Mula nung magtrabaho ako sa kumpanyang pinapasukan ko ngayon, ngayon lang ako hindi pumasok. Talaga? Oo. Ngayon lang ako hindi pumasok na hindi lang nagdadahilan. Sa loob ng isang linggong pagpasok, dalawang araw ako nagdadahilan lang para maka-absent. Pero sa pagkakataong ito, hindi lang ako nagdadahilan, talagang hindi ko kinaya.
Nagkaroon ako ng isang sakit na wala na yatang lunas. Naghihintay na lang ako kung kelan ako kukunin ng ating Panginoon. Pero, hindi po totoo 'yun. Alam kong maraming matutuwa kung mawawala na nga ako. Pero sori na lang, madaming nagsasabi na ang isang masamang damo, eh matagal mamatay. Huwag lang bubunutin 'yung ugat.
Kahit na pinatitiisan ako ang pesteng sipon na ito, nakipagsabayan pa rin akong makipag-inuman sa mga kasama ko. Ayaw ko kasing masabihan ng "KJ." Pero ano nga ba ang KJ? 'Yun ga 'yung bagong bersyon ng pelikulang "Kill Bill?," Kill Joy?
Kahit hindi na ako makahinga eh pinipilit ko pa rin para lang sa kanila. Tangina kasing saynus kong ito eh. Tinamaan ng saynusaytis. Problema kapag ganitong may sipon. Halos hindi makatulog.
Kanina, kahapon pala, pumasok pa rin ako. Dami ko na kasing absents, baka mapag-initan na. Mahigit tatlong oras pa lang ako sa opisina, nagpasya na akong umalis. Dahil sa lamig sa loob nun, dala na rin ng erkon at hanging kumakalat dahil sa wolpan, pakiramdam ko, lalong lalala ang sitwasyon ko.
Nagpaalam ako sa mga kasamahan ko. Napagsabihan pa ako na "bakit ka pa pumasok eh masama pala ang pakiramdam mo?" Walang magagawa, masipag talaga ako pumasok eh. Sa loob ng isang buwan, pinakamababa na ang limang araw na pag-absent ko. Pero gaya nga ng sinabi ko, ito ang unang pagkakataon na hindi ako pumasok, na talagang hindi ako nagdadahilan lang.
...
The Seven Star Hotels of the World
4 years ago
Comments
10 comments to "First Time Ko"
October 16, 2008 at 2:23 AM
nagawa mo nga uminom eh:D
katamaran lang yan!
October 16, 2008 at 2:27 AM
ganun? ahaha... dahil nga sa pag-inom kaya lumala...
salamat sa pagdaan... samahan mo ako... inom tayo... lol
October 17, 2008 at 3:59 PM
ngayun lang ulit napadaan..nauna na akong umabsent, nagkasakit din? hehehe..
wow! bagong bihis pala ang bahay..ganda!
at mmm..alagaan ang katawan, marami pang inuman sessions ang dadaluhan niyan..hahaha! :)
October 17, 2008 at 4:24 PM
binago ko na kurtina ng bahay ko... maxado daw kc nakakahilo ung itim ang bakgrawnd... kaya heto... puti naman.... hehehe... salamat sa muling pagbisita... mwuah..
October 18, 2008 at 1:33 AM
sa wakas gumana na rin tong sa comment box...yaheeyyy !!!
ako nung dyan pa ako nagtatrabaho sa pinas, pag ganyan na masama ang pakiramdam ko at may sipon inaaya ko mga tropang kulangot na uminom ng gin bulag para kinabukasan tanggal ang sipon....(lakas tama ng hang-over naman) LOLs...
October 18, 2008 at 2:27 AM
@ahkong;
hala... un nga ang payo saking nung supervisor ko... isang gin lng daw ang katapat nun.. tanggal na... kaso... tanggal nga sipon ko... pero hindi pa rin ako makakapasok... sa hang-over... waaa...
October 18, 2008 at 3:04 PM
alam mo ba na ang sinaunang gamot sa maka-bed ridden na sakit ay brandy? kaya yung pagiinum mo, medyo lalala ka ng konti pero mabilis ang galis mo nyan dahil ma didisinfect ang kalooban mo. :)
October 18, 2008 at 6:57 PM
galis po ba ang sinabi nio ate? ehehe... ayoko nang uminom ng alak kung gagalisin pala ako... lol...
October 24, 2008 at 1:03 PM
pwede rin ang galis. hehehe
pero napamali yung mga daliri ko sa keyboard dahil sa kakatawa sa blog mong ito "galing" yun ang ebeg kong senabe.
October 26, 2008 at 6:43 PM
ganun ba ate? ehehe... mali-mali talaga ang mga keyboard ngaun...
Post a Comment
Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...