Nabanggit ko na din lang ang hamster, bumili ang katrabaho ko ng hamster. Balak siguro niyang gumawa ng hamsilog. Err. Hindi pala. Aalagaan pala niya. Kung mag-aalaga tayo ng ganito, siyempre kailangan may kasamang paglilibangan 'yung alaga natin. Kadalasan sa libangan ng mga hamster 'yung pagtakbo sa bilog na bakal. 'Yung parang nakikipagkarera. Matatapos ang araw niya sa paganun-ganun lang. Kinabukasan, uulitin niya ang ganung libangan. Para lang siyang nakikipag-karera sa panahon. Kaya ngayon, ano ang hamsilog? Hamster sa bilog.
Naalala ko tuloy ang sinabi ni Robert Kiyosaki. Huwag daw nating hayaang makulong tayo sa tinatawag niyang rat race. Kadalasan sa atin kapag nagtatrabaho, inaabangan natin ang araw kung kailan tayo susweldo. Magtatrabaho tayo. Magsisikap at magiging masipag tayo sa trabaho. At kinabukasan, ganun ulit ang gagawin natin. Hindi na tayo nalalayo sa mga daga o hamster na paikut-ikot sa pagtakbo sa bilog na bakal. Mapapagod lang tayo, pero kinabukasan, ganun pa rin ang takbo ng utak natin.
Gumagabi na, akoy uuwi na
Tapos na ang saya, balik sa problema
At bukas ng umaga, uulitin ko pa ba
Ang kahibangang ito, sa tingin ko hindi na
Alam ninyo ba ang liriko na 'yan? Galing 'yan sa kantang Esem ng bandang Yano. Kung alam mo, malamang magkasing-edad tayo. Pero kung hindi mo alam, huwag mo na lang ipamukha sa akin na matanda na ako.
Paano nga ba tayo makakawala sa tinatawag na rat race? Maraming nakakaalam kung paano makatakas doon. Marami din naman ang nakakaalam pero ayaw subukan, natatakot. Maraming gustong makaalam kung paano pero hindi alam kung paano sisimulan. At maraming ayaw ng subukan kaya ayaw na ding malaman.
Paano nga ba tayo makakawala sa tinatawag na rat race? Maraming nakakaalam kung paano makatakas doon. Marami din naman ang nakakaalam pero ayaw subukan, natatakot. Maraming gustong makaalam kung paano pero hindi alam kung paano sisimulan. At maraming ayaw ng subukan kaya ayaw na ding malaman.
Comments
11 comments to "Hamsilog: Hamster sa Bilog"
January 28, 2010 at 9:02 PM
*sigh*
Life is what you make it.
January 29, 2010 at 10:52 AM
anjan kasi ang takot... meron din namang kulang sa kaalaman... meron ding playing safe kaya ayaw ng gumawa ng hakbang...
isa ako sa natatakot gumawa ng hakbang... pero sinisikap kong baguhin ngaun.. hehehe...
January 30, 2010 at 2:09 AM
hamsilog... hamster sa bilog
February 3, 2010 at 3:01 AM
panong di ka matatakot? eh naikot pa nga eh.. kung baga eh nasakasagsagan pa ng pag ikot, preno ka muna bago ka bumaba... hindi ka naman pwedeng tumalon sa peris wheel habang naikot dahil lang ayaw mo na at gusto mo na ng ibang rides... hehe
February 3, 2010 at 9:39 AM
@hukombitay: wala kang maicomment? hehehe...
@cheness: chukchakcheness... :D minsan kasi... ung bilog na pinagtatakbuhan ng hamster... nakakalimutan nilang mag preno kapag napapabilis na sila ng pagtakbo... kaya ang nangyayari... nagtutuluy-tuloy na... hindi na nila namamalayan... naubos na ang oras nila dun... hehehe
February 14, 2010 at 2:22 PM
isipin mo na lang matutulog ka para gumising kinabukasan, ang kaibahan nga lang, ung kinabukasan bago na naman.. :D
February 17, 2010 at 6:44 PM
ay life is a race pala ang drama ng post mo... hehe...
nwei, paano? part na yun. kelangan lang nating sumabay sa takbo ng panahon para di tayo mapagod... ;-)
February 20, 2010 at 12:58 AM
@ate arny...
ang problema ate arnie... ndi ako natutulog... nyahaha...
@ate yhen...
kung sasabay tayo sa takbo ng panahon... wala ding mangyayari.. nakikita na natin kung san ang pinupuntahan ng iba na paulit-ulit lang nilang ginagawa... nakikisabay pa tayo... :D
March 8, 2010 at 10:05 PM
Ayos ang logic niKiyosaki a
March 8, 2010 at 10:08 PM
@chichirya:
mismo... galing nga nya eh... hehehe
September 25, 2011 at 5:40 PM
galing :)
Post a Comment
Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...