Whew! Matapos ang inuman sa barkada, siyempre hindi naman pwede na hindi ako magpa-inom sa mga katrabaho ko na sa ikli ng panahon na pagsasama namin eh nagkapalagayang-loob na din. Kumbaga, kung isa kang magbabarik, basta magbabarik din ang makakasama mo, walang problema sa magiging samahan. Huwag lang 'yung sobra kung mamulutan.
Ilang bote lang siguro ang ininom namin, dahil may pasok pa kami bukas, este mamaya pala, at sa napapansin ko, kahit isa sa amin walang tinatamaan. Eh di magaling. Mahaba-haba ang usapan. Tiyempo namang katabi ko si Metallica Girl, tapos nabanggit ko sa kanya kung sino naman ang pwedeng maging bida ko ngayon dito sa blag ko. Nag-aabang ako ng kung sino ang gagawa ng eksena. Pero habang nagmamasid ako, balak ga naman akong pasuin ng sigarilyo nitong ala Janina San Miguel na ito. At ang sabi...
"Burahin mo 'yung mga pinagsusulat mo dun!"
Ahaha. Masyado yata sineryoso 'yung mga nabasa niya. Sabi ko na lang, "Ok lang 'yun, SIKAT ka naman eh." Panay pa rin ang pagdikit ng yosi niya sa braso ko, iwas na lang ako ng iwas para mapagod siya. Eh di 'yun na nga, nag-aabang na ako ng pwedeng gawing bida. Ayoko na gamitin si Metallica Girl, baka idemanda na ako ng laybel. Ahaha. Kahit wala naman siyang pwedeng ikaso dahil totoo naman lahat ng sinabi ko. Huwag kang mag-alala, hindi ikaw ang bida ngayon.
Pinagmasdan ko itong si "Mike," ganda ng pangalan ah, 'yun kasi ang laging tawag ng isang bisor sa trabaho namin sa kanya. Kung ihahalintulad siya sa isang karakter sa Bibliya, siya 'yung tinatawag na "prodigal son." Hindi 'yung "prodigal son ng showbiz" na nagladlad sa PBB. Ihinalintulad ko siya dun kasi ang alam namin umalis na siya pinagtatrabahuhan namin, pero kahapon, nagbalik-loob siya. AMEN! Kung lumipat siya sa Kapuso, ngayon, nasa Kapamilya na ulit siya.
Pero ayun, namis yata ang pi-es-pi ko at 'yun ang pinagtuunan nang pansin. Ito namang si "Tatik" na ito, napagdiskitahan 'yung bagong biling gitara ni Metallica Girl, pero ayos na din para meron kaming sawnds. Sa tabi naman niya, Si Mamiyeng, na akala ko ay siya 'yung nagmimistulang bokalista ni Tatik sa pagtugtog. Nung mapansin ko, ay may sarili palang mundo. May nakasalpak na irpon sa kanyang magkabilang tenga at pinakikinggan ang mga tugtog sa kanyang telepono. Kaya pala iba ang kinakanta sa tinutugtog ni Tatik.
Lipat ako ng tingin sa magsiyuuta. Walang pagbabago sa kanila. Hindi ko alam kung paano sila tumatagal sa isa't isa dahil lagi na lang nagbabangayan. Pero mas okey naman sa'min 'yun, kasi kung hindi nila gagawin 'yun sa loob ng isang araw, ibig sabihin lang nun, may kakaibang nangyayari.
Nung tumingin ako sa salas, hindi ko na lang pinansin 'yung kopol dun. Na naglalampungan. Pareho silang may mataas na posisyon sa trabaho namin. Kaya hindi ko na lang sila iistorbohin. Tapos nakita ko na lang ang nag-iisang takda, si "Jyusa," as in "Jyusabel." Na ayon naman sa aming bisor ay pinaghalu-halong katauhan nina Anchor Tis bilang Diyosa, Maryan River bilang Dyesebel at Jutay Santos bilang si Ysabella. Kaya pala naging ganun na lang ang kinalabasan dahil pinag-halu-halo sila. Kung paghalu-haluin ang Dinuguan, Ispageti at Keyk, ano kaya ang magiging hitsura ng kalalabasan? Jowk lang po Sir Road.
Pero wala talaga akong makuhang bida sa gagawin kong pelikula, este bida sa isusulat kong ito para pagputaktehan ng mga tao sa mundo ng sayber. Kaya hindi ko na lang namalayan na kung anu-ano na palang usapan ang nabuo habang nag-iinuman.
Mayroon pa diyang tungkol sa pinakamaganda nilang napanood na bidyu klip sa internet. Ang "Dalawang Babae sa Iisang Tasa." (Klik niyo lang 'yung link kung gusto niyo panoodin!) Na habang kinukwento ng iba ay mararamdaman na ng lahat ang istorya kahit hindi pa nila ito napapanood. Nauwi pa ang usapan tungkol sa patayan! Putakte! 'Yang ang ayaw ko pag-usapan. At nang hindi na makatiis ang lahat, biglang kambiyo sa ibang usapan. Ayos ito ah, tungkol naman sa mga kababalaghan?
Sari-saring karanasan ang ibinahagi nila na tungkol sa elebeytor ng kumpanya. Halos lahat ay nakakapanindig-balahibo at kung anu-ano pang balahibo ang pwedeng tumayo sa inyo. At siyempre ibinahagi ko din ang karanasan ko sa elebeytor nung minsang sumakay ako dun.
"Parang ganun din 'yung sakin eh! Pagpasok ko mula sa grawnd plor, tapos pindot ng buton ng elebeytor, napansin ko na lang na hindi umaakyat 'yung sinasakyan ko. Halos isang minuto na hindi umakyat ang elebeytor!" Kwento ko sa kanila, at tinanong ako....
"Pano'ng nangyari 'yun?"
"Mali pala ang napindot ko. Akala ko terd plor, grawnd plor pa rin pala. Kaya pala ayaw umakyat."
Aba! Nakakatakot kaya 'yun. Nakakatakot na isipin na baka may... hmm... ano'ng tawag dun? dun sa sakit na laging nakakalimot? Ah! 'Yung alsaymer's disis! Baka may gan'ung sakit na ako.
Humaba ng humaba ang usapan hanggang narating na namin ang aming hangganan. Hindi pa kami lasing. Kelangan lang talaga naming umuwi dahil papasok pa kami mamaya. At para mapatunayan na hindi pa ako lasing, ito ang aking "post" para sa araw na ito.
Teka, sa'n ko ga isusulat ang taytol? Saka ang leybel? Hindi ko makita, umiikot ang paningin ko! Paano ko nga ba ito ipapablish? Ano'ng pipindutin ko? Bahala na!
Ngoorrkkzzz!! ZZZzzzzz!!! Hik!
...
The Seven Star Hotels of the World
4 years ago
Comments
10 comments to "Sino'ng Bida Ngayon?"
October 16, 2008 at 1:24 AM
baka cras ka pre kaya dikit ng dikit sayo.. at nagpapa-pansin...nyahahaha
October 16, 2008 at 1:46 AM
wenk... kaya siguro gusto nya ako patayin? lol... try mo basahin kwento niya... baka mainlab ka pa... hehehe
October 16, 2008 at 5:54 AM
hindi pa rin aco nagtagumpay sa pag install nung driver ng cam. . amp. . i have no video capture hardware daw. . amp. . ito pa. . cam may not fuction properly. . kainis na talaga to! sarap itapon. . grrrr. . .
October 16, 2008 at 6:29 AM
ipaayos mo na lang sa kakilala mong marunong jan malapit sa inyo... wag mong itatapon... sayang.. malayo ako jan.. hindi ko mapupulot...
October 16, 2008 at 7:47 PM
tawa ako ng tawa habang binanasa ang sinulat mo. nang matapos kong magbasa at tumawa, utot nmn ako ng utot.
posted by:
elflady
October 16, 2008 at 7:50 PM
waaah..bulol talaga keyboard ko!!
again,
elflady
October 16, 2008 at 8:13 PM
@elflady; mam.. ndi kay marunong maglagay ng name dito? kaya sa baba nio n lng sinulat? hehehe.. peace
October 17, 2008 at 9:50 AM
hehe.. talaga ba namang hanapan ng biktima... mas masarap pa rin maglasing ng walang nalalasing para di sayang yung alak pag di naubos.... ahahaha.. cheers!!!-glesy the great
http://anakngpiso.wordpress.com/
October 17, 2008 at 4:12 PM
buti nalang hindi tayo magkatrabaho, baka lagi mo ako ibida sa blag mo..hahaha!
affected nga siguro si metallica girl dun sa post mo tungkol sa kanya..pero maganda naman siya dun sa suot niyang gown eh.. :D
October 17, 2008 at 4:30 PM
@glesy: tama nga... masarap kung walang malasing para maubos ang alak... pero mas masaya talaga kung may lasing na magiging bida kinabukasan... ahaha
@eiyelle: ahaha... wag kang mag-alala... hindi kita gagawing bida... sidekick lng...
at hindi lng c metallica girl ang affected... pati si jyusa... ahaha...
Post a Comment
Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...