Whew! Bakit kung kelan ako nandito sa bahay para magpahinga, saka pa dumami ang gawain ko. Nung buksan ko ang way-em ko para kumustahin kung ano na ang nangyayari sa opisina, heto't dumagsa ang nag pi-em sa'kin. Kung anu-ano ang mga hinanaing na sa palagay ko eh ako din ang makakagawa ng solusyon. Sabi nga ni Doding Daga sa Bananas in Pajamas, "Isa yata akong daga!"
Hindi lang mga katrabaho ko na nasa loob ng opisina ang gumambala sa'kin. Pati mga katrabaho ko na wala sa opisina. Sa dami nang ginawa ko, hindi ko na namalayan na masakit pala ulo ko at sinisipon ako. Nawala lahat 'yun nung naging abala ako. Siguro hinahanap ng katawan at utak ko 'yung madaming ginagawa, hindi kasi ako sanay na nakatunganga lang sa isang sulok.
Pero hindi lang sa trabaho ang nagiging usapan namin. Meron pang isa na parang nagbebenta ng kalamansi sa palengke. "Murang-mura na! Bili na mga suki! Sariwang-sariwa pa!" Binebenta niya sa'kin telepono niya. Hindi naman ako mahilig sa selpon at sa katunayan, mahigit tatlong buwan nang hindi kumakain ng lowd ang aking nag-iisang telepono na "teN series." Pero dahil sa may katagalan na ang pangteks ko na iyon na halos kelangan pang diinan ang ilang buton para lang gumana, naisipan ko na ding palitan.
Ako: Magkano mo ga benta?
Ms. LocoRoco: Ikaw? Magkano ga kaya mo?
Ako: 1k
Ms. LocoRoco: 800 na lang, kaibigan naman kita eh.
Parang matino ang usapan noh? Parang nagbebenta lang ng pekeng em-pi-tri pleyer. Pero hindi humaba ang usapan, inabot lang ng isang oras ang tawadan. Natapos ang usapan na hindi ako nagsabing bibilhin ko. Hehehe. Bukas na lang kami mag-uusap. Mamaya pala.
'Yung sa akawnting departament naman namin, pini-em din ako, at ang sabi... "Von, hold ko daw muna payout mo. Wala akong magagawa, utos ni Sir."
Waaahh! Ano 'yun? Umabsent lang ako, hindi na ako papaswelduhin? Si Sir na lang daw ang kausapin ko tungkol dun. Nalaman ko ang dahilan dahil sa sinulat ko dito sa blag na ito. 'Yung pinamagatang "Sino'ng Bida Ngayon?." Napansin yata na siya 'yung tinutukoy kong Jyusa dun. Dinamdam yata. Hehehe.
Naulit din niya sa'kin na iba na ang magiging iskedyul ko sa pagpasok. Ayos lang sana 'yun, kaso may baklang ayaw magladlad dun na minsang nanabunot sa'king pagkatao. Na ang huling balita ko eh meron daw boylet-slash-fafa-slash-jowa na kinakalantari. Huwag na natin pag-usapan 'yun at baka sumikat pa.
Tinanong ko na lang si Sir kung kelan ako magsisimula ng ganung oras ng paspasok at ang sabi... "Pwede na bukas." Toinkz! Hindi nagmamadali. Mukhang masisira ang takbo ng oras ko sa pang-araw-araw nito. Dating oras ng pasok ko, alas-dos ng hapon hanggang alas-diyes ng gabi. Tapos magliliwaliw sa mundo ng sayber pagkauwi ko dito sa bahay. Inaabot ng alas-sais ng umaga. Matutulog hanggang alas-dose ng tanghali at papasok ulit ng alas-dos.
Ang bagong oras ko, alas-diyes ng umaga hanggang alas-siyete ng gabi. Kung gagawin ko pa rin ang magpuyat sa gabi, mahihirapan na ako gumising ng alas-diyes ng umaga? Eh kung sa umaga na lang siguro ako magpuyat, para hindi ako maleyt? Pwede din. Pero sa tahimik at malamig na
gabi lang ako nakakapag-isip. Sa mga oras na ganun lang gumagana ang aking utak at imahinasyon, na kadalasang nauuwi sa banyo.
Bukas na lang malalaman kung ano ang magiging kahihinatnan ng pagbabago. Kung hindi ko kakayanin, wala, kelangan ko talaga kayanin. Wenk. Sa mga oras na ito, gusto ko na matulog para magising ng maaga. Ayoko na umabsent, ang daming nangyayari.
...
The Seven Star Hotels of the World
4 years ago
Comments
4 comments to "Daming Nangyari"
October 17, 2008 at 4:17 PM
gudlack sau, sana mabilis kang makagadjust sa bago mong work sked. sa umpisa lang naman iyan mahirap..yakang-yaka mo iyan..
October 17, 2008 at 4:22 PM
salamat... sa katunayan... andito na ako... maaga ako nakapasok... alas-diyes pasok ko pero nakarating ako ng alas-dose...
hehehe...
October 17, 2008 at 8:50 PM
ayown goodluck sa bagong sched.. weee weee weeee
October 17, 2008 at 9:51 PM
sa tuesday na lang ako magsisimula ng bagong sked... leyt ako knina eh.. ahaha...
Post a Comment
Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...