Oct 11, 2008

LAN Card

0 na lasing
Badtrip! Nasira ang langkard ng kompyuter ko, walang koneksyon tapos ayaw pa madetek. Takbo ako sa kapitbahay ko, kasi alam kong bumili 'yun ng bagong kompyuter niya. Naisip ko na pwede kong hiramin 'yung langkard niya. Gabi na kasi kaya sarado na ang mga tindahan ng parte ng kompyuter. Buti na lang nakahiram ako.


Balik ako sa bahay para ikabit nga 'yung nahiram ko. Syete! Problema pa rin, nadedetek naman ng kompyuter pero konek-hindi-konek-hindi-konek ang internet ko. Inabot na ako ng alas-singko na umaga kahihintay, nagbabaka-sakaling maging ayos ang lahat. Pero hindi ako nakailag nang ibato sa'kin ang antok. Tinamaan ako ng antok.

Kinabukasan, kinabukasan nga ba? Ilang oras lang pala ang nakakalipas, alas-dose ng tanghali nung magising ako, nakita kong ginagamit na ng kapatid ko ang kompyuter at nakakapag-internet. Aba! ayos na pala eh. Mabuti naman kung ganun. Makakapagbasa na naman ako ng mga kwento at paglalakbay sa (pantasya.com) bawat blag na tinatambayan ko.

Pero makalipas ang dalawang araw. Pauwi na kami ng mga kasama ko galing trabaho nang magyayang bumarek. Pero hindi natuloy dahil kokonti lang kami. Kaya umuwi na lang ako para tapusin ko 'yung mga dapat kong tapusin sa kompyuter, magsulat ng panibagong artikulo sa aking blag, manood ng (porno) animey at magbasa ng mangga sa internet.

Tamang-tama, bukas na ang kompyuter ko, hindi na ako makapaghintay pumindot sa aking tipahan. Una kong naiklik 'yung Mosilya Payrpaks tapos klik agad sa way-em ko. Tangina naman oh! Ang unang tumambad sa mata ko nung nagbukas 'yung payrfaks, "Can't Find The Server!"

Napeste na. Wala na naman akong internet. Naisip ko, hindi naman putol dahil lagi naman ako nagbabayad. Tapos kakapadala lang nung umaga 'yung bago kong bil para sa buwan na ito. Kaya tsek ko agad 'yung loob ng sistem yunit ko. Aba aba aba, 'yung langkard na hiniram ko, hindi umiilaw.

Tsek ko din 'yung Network Koneksiyon sa kompyuter, lagot na nga. Hindi na nadedetek 'yung langkard. Kahit ano'ng pagpapalipat-lipat ng langkard sa bawat slat ng maderbord, talagang wala na. "Dead-on-the-spot!" Kung napaaga lang ako ng dating, sana naabutan ko pa siya. Hindi sana siya magkakaganito. Maaari ko pa sanang masagip ang kanyang buhay nung naghihingalo pa lang siya. Pero wala na talaga, salamat na lang sa dalawang araw na pag-sasama natin. Sa ganung kaikling panahon, hindi kita malilimutan. Huhuhu.

Bukas na bukas, tatakbo ako sa pinakamalapit na tindahan para makabili ng langkard na kailangan ko. Hindi ko kayang mabuhay ng walang internet. Hindi naman tatagal sa'kin ang kompyuter siyap kasi hindi naman kasi si Mel Tiyan-ko at Maykel Rikets at nagbabantay para bente-kwatro oras ang serbisyong totoo nila.

Haybuhay! Kaya tiyaga muna ako dito sa nowtpad ko, habang sinusulat ko ang karanasang ito.

...

Comments

0 comments to "LAN Card"

Post a Comment

Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...

 

Copyright 2008 All Rights Reserved Revolution Two Church theme by Brian Gardner Converted into Blogger Template by Bloganol dot com Customized by Vhonne DeVille