Sep 9, 2008

Si Tatang Tanggero

0 na lasing
Sa isang lugar kung saan alak ang ginagawang pangunahing inumin, kung saan alak ang ginagawang kape sa umaga, at meron ding ilang isinasabaw ito sa kanin.

At sa lugar na ito, makikilala niyo si Tatang Tanggero, na dahil sa lugar na kinamulatan, natutong humawak ng baso at maging tanggero sa bawat inuman. Na sa bawat pag-ikot ng baso ng alak, isa-isang bumabagsak ang mga kainuman dahil sa kalasingan at madalas siya na lang ang natitirang nakatayo.

(Ang larawan na ito ay nanggaling sa www.craigelliot.com at hindi namin pag-aari.
Nilagyan lang namin ng ilang detalye tulad ng kulay)

Ito ang araw-araw na tumatakbo sa buhay ni Tatang Tanggero. At iba't ibang karanasan na din ang kanyang naranasan, nararanasan at mararanasan dala ng kanyang kalasingan.

Mula sa araw na ito, masasaksihan natin ang sari't saring kagaguhan, kabastusan, katatawanan at kung anu-ano pang kabulastugan dulot ng kalasingan ni Tatang Tanggero.

Comments

0 comments to "Si Tatang Tanggero"

Post a Comment

Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...

 

Copyright 2008 All Rights Reserved Revolution Two Church theme by Brian Gardner Converted into Blogger Template by Bloganol dot com Customized by Vhonne DeVille