Minsan naka-inuman ko sa way-em itong kaibigan nating si Jojitah. Ate Jojitah na pala, kasi aminado na siyang matanda na siya. Nabanggit ko sa kanya na hindi ako magsusulat ng mga labistori ko dito sa blag na ito. Sinabi din sa akin ni Mamiyeng na subukan ko din daw. Aminado na din yang si Mamiyeng na matanda na siya. Puro na lang gurang ang nakakausap ko. Whew!
Ang ginawa ko naman, naghalukay ako ng baul ko, nagbabaka-sakaling may mahagilap na kwentong pwedeng isingit dito. At heto nga ang nakita ko. Isang sulat. Hmm. Hindi siya normal na sulat lang. Pitong pahina ng kuponban na may isteypol sa dalawang sulok sa taas at isa sa gitnang taas. Kulang na lang eh samahan ng polder para pwede nang ipasa sa titser, dahil mukha ng proyekto sa iskul.
'Yung kauna-unahang pahina, ay isang liham. Makikita niyo ang larawan kung ano ang nakasulat.
Kung hindi niyo naman mabasa dahil may edad ka na, malabo na mga mata mo, klik mo na lang 'yung larawan para lumaki. Kung hindi niyo pa rin mabasa ang nakasulat sa larawan, magpatingin ka na sa mental ospital espesyalista sa mata.
Mangiyak-ngiyak ako habang binabasa ko 'yan. Napaluha ako sa sulat niya dahil sa ingles niya at sa ilang ispeling. Bakit hindi na lang siya nagtagalog para mas madali ko naintindihan. At 'yung pangalan ko! Ako lang ang sumusulat ng tunay na pangalan ko dahil ayaw ko ikalat. Masyado akong nababaduyan sa pangalan ko, tapos ginawa pang "B" 'yung "V" ko! 'Yung ibang pahina naman at naglalaman ng mga kotabol kowts at iba't ibang kalandian, kadramahan, kaartehan, kakornihan, kasabihan na may kasama pang mga larawan ng kung anu-anong hindi ko maintindihan.
Talagang todo-eport sa paggawa dahil kolorpen pa mismo ang ginamit na panulat sa anim na pahina. Sa unang pahina lang siya gumamit ng bolpen. Hindi ko pa siya kilala nung alayan niya ako ng ganyang klaseng sulat. Marami pang sumunod na talagang nagpasakit ng ulo ko.
Balak ko isulat ang kwento niya-slash-namin nung panahong hindi pa uso ang teks kaya sa sulat na lang dinadaan. Pinag-iisipan ko lang kung kaya ko bang magsulat ng tungkol sa labistori ko.
Kung sa tingin niyo eh hindi kayo makatingin, at kung sa palagay niyo eh hindi kayo mapalagay, tulungan niyo na lang akong magdesisyon. Kung ikakalat ko ang aking mala-Maalaala Mo Kaya labistori.
...
The Seven Star Hotels of the World
3 years ago
Comments
14 comments to ""Especial Surprice" Letter"
October 22, 2008 at 5:05 PM
hmmm...nagsulat din ako nun sa crush ko nung highschool, kaya lang wala akong lakas ng loob na ibigay sa kanya..tinatago ko lang ang mga iyon.
"...you cannot forget me and she,.." - wow! dalawa pala ang admirers mo dyan sa sulat..hahaha! buti hindi sila nag-away.
tama, try mo naman minsan na ishare ang lablyf mo sa'min..masyado kang masikreto eh! xoxo
October 22, 2008 at 5:34 PM
ahaha... dalawa nga... tatlo silang magkakaibigan... kaso ung isa may bf n nun... kaya ndi n niya isinama sarili nya dun... ahaha...
October 22, 2008 at 10:10 PM
a ganun laglagan na?! hahahaha!
ay sows naman na letter yan, naka-relate ako. hahahaha! ganyan din kasi ako mag-inglet noong araw. ;)
October 22, 2008 at 11:18 PM
@ "ATE" jojitah:
talaga? ganyan ka mag-ingles dati? hmm... hindi kaya ikaw ang nagbigay sakin nyan?
October 23, 2008 at 1:28 AM
taena na alala co ung unang nagbigay sakit lableter. .
"wer ever u go, wat ever u do, i wil b ryt hir w8ng 4 u"
(bilib aco kasi english)
tapos ginamit co rin un at pinadala co sa nililigawan cong chix:D
kanta pala ang pota!
sige sulat mo labstorya mo. . mukhang makakarelate aco dito:-?:-D
October 23, 2008 at 10:48 AM
ahaha....
"wer ever u go, wat ever u do, i wil b ryt hir w8ng 4 u"
sino ba nagsulat sau? si richard marx? ahaha...
October 23, 2008 at 2:32 PM
mabuti ka nga at may lableter e. ako hindi pa ako nakatatanggap sa syota ko ngayon ng lableter. puro teks!
tek na teks yan at nauso pa.
note: teks na nga lang, nagshort cut pa.
asar!
October 23, 2008 at 4:20 PM
@sweetlady;
anong address mo? padalhan kita ng lableter... lol... pero ganyan din ang ingles? pwede? hehehe...
October 23, 2008 at 6:25 PM
Huwaaa... ang kulit...
October 23, 2008 at 7:20 PM
hindi ko na nga siya nakikita eh... at kung mahilig man siyang magbasa ng blogs... at mapadaan siya dito... cgurado akong kilala nya ang sarili nio... lol
October 23, 2008 at 9:16 PM
Sige, sa tingin ko ayos lang ikalat mo ang iyong mala-Maalaala Mo Kaya love story. Sa tingin ko nga simula na itong post na ito.
October 23, 2008 at 10:59 PM
kaya nga wala pang sumusunod na post eh... hindi p ako sure kung ikakalat ko nga... lol...
pero ayon na rin sa mga komento dito... mukhang ok lang naman... hehehe... sige... umpisahan na natin...
October 25, 2008 at 7:09 PM
*tawa* wala akong masabi... 10 pages! hahaha. di ko kaya yun ah, ganun rin naman ako sa mga crushes ko dati pero paslum book slum book lang ako :P
lupet, ang gwapo mo. lol.
October 25, 2008 at 7:35 PM
ahaha... gwapo? sinong gwapo? asan? ahaha...
10 pahina? un ba ang nailagay ko? binilang ko ulit ung binigay sakin.. hindi pala sampo... pito lng.. ahaha...
wala namang problema sakin kahit anong klase pa ang ibigay nya... ung mejo presentable naman kahit papaano.. tapos naiintindihan ko ung sinasabi...
hehehe...
Post a Comment
Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...