Bisikleta. Siguro naman marunong kang magpatakbo niyan. Pagbabalanse sa dalawang gulong at pinapatakbo sa pamamagitan ng pagpedal. Kung hindi ka naman marunong, nakiki-angkas ka na lang. Kung ayaw mo naman maki-angkas, sige, maglakad ka na lang.
Sabi nila, tamad daw maglakad ang nagbibisikleta. Siguro nga. Tamad din kasi ako eh. Gaya ng nag-imbento ng sasakyang ito. Ginawa niya ang bisikleta dahil tinatamad siyang maglakad at magbitbit ng kung anu-anong bagay.
Ang bisikleta daw ay sasakyan ng mga nobelista at manunulat. Nakikigaya lang ako sa kanila. Feelingero. Kunwari na lang na isa din akong manunulat kaya nakikibisikleta din ako. Mas gusto ko din ang bisikleta kaysa motorsiklo. Nakakabilib kasi. Sa bisikleta, ang makina nito ay 'yung mismong pasahero. Mas kilala na din ng tao ang munting sasakyang ito. Maraming naglalabasang iba't ibang klaseng transportasyon na pwedeng gamitin, pero mas nagiging delikado at nakakatakot. Sa araw-araw, mas nagiging halimaw ang mga sasakyang ito. Hindi tulad ng bisikleta, mula noon hanggang ngayon, nanatiling tupa pa rin.
Karamihan sa atin, bata pa lang ay tinuturuan nang magbisikleta. Tinuturuan tayo hindi lang para matutong magpatakbo nito. Tinuturuan tayo magbisikleta para maging handa tayo sa pagharap sa reyalidad ng buhay. Sa unang sakay ng bata sa bisikleta, asahan natin ang pagnginig niya. Pagewang-gewang. Sa ganoong pagkakataon, nangangailangan siya ng suporta at kalayaan. Alalayan at pabayaan. 'Yan ang kailangan ng bata. Nating mga bata. At mga isip-bata.
Sa bisikleta, mapapagod ka. Pagpapawisan. Sa motorsiklo, mabilis, kumportable. Anong mas pipiliin mo? Mapapahanga ka ng motorsiklo dahil sa bilis nito. Sa kabilisang hindi mo na napapansin kung ano ang nasa paligid mo. Hindi mo nae-enjoy ang dinadaanan mo. Sa bisikleta, ibang alaala ang naiipon sa'yo. Maaalala mo kung paano mo tahakin ang mahirap na daan at kung paano mo ito nalampasan.
Ang buhay natin ay para ding pagsakay sa bisikleta. Kung gusto mong manatili sa iyong balanse, kailangan mong ipagpatuloy ang pagpapatakbo nito. Kung babagal-bagal ka naman, mas malaki ang tiyansa mong bumagsak. At kung sobrang bilis naman, maaari ka ding madisgrasya. Kailangan 'yung sakto lang. Ganyan din sa totoong buhay. Sakto lang. Hindi tulad ng coke, sakto daw pero bitin. Hindi din tulad ng isang tindahang malapit dito. Sakto P100 daw, pero may P150 at P250. Dapat 'yung totoong sakto.
Pero sa kabuuan ng mga naisulat ko dito, isa lang ang gusto kong sabihin. Gustong ipagyabang. Oo. May bago akong bisikleta. Kung ano 'yung nasa larawan sa itaas. 'Yun mismo. Hehehe.
Tanong: Ano'ng tawag ninyo sa siklistang hindi nagsusuot ng helmet?
The Seven Star Hotels of the World
3 years ago
Comments
4 comments to "Organ Donor"
April 14, 2010 at 9:53 PM
naks! pahiram ng bike. hehe
pag natuto ka raw magbisikleta, hindi mo na makakalimutan hanggang sa pagtanda.
April 14, 2010 at 9:56 PM
@choknat:
ah... kaya pala hindi mo nakakalimutan kahit matanda ka na.. hehe.. joke lng.. peace...
cge.. hiramin mo... kunin mo n lng sakin ang susi...
May 1, 2010 at 11:31 PM
Nice blog. You are so cute. I think I love you.
PS: Let's vote for Dick Gordon and Bayani Fernando!
Check this out:
Gordon SLAMS Noynoy, Villar, Erap and Gibo
http://www.youtube.com/watch?v=AimivBp0MU4&feature=player_embedded
June 9, 2011 at 5:02 PM
ang galing ng nagblog ng article na yan. hindi boring basahin. may twist.
Post a Comment
Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...