......
Basahin ang kabuuan nito...
Di ka ba napapagod?
Kanina ka pa kasi tumatakbo sa isipan ko. BOOM!
Nag-iisa ka. Hindi pwedeng may katulad ka. Maraming pwedeng pirata pero hindi ka makokopya. Kahit bigyan kami ng isangdaang potokapi mo, mas kuntento na kami sa pagiging isa mo.Hindi ko din kayang isipin kung madami ka talaga. Masakit sa ulo, magugunaw ang mundo.
"TSEEEEE!!!! BUSEEEEETTT!!!!"


Kanina lang, maraming nakapansin sa magandang pagpapakita ng buwan. Sa mga larawan ko lang 'yun nakita dahil tinatamad akong lumabas. Madaming natuwa. Madaming namangha. Madaming natakot at madaming nag-alala. Ikinatuwa ng iba ang nakita dahil mukha daw itong nakangiting cyclops. At mayroon din namang kinilig dahil parang engagement ring lang. May nakapansin din na katulad daw ito ng simbolo ng Islam. Marami naman ang nakipagtalo na hindi bituin 'yung nasa ibabaw ng buwan. Pero siguro kung pinaggigitnaan siya, between nga siya. Venus daw 'yung nasa ibabaw ng buwan. Oo. 'Yung dati naming kapitbahay noong hayskul ako na lagi kong inaabangan at pinagmamasdan. Si Venus. Kapatid ni Michelle na anak ni Aling Zorayda. Venus. Pero mas madami ang natakot dahil inaakala nila na isa itong signus para sa kinatatakutan nilang katapusan DAW ng mundo.
Naisipan ko na lang magbasa ng manga. Oo. Binabasa ang manga. Hindi kinakain at nilalagyan ng alamang. Wala pang bagong Naruto episode sa manga kaya doon muna ako tumambay kina Luffy sa One Piece. Hindi ko pa natatapos, namatay kasi si Ace eh. Sayang. Kung hindi mo maintindihan ang sinasabi ko pero pilit mo pa rin itong binabasa, naiintindihan kita. Wala ka ring magawa.Walang magawa ang puso ko, kaya naman masisisi mo ba ako, kung ikaw ang mahal ko?




"Magsilabas ka na! Napapaligiran na kita!"
Nabanggit ko na din lang ang hamster, bumili ang katrabaho ko ng hamster. Balak siguro niyang gumawa ng hamsilog. Err. Hindi pala. Aalagaan pala niya. Kung mag-aalaga tayo ng ganito, siyempre kailangan may kasamang paglilibangan 'yung alaga natin. Kadalasan sa libangan ng mga hamster 'yung pagtakbo sa bilog na bakal. 'Yung parang nakikipagkarera. Matatapos ang araw niya sa paganun-ganun lang. Kinabukasan, uulitin niya ang ganung libangan. Para lang siyang nakikipag-karera sa panahon. Kaya ngayon, ano ang hamsilog? Hamster sa bilog.Gumagabi na, akoy uuwi na
Tapos na ang saya, balik sa problema
At bukas ng umaga, uulitin ko pa ba
Ang kahibangang ito, sa tingin ko hindi na


sino ang pers lab mo? -tanong ng henyo
hmm... pers lab? hindi ko naman syur kung lab nga ung mga naranasan ko nung bata pa ako eh.. hehe.. kaya ito n lng ang sagot ko... ang pers lab ko... ang inay ko... hehehe... may pers ang las... kahit wala na xa... walang pa ring nagbabago... andito pa rin ang presensya nya... hehehe... nasagot ko na ba ang tanong? -sagot ng batanggero
......ano ang paborito mong kulay?
BLUE!... hehehe... pero wag kang magtataka kung bakit bihira mo lng makita ang blue sakin.. ndi ko pinapakita eh... :D
......Copyright 2008 All Rights Reserved Revolution Two Church theme by Brian Gardner Converted into Blogger Template by Bloganol dot com Customized by Vhonne DeVille