Oct 23, 2008

Love Story ba ito? Parang hindi!

22 na lasing
Hmm. Subukan kong ilathala ang aking labstori. Tinanong ko kasi ang ating mga kaibigan dito sa mundo ng sayber kung ayos lang kaya kung ikwento ko ang aking buhay-pag-ibig. At magaganda naman ang mga pidbak galing sa kanila, kaya subukan ko na din. Pero saan ko nga ba dapat simulan? Pwede siguro kung sa pers gerpren ang una kong ikukwento. Teka muna. Sino nga ang pers gerpren ko? Tangina, hindi ko alam! Nung hayskul kasi, persyir, hindi ko masasabi kung naging gerpren ko nga o hindi. Napakabata ko pa kasi noon kaya hindi ko mamalayan kung ano'ng mga dapat gawin.

May naalala na ako. Medyo siya ang pinakamalapit na masasabi kong gerpren kahit hindi ko pa rin sigurado. Kung naguguluhan kayo, hindi ako magtataka dahil 'yun din ang nararamdaman ko. Gulung-gulo. Kaya umpisahan ko na ang kwento.


May bespren akong babae. Aminado siya na gusto niya ako. Ako naman kahit alam ko sa sarili ko na gusto ko rin siya, kaso, ayokong isipin ng iba na kaya lang ako magtatapat dahil nagte-take-advantage ako. Itago na lang natin siya sa pangalang "Sailormoon" dahil mahilig siya sa kartun na 'yun. Pero teka, hindi siya ang leading lady sa kwento ko.

JS Prom namin nung hayskul. Magkaaway kami ni Sailormoon. Kaya wala akong balak na isayaw siya. Nagmukmok lang ako sa isang sulok kasama ang ilang kabarkadang lalaki. Ilang minuto, lumapit sa akin ang isa kong kaklase. Isa sa magandang babae sa klase namin.

Matangkad siya, seksi, mabait pa, kaso maikli ang buhok niya. Kaya hindi din siya ang leading lady sa istorya ko. Isa kasi sa kraytirya por dyadying para sa akin ang mahabang buhok. Siya si Bernadette, tawagin na lang natin siyang Badong! Nung nagsasayaw na kami, napansin kong matangkad nga talaga siya. 'Yung mata ko ay nakatutok sa ilong niya. Kaya pinatitingkayad ko na lang ang mga paa ko ng konti para medyo pumantay ako sa kanya.

Dalawang kanta ang natapos habang kami pa rin ang magkasayaw nang biglang sabihin niya sa'kin, "'Yun oh si Sailormoon. Bakit ayaw mo isayaw?" Hindi na ako nagsalita at binitawan siya. Dumiretso ako para maupo na lang.

Sa hindi kalayuan, may napansin akong isang babae na halos butasin na ang silya sa tagal ng pagkakaupo. Nilapitan ko siya at tinanong...

"Miss? Gusto mong sumayaw?"

Tumayo siya at nakangiting sumagot ng "Oo, gusto ko nga sumayaw eh."

Pero teka lang, hindi pa rin siya ang leading lady. Malapit niyo na makilala, kaya 'wag kayo mainip.

Pagkasagot niya sa'kin ng ganun, sinabi ko na lang na "Sige, punta ka sa gitna at magsayaw ka. Ako muna uupo dito ha?" sabay upo sa silya niya. Ang sama ng tingin sa'kin nung babae at lumipat na lang sa mga kasamahan niya na nakatambay.

Habang nakaupo ako, kinuha ko 'yung isa pang silya at dun ko ipinatong ang mga paa ko. Na parang nakahiga. Ilang sandali lang, may tatlong babaeng papalapit. Narinig ko 'yung sinabi nung isa sa isa nilang kasama. "Pahinga ka muna, sayaw muna ulit kami."

Dahil sa likas akong matulungin, pinagpagan ko 'yung silyang pinagpapatungan ng mga paa ko at inialok ko sa babae. Napansin ko na medyo maganda siya. Kung iniisip niyo na baka hindi pa rin siya ang leading lady ko, nagkakamali kayo. Siya na nga!

Mga sampung minuto ang nakalipas, bigla na lang akong tumayo mula sa kinauupuan ko. Tumapat ako sa kanya at inilahad ang kamay ko sabay sabing "Pwede?" Hindi siya sumagot pero kinuha niya kamay ko ng nakangiti at dumiretso na nga kami sa dansplor.

May kaliitan pala ang babaeng ito. Ang nakakangawit hawakan ang balakang niya sa sobrang kababaan. Pero ang nipis ng gown niya. Halos nahahawakan ko ang kaselanan balat niya. Nakapatong ang dalawa niyang kamay sa balikat ko. Maya-maya, nagsalita siya. "Tangkad mo pala, nangangawit kamay ko." Bigla na lang pinagkonekta niya ang dalawang kamay niya sa likod ng leeg ko. Para daw hindi siya mangawit. Ganun na din ginawa ko, halos niyakap ko na siya nun.

Pero wala talaga. Nakakangawit talaga. Kaya nagpasya na lang kami na umupo. Pagkahatid ko sa upuan niya. Umalis na ako at pumunta sa mga kabarkada ko.

Matapos ang kasiyahang 'yun, balik sa eskwela. May natanggap akong hindi ko alam kung ano'ng tawag dun. Sampung pahina ng kuponband. Sa unang pahina, ang nakasulat sa itaas... "Bon Carlo"

Tangina! Ako lang ang nagsusulat ng ganyang spelling sa pangalan ko. Bawas puntos para sa kanya. Sa ibaba ng pahina na 'yun, napansin kong nakasulat... "From: " teka, hindi ko na babanggitin mga pangalan. Dalawa kasing pangalan ng babae ang nakasulat dun at hindi ko na maalala pa ngayon 'yung isa. At may kasama pang yir! Portyir sila. Nasa terdyir pa lang ako nung panahong 'yun.

Nasabi ko na lang, "Bakit hindi pa sinamahan ng folder para pwede na ipasa sa titser? Project ga ito?" Inisa-isa ko ang bawat pahina. Wow! Todo-effort ah. May mga kung anu-anong larawan sa kada pahina. Mga larawan ng mga nature-nature at kung anu-ano pa. At ang ipinansulat, kolorpen. May mga quotes, tula at kung anu-ano pang mababasa sa ibaba ng bawat larawan. Inisa-isa kong basahin. Klik n'yo dito kung gusto nio mabasa kung ano ung nasa unahan.

Naiyak ako habang binabasa. Oo, nakakaiyak talaga. Hindi ko maisip kung paano siya nakarating ng portyir na ganun ang klase ng ingles at gramar niya. Pero dahil sa mukhang pinaghirapan niya ang paggawa nun, binalewala ko muna 'yung tungkol sa ingles niya. Pero hindi ko naman sila kilala kaya hindi man lang ako nakapagpasalamat.

Kinabukasan, may nag-abot sa akin ng isang wamport na papel. Nung kinuha ko, may nakasulat dun at binasa ko. Sa itaas "Von Carlo" Syete! Inulit pa ang ganung klase ng pangalan ko pero tama 'yung ispeling. Hindi na "B" 'yung "V" ko. Ang nilalaman ng sulat... "Ako nga pala si Mimi." ganda ng name ah, parang pusa lang. Pumunit ako ng isang piraso ng papel sa aking kwaderno at sumulat ng...

"Thank You!" tapos sa baba, nakasulat ang pangalan ko... "VHONNE"

Nilakihan ko pa para mapansin niya na ganun ang pangalan ko at ibinigay ko sa taong nag-abot sa'kin nung wamport na sulat na iyon. Kinabukasan ulit, may nabasa na naman akong sulat mula sa kanya. "Vhon" Ayos! Malapit na tumama ang ispeling. "Salamat at nag-response ka sa sulat ko." Napatingin ako sa labas at nakita kong may kumakaway sa'kin na babae.

Hindi pa naman nagsisimula ang klase kaya nilapitan ko na siya. "Ako nga pala si Mimi, 'yung nakasayaw mo nung isang araw." Ah! Siya pala 'yun. Maganda siya kaso nga lang parang nabaksakan ng langka ang mukha niya kasi ang daming butas. Hindi ko napansin nung kasayaw ko siya kasi madilim masyado. Pero 'yun lang ang napansin ko. Maganda naman siya.

Ang haba ng usapan namin. Mga sampung segundo. Sinabi ko na lang sa kanya na magsisimula na ang klase ko at sumagot naman siya na uuwi na siya. Pang-umaga kasi siya noon at panghapon ako. Pagtalikod niya, tinanong ko siya "Gusto mo ihatid kita?" biglang sagot niya sa'kin ng "Sige ba!" Anakng... Iniisip ko na tatanggi siya magpahatid. Gusto pala niya, ayoko naman. Nasabi ko na lang "Sa susunod na lang, may klase pa kami eh."

Ilang linggo ang nakalipas, laging ganun ang nangyayari. Usapan ng konti at madalas pa rin ako makakuha ng sulat mula sa kanya. Gumawa din siya ng tula, na para daw sa'kin. At perstaym daw niya magsulat ng tula. Ako naman, sinungaling naman ako noong araw. Sabi ko na ang galing pala niyang gumawa ng tula. Pero! Deeyusskoo! Hindi na halatang tula, nagkaproblema pa sa ingles at ispeling. At kung babasahin mo, ang hirap intindihin. Subukan ko din kunan ng larawan at ipakita sa inyo, at kayo na ang humusga. Lol.

Hindi nagtagal, nagkamabutihan na. Lagi kami magkasama. Inihahatid ko na din siya sa kanila. Oo, sa kanila. Sa kanilang baranggay. Ayoko tumuloy sa bahay nila, natatakot kasi ako sa ate niya dati. Nagkasabihan na din kami ng mga matatamis na salita. Salitang matamis sa pagitan ng dalawang nagmamahalan.

Nang bigla na lang itanong nung kaibigan niya, na isa sa nag-eport na gumawa nung espesyal na sulat daw, habang naglalakad kaming tatlo kung kailan daw niya ako sinagot. At sinabing "Hindi ko pa siya boypren, hindi pa naman nanliligaw eh. Pero sasagutin ko naman agad kung sakali."

Tanginang babaeng ito, pagkakaarte. Dami nang nangyari, hindi pa raw nanliligaw? Eh halos siya nga ang nanligaw sa'kin, tapos ang gusto niya siya naman ang ligawan ko? Oo alam ko na gusto ng babae ang nililigawan, pero siya naman mismo ang nagbuka ng pekpek ayaw magpakipot at halos gawin na ang lahat para mapansin ko. Pero pinabayaan ko na lang.

Nung mangyari 'yun, medyo nangingilag na ako at parang tinatamad 'pag kasama siya. Pero sinasamahan ko pa rin. Siya 'yung laging magpapatawag o tatawag sa'kin para lang samahan siya. Hindi ko na tinatanggihan baka kung ano pang sabihin. Hehehe.

At alam kong pagod na din kayo sa kababasa (Nahalata ko?). Kaya malapit na ang gradweysiyon nila. Nagpapraktis na sila mag-martsa. Kinausap niya ako. Punta daw ako sa gradweysiyon nila. Syempre naman pupunta ako dun. Gradweysiyon din ng kapatid ko 'yun eh. Nung dumating ang araw na iyon, nagkita muna kami. Kinausap niya ako.

"Sama ka sa akin, pakilala kita sa Ate ko saka sa magulang ko."

Kinabahan ako. Iba ang naiisip ko. Nagpaalam na lang ako, sinabi kong uuwi muna ako dahil may kukunin ako. Pero hindi na ako bumalik. Naisip ko kasi, kung sabit na ang pamilya niya, seryosohan na ito. Dami ko naisip kaya hindi na lang ako nagpakita.

Makalipas ang ilang taon, nagkasalubong kami sa palengke. Nag-iisa siya. Ako naman ay kasamako ang kabarkada kong babae. Nung halos malapit na siya at nakatingin sa'kin, bigla ko na lang inakbayan ang kabarkada kong babae. Hindi siya makatingin sa'kin ng diretso hanggang makalampas na kami sa isa't isa.

Bigla na lang nagsalita ang kabarkada ko. "Oh? Bakit bigla naman yatang naging sweet ka sa'kin ngayon?"

Sinabi ko na lang na "Bakit? Ayaw mo ga? Edi wag!" Sabay tanggal ng braso ko sa balikat niya.

Makalipas ang ilang araw, may kumausap sa'kin. "Kunin na daw ni Mimi 'yung mga piktyur niya na binigay sa'yo." Ano? Ibibigay tapos kukunin? Ako na may-ari nun mula ng ibigay niya, kaya ako ang magdedesisyon kung ibabalik ko 'yun o hindi. Kung iniabot niya sa'kin 'yun at sinabing pinahihiram niya, isosoli ko.

Ang sama ng ugali ko noh? Wala akong magagawa. Ganun ako mag-isip dati eh. Pero hindi na ngayon. Matinong tao na ako ngayon. Totoo. Pramis!

...

Comments

22 comments to "Love Story ba ito? Parang hindi!"

paperdoll said...
October 24, 2008 at 1:33 AM

may kadigasan din mukha mo noh? hahaha. . baka nasabi mo lang maganda kasi nahihiya kang sabihing mukhang halimaw:D joke lang. . eh ano nangyare dun kay sailermoon? tsktsk. .
talagang ayaw mo balik mga pics:D pinagnanasaan mo pa ata eh:D

Vhonne said...
October 24, 2008 at 11:28 AM

ndi ko nga mapagnasahan ang pikturs nya... karamihan puro mukha niya... walang katawan... lol...

si sailormoon? nakow... ganun ako pagnagalit ng sobra... hindi ko kinakausap... kinakalimutan ko na talaga... hanggang ngaun... ndi ko pa rin siya kinakausap... balita ko lng napangasawa nya ung isang klasmeyt namin nung portyir hayskul kami...

Anonymous said...
October 24, 2008 at 1:10 PM

ganon pala ang naiisip ng mga lalake ha? kasi sa kasawiang palad na aaminin ko, na may nakasulatan din akong ganyan. kaya lang sya ang inilagan ko dahil masamang magalit, nanghahagis sa dingding. naihagis na ako non. pramis.

Vhonne said...
October 24, 2008 at 1:31 PM

waaa... ate... mas masama kesa sakin un... hindi ako marunong manakit ng babae ng ganyan...

Anonymous said...
October 24, 2008 at 1:53 PM

kahit siguro si mimi yun unang nagbigay ng motibo saiyo at yung mga acts nyo eh tulad narin sa tlgang magjowa, gusto parin niya syempre yung hihingin mo ng pormal or iask siya na maging gf mo..babae parin kasi siya.(ang tanong lang eh kung gusto mo ba kasi siyang maging gf?!)
pero sabagay history na iyan, at sana nga totoo yung sinabi mong matino ka na ngayon..peace!

hmmm..sa dinami dami nila,parang wala parin yata si leading lady? cnu ba talaga? :)

Vhonne said...
October 24, 2008 at 4:25 PM

un nga ang tanong... kung gusto ko siyang maging gf o hindi... lol... siya ang nanligaw sakin... siya ang nagtanong kung gusto ko siya... tapos ang gusto nya siya ang tatanungin ko?
pero wala n un... matino n talaga ako.. pwamis.. ehehe...

madami p akong pinagdaanan bago ko makita ung totoong naging leading lady ko... whew... naalala ko n nmn siya.. amf

Anonymous said...
October 24, 2008 at 7:37 PM

ang mga lalaki talaga...


mapagkunwari...

nasan na kaya ung picture nia? Bat di pa soli eh tutal naman eh prang kinalimutan mo na din. hahaha..

Vhonne said...
October 24, 2008 at 7:45 PM

@sweetlady;

ebidensiya un... na minsan ay may babaeng nahulog ang panty sakin... ahaha... hindi ko siya kinalimutan... hindi ko lng tanda ang pangalan nya.. lol...

ndi nmn... naalala ko pa rin siya... tinetreasure ko lahat ng bagay na binibigay sakin...

Anonymous said...
October 24, 2008 at 10:20 PM

grabe ka naman magdescribe ky mimi... ikaw ba si tuxedomass ha.. xempre gabi yun nkapoundation xa.. hahahah..

Vhonne said...
October 24, 2008 at 11:08 PM

hindi ako si tuxedomask.. dahil wala akong tuxedo at lalong wala akong mask...

oo nga.. ndi ko nahalata nung gabing un kc nakafoundation nga yata siya... ehehe...

pero sana magkita kami isang araw... wala lng... kumustahan... ehehe...

Dear Hiraya said...
October 25, 2008 at 3:53 AM

wahahahahahah!! grabe!!! panalo!!! hahahaha tawa talaga ako ng tawa!! enjoy! ang saya ng lablayp mo hahahahahah!!


http://fjordz-hiraya.blogspot.com

Vhonne said...
October 25, 2008 at 11:01 AM

ayan... buti n lng at may lalaking nagcomment dito... may kakampi n ako... hindi naman masama ginawa ko diba fjordan? lol...

Anonymous said...
October 26, 2008 at 6:54 PM

haha. natawa ako nung binasa ko itong lovestory mo.

tsaka, grabe. after how many years, saka pa naisip ng ex mo na kunin ang picture niya ha? hmmmm... baka nagpapapansin lang.

Vhonne said...
October 26, 2008 at 7:04 PM

kaya nga ba ayaw ko magsulat ng labistori ko eh.. tinatawanan.. lol...

cguro nga po nagpapapansin.. ahaha...

salamat po sa pagbisita... ;)

Anonymous said...
October 26, 2008 at 10:07 PM

nawindang aq sa istorya huhuhu..

Vhonne said...
October 26, 2008 at 10:48 PM

@anonymous:

bakit naman po? naku naman... pinahula mo pa kung sino ka... amf... bkt anonoymous name mo.. lol...

Unknown said...
October 27, 2008 at 8:05 PM

nakz!..auz ah...
npaisip 2loy aq sa ibinigay kung lableter sa ex quh...
prang gs2 q ng bawiin ngaun...\haha

Vhonne said...
October 27, 2008 at 8:10 PM

@jacq:

bakit? katulad b ng ganyan ung sulat mo? lol... wag mo bawiin... malay mo blogger din siya... tapos post din nya... sikat ka.. lol

Anonymous said...
April 16, 2009 at 1:37 PM

kakatuwa labstori mo
naalala ko tuloy
ung dating
sumulat
sa akin
...
hya..babae nga naman
^_^

Anonymous said...
April 16, 2009 at 1:41 PM

nalasing ako sa
labstori mo nakakatuwa,
kakaaliw
pede ba kita
mameet?
may FS ka ba?
give mo
naman sakin
ung
e-mail add mo..
kung pede
lang
^_^

Vhonne said...
April 16, 2009 at 11:36 PM

@anonymous:

salamat naman kung naaliw ka.. ahaha... FS? meron... kung gusto mo ako makausap... heto ang ym ako...

vhonne12@yahoo.com

pero hindi yan ang fs add ko... bigay ko n lng sau kapag nagkachat na tayo... hehehe...

cge salamat...

Anonymous said...
December 13, 2024 at 10:30 AM

Respect and I have a swell proposal: Renovation House Company house renovation contractors

Post a Comment

Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...

 

Copyright 2008 All Rights Reserved Revolution Two Church theme by Brian Gardner Converted into Blogger Template by Bloganol dot com Customized by Vhonne DeVille