Sep 11, 2008

Si Tatang at si Spielberg

0 na lasing
Sa isang bar, umiinom si Tatang Tanggero mag-isa. Binoykot kasi siya ng mga kainuman niya, lagi daw kasi sila iniisahan. Puro daw kalokohan ang iniisip at mga pinaggagagawa.

Habang nakaupo siya, pumasok ang isang sikat na Hollywood director, na si Steven Spielberg. Umorder ito ng alak at uminom.

Ilang minuto ang nakalipas, si Tatang naman, dahil medyo tinatamaan na ng alak, nagiging mapungay na ang mata at nagmumukha ng Hapon. Napapatingin ang sikat na direktor sa kanya, at akala siguro na direktor na Hapon nga si Tatang.

Napansin ni Tatang na kanina pang masama ang tingin sa kanya ng direktor kaya bigla na lang itong tumayo at sinigawan ang direktor na si Spielberg. Siyempre kelangan ingles ang salita niya para magkaintindihan sila.

Tatang Tanggero: Why are you looking that way!? What the hell is that for?!!

Steven Spielberg: That's for the bombing of Pearl Harbor, you son of a bitch!! My dad perished in that bombing!

Tatang Tanggero: 'Tang 'na!! I'm not Japanese, are you stupid!? I am a Filipino!!

Steven Spielberg: Yeah, right!.. Japanese, Burmese, Chinese, Vietnamese, Filipino!... you are all the same!

Nilapitan ni Tatang and direktor na galit na galit. Hinawakan niya pataas ang kwelyo ng direktor hanggang mapatayo niya ito. Kinarate ni Tatang ang direktor at sinipa niya ng malakas hanggang mapatumba niya ito.

Nagulat ang direktor sa ginawa ni Tatang at sumigaw ng...

Steven Spielberg: What was that for?!!!

Tatang Tanggero: That's for the sinking of TITANIC! My grandfather, he's passenger on that ship!

Steven Spielberg: Are you idiot!!! The Titanic was sunk by an ICEBERG!!!

Tatang Tanggero: Yeah, right!... Icerberg, Carlsberg, Spielberg... you are all the same!

Comments

0 comments to "Si Tatang at si Spielberg"

Post a Comment

Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...

 

Copyright 2008 All Rights Reserved Revolution Two Church theme by Brian Gardner Converted into Blogger Template by Bloganol dot com Customized by Vhonne DeVille