Nakalaro ko 'yung pamangkin kong bata, anak ng pinsan ko. Oo! Naglalaro pa ako hanggang ngayon dahil bata pa rin naman ako. (Ano daw?) Tapos tinanong ko siya ng...
"Ano'ng gusto mo paglaki?"
Hindi pa nasasagot ng pamangkin ko 'yung tanong nang biglang bumalik sa'kin 'yung tanong na 'yun. Hmm. Madalas din iyang itanong sa'min mapabahay man o iskul. Ano nga ba ang mga sinasagot ko? At natupad ba ang mga pangarap ko sa paglaki ko?
Madami akong mga pangarap nung nabubuhay pa ako, este nung bata pa ako. Matagal na panahon na 'yun, kahapon lang. Hindi lang iisa ang gusto kong matupad sa sarili ko. Gusto kong maging Painter. Gusto kong maging Writer/Editor. Gusto kong maging Cartoonist. Gusto kong maging Song Composer. Saglit lang po, sakit ng tiyan ko. Gusto kong tumae.
Whew! Ayos, nakaraos din. Balik sa kwento. Tumuntong ako sa hayskul na dala-dala pa rin ang mga minimithi kong 'yan. At madami din ang nakakapansin sa'kin na posible kong maabot ang maalin sa mga 'yun. At nung panahong 'yun, wala akong kahilig-hilig pero kasumpa-sumpa para sa akin ang kompyuter. Dumating ang pagkakataon para lisanin ang paaralan ng sekondarya, dito ako nagkaproblema.
Kung ang kukuning kung kurso sa kolehiyo eh may kinalaman sa isa man lang sa mga pangarap ko, mas mapapadali sana ang pag-abot ko dito. Pero wala akong magagawa, kinapos eh. Kinulang 'yung delihensiya namin dun sa may kanto. Walang pera 'yung mga naholdap namin kaya hindi ko pwedeng makuha 'yung mga kursong gusto ko. Ang MAHAL naman ng pangarap ko.
Batselor op Sayans in Kompyuter Sayans, wala diyan si Gokou at Vegeta kaya huwag niyo hahanapin sa'kin. 'Yan ang kinukuha kong kurso sa kolehiyo pero hindi ako nakapasa. Saka ko na lang ikukwento kung bakit ako bumagsak. Kaya sa dalawang taong kurso lang ang kinuha ko na kompyuter din. Naisip ko na mas okey na 'yun. Pagtyagaan ko na lang ang dalawang taong pagpipilit na magustuhan ang kursong 'yun. Kung ano pa 'yung ayaw ko, 'yun pa ang napasaakin.
Hindi nagtagal, napansin ko na lang na halos lahat pala ng gusto ko eh maaari kong matagpuan sa loob ng kompyuter. Pagbebenta ko lahat ng parte ng sistem yunit at gagamitin ko ang napagbentahan para makapag-aral ako sa kung ano'ng kursong gusto ko. Hindi! Ang ibig kong sabihin, maaari kong gawin sa kompyuter ang halos lahat ng kinahihiligan ko.
Tulad ng pagiging Painter at Cartoonist, ang daming Grapiks Sopweyr na pwedeng gamitin. 'Yung pagiging Writer naman, pwede ko naman idaan dito sa pagbablag ko. Hindi nga ako nakakapagkompos ng kanta dahil hindi ako marunong tumugtog, nakakabuo naman ako ng tula.
Naisip ko na lang na pwede ko pala matupad ang mga pangarap ko sa ibang paraan. Ano ba 'yan, bigla ko naalala 'yung sinabi ni Bugay-Bugey-Bugiy-Bugoy-Buguy sa telebisyon nung manalo siya sa Pi-Di-Ey. "Mangarap tayo! Kahit simpleng tao pwedeng mangarap!" Pero hindi naman ganun ang drama ko. 'Yung sa'kin, hindi man ako naging propesyunal para sa mga pangarap kong 'yun, masasabi kong natupad ko ang mga 'yun dahil nag-eendyoy ako habang ginagawa ko at gagawin pa ang mga bagay na 'yun.
Hindi kailangan ng matinding pag-aaral para lang matupad ang pangarap mo. Maraming paraan para maabot mo ito. Seryoso na ako niyan.
...
The Seven Star Hotels of the World
4 years ago
Comments
6 comments to "Paglaki ko, Gusto Kong Maging..."
October 18, 2008 at 2:18 AM
true, basta may gusto kang mangyare sa buhay mo, maganda simula na yun. at tamang diskarte din ang kelangan.
i took ECE, pero ang work ko ngayon ay sa IT. (well, mas may pera dito!)
apir! ;)
October 18, 2008 at 2:21 AM
mas may pera ba sa work mo ngaun? pautang naman ako?
apir!
October 18, 2008 at 9:31 AM
binigyan ka na ng comment inutungan mo pa:D
ganun? may pag-asa pa pala aco maging GRO:D
trip co rin dati yang mga pangarap moe. . kaso mas nanaig ang kagustuhan co maging artista:D
akalain mong nagawa mo na ung mga pangarap mo ng paganyan ganyan lang:D
bugoy:D
October 18, 2008 at 10:06 AM
@paperdoll:
"binigyan ka na ng comment inutungan mo pa:D"
anong inutungan? baka may ibang makabasa eh kung anong isipin... ehehe...
October 26, 2008 at 6:49 PM
oo nga noh parehas nung sa post ko... hahahaha insan!! XD
October 26, 2008 at 9:02 PM
sige... pinsan na tayo ngaun.. kahit hindi ko pa alam ang kung magkadugo nga tayo... ehehe...
pa DNA test tau? (DNA - Di Natin Alam)
Post a Comment
Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...