Apr 27, 2009

Astronomers VS Astronauts

12 na lasing
Napanood ninyo ba ang pelikulang Jurassic Park III? 'Yung may mga daynosors. Oo, 'yun nga. Pero hindi tungkol sa daynosors ang pag-uusapan natin ngayon. Sa mga nakapanood na, naaalala ninyo ba ang isang usapan doon sa pagitan nung doktor at ng isang bata? Napag-usapan nila ang pagkakaiba ng astronomers at astronots (astronauts).


Ganito ang naging usapan nilang dalawa...

Dr.: I have a theory that there are two kinds of boys -- those that want to be astronomers and those that want to be astronauts. The astronomer, the paleontologist, gets to study these amazing things from a place of complete safety.

Boy: But you never get to go into space.

Dr.:
Yes. It's the difference between imagining and seeing.


Dahil sa usapang 'yun, masasabi nating dalawa ang uri/klase ng tao. Pwede kang maging astronomer o kaya ay isang astronot.

Ang mga astronomer ay 'yung mga taong nagiging kuntento kapag nakikita ang bagay na nakakapagbigay-saya sa kanila. Masayang-masaya na silang nasisilip ang mga bituin at iba't ibang klaseng planeta. Habang ang mga astronots naman, mas gusto nilang maramdaman at mismong makasama ang mga bagay na nakakapagpasaya sa kanila. Mas gusto nilang puntahan 'yung bagay/lugar na 'yun kaysa masilayan lang.

Ikaw? Ano ka ba sa dalawang klaseng 'yan? Kuntento ka na ba na hanggang tingin ka na lang sa kanya o sa isang bagay na gusto mo? O mas gusto mong makuha ang bagay na 'yun para mas makumpleto ang kasiyahan mo?

Noon, masasabi kong isa akong astronomer. Pero mas nagustuhan ko ang pagiging astronot. Walang mas sasaya kapag kasama mo ang nagpapasaya sa'yo. Hindi lang 'yung basta mo lang nakikita. Mas maganda ang abot-kamay kaysa abot-tanaw.

Bilang astronot, pinuntahan ko ang isang planeta/bituin na nagbigay sa akin ng sobrang saya. Bilang tao, ang planeta o bituin na 'yun ay 'yung leading lady ko.
......

Basahin ang kabuuan nito...

Apr 23, 2009

Kabayo Ba Kayo?

6 na lasing
Tumataya ka ba sa karera ng kabayo? Nananalo naman ba ang kabayong tinatayaan mo? Ano'ng klaseng kabayo ba ang pinipili mo? Mahilig ka ba sa kabayo? Mahilig ka bang mangabayo, este sumakay sa kabayo? Mukha ka bang kabayo? Eh kilala ninyo ba ang Kabayo Kids?


Sa tingin mo, ano ang dahilan ng kabayo para manalo sa karera? Hindi mo alam? Hindi ko din alam, hindi naman ako kabayo eh. Pero ang alam ko, tumatakbo sila dahil sa hapdi at sakit na nararamdaman nila sa bawat pagpalo at hampas ng hinete o 'yung taong nakasakay sa kabayo.

Gusto ng hinete na manalo sila ng kabayo niya. Sinasaktan niya ito para mas bumilis ang takbo. At dahil nga sa sakit na nararamdaman ng kabayo, mas napapabilis ang pagtakbo niya. Kahit hindi niya alam kung ano'ng mapapala niya kung marating niya ang dulo ng karera. Pero iisa lang ang kanilang layunin. Ng hinete at kabayo. Ang manalo sa karera.


Sa totoong buhay, nakikipagkarera din tayo. Mismo. Ang buhay natin ay isang karera. Tayo ang nagmimistulang kabayo, at ang Diyos ang ating hinete. Sa bawat pinapataw na mabibigat na pagsubok Niya sa atin. Sa bawat hagupit na pinaparamdam Niya sa atin. Isa lang ang gusto at dahilan ng Diyos para sa atin. Gusto Niya tayong manalo sa nilalabanan nating karera.

Kaya kapag naramdaman mo ang mga problema mo, huwag kang manghihina. Huwag kang susuko. Dahil sa oras na makapunta ka sa pinis layn, may makukuha kang gantimpala. Hindi pa natin alam kung anong gantimpala 'yun, pero huwag kayong masosorpresa, kung ang makuha ninyong premyo ay.... DAMO.

Tandaan mo, isa kang KABAYO.
......

Basahin ang kabuuan nito...

Apr 16, 2009

Nakakapasong Apoy

4 na lasing
Nitong mga nagdaang araw, naging abala na naman ako. (Lagi na lang!) At medyo madami pa ang gagawin. Pero kapag natapos na namin ang dapat gawin para sa linggong ito, pwede na siguro ako magliwaliw ulit ng konti. Sa mga araw na abala ako, pelikula ang naging libangan at naging bayad ko sa sarili ko sa bawat pagsisikap na ginagawa ko.


Pirates of the Caribbean: The Curse of the Black Pearl. Pangatlong beses kong pinanood ang pelikulang iyan. At 'yung huling pagkakataon na napanood ko 'yun, saka ko lang pinahalagahan ang isang litanya doon. "You can trust a dishonest man to be dishonest. It's the honest man you should not trust for you'll never know when he would be dishonest." 'Yan ang sinabi ni Captain Jack Sparrow. Pero ang isusulat ko ngayong araw na ito ay HINDI tungkol d'yan. Ang isusulat ko ngayon ay tungkol sa mainit na apoy. Kaya halika na. Magbasa at tayo'y maglaro ng apoy.

Apoy. Nakakapaso. Mainit. Ang apoy, kapaki-pakinabang at nakaka-perhuwisyo. Kailangan natin ng apoy para makapagluto. Ayaw din natin ng apoy dahil delikado. Pero sa buhay natin, mayroon din tayong tinatawag na apoy.

Ang bawat problema at pagsubok na dumarating sa buhay natin, ay parang apoy. Tulad ng apoy, ang pagsubok ay pwedeng sumira sa'yo, at maaari din namang magpatibay sa'yo. Ang magiging resulta lang ay nakasalalay kung ano'ng katauhan mayroon ka. Depende kung paano mo malalampasan ang nakakapasong apoy na 'yun. Madaming paraan para patayin ang apoy. Marami ding sugat o paso ang pwedeng ibigay sa'yo ng apoy.

Pero lagi lang nating tandaan. Ang apoy na tumutunaw sa mantikilya, ay siya ring apoy na nagpapatibay ng bakal. Kung hindi mo alam kung paano labanan ang apoy na 'yun, magiging mantikilya ka matutunaw. Pero kahit ilang paso ang makuha mo sa apoy na 'yun, basta't alam mo na kaya mong lagpasan, darating ang araw, titibay ka na parang isang bakal kahit ilang apoy pa ang dumaan sa buhay mo.

** Labingpito [17] sa naisulat kong salita dito ay "apoy." Hindi pa kasama ang nasa titulo.

......

Basahin ang kabuuan nito...

Apr 9, 2009

Patintero ng Buhay

19 na lasing
Ilang taon ka na ba? Dumaan ka naman siguro sa pagkabata noh? Ano'ng kadalasan ang nilalaro ninyo noong bata pa kayo? Taguan? Habulan? Tumbang-preso o lata? Luksong-tinik o baka? Chinese garter? Bahay-bahayan? Buhay-buhayan? (Meron ba nun?)... Patintero? Patintero.


Patintero. Kadalasang nilalaro sa isang malawak na espasyo. Kadalasan sa kalye. Kadalasan sa basketbol kort. Kadalasang tatlo hanggang limang manlalaro sa kada koponan. Kadalasang dalawa hanggang apat na guhit na parisukat. Kadalasan... kadalasan sa sinasabi ko ngayon, ay kadalasan. Napapadalas na.

Pero alam ninyo ba, na kadalasan..., este ang patintero ay hindi lang basta simpleng laro ng mga bata? Kahit hanggang ngayong matatanda na kayong lahat, bata pa rin ako, naglalaro pa rin tayo ng patintero. Pero hindi na sa kalye. Nilalaro na natin ito sa totoong-buhay. Pero hindi na din ito tulad ng dati, na kapag nataya ka, pwede kang magprotesta na dinaya ka. Pwedeng mag-ulitan. Pwedeng ka ding mandaya. Pwedeng umayaw kapag sawa na. Pwedeng suntukin ang kalaro kapag inaasar kayo na lagi kayong talo. Pwedeng pwede... Pero iba na ngayon.

Sa patinterong nilalaro natin ngayon, walang ulitan. Walang ayawan. Walang sukuan. Kailangan mong lampasan ang bawat nakaharang sa harapan mo. Hindi mo pwedeng titigan na lang ang guhit habang buhay. Kailangan mong pilitin ang lumampas doon, kahit alam mong may kakaharapin kang panganib o paghihirap. Dahil sa oras na malampasan mo ang guhit na may nakaharang, matutunton mo ang dulo. Mapapatalon ka sa tuwa. Dahil nakaya mo. At saka mo sigawan 'yung pilit na humaharang sa'yo. "ASA KA BOY!!!"

May pagbabago man sa patintero noong bata at patintero sa buhay natin ngayon, hindi pa rin nagbabago ang pananaw bilang manlalaro at bilang taong haharap sa totoong hamon ng buhay.

Kaya ngayon... Tatayo ka na lang ba diyan? O aabante ka para lampasan ang guhit? Madapa ka man sa paglusot sa mga harang na iyon, balewala ang sugat kapag nandun ka na sa kabilang dulo.

Off-topic: Salamat nga pala sa kapatid nating si Desza ng Desperadang Prinsesa / Des per Ada ng Prinsesa sa pagbibigay ng tag. 'Yung tungkol sa siyam na katotohanan at isang kasinungalingan sa sarili. Pero parang meron na akong ganun dati, at meron na ding ginawang ganun si Loraine para sa akin. Kaya hindi ko na lang isusulat. Pero salamat pa rin sa kanya.
......

Basahin ang kabuuan nito...

Apr 1, 2009

Batanggero: Ang Pagtatapos

15 na lasing
Ilang araw na din akong hindi nakakapagsulat dito. Hindi nakakadaan. Sa dami ng ginagawa, hindi ko man lang masilip ng kahit konti ang blog na ito. Alam kong marami pa rin ang dumadalaw-dalaw dito sa aking munting tahanan, pero mukha yatang kailangan ko ng ikandado ang bahay na walang nakatira. Madaming bisita pero walang maybahay na nag-aasikaso.


Kahit sa kahuli-hulihang blog post na ito, nahirapan akong magkaroon ng oras para isulat ito. At ngayon nga, kailangan na nating ihinto kung ano ang nasimulan ni Batanggero. Pero sana, kahit papaano, may maiwan sa inyong alaala na mga nabasa ninyo mula dito. Kung may maaalala pa kayo.

At tama ang hinala mo...

April Fool's Day ngayon!

Hindi na mawawala ang Batanggero habang buhay ako. Hehehe.
......

Basahin ang kabuuan nito...

 

Copyright 2008 All Rights Reserved Revolution Two Church theme by Brian Gardner Converted into Blogger Template by Bloganol dot com Customized by Vhonne DeVille