Sep 30, 2008

Battle of the Brainless Part 4

0 na lasing
Host: Sino ang unang pambansang bayani ng Pilipinas na may initials na J.R.? (Jose Rizal)
Contestant: Jeric Raval?
Host: Hindi, isa siyang doctor!
Contestant: Dr. Jeric Raval?
Host: Mali pa din, patay na siya!
Contestant: The Late Dr. Jeric Raval???


Host: Ano ang total ng 2 + 2?
Contestant: Three!
Host: Hindi, mas mataas pa diyan.
Contestant: (Tinaasan ang boses) Three!

Host: Anong hayop sa dagat ang may walong tentacles? Clue: Ang pangalan niya ay nagsimula sa "Octo" (Octopus).
Contestant: October.
Host: Hindi, walo nga ang tentacles nito.
Contestant: Octo-walo.
Host: Hindi pa rin. Ang hayop na ito ay walang spine at malambot ang katawan.
Contestant: Octoarts Dancer.
Host: Hindi, nagtatapos sa "s" ang pangalan nito.
Contestant: Octoarts Dancers.
Host: Hindi pa rin.
Contestant: Octomechanix ......

Basahin ang kabuuan nito...

Battle of the Brainless Part 3

0 na lasing
Host: Sino ang kauna-unahang Chess Grandmaster of Asia? (Eugene Torre)
Contestant: Carole KING? (King)
Host:Hindi, mas mababa sa king.
Contestant: Al QUINN? (Queen)
Host: Hindi, tagalog ang apelyido niya.
Contestant: Armida Siguion-REYNA? (Queen/Reyna)
Host: Hindi pa rin. Mas mababa sa reyna.
Contestant: BISHOP Bacani? (Bishop)
Host: Mas mababa sa bishop.
Contestant: Johnny MidNIGHT? (Knight)
Host: Mas mababa sa Knight.
Contestant: Jerry PONS? (Pawns)
Host: Oh, ayan na, nabanggit mo na lahat ng piyesa sa Chess. Yung kahuli-hulihang piyesa na lang.
Contestant: Sylvia laTORRE!


Host: Sino ang National Hero na naka-picture sa 500 Peso bill? Clue,may initials na N.A. (Ninoy Aquino)
Contestant: Nora Aunor?
Host: Hindi. Ang pangalan niya ay nag-e-end sa "Y".
Contestant: Guy Aunor?
Host: Hindi. Dati siyang Senador.
Contestant: Si Former Senator Guy Aunor?
Host: Hindi. Patay na siya.
Contestant: ANO??!! PATAY NA SI NORA AUNOR???!!!

Host: What "K" is the national animal of the Philippines? (Kalabaw)
Contestant: Kuto?
Host: Hinde. Clue, it tills the land.
Contestant: Kutong Lupa!

Host: What is the national bird of the Philippines? Clue: Starts with the letter "M" (Maya)
Contestant: Manok?
Host: Hindi, brown ang kulay nito.
Contestant: Piniritong manok?
Host: Hindi, nagtatapos sa letter "A"
Contestant: Piniritong manoka?
Host: Hindi, mas maliit pa sa manok.
Contestant: Maggie chicken cube? ......

Basahin ang kabuuan nito...

Contact Form


You can contact me by using the form below. You can also message me here if you want to exchange link with me.

Your Name:

Your Email:

Website URL:

Message:



......

Basahin ang kabuuan nito...

Exempted!

0 na lasing
Nagmamaneho ng lasing si Tatang Tanggero, pagiwang-giwang ang takbo ng owner niya nang bigla na lang siyang pahintuin ng isa MMDA.

MMDA: Sir, nakainom yata kayo ah? Ano pong pangalan ninyo?

Sabay kuha ng kanyang panulat at tiket, para tiketan si Tatang.

Tatang Tanggero: Pangalan ko ga ang kailangan mo? Kelangan ga eh buong pangalan?

MMDA: Opo, para maisulat ko dito sa tiket.


Biglang naalala ni Tatang ang pangalang nabasa niya na sinasabing isa sa pinakamahabang pangalan sa mundo. Kaya ito ang sinabi niya sa MMDA.

Tatang Tanggero: Adolph Blaine Charles David Earl Frederick Gerald Hubert Irvim John Kenneth Loyd Martin Nero Oliver Paul Quincy Randolph Sherman Thomas Uncas Victor Willian Xerxes Yancy Zeus po.

Napatigil ang taga-MMDA at sinabi na lang na...

MMDA: Ah, bossing, ingat na lang po sa pagmamaneho para hindi kayo madisgrasya at makaabala.

Absuwelto si Tatang. ......

Basahin ang kabuuan nito...

Battle of the Brainless Part 2

0 na lasing
Host: Anong "L" ang tawag sa tao na sumasagip sa iyo pag ikaw ay nalulunod? (Lifeguard)
Contestant: Lifebuoy?
Host: Hindi, pero kahawig nga ng pangalan ng sabon ang pangalan ng ito.
Contestant : Safeguard?
Host:Hindi, pagsamahin mo yung dalawang sagot mo.
Contestant : Safe Buoy?
Host: Hindi siya "boy" at matipuno nga ang kaniyang katawan.
Contestant: Ah, Mr. Clean!

Host: Anong "S" ang ginagamit na flotation device sa dagat upang hindi ka malunod? (Salbabida)
Contestant: Sirena?
Host: Hindi! Hindi ito babae.
Contestant: Siyokoy?
Host: Hindi ito lalake.
Contestant: Siyoke?

Host: What "S" is the national flower of the Philippines? (Sampaguita)
Contestant: Sunflower?
Host: Hindi. Binebenta ito sa kalye.
Contestant: Stork?
Host: Hindi. Bulaklak sabi eh.
Contestant: Sitsarong bulaklak?
Host: Hindi pa rin. It ends with a letter "A".
Contestant: Sitsarong bulaklak na may suka?
Host: Oh, para madali, uulitin ko ang clues at dadagdagan ko pa! Anong pangalan ng bulaklak na nagsisimula sa "S", nagtatapos sa letrang "A", at kapangalan ng isang sikat na singer?
Contestant: Si...Sharon Cuneta! ......

Basahin ang kabuuan nito...

Battle of the Brainless Part 1

0 na lasing
Host: What "N" is the national tree of the Philippines?
Contestant: Niyog?
Host: Mas matigas pa diyan.
Contestant: (tinigasan ang pagkakabigkas) NIYOG!!!

Host: Saang "B" binaril si Jose Rizal? (Bagumbayan)
Contestant: Back?
Host: O sige, pwede rin na ang simula ay letter "L." (Luneta)
Contestant: Likod?
Host: Hindi pa rin. Para mas madali, "R.P." ang initials ng modern name nito. (Rizal Park)
Contestant: Rear Part? (Likod pa rin!)

Host: Saang "B" tayo madalas pumunta pag summer upang maligo?
Contestant: Banyo?
Host: Hindi, pag pumunta ka doon, maaarawan ka.
Contestant: Bubong?
Host: Hindi, marami kang makikitang mga babaeng naka-bikini doon.
Contestant: Beerhouse! ......

Basahin ang kabuuan nito...

Kaibahan

0 na lasing
Anak: Itay, ano kaibahan ng confident sa confidential?

Itay: Anak kita, CONFIDENT ako dyan. Yung bestpren mong si Tikboy, anak ko rin, CONFIDENTIAL yan. ......

Basahin ang kabuuan nito...

Sep 29, 2008

Hate Letter

4 na lasing
Habang nagsesearch ako ng mga "types of letter" sa internet, tulad ng Application letters, Business letter, Love letters at kung anu-ano pa. Nang mabasa ko itong isang kakaibang sulat. Isang Hate Letter?

Hindi ko alam kung totoo ito o hindi, pero nakasaad naman sa isang websayt na nakuhanan ko nito na hindi daw ito gawa-gawa lamang ng kung sinu-sino. Isang sulat daw ang nakita nila sa isang bar sa Maynila. Iningatan nila na manatili sa orihinal na pagkakasulat at walang kahit isang letra man lang ang nabago sa nasabing sulat.


Ating basahin ang nilalaman ng sulat. Mas maganda kung basahin natin na may kasamang feelings para mas enjoy. Hehehe...

To Marjie,

I am not surprise or wander why Dennis leave you. Why? What reason you can think about but you're very fat body. I thought before that Dennis only use me to his toy but sooner and later I'm realize that he really can't not beared or stomached to be with you anymore because at first,Dennis say he could not stand you're habit of making pakialam all his walks [lakad] and always calling to their house what he go home or this or that and then he say he get ashame to met iether in school or in his family and then asking you to exercise you're very very ,very fat body but you hate it thoughth your the most preetiest girls he knows about what do you think you are "Beautiful Girl " of Jose Marie Chan even you are beautiful face to your think) you do not have the right to called me whatsoever or else different name one time or the other for the real purposed to insults my personality because I'm never call you names iether in the front of Dennis or in the backs of Dennis, but if you start already to calling me different name, I don't have any other choice but to call you other different name to like you are a PIG, FAT, OBESSED, OVERWIGHT, AND UGLY SHAPE girl. Shame to you're body that is to a BUDING. You can't not blame Dennis for exchanging you to me because I am the more sexier than you when you look to us in the mirror. I'm repeat again that you are like Ike Lozada when she is a girl.

FROM: THE SEXIEST GIRL OF D.M.

P.S. You say that I'm the bad breathe but who is Dennis want to kissed. Me or you? You or me? And the final is me. There you go.
......

Basahin ang kabuuan nito...

Matagal ba ang isang Segundo?

0 na lasing
Habang naglalakad si Tatang Tanggero, bigla na lang nagpakita sa kanya ang Panginoon nating lahat. Kahit na nagulat, nagawa pa rin niyang makapagtanong dito ng ilang bagay.

Tatang Tanggero: Mahal na Panginoon, mayroon po akong ilang katanungan para sa Inyo.

Panginoon: Sige lang anak, magtanong ka at sasagutin ko.

Tatang Tanggero: Panginoon, gaano ga po katagal para sa Inyo ang isang milyong taon?

Panginoon: Segundo lamang.


Tatang Tanggero: Eh, magkano naman po ang isang milyong piso para sa Inyo?

Panginoon: Sentimo lamang.

Nakaisip ng ideya si Tatang. Kung hihingi siya ng isang sentimo dito, isang milyon ang katumbas noon para sa atin. Kaya hindi na siya nagdalawang-isip na humingi dito.

Tatang Tanggero: Panginoon, pwede ba akong makahingi ng isang sentimo Ninyo?

Panginoon: Walang problema, anak. Maghintay ka lang ng ilang SEGUNDO.

Bigla na lang siyang natumba at nahulog. Naumpog ang ulo niya at biglang natauhan. Nakatulog pala siya sa mesa kung saan sila nag-iinuman, at doon mismo nahulog mula sa kinauupuan niya.

Tatang Tanggero: Buti na lang, panaginip lang pala. ......

Basahin ang kabuuan nito...

Sep 28, 2008

Pick Up Lines - Part 2

0 na lasing

You're like my kulangot...because You're hard to get.

You're like my kuto...I can't get you outta my head.

You're like my pustiso...I can't smile without you.

You're like a suppository...you bring out what's bad in me.

You're like a yosi vendor...you give me HOPE and MORE.

You're like ovalteens...I just can't get enough.

You're like my bra...salu-salo mo ang dibdib ko.

You're like my shoes...You're always there, wherever I go.

You're like constipation...you take my breath away.

You're like my sweat...you relieve me when I'm hot.

You're like extelcom...you never stop caring about me.

You're like SM...because you've got it all.

You're like a balikbayan box...because I get excited when you arrive.

You're like a jingle joke...you bring the corny out of me.

When I am with you, I feel like matatae...because you make me kilig to the bones.

Hindi ka pa ba napapagod? Kasi kanina ka pa tumatakbo sa isipan ko.

Nawawala ang puso ko,. Paki check mo nga kung nasa pocket mo!

I'll see you in court...dahil ninakaw mo ang aking puso. ......

Basahin ang kabuuan nito...

Si Inay

0 na lasing
Dalawa lang silang mag-ina sa Amerika at hinihintay nila ang pagdating ng pamilya nila. Pero sa hindi inaasahang pangyayari, namatay ang ina niya habang naghihintay. Gusto ng pamilya niya sa Pilipinas na iuwi ang ina niya para dito na lang sa Pinas iburol ito. Pero mahal ang gastos sa pagpapauwi sa labi ng kanyang ina.

Pero dahil mas nakararami ang may kagustuhan na maiuwi ang ina niya sa Pilipinas, wala siyang nagawa kundi sundin ito. Dahil nga mahal ang gagastusin, pinili na lang niyang magpaiwan sa Amerika at hayaang maipadala ang kabaong ng ina niya na walang kasama.

Nang dumating na sa Pilipinas ang kanilang ina, may napansin ang pamilya na hindi maganda. Ang mukha at katawan ng inay nila ay dikit na dikit na sa salamin ng kabaong. Sabi tuloy ng isa,

"Ay tingnan mo 'yan, hindi sila marunong mag asikaso ng patay sa Amerika."

Kaya hinanda na lang nila ang kabaong para ayusin ito. Kapag bukas ng takip (salamin) ng kabaong, may napansin silang sulat sa baba ng dibdib ng kanilang inay. Dahan-dahan kinuha at nangi-nginig na binukasan ng Kuya niya (panganay na anak) ang sulat at binasa sa lahat ng buong pamilya.

Ang nilalaman ng sulat ay ito:

"Mahal Kong mga Kapatid, Hayan na si Inay!!! Pasyensya na kayo at hindi ko nasamahan ang inay sa pag-uwi diyan sa Pilipinas sa dahilan na napaka-mahal ng pamasahe. Ang gastos ko na nga lang sa kanya ay kulang-kulang sa sampung libo (kabaong at shipment). Ayoko ng isipin pa ang eksaktong halaga.

Anyway, pinadala ko kasama ni inay ang:

- dalawampu't apat na karne norte na nasa likod ni Inay. Maghati-hati na kayo.

- anim na bagong labas na Reebok sneakers...isa suo-suot ni Ninay...and lima nasa ulunan ni Inay...isa-isa na kayo riyan.

- iba't ibang klaseng tsokokate, nasa puwit ni Inay...maghati-hati na kayong lahat...

- anim na Ralph Lauren na t-shirts suot-suot ni Inay...para sa iyo, Kuya, at isa-isa ang mga pamangkin ko.

- isang dosenang Wonderbra na gustong-gusto ninyo, mga kapatid ko, suot suot din ni Inay. Maghati-hati na kayo riyan.

- dalawang dosenang Victoria Secret na panties na inaasam-asam ninyo, suot-suot din ni Inay. Maghati-hati na rin kayo, Ate......

- walong Dockers na pantalon suot-suot din ni Nanay...Kuya, Diko, isa-isa na kayo, at mga pamangkin ko.

- ang Rolex na hinahabilin mo, Kuya, eh suot-suot din ni Inay. Kunin mo na.

- ang hikaw, singsing at kuwintas na gustong-gusto mo, Ate, eh suot-suot din ni Inay. Kunin mo na.

- mga Chanel na medyas, suot suot din ni Inay. Tig-i tig-isa na kayo at mga pamangkin ko.

Bahala na kayo kay Inay. Pamimisahan ko na lang siya dito. Balitaan niyo na lang ako pagkatapos ng libing.

Nagmamahal na kapatid,
Nene"

......

Basahin ang kabuuan nito...

Sep 26, 2008

Nagtatanong Lang Po

5 na lasing
1. Ano ba ang mangyayari kapag inabutan ka ng "siyam-siyam"?

2. Gaano kabilis ang mabilis pa sa alas-kuwatro?

3. Ano ba ang ginagamit na panulat kapag sinabihan ka na "ilista mo sa tubig."?

4. Totoo bang matagal mamatay ang masamang damo? Di ba isang bunutan lang 'yun?

5. Hindi ba mapapakain sa kambing ang damo kapag patay na ang kabayo?

6. Bakit kailangan pa mamaluktot kapag maigsi ang kumot? pwede naman patayin aircon o kumuha ng mas mahaba.

7. Gaano ba kasakit ang abutan ng "pagkagat ng dilim"?

8. Nahuhukay ba ang gabi kapag sinabing "lumalalim na ang gabi"?

9. Kung sa Silangan sumisikat ang araw at sa Kanluran lumulubog, ano naman ang masasabi natin sa Hilaga at Timog?

10. Maniniwala ka ba kapag may nagsabi sa'yo na "lasang ipis" kinakain nya? Depende na lang kung nakatikim na talaga siya ng ipis.

11. Naamoy na ba nila ang araw para sabihing "amoy-araw" ka?

12. Nakakita na ba sila ng anghel para sabihing "mukha kang anghel"?

13. Kapag ba sinabing "may tama ang taong 'yun," ibig sabihin ba n'un, may "mali" siya sa pag-iisip?

14. Bakit "blackboard" ang tawag sa board na kulay green?

15. Bakit sinasabi nilang "practice makes perfect" kung kokontrahin din lang naman ng "nobody's perfect"?

16. Kung alak-alakan ang tawag sa likuran ng tuhod, ano naman ang tawag sa harapan ng siko?

17. Bakit ang mga daliri sa kamay ay may pangalan (hinlalaki, hintuturo, hinlalato, palasinsingan at hinliliit), bakit wala tayong tawag sa daliri sa paa? ......

Basahin ang kabuuan nito...

Sep 25, 2008

Nakabawi?

0 na lasing
Isang binatang nasisiraan ng ulo ang isinugod sa pagamutan ng mga baliw sa Mandaluyong City. Tawa nang tawa. Humahagikgik, humahalakhak at walang tigil. Siyempre, bagong pasok ay ininterbyu siya ng naroong doktor.

Rodel: Rodel po ang pangalan ko. Mayaman po kami. Ang totoo po, may kakambal ako. Magkamukhang-magkamukha kami at halos ay wala kaming pinagkaibahan. Dahil sa sobrang pagkakamukha namin, sa eskuwelahan, kapag may test kami, siya ang kumukuha para sa akin.

Tatangu-tango ang doktor. Sa isip-isip niya'y mukha namang matino ang binata.

Rodel: Minsan nga po, nang mapaaway siya sa isang bayan, ako ang nakulong. Ang malungkot po na hindi ko malilimutan ay may girlfriend ako na mahal na mahal ko. Siya ang nakatanan. Napagkamalan niya ang kakambal ko.

Doctor: Eh, bakit mukhang masayang-masaya ka ngayon?

Rodel: Kasi po, nakabawi naman ako. Noong isang linggo, namatay ako. Siya ang inilibing. ......

Basahin ang kabuuan nito...

Masakit

0 na lasing
Dahil sa matinding kalasingan, sa labas na ng bahay nakatulog si Tatang Tanggero. Nagising na lang siya na dumadaing. Lahat ng parte ng katawan niya na mahawakan niya ay sumasakit. Kaya naisipan niyang pumunta sa doktor.

Tatang Tanggero: Dok, masyado pong sumasakit ang buong katawan ko eh. Pa-tsek-ap ko sana sa inyo.


Doktor: Hmm, buong katawan po ba 'ka niyo? Pwede po bang maging espesipikado kayo, kung alin mismo sa katawan niyo ang sumasakit?

Diniinan ni Tatang ang hintuturo niya sa kanyang tuhod. At namilipit sa sakit. Tapos, sunod naman niyang itinuro ang siko sa doktor at muling napadaing sa sakit. Halos lahat ng parte ng katawan niya na malapatan ng daliri niya ay sumasakit.

Tatang Tanggero: Dok, natatakot ako eh. Baka po meron na akong AIDS? O kaya sa kulam? Baka mamamatay na ako, Dok! Mababaliw na po ako!!

Doktor: Eh baliw ka na nga talaga! Hindi naman buong katawan niyo ang masakit eh. BALI ANG DALIRI NIYO!!! ......

Basahin ang kabuuan nito...

Sep 22, 2008

Naisahan

0 na lasing
Lasing na naman. Si Tatang Tanggero, sumakay sa isang bus pauwi na sa kanila. Medyo inaantok siya nang tumabi sa kanya ang isang naka-polong lalaki na may dalang laptop. Isang abogado.

Ilang sandali, napansin ng abogado na mukhang lasing na lasing na si Tatang Tanggero kaya naisip nitong isahan ito.

Niyaya ng abogado si Tatang na maglaro habang nagbibiyahe para wala ang pagkainip nila. At dahil nga lasing si Tatang, tinanggihan niya ang alok ng abogado at bumalik sa pag-idlip.

Pero patuloy pa rin ang pangugulit ng abogado...

Abogado: Sige na, masayang laro lang ito, para hindi tayo mainip sa biyaheng ito. Ganito, magtatanong ako sa'yo, at kapag hindi mo nasagot ang tanong ko, babayadan mo ako ng limang piso. Tapos, tatanungin mo din ako, at kapag hindi ko nasagot, babayadan kita ng 500 pesos. Ano? Ok ba?

Tatang Tanggero: Hmm... parang ayos 'yang naisip mo ah. Sige, payag na ako!

Nagsimula na ang laro ng dalawa...

Abogado: Ano ang distansiya ng Earth sa buwan?

Walang sinayang na sandali si Tatang at dumukot ng limang piso at iniabot sa abogado. At ngayon, pagkakataon naman ni Tatang ang magtanong.

Tatang Tanggero: Ano ang umakyat sa burol na tatlo ang paa, at bumaba na apat na ang mga paa?

Ginamit ng abogado ang kanyang laptop, naghanap ng mga posibleng sagot. Tumawag sa mga kaibigan, mga matatalinong kakilala niya at sa kung saan-saan pa. Pero wala ang nakasagot sa tanong niya.

Matapos ang isang oras nang paghahanap, sumuko din ang abogado. Ginising niya si Tatang at binayaran niya ng 500 pesos.

Pagkakuha ng pera, nilagay niya sa bulsa at bumalik sa pagkakatulog. Nang napapaisip ang abogado dahil hindi niya alam ang sagot, kaya ginising niya ulit si Tatang...

Abogado: Ah, ano ba 'yung umakyat sa burol na tatlo ang paa at naging apat nung bumaba na?

Dumukot uli si Tatang ng limang piso sa bulsa niya at binayaran ang abogado. ......

Basahin ang kabuuan nito...

Sep 18, 2008

Ininsulto

0 na lasing
Sa isang bus, nakasakay si Tatang Tanggero. Pauwi na sa kanila galing sa inuman sa bahay ng kumpare niya. Nang may sumakay na Ale kasama ang kanyang sanggol na anak.

Bus Driver: Hahaha! Iyan na yata ang pinakapangit na batang nakita ko sa buong buhay ko!

Umiwas na galit na galit ang babae at umupo sa tabi ni Tatang Tanggero. Napansin niyang halos umuusok na sa galit ang babae kaya kinausap ito ni Tatang.

Tatang Tanggero: Ale, ay ano gang nangyari? At mukhang galit na galit ka?

Ale: Lintik na driver yan, pinaiinit ang ulo ko. Iniinsulto ko!

Nagmalasakit si Tatang sa Ale at sinabing...

Tatang Tanggero: Huwag kang papayag na apihin ka ng kung sinu-sino.

Ale: Mabuti ka pa, mabait ka.

Tatang Tanggero: Lapitan mo 'yung driver at bigyan mo nang leksiyon. Ipakita mong hindi ka dapat apihin. Akin na ang alagang mong UNGGOY, hawakan ko muna at lapitan mo na 'yung driver.

Ale:
!@#$%^&*

......

Basahin ang kabuuan nito...

Sep 15, 2008

Malunod sa Kalasingan!

0 na lasing
Si Tatang Tanggero at si Ka Erwino. Nangingisda sa kalagitnaan ng lawa. Parehong naghihintay sa isdang kakagat sa kanilang pain. Bigla na lang napansin ni Tatang Tanggero na bumigat ang kanyang pangbingwit. At nang hinila niya ito paitaas, hindi isang isda kundi isang bote.

Tatang Tanggero: Leche! Kala ko nakahuli na ako, bote lang pala.

Ka Erwino: Malas lang, Pare! Hahaha!


(Habang inaalis na ni Tatang ang bote mula sa "hook" ng pangbingwit niya, biglang isang Genie ang lumabas mula sa bote...)

Genie: Dahil pinalaya mo ako sa pagkakakulong sa loob ng boteng iyan, bibigyan kita ng isang kahilingan!

Tatang Tanggero: Ayos! Sige, gawin mong "BEER" ang buong lawang ito!

Genie: Masusunod! *Woosh!*

(At naging beer nga ang kabuuan ng lawang kinalalagyan nila... At biglang naglaho na ang Genie...)

Tatang Tanggero: Oh, Pare! Ayos ba? Hindi na natin kailangang gumastos para bumili ng alak. Hahaha!

Ka Erwino: T*nga! Bakit 'yun pa ang hiniling mo? Eh sa'n na tayo iihi ngayon? Dito sa bangka? ......

Basahin ang kabuuan nito...

Mamamatay na Daw?

0 na lasing
Dalawang magkaibigan ang umakyat ng bundok. Habang nasa kakahuyan, biglang natuklaw ng ahas ang tagiliran ng isa sa kanila. Dahil hindi alam ng kaibigan ang gagawin sa natuklaw na kasama, napagpasyahan niyang tumakbo patungo sa bayan para makahingi ng tulong sa doktor.

Sampung milya ang tinakbo niya patungong bayan mula sa kinaroroonan nila, hanggang nakahanap nga siya ng isang doktor. Doktor na kasalukuyang nagpapaanak ng sanggol sa isang babae.

Lalaki 1: Dok! Kailangan ko na tulong niyo! Natuklaw ng ahas ang kasama ko, hindi ko po alam ang gagawin. Kayo lang po makakatulong sa kanya.

Doktor: Naku! Hindi ako makakaalis. Kailangan ko muna gawin ang dapat kong gawin dito sa nanganganak. Pero ituturo ko sa'yo ang dapat mong gawin. Kumuha ka ng kutsilyo, humiwa ka letrang X kung saang bahagi natuklaw ang kasama mo, sipsipin mo ang lason at iluwa mo iyon sa lupa.

Dali-daling tumakbo ang lalaki na naguguluhan pa rin dahil sa katarantahan. At nakarating siya sa kinaroroonan ng kaibigan habang siya ay humihingal sa pagod.

Lalaki 2: Oh ano pare? Ano'ng sabi ng doktor?

Lalaki 1: Ah? Eh... Sabi niya, mamamatay ka na raw! ......

Basahin ang kabuuan nito...

Panaginip

0 na lasing
BRB muna sa mga pakwela at mga jokes, ibahagi ko lang ang nangyari sa'kin habang natutulog ako.

Ano ba ang panaginip? At ano ang epekto nito sa atin? Bakit tayo nagkakaroon ng panaginip at tayo din lang ba ang gumagawa nito? May ibig sabihin ba ito o dala lang ng emosyong hindi natin nailabas, kaya sa panaginip na lang lumalantad?

Sa bahay, kumpleto lahat ng kasapi sa pamilya. Ama, ina at mga kapatid. Ayos naman ang naging takbo ng usapan at mga ginagawa ng bawat isa, nang nagpaalam ang inay ko na may pupuntahan lang. Walang ibang pinupuntahan ang inay ko kundi sa palengke, kaya alam na naming doon na ang tungo niya. Kaya ayos lang, tuloy ang ginagawa.

Dumidilim na. Nasa alas-sais na ng hapon, hindi pa bumabalik ang inay. Tinanong ako nung bunso kung nasaan daw nagpunta ang aming ina. Hindi ako sumagot. Inasikaso ko muna ang mga kapatid ko para sa kakainin nila. Nang makakain na silang lahat, wala pa ding bumabalik na ina sa bahay namin.

Pinatulog ko na ang mga kapatid kong nakakabata sa akin. At nang nakahiga na silang lahat, nagpasya akong lumabas. Inalam ko muna kung saan ang posibleng puntahan ng inay ko. Bawat tindahan na madalas niyang puntahan at bilhan ay inisa-isa ko. Wala akong nakita kahit anino man lang niya.

Pauwi na ako. Medyo pagod na at iniisip ko na lang na pag-uwi ko, makikita ko siya du'n sa bahay. Nang bigla ko siyang makasalubong, nakaputing damit, nakangiti siya sa akin at medyo nakakasilaw ang liwanag kaya hindi mo siya makikilala kung hindi mo lalapitan. Kinausap ko siya at sinabi kong sabay na kaming umuwi sa bahay.

Hindi siya sumama sa akin. Sinabi lang niya na ok na siya kung saan siya naroroon. Huwag ko na daw siya alalahanin at ako na ang bahala sa mga kapatid ko. Siyempre hindi ako pumayag dahil hindi ko siya maintindihan. Hindi ko alam kung bakit niya sinasabi sa akin 'yun.

Nang bigla na lang akong nagising mula sa aking kinahihigaan. Medyo pawisan. Narinig kong nagtatawanan ang mga kapatid ko kasama ng tatay ko. Naunawaan kong panaginip lang pala lahat ng nasaksihan ko. Iniisip kong kasama nila ang inay sa sala.

Lumabas ako ng kuwarto. Hinahanap ko ang inay ko. Hindi ko makita. Medyo nanghina ang mga tuhod ko at medyo nalilito din ako. Nasaan ang inay?...

Bumalik ako ng kuwarto. Umupo sa gilid ng kama. Nag-isip. Ilang minuto, nasabi ko na lang sa sarili ko. "Ano'ng nangyayari sa akin? Mahigit tatlong taon ng wala ang inay ko."

Tumayo ako. Iniisip ko na lang, na kahit wala na siya, patuloy pa rin niya kaming binabantayan at ginagabayan. Patuloy pa rin niya kaming dinadalaw, kahit sa PANAGINIP na lang. ......

Basahin ang kabuuan nito...

Sep 13, 2008

Katabi Nga!

0 na lasing
Si Tatang Tanggero, nasa isang bar, lasing na naman. Habang nasa harapan ng "counter," katabi niya ang isang lalaki, medyo bata-bata pa ito pero nasa hustong gulang na para mapunta sa ganoong klaseng lugar. Dahil nakainom nga si Tatang, napagtripan niyang asarin ang katabi niyang lalaki.


Tatang Tanggero: Hoy! Alam mo ga? Katabi kong natulog ang ina mo kagabi? Hahaha!

(Napatigil ang lahat sa kanilang ginagawa at tumahimik nang marinig ang sinabi ni Tatang. Hinihintay nila ang magiging reaksiyon at sasabihin ng lalaki. Nang biglang inulit ni Tatang ang sinabi niya, at pasigaw pa...)

Tatang Tanggero: KATABI KONG NATULOG ANG INA MO KAGABI!!!

(At sumagot na ang katabing lalaki ni Tatang...)

Lalaki: 'Tay! Umuwi ka na nga! Lasing ka na eh! ......

Basahin ang kabuuan nito...

Sigurista?

0 na lasing
Dalawang mangangaso ang nagtungo sa kakahuyan. Habang naglalakad, bigla na lang nagulat ang isa nang biglang bumulagta ang kasama niya sa lupa. Hindi na ito humihinga at nakatirik ang mga mata. Nataranta ang lalaki sa nakita pero hindi nawala sa isip niya na kuhanin ang "cellphone" niya at tumawag ng "emergency services."

Lalaki: Namatay ang kaibigan ko!! Ano'ng gagawin ko?

(At mahinahon namang sumagot ang opereytor, at ang sabi...)

Opereytor: Relax lang po. Tutulungan ko po kayo. Una, siguraduhin niyo po muna kung patay na talaga siya.

(Tumahimik ng sandali, at maya-maya ay nakarinig ng isang putok ng baril ang opereytor sa kabilang linya... At bumalik ang lalaki sa "cellphone" niya at sumagot na...)

Lalaki: Oh, tapos? Ano nang gagawin ko ngayon?

(Natameme ang opereytor.) ......

Basahin ang kabuuan nito...

Sep 12, 2008

Sinong Guilty?

0 na lasing
Mahigit dalawang taon na ang nakalipas, na isang paring misyonaryo na galing sa Africa ang dumayo sa lugar nina Tatang Tanggero. Madaming nagawa at naituro ang paring misyonaryong ito na ikinatuwa naman ng mga naninirahan doon. Nang isang araw, matapos manganak ang misis ni Tatang Tanggero, sa pang-anim nilang anak, laking gulat at pagtataka ni Tatang dahil sa anim nilang anak, 'yung bunso lang daw ang maitim ang kulay. Halos lahat kasi ng anak niya ay kayumanggi, dahil pareho naman silang kayumanggi ng asawa niya.

Napaisip si Tatang. Wala namang ibang maitim na tao sa lugar nilang iyon o kahit sa kabilang ibayo. Iisang tao lang ang naisip niya na maaaring nakasalisi sa asawa niya. At iyon ang Afrikanong paring misyonaryo.

Dali-daling pinuntahan ni Tatang ang pari na kasalukuyang nagpapastol ng mga kambing sa likod ng kapilyang tinutuluyan ng pari. Medyo padabog na kinausap ni Tatang ang pari na ikinagulat naman nito.

Tatang Tanggero: Father! Alam ninyo ga kung ano'ng nangyari sa anak ko?

Father: Ah! Oo nga pala, nanganak na nga pala ang misis mo. Binabati kita!

(Sanay na ang paring magtagalog dahil sa tagal na din niyang paninilbihan sa lugar na iyon.)

Tatang Tanggero: Ay hindi iyon ang gusto kong malaman ninyo! Alam ga ninyo na halos lahat ng anak ko eh kulay kayumanggi? Eh bakit areng bunso namin eh kulay itim?

Father: Hmm...?

Tatang Tanggero: At alam ga din ninyo!? Kayo lang ang kaisa-isang "maitim" sa lugar na ito?!

(Pasigaw na si Tatang na nakikipag-usap sa pari, kaya madami ang nakapansin sa kanila. Pinagtitinginan na sila ng mga tao.)

Father: Alam mo Tatang, hindi natin alam ang plano ng Diyos. May mga ginagawa siya na hindi natin maunawaan. Pero lahat ng ginagawa niya ay may kabuluhan at may dahilan, na hindi pa natin alam sa ngayon.

Tatang Tanggero: ANO!?

Father: Bawat nilikha ng Diyos ay may kanya-kanyang layunin at kelangang gampanan sa mundong ito. Kailangan natin siyang maunawaan kahit hindi pa natin alam kung ano ang dahilan niya.

(At napansin ng pari ang grupo ng mga kambing, kaya ginawa niyang halimbawa.)

Father: Pagmasdan mo Tatang. Napapansin mo ba ang mga kambing na yan?

Tatang Tanggero: Opo.

Father: Lahat sila ay kulay puti, hindi ba? Maliban sa isang iyon. Kulay "brown" ang nag-iisang kambing na 'yun. Ganyan ang isang halimbawa na ginagawa ng ating Panginoon, hindi natin maipaliwanag sa ngayon, pero balang-araw, malalaman din natin. Nauunawaan mo ba ako?

(Dahan-dahang lumapit si Tatang at pabulong siyang sumagot. Kinausap niya ng mahinahon ang pari.)

Tatang Tanggero: Father, naiintindihan ko na po. Hindi ko na po babanggitin 'yung nangyari kung bakit naging maitim ang bunso namin. Basta Father, huwag ninyo na din pong babanggitin kung bakit "brown" 'yung isang kambing. Lasing lang ako nung mga panahong 'yun eh. Hindi ko talaga plano patulan 'yung ina ng kambing na 'yan. ......

Basahin ang kabuuan nito...

Sep 11, 2008

Si Tatang at si Spielberg

0 na lasing
Sa isang bar, umiinom si Tatang Tanggero mag-isa. Binoykot kasi siya ng mga kainuman niya, lagi daw kasi sila iniisahan. Puro daw kalokohan ang iniisip at mga pinaggagagawa.

Habang nakaupo siya, pumasok ang isang sikat na Hollywood director, na si Steven Spielberg. Umorder ito ng alak at uminom.

Ilang minuto ang nakalipas, si Tatang naman, dahil medyo tinatamaan na ng alak, nagiging mapungay na ang mata at nagmumukha ng Hapon. Napapatingin ang sikat na direktor sa kanya, at akala siguro na direktor na Hapon nga si Tatang.

Napansin ni Tatang na kanina pang masama ang tingin sa kanya ng direktor kaya bigla na lang itong tumayo at sinigawan ang direktor na si Spielberg. Siyempre kelangan ingles ang salita niya para magkaintindihan sila.

Tatang Tanggero: Why are you looking that way!? What the hell is that for?!!

Steven Spielberg: That's for the bombing of Pearl Harbor, you son of a bitch!! My dad perished in that bombing!

Tatang Tanggero: 'Tang 'na!! I'm not Japanese, are you stupid!? I am a Filipino!!

Steven Spielberg: Yeah, right!.. Japanese, Burmese, Chinese, Vietnamese, Filipino!... you are all the same!

Nilapitan ni Tatang and direktor na galit na galit. Hinawakan niya pataas ang kwelyo ng direktor hanggang mapatayo niya ito. Kinarate ni Tatang ang direktor at sinipa niya ng malakas hanggang mapatumba niya ito.

Nagulat ang direktor sa ginawa ni Tatang at sumigaw ng...

Steven Spielberg: What was that for?!!!

Tatang Tanggero: That's for the sinking of TITANIC! My grandfather, he's passenger on that ship!

Steven Spielberg: Are you idiot!!! The Titanic was sunk by an ICEBERG!!!

Tatang Tanggero: Yeah, right!... Icerberg, Carlsberg, Spielberg... you are all the same! ......

Basahin ang kabuuan nito...

English-Spanish

235 na lasing
Nag-iinuman ang magkakaibigang lasinggero. Napansin ni Tatang Tanggero na may mga "tama" na ang mga kainuman niya. Naisipan niyang magpayabang sa isa sa mga ito...

Tatang Tanggero: Dionisio! Tanungin mo ako ng English... Sasagutin kita ng Spanish!

Ka Dionisio: Hahaha! Kayabang mo naman! Akala mo lasing kami? Sige, subukan natin ang galing mo!

Tatang Tanggero: Kahit anong klaseng ingles na tanong pa yan, kaya kong sagutin ng Spanish.

Ka Dionisio: Sige, ito, humanda ka! What is the essence of reincarnation in our mundane existence?

Tatang Tanggero: SPANISH! ......

Basahin ang kabuuan nito...

Sep 10, 2008

Mas Mahal?

0 na lasing
Hindi nakapasa sa interbyu si Tatang Tanggero, kaya ibinuhos na lang niya ang sama ng loob sa.. siyempre, saan pa, edi sa alak. Habang lumalaklak at tumutungga si Tatang, bigla dumating ang matalik niyang kaibigan. Halos hindi maipinta ang mukha nito, na katulad niya, mukhang may mabigat na problema.

Tatang Tanggero: Oh, Pare? May problema ba?

Mang Enrico: Meron nga, Pare. Si misis ko kasi eh, nag-away kami.

Tatang Tanggero: Ha? Eh ano naman ang pinag-awayan niyo?

Mang Enrico: Madalas kasi niya napapansin na tayong dalawa ang laging magkasama. Nawawalan na daw ako ng oras para sa kanya. At akalain mo ba naman pare, pinapili niya ako. Kung ikaw daw na kaibigan ko o siya na asawa ko!

Tatang Tanggero: At sino naman ang pinili mo?

Mang Enrico: Siyempre naman pare! 'Yung MAHAL ko!

Tatang Tanggero: Oh? Iyun naman pala eh! Eh ano'ng problema? Bakit siya nagagalit?

Mang Enrico: Ikaw ang MAHAL ko eh. Pare, I LOVE YOU!

(Sabay tugtog ng background music... "This guy's inlove with you Pare...")
......

Basahin ang kabuuan nito...

Sep 9, 2008

Interview

0 na lasing
Nag-aapply si Tatang Tanggero papuntang US. Nung tinawagan na siya para sa isang interview, medyo kinakabahan siya. Para mawala ng bahagya ang kanyang nararamdamang kaba, uminom siya ng alak.



At ganito na lang ang kinalabasan ng interview niya...

Interviewer: Hmm.. Your name please?

Tatang Tanggero: Ah! Tatang T. Tanggero!

Interviewer: Sex?

Tatang Tanggero: Twice a week! Ma'am!

Interviewer: Oh! Sir, I mean Male or Female?

Tatang Tanggero: Actually, It doesn't matter, sometimes even with our goat!

Interviewer: !@#$%^&*

...at ang resulat ng "interview"? Alam niyo na naman siguro... BAGSAK! ......

Basahin ang kabuuan nito...

Sino ang Nangangaliwa?

0 na lasing
Habang mahimbing na natutulog si Tatang Tanggero dahil sa matinding kalasingan sa kalagitnaan na gabi, bigla na lang siyang nagulat sa sigaw ng katabi niyang babae...

Babae: Dalian mo! Umalis ka na! Andiyan na ang asawa ko!

(Kahit medyo nahihilo pa si Tatang Tanggero ay dali-dali siyang tumalon ng bintana habang nakahubad at bitbit-bitbit ang kanyang damit at sapatos. Nang medyo nakakalayo na siya, ay bigla siyang natigilan at napaisip...)

Tatang Tanggero: Teka nga! Bakit ako tumatakbo?... EH AKO ANG ASAWA NIYA!!! ......

Basahin ang kabuuan nito...

Patulak Daw

0 na lasing
Matapos ang pangyayari sa "CheckPoint" kay Tatang Tanggero, maayos naman siyang nakaalis patungo sa lugar nila. Nang malapit na siya sa bahay niya, tumigil ang sasakyan niya sa tapat ng isang kaibigan. Pasado alas-tres na ng madaling-araw.

Tatang Tanggero: Pare! (Tok! Tok! Tok!)... Pare!

Ka Albino: Oh, Ano'ng problema? Mag-uumaga na eh, ano gang nangyari?

Tatang Tanggero: Pare, patulong naman. Pwedeng patulak?

(Sumilip si Ka Albino sa labas ng tarangkahan o "gate" at napansin niya ang kalawanging sasakyan ni Tatang Tanggero. Naawa ang kaibigan at napagdesisyunang tulungan niya ito.)

Ka Albino: Tara, sa'n ga are itutulak? Hanggang sa bahay niyo?

Tatang Tanggero: Hindi 'yung sasakyan ko ang itutulak. 'Yung "swing!" Gusto ko kasi magduyan eh, dahan-dahan lang ha?

Ka Albino: !@#$%^&* ......

Basahin ang kabuuan nito...

Hindi Ako ang Lasing!

0 na lasing
Si Tatang Tanggero, pauwi na galing sa isang inuman dahil kaarawan ng kanyang kaibigan. Habang pasuray-suray na minamaneho ang kanyang kalawanging "Owner-Type Jeep," ay bigla siyang pinara ng isang pulis. Kasalukuyang isang "CheckPoint" ang ipinatutupad sa lugar na iyon.

Mamang Pulis: Checkpoint lang po, Sir.

Tatang Tanggero: At ano naman ang itsine-tsekpoynt mo sa akin?

Mamang Pulis: Ah... Sir, mukhang nakainom po yata tayo ah?

Tatang Tanggero: Ay, nakainom nga ng kaunti, napadaan dine sa kaibigan ko eh.

Mamang Pulis: Lasing po kayo eh, bawal po magmaneho ang lasing, delikado po, Sir.

Tatang Tanggero: At sino naman ang maysabing lasing ako? Ay hindi ako lasing!

Mamang Pulis: Sir, lasing po kayo eh.

Tatang Tanggero: Sinabi nang hindi ako lasing! Sa katunayan nga, kilala kita... Pulis ka ano?!

Mamang Pulis: Opo.

Tatang Tanggero: Eh, ako?! Kilala mo?!

Mamang Pulis: Ah, eh, hindi po.

Tatang Tanggero: Kita mo na? Eh 'di ikaw ang lasing! ......

Basahin ang kabuuan nito...

Si Tatang Tanggero

0 na lasing
Sa isang lugar kung saan alak ang ginagawang pangunahing inumin, kung saan alak ang ginagawang kape sa umaga, at meron ding ilang isinasabaw ito sa kanin.

At sa lugar na ito, makikilala niyo si Tatang Tanggero, na dahil sa lugar na kinamulatan, natutong humawak ng baso at maging tanggero sa bawat inuman. Na sa bawat pag-ikot ng baso ng alak, isa-isang bumabagsak ang mga kainuman dahil sa kalasingan at madalas siya na lang ang natitirang nakatayo.

(Ang larawan na ito ay nanggaling sa www.craigelliot.com at hindi namin pag-aari.
Nilagyan lang namin ng ilang detalye tulad ng kulay)

Ito ang araw-araw na tumatakbo sa buhay ni Tatang Tanggero. At iba't ibang karanasan na din ang kanyang naranasan, nararanasan at mararanasan dala ng kanyang kalasingan.

Mula sa araw na ito, masasaksihan natin ang sari't saring kagaguhan, kabastusan, katatawanan at kung anu-ano pang kabulastugan dulot ng kalasingan ni Tatang Tanggero. ......

Basahin ang kabuuan nito...

Hirit Gary Lising

2 na lasing
Habang nag-su"surf" ako ng internet, bigla ko naalala si Gary Lising. Kilala niyo naman siguro kung sino siya di ba? Madami nagsasabi na corny mga jokes niya, pero bakit sinasabi nilang corny, eh tawa naman sila ng tawa? Hehehe...

Basahin niyo na lang itong mga hirit n'ya nung minsang mag-"concert" sila sa Manila. Hindi ko lang alam kung saan at kailan kasi wala naman ako dun eh.

My name is Gary Lising. Secretary of Health Juan Flavier once said that I have a very nice name -- for a disease.

I was voted as the sex symbol of Assumption College because according to them, I am the only entertainer that looks like a sex organ.

I was already a celebrity even when I was a baby. I weighed 48 pounds when I was born -- but weighed only 3 pounds after I was circumcised. I was the only abortion that lived.

I was such an ugly baby. My mother only puts the negatives of my pictures in our family album.

I was a very thin baby because I was a breastfed baby -- I was breastfed by my father.

I grew up to be a boy wonder -- everybody always looked at me and wondered.

I studied at the Ateneo de Manila where I took up B.S. Economics. That explains why up to now I still am poor as ever.

I went to the United States where I put up my own business that went bankrupt. My business was selling PX goods.

I lived in the penthouse of a 50 story building. My rent was only 200 dollars a month. It was very cheap because it was walkup -- no elevator.

I was drafted by the U.S. Army but I got exempted because of my religion -- I am a devout coward.

I came back to the Philippines because I miss the brownouts. We should be proud of this fact because in the U.S. they don't have brownouts. We are the only country that has it.

Another thing to be proud of is the merging of Erap Estrada's "PACC" with Gringo Honasan's "YOU" -- it would be known as "PACC YOU".

My father is Dr. Jose Lising, a bisexual -- every time he sees sex he buys it.

My mother Nieva Lising is a very religious woman -- she is a nun.

My parents are in the iron and steel business. My mother irons and my father steals.

I am married to Maris Paredes who up to now believes that love is really blind. I also have a son, Bugsy, he's only five years old and he already knows how to be ashamed of me.

I am also a firm believer in a lot of very serious facts of life. Let me share with you a few meaningful facts that I believe in:

I BELIEVE...that if you read too much about the bad effects of smoking -- give up reading.

I BELIEVE...that you should never make love with your eyes unless you are cockeyed.

I BELIEVE...Dick Gordon when he said that women should be put up in a pedestal -- high enough so you could look up their dresses.

I BELIEVE...Baby Boy Poblador when he said that women are the foundation of our society. I also believe him when he said that men are the ones who laid the foundation.

I BELIEVE...Lolit Solis when she said that Mayor Lim was her former boyfriend.

I BELIEVE...Mari Mar when she cried -- I saw tears running down her legs.

I BELIEVE...that Fr. Donelan will outlive us all.

I BELIEVE...IN GOD, THE FATHER ALMIGHTY, AND THAT EVENTUALLY WE WILL HAVE PEACE AND HAPPINESS BECAUSE OF OUR FAITH IN HIM.

GARY LISING, S.J.* ......

Basahin ang kabuuan nito...

Sep 8, 2008

Anagrams

0 na lasing
Ang lasing, madalas 'yan magkahalu-halo at magkabali-baligtad ang mga sinasabi, minsan hindi mo maintindihan at minsan, lumalabo at lumalayo ang usapan. At sa mga ganoong kaganapan, madalas nakakainis, di ba?

Pero hindi tulad ng lasing, may mga bagay din na pwedeng balibaligtarin o paghalu-haluin na hindi nakakaasar ang dating. Tulad na lang ng mga salitang makikita niyo sa ibaba, may mga salitang kapag pinaghalu-halo mo ang mga letra ay nagkakaroon ng panibagong salita o pangungusap na magbibigay sa inyo ng aliw. Hehehe.

Heto na:

1. DORMITORY - DIRTY ROOM

2. DESPERATION - A ROPE ENDS IT

3. THE EYES - THEY SEE

4. ASTRONOMER - MOON STARER

5. MOTHER-IN-LAW - WOMAN HITLER

6. ELEVEN PLUS TWO - TWELVE PLUS ONE

7. ELECTION RESULTS - LIES, LETS RECOUNT

Galing di ba? Hehehe... Subukan n'yo sa ibang salita o pangungusap, baka magulat kayo sa kalalabasan. ......

Basahin ang kabuuan nito...

Sep 7, 2008

Buwan? UFO? Balut?

0 na lasing
Kung ang lasing ay makukulit... may mga tao din namang mas makulit pa kesa sa lasing... tulad na lang ng kwnetong ito:

Dalawang lasing ang naglalakad sa kalye habang nakatingin sa buwan...

Patrick: Pare ano 'yun? buwan ba un?
Nico: Hindi pare. UFO yan.
Patrick: Buwan yan pare eh...
Nico: Hindi nga, tara tanong natin dun sa magbabalut...

BAAAALLLLOOOOTTTT... PEEENNNN...

Psst... psst...

Patrick: Isa ngang balot...
Nico: Manong balut, buwan ba yan?" (sabay turo sa buwan)

Magbabalut: Sensya ho, hindi ako taga dito.
......

Basahin ang kabuuan nito...

Pick Up Lines

0 na lasing
1. Minamalat na naman ang puso ko..
*** Paano kasi, laging sinisigaw ang pangalan mo..

2. Ikaw ba may-ari ng Crayola??
*** Ikaw kasi nagbibigay ng kulay sa buhay ko..

3. Uy picture tayo!!
*** Para ma-develop tayo!!

4. Kung ikaw ay bola at ako ang player, mashushoot ba kita??
*** Hinde, para lagi kita mamimiss..

5. Can i take your picture??
*** ‘Coz i want to show Santa exactly what i want for Christmas!!

6. Exam ka ba??
*** Gustong gusto na kasi kitang i-take home eh!!

7. Lecture mo ba ako??
*** Lab kasi kita..

8. Centrum ka ba??
*** Kasi you make my life complete!!

9. Miss pwede ba kita maging driver??
*** Para ikaw na magpapatakbo ng buhay ko..

10. Mahilig ka ba sa asukal??
*** Ang tamis kasi ng mga ngiti mo..

11. Pinaglihi ka ba sa keyboard??
*** Kasi type kita..

12. I hate to say this but… You are like my underwear..
*** ‘Coz i can’t last a day without you!!

13. Ibibili kita ng salbabida..
*** Kasi malulunod ka sa pagmamahal ko..

14. Pwede ba kitang maging sidecar??
*** Single kasi ako eh..

15.Me lisensya ka ba??
*** Coz you’re driving me crazy eh..

16. May kilala ka bang gumagawa ng relo??
*** May sira ata relo ko.. Pag ikaw kasi kasama ko, humi*hinto ang oras ko..

17. I’m a bee..
*** Can you be my honey??

18. Am i a bad shooter??
*** Coz i keep on missing you..

19. Naniniwala ka ba sa love at first sight??
*** O gusto mong dumaan ulit ako??

20. Mabilis ka siguro sa mga puzzle noh??
*** Kasi kakasimula pa lang ng araw ko, pero nabuo mo na agad..

21. Excuse me.. Are you a dictionary??
*** Because you give meaning to my life..

22. Bangin ka ba??
*** Nahuhulog kasi ako sa’yo..

23. Pagod na pagod ka na noh??
*** Maghapon at magdamag kana kasing tumatakbo sa isipan ko eh..

24. Me butas ba puso mo??
*** Kasi natrap na ako sa loob, can’t find my way out!!

25. Anung height mo??
*** Pano ka nagkasya sa loob ng puso ko..

26. Hey, did you fart??
*** Coz you blew me away!!

27. Sana “V” na lang ako..
*** Para i’m always right next to “U”

28. Nde tayo tao..Nde tayo hayop…BAGAY tayo…BAGAY tlga tayo…

29. Ako ay isang exam…kaya sagutin mo na ako…

30. Mag empake ka…sama ka sakin….punta tayo home for the aged……
*** Kasi i wanna grow old with you……

31. Alarm clock ka ba?
*** Kasi ginising mo ang natutulog kong puso…..

32. Alam mo bang parang 7-11 ang puso ko?……
*** Kasi 24 oras bukas para sayo…..

33. Nung mahalin kita…..daig ko pa ang na traffic sa edsa……
*** I can’t move on….

34. Nakalunok ka ba ng kwitis?
*** Pag ngumiti ka kc…may spark….

35. “Pag ako gumawa ng planeta, gusto ko ikaw ang axis ko..
*** Para sayo lang iikot ang mundo ko..”

36. You look like someone I know
*** My next Girlfriend

37. Ako na magbabayad ng tuition fee mo!
*** Basta pag-aralan mo lang na mahalin ako.

38. Feeling ko mouse tayong dalawa…
*** You know, we just click.

39. Excuse me, tatanong ko lang kung didiretsuhin ko bang daan na ‘to,
*** O may ibang shortcut sa puso mo?

40. May free time ka ba? Samahan mo naman ako sa psychiatrist. ..
*** Magdala daw kasi ako ng kinababaliwan ko.

41. Kung may business ako, lahat ng tao bebentahan ko ng mura,
*** ‘Kaw lang ang hindi. Sa’yo lang ako magmamahal.

42. Bukas sisingilin ko na yung bayad mo sa renta…
*** Tagal mo na kasing naninirahan sa puso ko eh.
......

Basahin ang kabuuan nito...

 

Copyright 2008 All Rights Reserved Revolution Two Church theme by Brian Gardner Converted into Blogger Template by Bloganol dot com Customized by Vhonne DeVille