"No, I don’t feel any pressure right now."
Kilala niyo ba kung sino ang nagsabi ng mga katagang 'yan? Mismo! Walang iba kundi ang ating Binibining Pilipinas ni si Ms. Janina San Miguel. Sino bang Pinoy ang hindi nakakakilala sa kanya? Teka, sa mga pinagsasabi niya nung naganap na padyent, halos buong mundo na yata ang nakapansin sa kanya. Pero ano itong nabalitaan ko na hindi daw siya makakalahok sa darating na Binibining Mundo (Miss World)?
Pero teka, hindi siya ang bida sa ikukwento ko. Kasamahan ko sa trabaho. Itago na lang natin siya sa pangalang Metallica Girl. (Bakit Metallica Girl? Walang pakialamanan, wala akong maisip eh!) Ang kaganapan, sa katatapos lang ng unang anibersaryo nang kumpanyang pinapasukan ko. Isang engrandeng bayuti padyent ang pinasinayaan.
At 'yun na nga! Diretso na agad tayo sa mga kalahok na dalagas. Wow! Ang gaganda talaga. Ang ganda ng biyu... beau... Ang ganda ng view sa location kung saan kami nagdaos ng anibersaryo. Medyo malayo kasi ang pwesto namin, doon kami sa may kubo kaya hindi namin maaninag 'yung pagmumukha este 'yung fes nila. Isa-isa na sila nagpakilala at siyempre may kanya-kanyang mga kasabihan.
Sobrang ingay! Hindi na marinig ang mga pinagsasasabi. Pero 'yung pang-apat na kalahok, nung magsimula magsalita, medyo tumahimik ang mga manonood-slash-magugulong tao doon at nakinig. At ito ang kanyang sinabi...
"Black is beauty, but too much black is charcoal!"
Oh, sayings pa lang panalo na. Akala ko tuloy gay pageant ang pinapanood namin. Mukhang alam ko kung sino ang nagturo sa kanya para sabihin 'yun. Hindi ko na lang babanggitin, baka mawalan ako ng trabaho.
Ilang sandali, matapos maisingit ang ilang programa, muling tinawag ang mga kandidata para sa pagpapakita ng alindog. Sa madaling salita swim wear na! Ang mga katabi kong lalaki, biglang nawala. Nakita ko na lang nandun na sa malapit sa stage. Mahahalata mo talaga ang mga nyakerz. Nagsimula nang rumampa ang mga kontestants, at siyempre, wala na ako kasama sa kubo, takbo din ako dun. Para makipanood, hindi ako nyakerz, tiningnan ko lang kung walang suot, este kung ano'ng suot.
At kay number 4 na naman tayo, palakpakan ang mga manonood. Bakit kaya? Ano kayang nakita nila sa babaeng ito? Mga naglabasan ang dila at tumutulo ang laway eh. Dahil sa portion na 'yun, naging krawd-feborit siya.
Pagkatapos nun, kumbaga sa telebisyon, may commercials, may ibang programang isiningit muna. Ang mga lasheng sa unahan, atat na atat na makita ulit kung ano 'yung nakita nila. Kilala ko pa 'yung isa dun na kalbo na abot hanggang tenga ang ngiti. Katukayo niya 'yung nalilink kay Squall (Piolopas Squall), kilala niyo naman siguro 'yun? Hindi. Hindi si Angelo (Angelo Ksin), kundi si Someone/Samuel (Samuel Bee).
Teka! Baka lumayo sa kwento. Hindi nga pala siya ang bida dito. Sa ibang post ko na lang siya ikukwento. Mag-uumpisa na ang "question-n-answer portion". Battle of the Brainless 'ika nga. Ako naman, walang interes sa mga ganyang paligsahan kaya ayos lang sa'kin kung ano'ng gawin nila o sabihin nila, basta ako, nakaupo at may hawak na baso. Solve na ako dun.
Pero ano ito? Nung marinig ko ang sagot ni Number 4, bigla ko naalala si Ms. Janina San Miguel. Akala ko nga siya 'yung nasa unahan eh. Ang tanong kasi eh 'yung walang kamatayang tanong sa pageant na "What is the essence of being a woman?" Ewan ko kung sino naglagay ng tanong na 'yan dun. Pero sa palagay ko, BAKLA ang nagsulat ng tanong na 'yun dun sa nagaganap na kontes. Ganito ang naging takbo ng sagot ni Metallica Girl...
"Ahhmm... Virgin? Oh my God! Hmm... Boobs?"
Ayos! Hindi ko na narinig 'yung ibang sagot niya. Natabunan na ng malakas na palakpakan at sigawan ang sumunod na pakawala niya ng boses. Pasalamat siya sa mga pans niya, kundi dahil sa awdiyens-impakto hindi siya lalamang ng malaki sa puntos para manalo.
Tapos naisip ko, may pagkakapareho siya kay Janina. Sa tingin niyo? Meron nga noh? Pareho silang nanalo. Hehehe...
Siyanga pala, apat lang silang magkakalaban.
...
The Seven Star Hotels of the World
4 years ago
Comments
16 comments to "Virgin? OMG? Boobs?"
October 5, 2008 at 9:47 PM
wahaha! pambihira. iba talaga ang kamandag! nagmistulang epidemya? arujosko. boobs? virgin? WAHAHAHAHAHAHAHAHA. ever ha.
pero, maligayang bati sa kanya! :D
October 5, 2008 at 9:55 PM
ahaha... lakas makahawa ni janina...
sasabihin ko n lng sa knya na binabati mo siya... ehehehe
October 6, 2008 at 4:41 AM
Sino ga si Janina? wala na ako sa balitang Pinas eh. Konting bakgrawnd naman diyan.
October 6, 2008 at 4:46 AM
koya, salamat sa lingk, nung dumalaw ka sa aking bahay, sana y nagustuhan mo ang iyong bisita...dalaw ka ulit minsan at may pakape ako roon--talaga, may pakontest akong nagbibigay ng mug at kung ano anong burloloy.
koya, yung nga lang link na inilagay mo sa akin sa blog link mo ay kulang ng T ang dotnet. salamat. ingat.
October 6, 2008 at 6:23 AM
@Mahalia: Si Janina San Miguel 'yung nanalo sa Binibining Pilipinas nitong nakaraang pageant lng... sumikat siya hindi sa pagkakapanalo niya... sumikat siya dahil sa sagot niya sa question-and-answer portion... kasi ung english nya kasi... basta.. search nio po sa google.. hehehe...
sorry po sa link... cge... aausin ko po... salamat sa pagdaan...
October 6, 2008 at 9:51 AM
si janina yata kaya umatras kase she feels so many pressures ryt now.lol! at si metallica girl, baka na mental block hehehe!
salamat po sa pagbisita sa aking mumunting blog,.
ur blog is sooo nice, naalala ko tuloy ung klasmeyt ko sa LSSI last april taga lipa din siya and he gave me mini-balisong/keychain 4 a souvenir aysolabit.
ok lang po ba if link kita? tnx
October 6, 2008 at 4:07 PM
@eiyelle: noprablem, may pleshur... link din kita ;)
sinong klasmeyt mo? baka kilala ko? teka... baka madami ka kaaway kaya binigyan ka ng balisong? hehehe
peace... baka sakin mo gamitin balisong...
October 7, 2008 at 9:02 AM
hahaha! gudgirl po ako kaya wala ako kaaway..taga LaSalle lipa po si kuya Henry (kilala mo kaya?)napaisip tuloy ako if lahat ba ng batangenyo kwela? lolz!
at..hmmm..kanino ko nga kaya pwede gamitin ung balisong, sayang naman kung nakadisplay lang db..hehehe!
salamat po sa link..magiging regular na po pagdalaw ko dito. saya kasi! :)
October 7, 2008 at 10:15 AM
hindi lahat ng batanguenio ay kwela... pero lahat ay baliw... hehehe...
hindi lahat magaling magpatawa... pero ang lahat ng ginagawa nila... nakakatawa...
sana nga maging regular ka na dito... kaya naman mas lalo ko pagagandahin mga isusulat ko... hehehe
tenchu beery match!
October 7, 2008 at 2:02 PM
kaya pala natuwa sa akin yung klasmeyt kong iyon kase para ako sa mga baliw..hehehe!
lagi ko aabangan ang mga magagandang isusulat mo. from now own i will be ur stalker..este fan pala. :)
October 7, 2008 at 2:07 PM
nyaha! what da! typo typo..from now on po iyan..hahaha!! hindi ako si metallica girl at lalong hindi ako yun nagsulat ng letter! lolz
kuya,grabe yung word verifiction dito sa commentbox mo..ayaw niya ata sa akin huhuhu!
October 7, 2008 at 4:19 PM
bakit? pinahirapan ka ba nung word verification? ahaha... hindi nyan ayaw sa'yo... gustung-gusto ka nga nyan eh... kaya ayaw ka niya paalisin sa word verification n un.. para lagi k nya kasama...
;)
October 8, 2008 at 9:23 AM
may ganun! hahaha..matigas kase ang ulo ko sabi ng opto klangan ko na dw ng corrective eyeglasses,ayaw ko..iyon, pinatunayan ni mr.wordvrfication na mlabo na nga mga mata ko..at sa tgal maconfirm ng comment ko dito,parang mag-on na nga kami ng WV mo.hehehe!
October 8, 2008 at 4:44 PM
ganun? wag mong seseryosohin... babaero yang WV na yan...
October 8, 2008 at 5:38 PM
oo naman po..kanino paba magmamana iyan..peace! hehehe!
October 8, 2008 at 5:52 PM
cno? kanino? imposible namang ako... hehehe...
Post a Comment
Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...