Sa kalagitnaan ng gabi, isang malakas na ingay ang narinig ko sa labas. May dalawang lalaki ang nag-aaway. At may mga babaeng nagsisigawan. Sinubukan kong lumabas para malaman kung ano'ng nangyayari. Tangina! May pasa na pareho ang dalawang lalaki, habang may mga humahawak sa kanila para pigilan.
Parehong nagpupumiglas at gigil na gigil. Dinuduro ang isa't isa. May umiiyak sa dulo. Mga bata. Maya-maya, umikot patalikod 'yung isa at tuluyang binitawan ng naghahawak. Walang sali-salitang umalis 'yung isang lalaki papalayo. At inakala ng lahat na tapos na ang gulo.
Ilang minuto pa habang inuusisa ng iba ang naiwang kaaway, biglang bumalik itong isa na halos mas mukhang gigil na gigil kesa nung kanina. Halos namumula na ang mata. May hawak na gulok. Hindi na napigilan ng iba ang biglang pagtakbo nito patungo sa lalaking nakaupo na kanina'y kaaway niya.
Anakngpitumputpitonglasing! Tinaga! Sobrang gigil na gigil na parang kumakatay ng baboy. Sigawan ang maririnig mo. Lasing na lasing ang lalaking may hawak ng gulok at parang hindi na nakakakilala. Kinabahan na ako ng husto. Tumingin sa akin at papalapit. Tangina! Kinabahan na talaga ako. Nang biglang may narinig akong maingay na tunog. Hindi naman sirena ng pulis.
Whew! Patay! Patay na naman ako nito. Leyt na ako sa pagpasok. Alarm pala ng selpon ko ang tumutunog. Hindi pa nga siguro ako sanay sa bagong iskedyul kaya kung anu-ano napapanaginipan ko. Hindi nga ako namatay sa panaginip ko, patay naman ako sa pagpasok ko.
...
The Seven Star Hotels of the World
3 years ago
Comments
4 comments to "Patay!"
October 20, 2008 at 3:39 PM
patay ka talaga. kaya naman pala ang ganda ng pagkakabalot e dahil panaginip lang :)
October 20, 2008 at 4:26 PM
nagalit sakin ung kasama ko dito... nung nabasa yang post ko na iyan...
hindi dahil sa late ako... dahil panaginip lng pala ang patay
October 22, 2008 at 7:12 AM
pucha! patay na nga si spongebob! waaaaa!
October 22, 2008 at 10:41 AM
sabi kasi sa kanyang hindi siya pwede sa walang tubig eh... ang kulit...
yan ang napala niya...
Post a Comment
Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...