos na nung dumating siya sa parti, sinabi niya kasi na hindi siya pupunta tapos sinorpresa ako. Tapos nung matatapos na ang kasiyahan, maririnig ko sa usapan nila na sasagutin na daw si "Superman." Ayos ka din ah. Tinayming mo pa. Ahaha.

Ako'y umalis na ibig kong mamahinga
Upang makalimutan sakit na nararamdaman
Ngunit nang ako'y pumikit hindi ko napilit
Luha at lungkot na sa akin ay nagdulot.

Oo! 'Yun na nga. Umiyak na ako kung umiyak. Tao din lang ako. Ako'y may damdaming marunong masaktan. Tulad mo rin ako, puso'y nasusugatan. Ayan, napapakanta tuloy ako. Neks!

Tatlong buwang naghintay sila'y naghiwalay
Sa kanilang pag-aaway maraming nadamay
Ako'y naguluhan sa aking naramdaman
Ikatuwa ang nalaman o dapat kasuklaman.

Ehem. Sabi ko na nga ba eh, hindi sila magtatagal. Sulit ang ibinayad ko dun sa mangkukulam para magkahiwalay sila. Hindi si PaperDoll ang nangkulam sa kanila, hindi pa kasi kami magkakilala dati eh.

Muling nasilayan kanyang kalayaan
Sa aki'y nangahulugan na siya ay ligawan
Diyos na makapangyarihan ibig kong malaman
Siya ba ang tunay na aking hinihintay?

Nung panahong 'yun ako natutong magdasal. Akala ko naman pakikinggan Niya ako sa mga dalangin ko, pero ayos lang. Buhay pa naman ako hanggang ngayon, pasalamat na rin.

Ngunit subalit kaibigang malapit
Biglang lumapit at sa aki'y sinambit
Kung kayang tanggapin kanyang sasabihin
Kanilang damdamin balak pag-isahin.

Hahaha. Kung sino pa 'yung taong nagtulak sa akin para sa babaeng 'yun, siya pa pala ang... hindi ko naman pwedeng tawaging traydor o ahas, kaibigan ko kasi eh. Hehehe.

Ipinaliwanag sa akin kapwa nila damdamin
Hirap nilang dalhin pag-ibig na suliranin
Bigla akong natahimik halos hindi makaimik
Sa puso'y sumiksik sakit na nanumbalik.

Langya. Sa parteng ito dumugo ang kamao ko. Eh suntukin ko daw siya sa mukha? Ganun? Ano'ng ginawa ko? Edi sinuntok ko, 'yung haloblaks sa malapit sa'min, kasalukuyan kasing may ginagawa dun sa iskul na yun eh. Ewan, hindi ko siya magawang suntukin, mas malaki kasi siya sa'kin. Baka biglang lumaban, mahirap na.

Umuwing nagdurusa lungkot ang nadarama
Humiga sa kama ipinikit ang mga mata
Sa nadamang sakit lubos ang pagkagalit
Ngunit paano at bakit pasasalamat ang pumalit?

Hmm... Wala akong masasabi dito. Hindi ko alam kung tanga ako o mabait ba talaga ako o wala lang, tinatamad lang akong magreak.

Lumipas ang mga araw sa akin ay naglinaw
Sila ay hayaan sa kanilang pagmamahalan
Pag-ibig kong tapat sa iba nararapat
Siya'y kusang darating kaya di dapat hanapin.

Lagi ko lang naririnig ito sa kabarkada naming babae, "'Wag mong hanapin ang babaeng para sa'yo, darating talaga 'yung para sa'yo." Parang ganun lang kadali, eh parang siya naman eh halos mainip na din sa kahihintay ng kanyang prinstsarming. Hahaha.

Aking inihinto tulang buong puso
Pag-ibig kong kwento sa akin ay ituro
Hanggang ngayo'y pinag-iisipan mangyayaring kaganapan
Akin lang kailangan pagdamay ng kaibigan.

May kasunod pa ito, kaso hindi na ako ang bida. Umalis na ako sa eksena, hanggang dun lang kasi ang binayad sa'kin nung direktor. 'Yung babae naman sa nasabing tulakwento, wala siyang nakatuluyang kasama sa kwento at dun sa "Part 2", nasa maayos na siyang kalagayan sa piling ng kanyang pamilya. At maayos din naman kaming dalawa, para na kaming magkapatid ngayon.

**Nagdadalawang-isip ako na isulat ito, nahikayat lang ng kapatid natin sa inumang si Loraine. At para naman kay Yummy, ito lang ang masasabi ko: "Sorry... Kagebunshin no jutsu!" Maraming sori.

... ......

Basahin ang kabuuan nito...

Patalastas Ulit

4 na lasing
Mabilis lang ito. Pasalamatan ko lang ang ating kaibigang mangkukulam na G.R.O. Si Manikang Papel. Bakit mangkukulam na G.R.O.? Bisitahin ninyo na lang ang blag niya at kayo na ang tumuklas. Nagmamadali kasi ako eh.

Salamat kay Manilang Papel sa iginawad niyang award para sa akin. (Award na naman? Tsk tsk tsk!). Ito 'yung nakuha ko mula sa kanya. Isang prensyip award:


Kaya sa mga prensyip ko dyan na mga syip-syip, ipasa ko awardan ko din kayo. Ganun daw eh, pasa-pasa ng karangalang natatanggap. Kaya heto na, iginagawad ko ang award na ito kina:


Sige na, kunin ninyo na agad at baka magbago pa isip ko. Alis muna ako, nagmamadali talaga. Salamat
... ......

Basahin ang kabuuan nito...

Oct 27, 2008

Inumang Iced Tea

23 na lasing
Kahapon, tineks ako ng isa kong kabarkada ko. Importanteng mahalaga lang daw, punta daw kami sa bahay nung isa naming kabarkada. Kahit tamad na tamad akong lumabas ng bahay, napilitan akong pumunta dun. Pagdating ko sa bahay ng kaibigan namin, huwaw!, may mga bote na alak.


May okasyon? Hindi ko pa alam. Andun na 'yung nagteks sa'kin at ang tanong, "Alam mo na?" Malay ko. Basta ang alam ko, pinapunta nila ako dun. Sumagot na lang siya ng "Si Pareng Dyowel." Sa pagkakasabi niyang 'yun, medyo parang naunawaan ko na kung ano ang nangyayari. Sabay tagay sa'kin ng baso ng alak.

Pagkalagok ko, inilapag ko ang baso. Natigilan ako sandali. "Ang pait naman niyan?" Nung nakita ko 'yung bote, hindi pala 'yung paborito kong pulang kabayo. Colt kwarenta y singko! Nakow! Bihira lang ako uminon nun. Unang-una, hindi ko gusto 'yung amoy. Tapos hindi ko din gusto 'yung lasa. Buti na lang iisang bote na lang 'yun, naubos na nila 'yung iba.

Ilang sandali lang, dumating na 'yung kabarkada namin na sadyang dahilan kung bakit kami nagpunta dun. Niyaya na lang kami sa loob ng bahay nila para daw doon ituloy ang usapan at inuman. Nung nasa loob na kami, lumabas naman siya para bumili ng makakain at maiinom. Pagbalik, may dalang tinapay at aysti. Akala ko gagawin nilang tyeyser, 'yun pala ang iinumin namin. Whew!

Bakit nga ba kami pinapunta dun? Ang walanghiya. Ikakasal na pala. Nung isang linggo pa daw napagplanuhan, naipamulong na din. Eh magkakasama kami nung panahong 'yun, hindi man lang sinabi. Tapos sasabihin sa amin na "Tol, kayo na bahala magsabi sa barkada ha? Kulang na kasi ako sa oras eh." Nasabi ko na lang...

"Tange ka pala eh, hindi mo agad sinabi sa amin nung isang linggo, tapos sasabihin mong kulang ka na sa oras? Bahala ka magsabi sa kanila!" Pero biro lang 'yun. Hehehe. Sinabi ko lang 'yun pero siyempre ipangangalandakan ko sa mga kaibigan namin na magpapasakal magpapakasal na siya.

Ang bilis ng panahon, parang kahapon lang ganito kami, tapos ngayon ganito na. Biglaan talaga ang mga pangyayari, kabibili lang kanina ng meryenda, heto't ubos na agad. Hindi man lang tinamaan ng konting pagkahilo sa ininom namin. Kaya nagpasya na lang kaming umuwi. Pare-pareho pang maraming dapat gawin.

... ......

Basahin ang kabuuan nito...

Oct 26, 2008

Anader Award

17 na lasing
Patalastas: Nakatanggap na naman ako ng panibagong award. Mula sa mahal kong ate, Ate Mahalai este Mahalia pala. Ang ganda nung award, may baterplay.


Ang sarap talaga ng pakiramdam kung mabiyayaan ka ng award. Ipapa-preym ko ito at isasabit sa kisame. Sa dingding na lang pala para mas maganda. Kaya kailangang ibahagi ko din ang aking natamasang kasiyahan sa mga kainuman ko dito sa blag na ito.

Sambutin ninyo ang award na ito, ihahagis ko na para kina:

Edelweiza
JoshMarie ng Kopi Breyk
Ate Kengkay ng Kwentong Kengkay
Paperdoll na mahilig sa Manikang Papel
AnnaMonique ng GummyBaby


at sa bagong kainuman nating rakista:

Yummy at Loraine
......

Basahin ang kabuuan nito...

Oct 25, 2008

Shot and Chat!

12 na lasing
Whew! Malayo na naman ang aking kamalayan. Wala na namang maisip, pero hindi na ako nagtatae ha? Ganito ba talaga ang tumatanda? Bumabagal ang pagtakbo ng isip? Nag-rolbak na naman ang gasolina, makabili nga. Nang bumilis-bilis naman ang pagtakbo ng utak ko.

Gusto kong magsulat kanina, pero wala talaga ako maisip. Kaya namasyal na lang ako sa mga blag at 'dun na lang ako nakisawsaw sa mga usapan nila. Napadaan ako sa blag ni Yummy, natuwa naman ako sa mga pinagsusulat niya. Kasi tagalog, kung ingles 'yun, problema na naman. Dadalawang piraso na lang ang tisyu sa harapan ko. Kukulangin kung duguin ang ilong ko.

Napansin kong may nakapaskil na numero ng selpon at ilang mga I.D. sa way-em. Kinuha ko ang numero at tineks. Wala nga kasi akong magawa eh kaya napagtripan ko na lang mag-teks. Pagpasok ko ulit sa dito blag ko, may nag-iwan ng mensahe sa Shot Box ko.

"sorry di po ako nakapagreply hehe umandar kasi topak ko di ako nagload ng cellphone ko hehehe, at ngayon ko lang siya na-charge hehehe sorry po talaga."

Siya pala 'yung tineks ko. Hehehe. Onlayn naman siya kaya inad ko na lang sa way-em ko. Nabasa ko sa status message n'ya. Inlab daw yata siya? Wenk. 'Yun pala, inlab sa kanta. Isa sa kanta ng Apoy ni Reka. Alam nyo 'yun? Kartun 'yun. Kung hindi nyo alam, wala akong magagawa.

Tagal 'din naming nag-usap. Kung anu-anong tapik. Bigla na lang napadpad sa usapang hiwalayan. Nyeh!? Kala ko inlab tapos breyk-aps ang pag-uusapan? Tapos parang sobrang galit na galit si Yummy dun sa eks niya. Hindi ko na pinatagal ang ganung usapan, kasi... naaapektuhan na ako. May naaalala kasi ako. LOL.

Ilang sandali pa, may nag pi-em sa'kin. Galing sa Y! Messenger Pingbox ko. Abah! May silbi din pala itong pingbaks na ito ah. Kapag nag-iwan sila ng mensahe sa pingbaks na 'yun, mababasa ko naman sa way-em ko. Nakilala ko tuloy itong si Loraine. Ipinasa niya sa'kin 'yung blag niya. Tapos, ipinakita ko naman kay Yummy na kausap ko pa rin sa way-em. Napansin ko kasi na pareho sila ng domeyn. Rakista 'yung domeyn.

Magkaibigan pala itong dalawang ito. Galing naman. Lumalaki at lumiliit ang mundo ng blogosperyo. Lumalaki dahil dumadami ng dumadami ang mga blagers at lumiliit dahil halos lahat ay nagkakakila-kilala dahil din sa pagbablag.

Sabi ko na sa inyo eh, wala akong maisulat. Hayan, maikli lang ngayon para sa araw na ito. Hehehe. Saka na lang ulit ako magsusulat ng mala-nobelang istorya.

Sa mga gusto ako makausap sa way-em, ilagay ko na ang way-em ay-di ko dito. [vhonne12]. Pero tangina, walang murahan ha!? Peace!

... ......

Basahin ang kabuuan nito...

Oct 23, 2008

Love Story ba ito? Parang hindi!

21 na lasing
Hmm. Subukan kong ilathala ang aking labstori. Tinanong ko kasi ang ating mga kaibigan dito sa mundo ng sayber kung ayos lang kaya kung ikwento ko ang aking buhay-pag-ibig. At magaganda naman ang mga pidbak galing sa kanila, kaya subukan ko na din. Pero saan ko nga ba dapat simulan? Pwede siguro kung sa pers gerpren ang una kong ikukwento. Teka muna. Sino nga ang pers gerpren ko? Tangina, hindi ko alam! Nung hayskul kasi, persyir, hindi ko masasabi kung naging gerpren ko nga o hindi. Napakabata ko pa kasi noon kaya hindi ko mamalayan kung ano'ng mga dapat gawin.

May naalala na ako. Medyo siya ang pinakamalapit na masasabi kong gerpren kahit hindi ko pa rin sigurado. Kung naguguluhan kayo, hindi ako magtataka dahil 'yun din ang nararamdaman ko. Gulung-gulo. Kaya umpisahan ko na ang kwento.


May bespren akong babae. Aminado siya na gusto niya ako. Ako naman kahit alam ko sa sarili ko na gusto ko rin siya, kaso, ayokong isipin ng iba na kaya lang ako magtatapat dahil nagte-take-advantage ako. Itago na lang natin siya sa pangalang "Sailormoon" dahil mahilig siya sa kartun na 'yun. Pero teka, hindi siya ang leading lady sa kwento ko.

JS Prom namin nung hayskul. Magkaaway kami ni Sailormoon. Kaya wala akong balak na isayaw siya. Nagmukmok lang ako sa isang sulok kasama ang ilang kabarkadang lalaki. Ilang minuto, lumapit sa akin ang isa kong kaklase. Isa sa magandang babae sa klase namin.

Matangkad siya, seksi, mabait pa, kaso maikli ang buhok niya. Kaya hindi din siya ang leading lady sa istorya ko. Isa kasi sa kraytirya por dyadying para sa akin ang mahabang buhok. Siya si Bernadette, tawagin na lang natin siyang Badong! Nung nagsasayaw na kami, napansin kong matangkad nga talaga siya. 'Yung mata ko ay nakatutok sa ilong niya. Kaya pinatitingkayad ko na lang ang mga paa ko ng konti para medyo pumantay ako sa kanya.

Dalawang kanta ang natapos habang kami pa rin ang magkasayaw nang biglang sabihin niya sa'kin, "'Yun oh si Sailormoon. Bakit ayaw mo isayaw?" Hindi na ako nagsalita at binitawan siya. Dumiretso ako para maupo na lang.

Sa hindi kalayuan, may napansin akong isang babae na halos butasin na ang silya sa tagal ng pagkakaupo. Nilapitan ko siya at tinanong...

"Miss? Gusto mong sumayaw?"

Tumayo siya at nakangiting sumagot ng "Oo, gusto ko nga sumayaw eh."

Pero teka lang, hindi pa rin siya ang leading lady. Malapit niyo na makilala, kaya 'wag kayo mainip.

Pagkasagot niya sa'kin ng ganun, sinabi ko na lang na "Sige, punta ka sa gitna at magsayaw ka. Ako muna uupo dito ha?" sabay upo sa silya niya. Ang sama ng tingin sa'kin nung babae at lumipat na lang sa mga kasamahan niya na nakatambay.

Habang nakaupo ako, kinuha ko 'yung isa pang silya at dun ko ipinatong ang mga paa ko. Na parang nakahiga. Ilang sandali lang, may tatlong babaeng papalapit. Narinig ko 'yung sinabi nung isa sa isa nilang kasama. "Pahinga ka muna, sayaw muna ulit kami."

Dahil sa likas akong matulungin, pinagpagan ko 'yung silyang pinagpapatungan ng mga paa ko at inialok ko sa babae. Napansin ko na medyo maganda siya. Kung iniisip niyo na baka hindi pa rin siya ang leading lady ko, nagkakamali kayo. Siya na nga!

Mga sampung minuto ang nakalipas, bigla na lang akong tumayo mula sa kinauupuan ko. Tumapat ako sa kanya at inilahad ang kamay ko sabay sabing "Pwede?" Hindi siya sumagot pero kinuha niya kamay ko ng nakangiti at dumiretso na nga kami sa dansplor.

May kaliitan pala ang babaeng ito. Ang nakakangawit hawakan ang balakang niya sa sobrang kababaan. Pero ang nipis ng gown niya. Halos nahahawakan ko ang kaselanan balat niya. Nakapatong ang dalawa niyang kamay sa balikat ko. Maya-maya, nagsalita siya. "Tangkad mo pala, nangangawit kamay ko." Bigla na lang pinagkonekta niya ang dalawang kamay niya sa likod ng leeg ko. Para daw hindi siya mangawit. Ganun na din ginawa ko, halos niyakap ko na siya nun.

Pero wala talaga. Nakakangawit talaga. Kaya nagpasya na lang kami na umupo. Pagkahatid ko sa upuan niya. Umalis na ako at pumunta sa mga kabarkada ko.

Matapos ang kasiyahang 'yun, balik sa eskwela. May natanggap akong hindi ko alam kung ano'ng tawag dun. Sampung pahina ng kuponband. Sa unang pahina, ang nakasulat sa itaas... "Bon Carlo"

Tangina! Ako lang ang nagsusulat ng ganyang spelling sa pangalan ko. Bawas puntos para sa kanya. Sa ibaba ng pahina na 'yun, napansin kong nakasulat... "From: " teka, hindi ko na babanggitin mga pangalan. Dalawa kasing pangalan ng babae ang nakasulat dun at hindi ko na maalala pa ngayon 'yung isa. At may kasama pang yir! Portyir sila. Nasa terdyir pa lang ako nung panahong 'yun.

Nasabi ko na lang, "Bakit hindi pa sinamahan ng folder para pwede na ipasa sa titser? Project ga ito?" Inisa-isa ko ang bawat pahina. Wow! Todo-effort ah. May mga kung anu-anong larawan sa kada pahina. Mga larawan ng mga nature-nature at kung anu-ano pa. At ang ipinansulat, kolorpen. May mga quotes, tula at kung anu-ano pang mababasa sa ibaba ng bawat larawan. Inisa-isa kong basahin. Klik n'yo dito kung gusto nio mabasa kung ano ung nasa unahan.

Naiyak ako habang binabasa. Oo, nakakaiyak talaga. Hindi ko maisip kung paano siya nakarating ng portyir na ganun ang klase ng ingles at gramar niya. Pero dahil sa mukhang pinaghirapan niya ang paggawa nun, binalewala ko muna 'yung tungkol sa ingles niya. Pero hindi ko naman sila kilala kaya hindi man lang ako nakapagpasalamat.

Kinabukasan, may nag-abot sa akin ng isang wamport na papel. Nung kinuha ko, may nakasulat dun at binasa ko. Sa itaas "Von Carlo" Syete! Inulit pa ang ganung klase ng pangalan ko pero tama 'yung ispeling. Hindi na "B" 'yung "V" ko. Ang nilalaman ng sulat... "Ako nga pala si Mimi." ganda ng name ah, parang pusa lang. Pumunit ako ng isang piraso ng papel sa aking kwaderno at sumulat ng...

"Thank You!" tapos sa baba, nakasulat ang pangalan ko... "VHONNE"

Nilakihan ko pa para mapansin niya na ganun ang pangalan ko at ibinigay ko sa taong nag-abot sa'kin nung wamport na sulat na iyon. Kinabukasan ulit, may nabasa na naman akong sulat mula sa kanya. "Vhon" Ayos! Malapit na tumama ang ispeling. "Salamat at nag-response ka sa sulat ko." Napatingin ako sa labas at nakita kong may kumakaway sa'kin na babae.

Hindi pa naman nagsisimula ang klase kaya nilapitan ko na siya. "Ako nga pala si Mimi, 'yung nakasayaw mo nung isang araw." Ah! Siya pala 'yun. Maganda siya kaso nga lang parang nabaksakan ng langka ang mukha niya kasi ang daming butas. Hindi ko napansin nung kasayaw ko siya kasi madilim masyado. Pero 'yun lang ang napansin ko. Maganda naman siya.

Ang haba ng usapan namin. Mga sampung segundo. Sinabi ko na lang sa kanya na magsisimula na ang klase ko at sumagot naman siya na uuwi na siya. Pang-umaga kasi siya noon at panghapon ako. Pagtalikod niya, tinanong ko siya "Gusto mo ihatid kita?" biglang sagot niya sa'kin ng "Sige ba!" Anakng... Iniisip ko na tatanggi siya magpahatid. Gusto pala niya, ayoko naman. Nasabi ko na lang "Sa susunod na lang, may klase pa kami eh."

Ilang linggo ang nakalipas, laging ganun ang nangyayari. Usapan ng konti at madalas pa rin ako makakuha ng sulat mula sa kanya. Gumawa din siya ng tula, na para daw sa'kin. At perstaym daw niya magsulat ng tula. Ako naman, sinungaling naman ako noong araw. Sabi ko na ang galing pala niyang gumawa ng tula. Pero! Deeyusskoo! Hindi na halatang tula, nagkaproblema pa sa ingles at ispeling. At kung babasahin mo, ang hirap intindihin. Subukan ko din kunan ng larawan at ipakita sa inyo, at kayo na ang humusga. Lol.

Hindi nagtagal, nagkamabutihan na. Lagi kami magkasama. Inihahatid ko na din siya sa kanila. Oo, sa kanila. Sa kanilang baranggay. Ayoko tumuloy sa bahay nila, natatakot kasi ako sa ate niya dati. Nagkasabihan na din kami ng mga matatamis na salita. Salitang matamis sa pagitan ng dalawang nagmamahalan.

Nang bigla na lang itanong nung kaibigan niya, na isa sa nag-eport na gumawa nung espesyal na sulat daw, habang naglalakad kaming tatlo kung kailan daw niya ako sinagot. At sinabing "Hindi ko pa siya boypren, hindi pa naman nanliligaw eh. Pero sasagutin ko naman agad kung sakali."

Tanginang babaeng ito, pagkakaarte. Dami nang nangyari, hindi pa raw nanliligaw? Eh halos siya nga ang nanligaw sa'kin, tapos ang gusto niya siya naman ang ligawan ko? Oo alam ko na gusto ng babae ang nililigawan, pero siya naman mismo ang nagbuka ng pekpek ayaw magpakipot at halos gawin na ang lahat para mapansin ko. Pero pinabayaan ko na lang.

Nung mangyari 'yun, medyo nangingilag na ako at parang tinatamad 'pag kasama siya. Pero sinasamahan ko pa rin. Siya 'yung laging magpapatawag o tatawag sa'kin para lang samahan siya. Hindi ko na tinatanggihan baka kung ano pang sabihin. Hehehe.

At alam kong pagod na din kayo sa kababasa (Nahalata ko?). Kaya malapit na ang gradweysiyon nila. Nagpapraktis na sila mag-martsa. Kinausap niya ako. Punta daw ako sa gradweysiyon nila. Syempre naman pupunta ako dun. Gradweysiyon din ng kapatid ko 'yun eh. Nung dumating ang araw na iyon, nagkita muna kami. Kinausap niya ako.

"Sama ka sa akin, pakilala kita sa Ate ko saka sa magulang ko."

Kinabahan ako. Iba ang naiisip ko. Nagpaalam na lang ako, sinabi kong uuwi muna ako dahil may kukunin ako. Pero hindi na ako bumalik. Naisip ko kasi, kung sabit na ang pamilya niya, seryosohan na ito. Dami ko naisip kaya hindi na lang ako nagpakita.

Makalipas ang ilang taon, nagkasalubong kami sa palengke. Nag-iisa siya. Ako naman ay kasamako ang kabarkada kong babae. Nung halos malapit na siya at nakatingin sa'kin, bigla ko na lang inakbayan ang kabarkada kong babae. Hindi siya makatingin sa'kin ng diretso hanggang makalampas na kami sa isa't isa.

Bigla na lang nagsalita ang kabarkada ko. "Oh? Bakit bigla naman yatang naging sweet ka sa'kin ngayon?"

Sinabi ko na lang na "Bakit? Ayaw mo ga? Edi wag!" Sabay tanggal ng braso ko sa balikat niya.

Makalipas ang ilang araw, may kumausap sa'kin. "Kunin na daw ni Mimi 'yung mga piktyur niya na binigay sa'yo." Ano? Ibibigay tapos kukunin? Ako na may-ari nun mula ng ibigay niya, kaya ako ang magdedesisyon kung ibabalik ko 'yun o hindi. Kung iniabot niya sa'kin 'yun at sinabing pinahihiram niya, isosoli ko.

Ang sama ng ugali ko noh? Wala akong magagawa. Ganun ako mag-isip dati eh. Pero hindi na ngayon. Matinong tao na ako ngayon. Totoo. Pramis!

... ......

Basahin ang kabuuan nito...

Oct 22, 2008

"Especial Surprice" Letter

14 na lasing
Minsan naka-inuman ko sa way-em itong kaibigan nating si Jojitah. Ate Jojitah na pala, kasi aminado na siyang matanda na siya. Nabanggit ko sa kanya na hindi ako magsusulat ng mga labistori ko dito sa blag na ito. Sinabi din sa akin ni Mamiyeng na subukan ko din daw. Aminado na din yang si Mamiyeng na matanda na siya. Puro na lang gurang ang nakakausap ko. Whew!

Ang ginawa ko naman, naghalukay ako ng baul ko, nagbabaka-sakaling may mahagilap na kwentong pwedeng isingit dito. At heto nga ang nakita ko. Isang sulat. Hmm. Hindi siya normal na sulat lang. Pitong pahina ng kuponban na may isteypol sa dalawang sulok sa taas at isa sa gitnang taas. Kulang na lang eh samahan ng polder para pwede nang ipasa sa titser, dahil mukha ng proyekto sa iskul.

'Yung kauna-unahang pahina, ay isang liham. Makikita niyo ang larawan kung ano ang nakasulat.

Kung hindi niyo naman mabasa dahil may edad ka na, malabo na mga mata mo, klik mo na lang 'yung larawan para lumaki. Kung hindi niyo pa rin mabasa ang nakasulat sa larawan, magpatingin ka na sa mental ospital espesyalista sa mata.

Mangiyak-ngiyak ako habang binabasa ko 'yan. Napaluha ako sa sulat niya dahil sa ingles niya at sa ilang ispeling. Bakit hindi na lang siya nagtagalog para mas madali ko naintindihan. At 'yung pangalan ko! Ako lang ang sumusulat ng tunay na pangalan ko dahil ayaw ko ikalat. Masyado akong nababaduyan sa pangalan ko, tapos ginawa pang "B" 'yung "V" ko! 'Yung ibang pahina naman at naglalaman ng mga kotabol kowts at iba't ibang kalandian, kadramahan, kaartehan, kakornihan, kasabihan na may kasama pang mga larawan ng kung anu-anong hindi ko maintindihan.

Talagang todo-eport sa paggawa dahil kolorpen pa mismo ang ginamit na panulat sa anim na pahina. Sa unang pahina lang siya gumamit ng bolpen. Hindi ko pa siya kilala nung alayan niya ako ng ganyang klaseng sulat. Marami pang sumunod na talagang nagpasakit ng ulo ko.

Balak ko isulat ang kwento niya-slash-namin nung panahong hindi pa uso ang teks kaya sa sulat na lang dinadaan. Pinag-iisipan ko lang kung kaya ko bang magsulat ng tungkol sa labistori ko.

Kung sa tingin niyo eh hindi kayo makatingin, at kung sa palagay niyo eh hindi kayo mapalagay, tulungan niyo na lang akong magdesisyon. Kung ikakalat ko ang aking mala-Maalaala Mo Kaya labistori.

... ......

Basahin ang kabuuan nito...

Oct 21, 2008

MagTae ay 'di Biro, Maghapong Nakaupo

4 na lasing
Hindi ako makapag-isip ng maayos ngayon. Teka, kelan ga naman ako nag-isip ng ayos? Ibig kong sabihin, wala akong maisip ngayon kung ano'ng gagawin ko. Blangko ang utak ko ngayon. Kaya ganito ang sinusulat ko ngayon. Wala talaga akong aydiya.


Meron pa rin akong ubo at sipon hanggang ngayon. Lahat ng mga kakilala kong blager din eh may mga ganitong sakit din. Naisip ko tuloy, kahit wala ako maisip, na nakakahawa din pala ang ubo't sipon sa internet. 'Yung ibang blag na nadalaw ko, may mga sipon, nagkaroon na din ako bigla. 'Yun namang ibang dumalaw sa blag ko, nagkaroon na din daw. Langyang virus ito, hindi kayang alisin ng AVG o Kaspersky.

At hindi lang 'yun ang sakit ko. May mas malala pa. Nagtatae ako. May naganap na naman kasing inuman kagabi. Kaarawan ng isa sa katrabaho namin nung isang araw, pero kahapon lang sinelebrayt. Redhorse na naman. Sa tuwing iinom ako ng alak na 'yan, pasalamat na lang ako dahil puro sa tiyan ko napupunta at hindi sa ulo. Natural! Kung iinom ako na nakatiwarik, malamang sa ulo ko pumasok ang alak.

Kaso kapag tapos na ang inuman, hindi hang-over sa ulo ang problema ko. 'Yung tiyan ko! Kakalabas mo pa lang sa banyo, mapapatakbo ka na naman pabalik sa loob. Kaya siguro wala akong masyadong maisip, naitae ko na din yata 'yung ibang utak ko.

Saglit lang po. Banyo muna ulit.

... ......

Basahin ang kabuuan nito...

Oct 20, 2008

May AWARD na ako!

12 na lasing
Isingit ko lang ito. Mabilis lang ito. Wala pang isang araw na babasahin, kaya pagtiisan niyo na

Gusto ko pong magpasalamat dahil nakatanggap ako ng award. Hindi ako makapaniwala at ayoko pa ring maniwala. Dahil may mga ganito palang pakulo sa mundo ng sayber.


Ang award na ito ay nagmula sa isang kainuman nating na si Buraot. Na kilalang-kilala din bilang magbabarik. Madami daw magogoyo sa award na ito, kaya heto, subukan ko na din. Kaya bibigyan ko na din ng award ang iba pa nating kainuman.



Ayan na! May award na din kayo. Sa inyo ko na ipapasa ang responsibilidad. ......

Basahin ang kabuuan nito...

Oct 19, 2008

Patay!

4 na lasing
Sa kalagitnaan ng gabi, isang malakas na ingay ang narinig ko sa labas. May dalawang lalaki ang nag-aaway. At may mga babaeng nagsisigawan. Sinubukan kong lumabas para malaman kung ano'ng nangyayari. Tangina! May pasa na pareho ang dalawang lalaki, habang may mga humahawak sa kanila para pigilan.


Parehong nagpupumiglas at gigil na gigil. Dinuduro ang isa't isa. May umiiyak sa dulo. Mga bata. Maya-maya, umikot patalikod 'yung isa at tuluyang binitawan ng naghahawak. Walang sali-salitang umalis 'yung isang lalaki papalayo. At inakala ng lahat na tapos na ang gulo.

Ilang minuto pa habang inuusisa ng iba ang naiwang kaaway, biglang bumalik itong isa na halos mas mukhang gigil na gigil kesa nung kanina. Halos namumula na ang mata. May hawak na gulok. Hindi na napigilan ng iba ang biglang pagtakbo nito patungo sa lalaking nakaupo na kanina'y kaaway niya.

Anakngpitumputpitonglasing! Tinaga! Sobrang gigil na gigil na parang kumakatay ng baboy. Sigawan ang maririnig mo. Lasing na lasing ang lalaking may hawak ng gulok at parang hindi na nakakakilala. Kinabahan na ako ng husto. Tumingin sa akin at papalapit. Tangina! Kinabahan na talaga ako. Nang biglang may narinig akong maingay na tunog. Hindi naman sirena ng pulis.

Whew! Patay! Patay na naman ako nito. Leyt na ako sa pagpasok. Alarm pala ng selpon ko ang tumutunog. Hindi pa nga siguro ako sanay sa bagong iskedyul kaya kung anu-ano napapanaginipan ko. Hindi nga ako namatay sa panaginip ko, patay naman ako sa pagpasok ko.

... ......

Basahin ang kabuuan nito...

Happy Birthday... INAY!

0 na lasing
Batiin ko lang ang Inay ko dahil ngayong araw na ito ang Araw ng Kanyang Kapanganakan. Buti pa Siya, kahit ilang beses pa Siya mag-bertdey, hindi siya tumatanda. Hindi na nadadagdagan edad niya.

......

Basahin ang kabuuan nito...

Oct 18, 2008

Paglaki ko, Gusto Kong Maging...

6 na lasing
Nakalaro ko 'yung pamangkin kong bata, anak ng pinsan ko. Oo! Naglalaro pa ako hanggang ngayon dahil bata pa rin naman ako. (Ano daw?) Tapos tinanong ko siya ng...

"Ano'ng gusto mo paglaki?"

Hindi pa nasasagot ng pamangkin ko 'yung tanong nang biglang bumalik sa'kin 'yung tanong na 'yun. Hmm. Madalas din iyang itanong sa'min mapabahay man o iskul. Ano nga ba ang mga sinasagot ko? At natupad ba ang mga pangarap ko sa paglaki ko?


Madami akong mga pangarap nung nabubuhay pa ako, este nung bata pa ako. Matagal na panahon na 'yun, kahapon lang. Hindi lang iisa ang gusto kong matupad sa sarili ko. Gusto kong maging Painter. Gusto kong maging Writer/Editor. Gusto kong maging Cartoonist. Gusto kong maging Song Composer. Saglit lang po, sakit ng tiyan ko. Gusto kong tumae.

Whew! Ayos, nakaraos din. Balik sa kwento. Tumuntong ako sa hayskul na dala-dala pa rin ang mga minimithi kong 'yan. At madami din ang nakakapansin sa'kin na posible kong maabot ang maalin sa mga 'yun. At nung panahong 'yun, wala akong kahilig-hilig pero kasumpa-sumpa para sa akin ang kompyuter. Dumating ang pagkakataon para lisanin ang paaralan ng sekondarya, dito ako nagkaproblema.

Kung ang kukuning kung kurso sa kolehiyo eh may kinalaman sa isa man lang sa mga pangarap ko, mas mapapadali sana ang pag-abot ko dito. Pero wala akong magagawa, kinapos eh. Kinulang 'yung delihensiya namin dun sa may kanto. Walang pera 'yung mga naholdap namin kaya hindi ko pwedeng makuha 'yung mga kursong gusto ko. Ang MAHAL naman ng pangarap ko.

Batselor op Sayans in Kompyuter Sayans, wala diyan si Gokou at Vegeta kaya huwag niyo hahanapin sa'kin. 'Yan ang kinukuha kong kurso sa kolehiyo pero hindi ako nakapasa. Saka ko na lang ikukwento kung bakit ako bumagsak. Kaya sa dalawang taong kurso lang ang kinuha ko na kompyuter din. Naisip ko na mas okey na 'yun. Pagtyagaan ko na lang ang dalawang taong pagpipilit na magustuhan ang kursong 'yun. Kung ano pa 'yung ayaw ko, 'yun pa ang napasaakin.

Hindi nagtagal, napansin ko na lang na halos lahat pala ng gusto ko eh maaari kong matagpuan sa loob ng kompyuter. Pagbebenta ko lahat ng parte ng sistem yunit at gagamitin ko ang napagbentahan para makapag-aral ako sa kung ano'ng kursong gusto ko. Hindi! Ang ibig kong sabihin, maaari kong gawin sa kompyuter ang halos lahat ng kinahihiligan ko.

Tulad ng pagiging Painter at Cartoonist, ang daming Grapiks Sopweyr na pwedeng gamitin. 'Yung pagiging Writer naman, pwede ko naman idaan dito sa pagbablag ko. Hindi nga ako nakakapagkompos ng kanta dahil hindi ako marunong tumugtog, nakakabuo naman ako ng tula.

Naisip ko na lang na pwede ko pala matupad ang mga pangarap ko sa ibang paraan. Ano ba 'yan, bigla ko naalala 'yung sinabi ni Bugay-Bugey-Bugiy-Bugoy-Buguy sa telebisyon nung manalo siya sa Pi-Di-Ey. "Mangarap tayo! Kahit simpleng tao pwedeng mangarap!" Pero hindi naman ganun ang drama ko. 'Yung sa'kin, hindi man ako naging propesyunal para sa mga pangarap kong 'yun, masasabi kong natupad ko ang mga 'yun dahil nag-eendyoy ako habang ginagawa ko at gagawin pa ang mga bagay na 'yun.

Hindi kailangan ng matinding pag-aaral para lang matupad ang pangarap mo. Maraming paraan para maabot mo ito. Seryoso na ako niyan.

... ......

Basahin ang kabuuan nito...

Oct 17, 2008

Daming Nangyari

4 na lasing
Whew! Bakit kung kelan ako nandito sa bahay para magpahinga, saka pa dumami ang gawain ko. Nung buksan ko ang way-em ko para kumustahin kung ano na ang nangyayari sa opisina, heto't dumagsa ang nag pi-em sa'kin. Kung anu-ano ang mga hinanaing na sa palagay ko eh ako din ang makakagawa ng solusyon. Sabi nga ni Doding Daga sa Bananas in Pajamas, "Isa yata akong daga!"


Hindi lang mga katrabaho ko na nasa loob ng opisina ang gumambala sa'kin. Pati mga katrabaho ko na wala sa opisina. Sa dami nang ginawa ko, hindi ko na namalayan na masakit pala ulo ko at sinisipon ako. Nawala lahat 'yun nung naging abala ako. Siguro hinahanap ng katawan at utak ko 'yung madaming ginagawa, hindi kasi ako sanay na nakatunganga lang sa isang sulok.

Pero hindi lang sa trabaho ang nagiging usapan namin. Meron pang isa na parang nagbebenta ng kalamansi sa palengke. "Murang-mura na! Bili na mga suki! Sariwang-sariwa pa!" Binebenta niya sa'kin telepono niya. Hindi naman ako mahilig sa selpon at sa katunayan, mahigit tatlong buwan nang hindi kumakain ng lowd ang aking nag-iisang telepono na "teN series." Pero dahil sa may katagalan na ang pangteks ko na iyon na halos kelangan pang diinan ang ilang buton para lang gumana, naisipan ko na ding palitan.

Ako: Magkano mo ga benta?
Ms. LocoRoco: Ikaw? Magkano ga kaya mo?
Ako: 1k
Ms. LocoRoco: 800 na lang, kaibigan naman kita eh.

Parang matino ang usapan noh? Parang nagbebenta lang ng pekeng em-pi-tri pleyer. Pero hindi humaba ang usapan, inabot lang ng isang oras ang tawadan. Natapos ang usapan na hindi ako nagsabing bibilhin ko. Hehehe. Bukas na lang kami mag-uusap. Mamaya pala.

'Yung sa akawnting departament naman namin, pini-em din ako, at ang sabi... "Von, hold ko daw muna payout mo. Wala akong magagawa, utos ni Sir."

Waaahh! Ano 'yun? Umabsent lang ako, hindi na ako papaswelduhin? Si Sir na lang daw ang kausapin ko tungkol dun. Nalaman ko ang dahilan dahil sa sinulat ko dito sa blag na ito. 'Yung pinamagatang "Sino'ng Bida Ngayon?." Napansin yata na siya 'yung tinutukoy kong Jyusa dun. Dinamdam yata. Hehehe.

Naulit din niya sa'kin na iba na ang magiging iskedyul ko sa pagpasok. Ayos lang sana 'yun, kaso may baklang ayaw magladlad dun na minsang nanabunot sa'king pagkatao. Na ang huling balita ko eh meron daw boylet-slash-fafa-slash-jowa na kinakalantari. Huwag na natin pag-usapan 'yun at baka sumikat pa.

Tinanong ko na lang si Sir kung kelan ako magsisimula ng ganung oras ng paspasok at ang sabi... "Pwede na bukas." Toinkz! Hindi nagmamadali. Mukhang masisira ang takbo ng oras ko sa pang-araw-araw nito. Dating oras ng pasok ko, alas-dos ng hapon hanggang alas-diyes ng gabi. Tapos magliliwaliw sa mundo ng sayber pagkauwi ko dito sa bahay. Inaabot ng alas-sais ng umaga. Matutulog hanggang alas-dose ng tanghali at papasok ulit ng alas-dos.

Ang bagong oras ko, alas-diyes ng umaga hanggang alas-siyete ng gabi. Kung gagawin ko pa rin ang magpuyat sa gabi, mahihirapan na ako gumising ng alas-diyes ng umaga? Eh kung sa umaga na lang siguro ako magpuyat, para hindi ako maleyt? Pwede din. Pero sa tahimik at malamig na
gabi lang ako nakakapag-isip. Sa mga oras na ganun lang gumagana ang aking utak at imahinasyon, na kadalasang nauuwi sa banyo.

Bukas na lang malalaman kung ano ang magiging kahihinatnan ng pagbabago. Kung hindi ko kakayanin, wala, kelangan ko talaga kayanin. Wenk. Sa mga oras na ito, gusto ko na matulog para magising ng maaga. Ayoko na umabsent, ang daming nangyayari.

... ......

Basahin ang kabuuan nito...

Oct 16, 2008

First Time Ko

10 na lasing
Mula nung magtrabaho ako sa kumpanyang pinapasukan ko ngayon, ngayon lang ako hindi pumasok. Talaga? Oo. Ngayon lang ako hindi pumasok na hindi lang nagdadahilan. Sa loob ng isang linggong pagpasok, dalawang araw ako nagdadahilan lang para maka-absent. Pero sa pagkakataong ito, hindi lang ako nagdadahilan, talagang hindi ko kinaya.


Nagkaroon ako ng isang sakit na wala na yatang lunas. Naghihintay na lang ako kung kelan ako kukunin ng ating Panginoon. Pero, hindi po totoo 'yun. Alam kong maraming matutuwa kung mawawala na nga ako. Pero sori na lang, madaming nagsasabi na ang isang masamang damo, eh matagal mamatay. Huwag lang bubunutin 'yung ugat.

Kahit na pinatitiisan ako ang pesteng sipon na ito, nakipagsabayan pa rin akong makipag-inuman sa mga kasama ko. Ayaw ko kasing masabihan ng "KJ." Pero ano nga ba ang KJ? 'Yun ga 'yung bagong bersyon ng pelikulang "Kill Bill?," Kill Joy?

Kahit hindi na ako makahinga eh pinipilit ko pa rin para lang sa kanila. Tangina kasing saynus kong ito eh. Tinamaan ng saynusaytis. Problema kapag ganitong may sipon. Halos hindi makatulog.

Kanina, kahapon pala, pumasok pa rin ako. Dami ko na kasing absents, baka mapag-initan na. Mahigit tatlong oras pa lang ako sa opisina, nagpasya na akong umalis. Dahil sa lamig sa loob nun, dala na rin ng erkon at hanging kumakalat dahil sa wolpan, pakiramdam ko, lalong lalala ang sitwasyon ko.

Nagpaalam ako sa mga kasamahan ko. Napagsabihan pa ako na "bakit ka pa pumasok eh masama pala ang pakiramdam mo?" Walang magagawa, masipag talaga ako pumasok eh. Sa loob ng isang buwan, pinakamababa na ang limang araw na pag-absent ko. Pero gaya nga ng sinabi ko, ito ang unang pagkakataon na hindi ako pumasok, na talagang hindi ako nagdadahilan lang.

... ......

Basahin ang kabuuan nito...

Oct 15, 2008

Sino'ng Bida Ngayon?

10 na lasing
Whew! Matapos ang inuman sa barkada, siyempre hindi naman pwede na hindi ako magpa-inom sa mga katrabaho ko na sa ikli ng panahon na pagsasama namin eh nagkapalagayang-loob na din. Kumbaga, kung isa kang magbabarik, basta magbabarik din ang makakasama mo, walang problema sa magiging samahan. Huwag lang 'yung sobra kung mamulutan.

Ilang bote lang siguro ang ininom namin, dahil may pasok pa kami bukas, este mamaya pala, at sa napapansin ko, kahit isa sa amin walang tinatamaan. Eh di magaling. Mahaba-haba ang usapan. Tiyempo namang katabi ko si Metallica Girl, tapos nabanggit ko sa kanya kung sino naman ang pwedeng maging bida ko ngayon dito sa blag ko. Nag-aabang ako ng kung sino ang gagawa ng eksena. Pero habang nagmamasid ako, balak ga naman akong pasuin ng sigarilyo nitong ala Janina San Miguel na ito. At ang sabi...

"Burahin mo 'yung mga pinagsusulat mo dun!"


Ahaha. Masyado yata sineryoso 'yung mga nabasa niya. Sabi ko na lang, "Ok lang 'yun, SIKAT ka naman eh." Panay pa rin ang pagdikit ng yosi niya sa braso ko, iwas na lang ako ng iwas para mapagod siya. Eh di 'yun na nga, nag-aabang na ako ng pwedeng gawing bida. Ayoko na gamitin si Metallica Girl, baka idemanda na ako ng laybel. Ahaha. Kahit wala naman siyang pwedeng ikaso dahil totoo naman lahat ng sinabi ko. Huwag kang mag-alala, hindi ikaw ang bida ngayon.

Pinagmasdan ko itong si "Mike," ganda ng pangalan ah, 'yun kasi ang laging tawag ng isang bisor sa trabaho namin sa kanya. Kung ihahalintulad siya sa isang karakter sa Bibliya, siya 'yung tinatawag na "prodigal son." Hindi 'yung "prodigal son ng showbiz" na nagladlad sa PBB. Ihinalintulad ko siya dun kasi ang alam namin umalis na siya pinagtatrabahuhan namin, pero kahapon, nagbalik-loob siya. AMEN! Kung lumipat siya sa Kapuso, ngayon, nasa Kapamilya na ulit siya.

Pero ayun, namis yata ang pi-es-pi ko at 'yun ang pinagtuunan nang pansin. Ito namang si "Tatik" na ito, napagdiskitahan 'yung bagong biling gitara ni Metallica Girl, pero ayos na din para meron kaming sawnds. Sa tabi naman niya, Si Mamiyeng, na akala ko ay siya 'yung nagmimistulang bokalista ni Tatik sa pagtugtog. Nung mapansin ko, ay may sarili palang mundo. May nakasalpak na irpon sa kanyang magkabilang tenga at pinakikinggan ang mga tugtog sa kanyang telepono. Kaya pala iba ang kinakanta sa tinutugtog ni Tatik.

Lipat ako ng tingin sa magsiyuuta. Walang pagbabago sa kanila. Hindi ko alam kung paano sila tumatagal sa isa't isa dahil lagi na lang nagbabangayan. Pero mas okey naman sa'min 'yun, kasi kung hindi nila gagawin 'yun sa loob ng isang araw, ibig sabihin lang nun, may kakaibang nangyayari.

Nung tumingin ako sa salas, hindi ko na lang pinansin 'yung kopol dun. Na naglalampungan. Pareho silang may mataas na posisyon sa trabaho namin. Kaya hindi ko na lang sila iistorbohin. Tapos nakita ko na lang ang nag-iisang takda, si "Jyusa," as in "Jyusabel." Na ayon naman sa aming bisor ay pinaghalu-halong katauhan nina Anchor Tis bilang Diyosa, Maryan River bilang Dyesebel at Jutay Santos bilang si Ysabella. Kaya pala naging ganun na lang ang kinalabasan dahil pinag-halu-halo sila. Kung paghalu-haluin ang Dinuguan, Ispageti at Keyk, ano kaya ang magiging hitsura ng kalalabasan? Jowk lang po Sir Road.

Pero wala talaga akong makuhang bida sa gagawin kong pelikula, este bida sa isusulat kong ito para pagputaktehan ng mga tao sa mundo ng sayber. Kaya hindi ko na lang namalayan na kung anu-ano na palang usapan ang nabuo habang nag-iinuman.

Mayroon pa diyang tungkol sa pinakamaganda nilang napanood na bidyu klip sa internet. Ang "Dalawang Babae sa Iisang Tasa." (Klik niyo lang 'yung link kung gusto niyo panoodin!) Na habang kinukwento ng iba ay mararamdaman na ng lahat ang istorya kahit hindi pa nila ito napapanood. Nauwi pa ang usapan tungkol sa patayan! Putakte! 'Yang ang ayaw ko pag-usapan. At nang hindi na makatiis ang lahat, biglang kambiyo sa ibang usapan. Ayos ito ah, tungkol naman sa mga kababalaghan?

Sari-saring karanasan ang ibinahagi nila na tungkol sa elebeytor ng kumpanya. Halos lahat ay nakakapanindig-balahibo at kung anu-ano pang balahibo ang pwedeng tumayo sa inyo. At siyempre ibinahagi ko din ang karanasan ko sa elebeytor nung minsang sumakay ako dun.

"Parang ganun din 'yung sakin eh! Pagpasok ko mula sa grawnd plor, tapos pindot ng buton ng elebeytor, napansin ko na lang na hindi umaakyat 'yung sinasakyan ko. Halos isang minuto na hindi umakyat ang elebeytor!" Kwento ko sa kanila, at tinanong ako....

"Pano'ng nangyari 'yun?"

"Mali pala ang napindot ko. Akala ko terd plor, grawnd plor pa rin pala. Kaya pala ayaw umakyat."

Aba! Nakakatakot kaya 'yun. Nakakatakot na isipin na baka may... hmm... ano'ng tawag dun? dun sa sakit na laging nakakalimot? Ah! 'Yung alsaymer's disis! Baka may gan'ung sakit na ako.

Humaba ng humaba ang usapan hanggang narating na namin ang aming hangganan. Hindi pa kami lasing. Kelangan lang talaga naming umuwi dahil papasok pa kami mamaya. At para mapatunayan na hindi pa ako lasing, ito ang aking "post" para sa araw na ito.

Teka, sa'n ko ga isusulat ang taytol? Saka ang leybel? Hindi ko makita, umiikot ang paningin ko! Paano ko nga ba ito ipapablish? Ano'ng pipindutin ko? Bahala na!

Ngoorrkkzzz!! ZZZzzzzz!!! Hik!

... ......

Basahin ang kabuuan nito...

Oct 13, 2008

Alak Pa

2 na lasing
Isang eksena sa buhay ng mga Lasenggera at Lasenggero:

Pasok Tropa!
“absent tayo…”
“WE KNOW WHAT TO DO DI BA?”
“pulutan…”
“usok…”
“PASARAPIN ANG EKSENA, ILABAS ANG REDHORSE!”
“ Spotlyt.”
“music…”
“inom…”
“mag-REDHORSE”
“SMILE…”
“Aaaahhhh…”
“MAGTAMBAY NA LANG KAYA TAYO?”
“MAY future ka!”
“SA PANAHONG TO, MAG-REDHORSE, MAGWALA ARAW-ARAW!”

Nadagdagan na naman ang edad ko. Kahapon binisita ako ng kabarkada ko tapos dumiretso kami sa bahay ng isa pa naming kabarkada. Kelangan daw namin iselebreyt ang araw kung kelan ko nasilayan ang mundong punung-puno ng kamunduhan.

Ayan na nga. Bumili na kami ng maiinom at mapupulutan. Mahaba-habang inuman ito. Iba pa rin talaga kapag mga tunay na kaibigan ang kainuman mo. Sa tinagal-tagal na panahon ng hindi namin pagkakasama-samang muli, parang walang pinagbago ang aming samahan. Hindi kami nauubusan ng kwento at pag-uusapan.

Kumustahan. Kung ano'ng mga pinagbago sa bawat estado namin sa buhay. Lahat kami hindi makapaniwala kung ano'ng meron kami ngayon. 'Yung inaakala naming magiging habangbuhay na lang kaming istambay, mali pala. Kelangan pala talaga na meron kang pangarap sa buhay.

Sa bawat pag-istambay at pagbarik namin, doon nagsimula ang aming mga pangarap. Kung merong isang umaangat, pinagdiriwang namin 'yun. Hanggang sa lahat kami ay halos meron na ding maipagmamalaki. Malaki ang utang, malaki ang problema at malaki ang ulo. Hehehe. Biro lang.

Habang nag-iinuman kami, medyo iba na ang nagiging usapan namin. Mas nagiging seryoso hindi tulad nung dati na halos puro kwento pero wala namang kwenta. Ngayon, tungkol sa pamilya, negosyo at mga seryoso at kumplikadong bagay na ang napapag-usapan.

Pero sa dami ng ipinagbago naming lahat, isa lang ang hindi nawala sa'min. Hindi pa rin nawala sa'min ang pagkasabik sa alak. Kahit may mga tinatamaan na ng kalasingan, nagawa pa rin naming bumili pa ng alak. Hanggang sa isa-isa nang tumutumba ang mga kasama ko.

Hanggang ngayon pala, mahihina pa rin sila sa inuman. Hehehe.

... ......

Basahin ang kabuuan nito...

Oct 12, 2008

Tanggerong Hindi Marunong Tumanggi

0 na lasing
Madali ga lamang tumanggi sa isang bagay? Madali lang ga ang umiwas sa isang taong lumalapit sa'yo at humihingi ng tulong? Walanjo naman eh. Bakit ako eh hirap na hirap! Isang sabi lang nila sa'kin, hindi na ako makatanggi.

Kung may problema, lalapitan, hihingi ng payo. Kung may kailangan, naandiyan at hihingi ng tulong. Kahit mismong asaynments o pradyeks na nila sa iskul, sakin pa rin iaasa. Eh hindi ko naman kamag-anak. Ano gang sikreto para madali makaiwas?

Lagi na lang ganun. Hindi na sila nagdadalawang-salita para makumbinsi ako. Meron pang "Hoy Pare, pwede ga maabala? Paayos naman nare!" At 'yung iba pang tulad ng "Kaya mo ga ako ipaggawa nang ganito?" Na ang lagi kong naisasagot eh "Subukan ko." Kahit na alam kong mahihirapan ako, ginagawa ko pa rin, dahil alam ko naman na kapag sinabi kong mukhang mahirap gawin eh makukumbinsi at makukumbinsi pa rin nila ako.

Pero minsan, naiisip ko na din lang na malaki ang maitutulong sakin nun. 'Yung sa tingin ko eh mahihirapan akong gawin, nagkakaroon ako ng "challenge" para subukan. At para mapatunayan ko sa sarili ko na kaya ko. Kahit na alam kong wala naman akong kikitain sa mga pagtulong na 'yun.

Pero minsan sinubukan ko na ding magbago ng atityud, para hindi naman sila masyado umabuso sa "kabaitan" kong ito. Dahil isa nga akong kampyuter programer, sa'kin nagpapagawa 'yung mga borders dito sa mga kamag-anak ko. Ayos lang sa'kin kung magpaturo o magpatulong lang sila. Pero tangina naman. Buong pradyek na nila ang gusto ipagawa.

'Yung isang huling nagpagawa sa'kin, sinubukan kong tanggihan. Sinabi kong hindi ako marunong gumawa ng Biswal Beysik 6.0 (pero kunyari lang, tinatamad kasi ako gumawa). Pero ang kulit, ayaw umalis sa likod ko tapos pinakikitaan pa ako ng malungkot na pagmumukha! Alam yata niya na marunong ako, kaya sinabi ko na madami akong ginagawa at madami akong gagawin. Sinabi ko din na sa oras ng pasok ko, imposibleng magkaroon ako ng oras para gawin 'yun.

Abah! Nag-imbestiga na pala ang babaeng are. Alam niya na wala akong pasok sa linggo, kaya sinabi niya na pwede ko daw gawin sa araw na iyon. Peste, may lahi yatang makukulit ang babaeng ito. Kamag-anak yata ni Maykel Rickets ito eh, ayaw akong tantanan! Sa kakulitan, hindi ko na kinausap, kunyari abala ako sa ginagawa ko at hindi ko na siya naririnig.

Ay aba nga naman! Iniwan 'yung nowtbuk sa ibabaw ng mesa ko. Pero balewala pa rin sa'kin, hindi ko pa rin pinapansin. Nung akala kong nakaalis na, tatayo sana ako para lumabas, ang walanghiya, nandun sa may pintuan at nakasilip pa rin. Kaya hindi na lang ako umalis sa kinauupuan ko.

Ilang minuto, wala na ang bruha. Kinuha ko ang kwaderno niya at binuklat ko. At ang galing naman niya, itinupi na niya 'yung pahina kung saan andun na 'yung ipagagawa niya. Ibang klase. Nung malaman ko ang ipagagawa niyang program, nakita ko na isang kalkaleytor (calculator). Simpleng Math Calculator mukhang pamilyar 'yung mga pindutan nung kalkaleytor na 'yun. Binuksan ko ang kalkaleytor ng windows ekspi, ayos, kapareho nga.

At dahil nga tinatamad akong gumawa, naisipan ko na lang maghanap sa internet ng ganung program. At hindi naman ako nabigo, madaming nagkalat na simpleng kalkaleytor sa internet na gawa sa Biswal Beysik. Bakit pa ako magpapakahirap kung pwede ko naman idawnlowd. Tapos ie-edit ko na lang para katulad na katulad mismo ng pinapagawa niya.

Syete naman oh! Wala pala akong sopweyr ng biswal beysik! Nawawala 'yung instoler ko, sa dami kc ng humihiram at pinahihiram ko ng gamit, hindi ko na alam kung saan at kanino ko hahanapin. Edi naabala pa ako sa pagdawnlowd ng sopweyr na 'yun. Mabuti na lang at nakisama ang internet ko, madali ko naman natapos ang dawnlowd. Tapos ininstol ko na.

Konting edit lang tapos na. Naisip kong bawasan ang aking kabaitan at dagdagan ang aking kasungitan at kasupladuhan. Pero hindi ko naman talaga seseryosohin, para lang mapa-isip sila sa ginagawa nila. Tineks niya ako sa aking magandang maganda at branyung selpon na 3510. Tinatanong kung magkano daw ang babayadan niya sa aking ginawa.

Dun ako nakaisip na pagtripan siya. Ganito ang naging takbo ng usapan sa teks...

Ako: Ako na ang bibili ng CD tapos burn ko na din. Bigyan mo na lang ako ng P250.

Siya: Kamahal naman, Kuya? Pwede gang P120 na lang?

Ako: (Naisip ko bigla, ang galing naman nitong tumawad, kalahati agad) P200! H'wag ka nang tumawad. (Sinusungitan ko na)

Siya: Bakit ganun, Kuya? Dati naman halos hindi ka na nagpapabayad, pinakamahal na P80, bakit naman ang mahal? P150 po?

Ako: Sino ga ang nagpumilit na igawa kita? Ako ga? Ikaw naman ah! Sinabi ko namang hindi ko gagawin, pinilit mo pa rin. P200!

Siya: Wala po akong pera eh, P150 na lang, Kuya?

Ako: 'Yan ang hirap sa inyo eh. Ang galing-galing niyo magpagawa tapos ang gusto pa niyo kayo ang magpepresyo. Kung nagpaturo ka na lang sa'kin edi natuto ka pa sana. P180. Tapos na ang usapan.

Siya. Kuya naman, pasensiya na po, pero P150 na lang po.

Ako: Sige, P150 kayo na magpa-CD write.

Siya: Kayo na din ang mag-burn ng CD.

Ako: SUSUNUGIN ko na talaga ang CD mo! Sige na nga! P150!

Tapos nun, panay ang teks niya ng sori, pasensiya na, wala lang talaga pera, at kung anu-ano pa. Ako naman, hindi ko na nireplayan. Kung wala siyang pera, ibibigay ko talaga 'yun sa kanya. Hindi na ako magpapabayad. Pero alam ko naman na hindi siya nag-iisa. Apat sila sa grupo. Kung tutuusin din naman, halos wala naman akong ginawa dun eh, kaya sobra na din yung presyo ko. Ahaha. Ginastos ko na lang pamasahe sa pagpasok at pangkain ng meryenda.

Pero sa nangyaring 'yun, hindi pa rin ako nakatanggi sa pagtupad sa pangangailangan niya. Kahit tinanggihan ko na, ginawa ko pa rin! Sakit ko na ba talaga 'yun? Kung alam niyo ang sikreto para madaling makatanggi sa mga ganung bagay. Ibahagi niyo naman sa'kin.

Plis! Tulungan niyo ako. Sana 'wag niyo tanggihan ang paglapit ko sa inyo.

... ......

Basahin ang kabuuan nito...

Oct 11, 2008

LAN Card

0 na lasing
This summary is not available. Please click here to view the post. ......

Basahin ang kabuuan nito...

Oct 9, 2008

Iba't Ibang Klaseng Serbisyo

4 na lasing
Inabutan na naman ng kagutuman sa gitna nang mapanglaw na kadiliman. Langya, nakaramdam na naman ng gutom habang may kinakalikot na lengguwaheng programa (programming language) sa kompyuter. Walang laman ang kaldero, may nakataklob sa pinggan sa ibabaw ng mesa pero wala namang laman. Pesteng buhay ito, tatakbo na naman ako nito sa labas.

Medyo malayo ang shitty-onsehan (7-11) mula sa bahay kaya sa BigMak ko na lang naisipang dumaan. Iniisip ko kung ano ang bibilhin ko dun habang naglalakad. Footlong hotdog sandwich? Superlong hotdog sandwich? Chillidog? Ano kaya?


Andun na ako sa harapan ng BigMak, pero parang walang tao. Bukas na bukas ang tindahan at may nakita pa akong charger ng selpon sa ibabaw, nang bigla na lang ako nagulat sa isang kung anong biglang lumitaw sa harapan ko.

Anak ng foosaah! 'Yung tindera pala, dun umiidlip sa sahig ng tindahan. Pero hindi ako napahalatang nagulat kahit na 'yung hitsura niya eh magulo pa ang buhok at parang mangangain ng tao. Habang pinupuyod ang mahabang dayami este buhok niya, tinanong niya ako kung ano'ng oorderin ko.

Tindera: Ano pong bibilhin niyo?

Ako: Isa ngang Footlong.

Tindera: Wala na po eh.

Ako: Superlong na lang.

Tindera: Wala na din po, Sir.

Ako: Chillidog?

Tindera: Wala pa pong deliber eh.

Ako: Eh ano'ng abeylabol niyo diyan?

Tindera: LittleMak na lang po, Sir.

Ako: LittleMak? Ano gang pangalan ng tindahan na ito?

Tindera: BigMak po.

Ako: Eh, bakit LittleMak ang itinitinda niyo? Tapos tinanong mo pa ako kung ano'ng bibilhin ko wala pala kayong ibang tinda. (Kamot-ulo) Sige, wag na lang.

Nakunaman! Notsoys, sa 7-11 na ang bagsak ko nito. Nakarating ako dun sa pamamagitan ng pagtahak sa daan kung saan makikita mo ang mga nangaghigaang mga tao na hindi mo alam kung sinu-sino ang magkakamag-anak.

Pagpasok ko sa loob ng 7-11, walang tao kundi 'yung gwardiya at isang kahera, langyang gwardiya ito, ang sama ng tingin sa'kin. Dumiretso na ako dun sa dulo kung saan matatagpuan ang mga inumin. Kumuha ako dun ng dalawang bote ng maiinom, dalawang kamay ang may hawak ng tigisang bote. Kaya siniko ko na lang ang pinto para maisarado. Aysus! Napalakas. Hehehe. Tayo bigla ang nakaupong gwardiya at sinilip ako.

Tuloy lang ako sa pagpili kung ano ang bibilhin ko. Nung nasa tapat ako ng mga nudels at krakers, napansin kong pinagmamasdan ako ng gwardiya. Pinaghihinalaan yata akong hindi gagawa ng mabuti ah. Kaya ang ginawa ko, habang kumukuha ako ng ilang piraso ng krakers, kinakamot ko 'yung tagiliran ko. Pinapasok ko 'yung kamay ko sa loob ng dyaket ko na parang may ipinupuslit akong bagay. Titingnan ko lang kung ano'ng gagawin nung gwardiya. Hehehe. Wala namang nangyaring masama.

Binayaran ko na lahat ng kinuha ko at nagpasya ng umuwi. Nung pauwi na ako, napansin kong may nagbukas ng bintana sa isang kwarto sa bahay na nadaan ko. Nakita ko sa silowet eh mahabang buhok. Nung medyo naaaninaw ko na siya, WALANG PANG-ITAAS. Ayos ah. Tiningnan ko siya, medyo napansin din yata niya na nakatingin ako. Aba! Walang bra! Nung lumiwanag sa kwarto niya. 'Tangina! Wala ding suso! Lalaki pala ang walanghiya, long hair lang pala. Tumingin siya sa'kin. Medyo natakot ako, kaya napaliko ako sa isang kalye.

Kalye ng P. Torres! Sa mga hindi nakakaalam, h'wag niyo nang alamin. Hehehe. Dito sa Lipa, ang P. Torres ang isa sa teritoryo ng bakla. Kung may mga lalaking nangangailangan ng madaliang pera, dito sila tumatakbo at nagbebenta ng lolipap sa mga babaeng "MILA" sa loob ng kanilang parlor. MILAWIT!

Bakit ko alam? Wala na yatang taga-Lipa ang hindi nakakaalam sa kwentong 'yun. At isa pa, madalas din ako dito kapag wala akong pera. Pero HINDI! Hindi ako nagbebenta ng lolipap! Isa akong dakilang tambay sa Kompyuter Siyap ng kaibigan ko. Dito ako sumasaydlayn sa pamamagitan ng pagkalikot ng mga programa sa kompyuter.

Habang tinatahak ko ang kahabaan ng kalyeng 'yun, isang baklang hindi ko malaman kung taong mukhang kabayo o kabayong mukhang tao ang tumitig sakin at nginitian ako. Ang sa pag-aakala kong pagngiti niya sa akin eh katumbas ng isang pagbati. Dahil medyo kilala ko na ang pagmumukha niya dahil madalas nga ako sa lugar na iyon. Ginantihan ko naman siya ng ngiti, hindi kasi ako suplado kapag nginitian ako, maging tao man 'yan o kabayo.

Pero sa pagganti ko ng ngiting 'yun, bigla siyang lumapit sa'kin at may sinabing pabulong.

"Shuwushiwashiwap."

Medyo lumapit din ako sa kanya ay tinanong ko nang...

"Ano?!"

At medyo napaatras ako sa sinagot niya na "Sabi ko, nagserservice ka ba?" sabay isang malanding ngiti na halos makikita mo na ang gilagid. Heto lang ang nasabi ko...

"Tangina! Hindi ah!"

Anakngpitumputpitongputinglasing! Langyang bakla 'yun. Kahit tatlong daan na lang ang laman ng pitaka ko eh hindi ako papatol sa ganung gawain. Kahit operan pa niya ako ng isang milyon hindi ko siya papatulan... Teka?! Isang milyon? Daming zero nun ah. Hindi pala, kapag pala inoperan niya ako ng isang milyon, pag-iisipan ko muna. Hehehe.

Pero bumilis ang lakad ko pagkatapos nun. Mas nakakatakot pa ang hitsura niya kesa sa'kin eh. At mabuti naman at nakauwi ako ng ligtas. Pagkaupo ko sa aking trono sa harap ng monitor ng kompyuter ko, wala akong ibang nasabi kundi...

"Mga walang kwentang serbisyo!"

... ......

Basahin ang kabuuan nito...

Oct 8, 2008

Ang Tanong!

6 na lasing
Tuluy-tuloy lang tayo sa mga kwentong padyent. Buti pa ang mga batang paslit, kahit sabihing musmos eh meron namang kaalaman na hindi makita sa ibang katauhan. Kung sa mga kontes ang pag-uusapan, magaling sumagot ang bata, kwela ang hirit ng bakla at nakakasakit ng ulo ang sagot ng taong nagpapakabata at nagpapakabakla.

Bigyan nating ng isang tanong ang bawat isa sa kanila, para sa bata, bakla at... at... ewan, at alamin natin an posibleng maging sagot nila.


Sabi nga ni Korina Sanchez at Ted Failon, "ANG TANONG!"

"Identify an organ in the human body that starts with the letter 'L'"

Bibong Bata: The LUNGS! Without it, we cannot breathe.

Galing, pang Litol Mis Pilipins ang sagot ah. Ano naman kaya ang sagot ng isang bakla?

Baklitang Takda: Of course the LIVER! Without it, our body will weaken because the liver cleanses the system.

Ganun lang? Inaasahan ko pa namang nakakatawa ang sagot niya. Aymdisapoynted! Pero tama pa rin ang sagot niya di ga? At heto na... Ang pangatlong kandidata. Maganda, seksi, matangkad at ang utak? Nasan? Nawawala? Pero ayon sa interbyu, iniidolo daw niya ating nag-iisang Bb. Pilipinas-Word este World pala.

Janina de Metallica: I'm only 17 years old and my answer is the L-Bow!!! Oh my God!!! hahahaha!!! I'm sorry!! without it we cannot spread our wings and fly... Butterfly!!! I told you I was confident!!!

Ayun na nga! Kumalat na ang epidemya.
... ......

Basahin ang kabuuan nito...

Oct 7, 2008

Metallica Girl

6 na lasing
Kung nabasa niyo 'yung kwento ni Metallica Girl, heto't ipapakita ko na 'yung ilan sa larawan niya. Kung hindi mo naman kilala si Metallica Girl, hindi pa kayo huli sa balita. Mababasa niyo pa rin ang kwento niya. Pakipindot lang ng lingk na ito --->> Metallica Girl

Kinailangan kong gawing pribado ang MUKHA ng ilan dito. Mahirap na, baka may makadiskubre pa sa kanila para kuning artista. Maunahan pa ako sa pagmamanedyer nila.

Tan-tara-raaaan! Run na kayo! Hehehe... "Candidate Number 4! Metallica Girl!"


Heto naman ang kuha nung inaawardan na siya. 'Yung praysmani, hindi man lang sinobre. Hehehe. Ewan ko lang kung praysmani talaga 'yun o sustento. Boss M, joke lang.


Kung nabasa niyo na 'yung kwento ni Metallica Girl, matatandaan niyong nabanggit ko dun si Someone/Samuel Bee. At heto na siya, habang may pagnanasang sinasayaw si Metallica Girl.


Peace, Pareng Some, utang mo nga palang 'sanglibo! Kapag hindi mo binayaran, ikalat ko iskandal mo! Bwahahaha. Joke lang, matagal ko nang naikalat.

... ......

Basahin ang kabuuan nito...

Oct 6, 2008

Ang Problema

0 na lasing
Panginoong nasa taas, may hawak ng batas
Lahat nilulutas, problemang dinaranas
Sa bawat problema huwag kang mag-alala
lahat Kanyang nakikita at tutulungan ka


Kung hindi mo nalalaman ang mga pinagdaanan
bawat karanasan ng iyong mga magulang
Ilang taon ang nagdaan, magulang mo'y nangailangan
gutom ay naramdaman sa tiyan na walang laman

Ito'y agad nakita ng Diyos nating Ama
kaya Kanyang ipinakita, pagkain sa lamesa
Magulang mo'y natuwa, gutom ay nawala
ngunit uhaw ang tumama pagkatapos ngumuya

Kahit hindi inasahan ng 'yung mga magulang
inuming kailangan sa kanila'y inilaan
Panginoong nasa itaas Kanya ngayong namamalas
Masayang dinaranas ng mag-asawang bwenas

Wala ng problema itong mag-asawa
Panginoo'y nakadama buhay nila'y walang kwenta
Walang kasaysayan ang buhay na ganyan
kaya't kinakailangan konting kahirapan

Kaya't naisipan ng Diyos nating may lalang
Bigyan ng pagsubok, ang iyong magulang
Kung ano'ng problema ang dapat iatang
Kaya naman ikaw ay ipinanganak na lang

Sa buhay ng mag-asawa, ikaw ang problema
At naging dahilan ng kanilang padurusa
Kaya huwag nang magtaka, kung ikaw ay minumura
nagtatanong kung bakit ipinanganak ka pa.



......

Basahin ang kabuuan nito...

Persona Ingrata!

4 na lasing
Muli ko na namang nasilayan sa aking mga mata ang isang liham mula sa isang babae. Isa yata itong dayariya. Hmm... parang sakit sa tiyan 'yun ah? Dayari pala ang ibig kong sabihin. Matagal na itong nakakalat sa mundo ng sayber, pero subukan kong ilathala ulit dito.

Pakiintindi na lang po, taglish ito pero may mga parte pa rin ng sulat na ang hirap unawain. Kaya umpisahan na natin ang pagbabasa. Mas maganda kung basahin natin ito "with fillings."



Thursday, August 9th, 2007
We’ ve been friends for a long time ago. We come from the same alma mother. Actually, our paths crossed one time on another. But it’s only now that I gave him a second look. I realized that beauty is in the eyes. The pulpbits of my heart went fast, really fast. Cute pala siya. And then, he came over with me. He said, “I hope you don’t mine. Can I get your number?” Nag-worry ako. What if he doesn’t give it back? He explained naman na it’s so we could keep intact daw. Sabi ko, connect me if i’m wrong but are you asking me ouch? Nabigla siya. Sagot niya, The! Aba! Parang siya pa ang galit! Persona ingrata!!! Ang kapal niya! I cried buckles of tears.

Na-guilty yata siya. Sabi niya, isipin mo na lang na this is a blessing in the sky. Irregardless daw of his feelings, we’ll go ouch na rin. Now, we’re so in love. Mute and epidemic na ang past. Thanks God we swallowed our fried. Kasi, I’m 33 na and I’m running our time. After 2 weeks, he plopped the question. “Will you marriage me?” I’m in a state of shocked. Kasi mantakin mo, when it rains, it’s four! This is true good to be true. So siyempre, I said yes. Love is a many splendor.

Pero nung inaayos ko na ang aming kasal, everything swell to pieces. Nag-di-dinner kami noon nang biglang sa harap ng aming table, may babaeng humirit ng, “Well, well, well. Look do we hav e here.” What the fuss! The nerd ng babaeng yon! She said they were still on. So I told her, whatever is that, cut me some slacks! I didn’t want this to get our hand kaya I had to sip it in the bud. She accused me of steeling her boyfriend. Ats if! I don’t want to portrait the role of the other woman. Gosh, tell me to the marines! I told her, “please, mine you own business!” Who would believe her anyway?

Dahil it’s not my problem anymore but her problem anymore, tumigil na rin siya ng panggugulo. Everything is coming up daisies. I’m so happy. Even my boyfriend said liketwice. He’s so supportive. Sabi niya, “Look at is this way. She’s our of our lives.”

Kaya advise ko sa inyo - take the risk. You can never can tell. Just burn the bridge when you get there. Life is shorts. If you make a mistake, we’ll just pray for the internal and external repose of your soul. I second emotion.


Sana ay may naintindihan kayo sa mga sinulat niya. Adios!

... ......

Basahin ang kabuuan nito...

Oct 5, 2008

Virgin? OMG? Boobs?

16 na lasing
"No, I don’t feel any pressure right now."

Kilala niyo ba kung sino ang nagsabi ng mga katagang 'yan? Mismo! Walang iba kundi ang ating Binibining Pilipinas ni si Ms. Janina San Miguel. Sino bang Pinoy ang hindi nakakakilala sa kanya? Teka, sa mga pinagsasabi niya nung naganap na padyent, halos buong mundo na yata ang nakapansin sa kanya. Pero ano itong nabalitaan ko na hindi daw siya makakalahok sa darating na Binibining Mundo (Miss World)?


Pero teka, hindi siya ang bida sa ikukwento ko. Kasamahan ko sa trabaho. Itago na lang natin siya sa pangalang Metallica Girl. (Bakit Metallica Girl? Walang pakialamanan, wala akong maisip eh!) Ang kaganapan, sa katatapos lang ng unang anibersaryo nang kumpanyang pinapasukan ko. Isang engrandeng bayuti padyent ang pinasinayaan.

At 'yun na nga! Diretso na agad tayo sa mga kalahok na dalagas. Wow! Ang gaganda talaga. Ang ganda ng biyu... beau... Ang ganda ng view sa location kung saan kami nagdaos ng anibersaryo. Medyo malayo kasi ang pwesto namin, doon kami sa may kubo kaya hindi namin maaninag 'yung pagmumukha este 'yung fes nila. Isa-isa na sila nagpakilala at siyempre may kanya-kanyang mga kasabihan.

Sobrang ingay! Hindi na marinig ang mga pinagsasasabi. Pero 'yung pang-apat na kalahok, nung magsimula magsalita, medyo tumahimik ang mga manonood-slash-magugulong tao doon at nakinig. At ito ang kanyang sinabi...

"Black is beauty, but too much black is charcoal!"

Oh, sayings pa lang panalo na. Akala ko tuloy gay pageant ang pinapanood namin. Mukhang alam ko kung sino ang nagturo sa kanya para sabihin 'yun. Hindi ko na lang babanggitin, baka mawalan ako ng trabaho.

Ilang sandali, matapos maisingit ang ilang programa, muling tinawag ang mga kandidata para sa pagpapakita ng alindog. Sa madaling salita swim wear na! Ang mga katabi kong lalaki, biglang nawala. Nakita ko na lang nandun na sa malapit sa stage. Mahahalata mo talaga ang mga nyakerz. Nagsimula nang rumampa ang mga kontestants, at siyempre, wala na ako kasama sa kubo, takbo din ako dun. Para makipanood, hindi ako nyakerz, tiningnan ko lang kung walang suot, este kung ano'ng suot.

At kay number 4 na naman tayo, palakpakan ang mga manonood. Bakit kaya? Ano kayang nakita nila sa babaeng ito? Mga naglabasan ang dila at tumutulo ang laway eh. Dahil sa portion na 'yun, naging krawd-feborit siya.

Pagkatapos nun, kumbaga sa telebisyon, may commercials, may ibang programang isiningit muna. Ang mga lasheng sa unahan, atat na atat na makita ulit kung ano 'yung nakita nila. Kilala ko pa 'yung isa dun na kalbo na abot hanggang tenga ang ngiti. Katukayo niya 'yung nalilink kay Squall (Piolopas Squall), kilala niyo naman siguro 'yun? Hindi. Hindi si Angelo (Angelo Ksin), kundi si Someone/Samuel (Samuel Bee).

Teka! Baka lumayo sa kwento. Hindi nga pala siya ang bida dito. Sa ibang post ko na lang siya ikukwento. Mag-uumpisa na ang "question-n-answer portion". Battle of the Brainless 'ika nga. Ako naman, walang interes sa mga ganyang paligsahan kaya ayos lang sa'kin kung ano'ng gawin nila o sabihin nila, basta ako, nakaupo at may hawak na baso. Solve na ako dun.

Pero ano ito? Nung marinig ko ang sagot ni Number 4, bigla ko naalala si Ms. Janina San Miguel. Akala ko nga siya 'yung nasa unahan eh. Ang tanong kasi eh 'yung walang kamatayang tanong sa pageant na "What is the essence of being a woman?" Ewan ko kung sino naglagay ng tanong na 'yan dun. Pero sa palagay ko, BAKLA ang nagsulat ng tanong na 'yun dun sa nagaganap na kontes. Ganito ang naging takbo ng sagot ni Metallica Girl...

"Ahhmm... Virgin? Oh my God! Hmm... Boobs?"

Ayos! Hindi ko na narinig 'yung ibang sagot niya. Natabunan na ng malakas na palakpakan at sigawan ang sumunod na pakawala niya ng boses. Pasalamat siya sa mga pans niya, kundi dahil sa awdiyens-impakto hindi siya lalamang ng malaki sa puntos para manalo.

Tapos naisip ko, may pagkakapareho siya kay Janina. Sa tingin niyo? Meron nga noh? Pareho silang nanalo. Hehehe...

Siyanga pala, apat lang silang magkakalaban.

... ......

Basahin ang kabuuan nito...

 

Copyright 2008 All Rights Reserved Revolution Two Church theme by Brian Gardner Converted into Blogger Template by Bloganol dot com Customized by Vhonne DeVille