Habang naglalakad si Tatang Tanggero, bigla na lang nagpakita sa kanya ang Panginoon nating lahat. Kahit na nagulat, nagawa pa rin niyang makapagtanong dito ng ilang bagay.
Tatang Tanggero: Mahal na Panginoon, mayroon po akong ilang katanungan para sa Inyo.
Panginoon: Sige lang anak, magtanong ka at sasagutin ko.
Tatang Tanggero: Panginoon, gaano ga po katagal para sa Inyo ang isang milyong taon?
Panginoon: Segundo lamang.
Tatang Tanggero: Eh, magkano naman po ang isang milyong piso para sa Inyo?
Panginoon: Sentimo lamang.
Nakaisip ng ideya si Tatang. Kung hihingi siya ng isang sentimo dito, isang milyon ang katumbas noon para sa atin. Kaya hindi na siya nagdalawang-isip na humingi dito.
Tatang Tanggero: Panginoon, pwede ba akong makahingi ng isang sentimo Ninyo?
Panginoon: Walang problema, anak. Maghintay ka lang ng ilang SEGUNDO.
Bigla na lang siyang natumba at nahulog. Naumpog ang ulo niya at biglang natauhan. Nakatulog pala siya sa mesa kung saan sila nag-iinuman, at doon mismo nahulog mula sa kinauupuan niya.
Tatang Tanggero: Buti na lang, panaginip lang pala.
The Seven Star Hotels of the World
3 years ago
Comments
0 comments to "Matagal ba ang isang Segundo?"
Post a Comment
Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...