Apr 16, 2009

Nakakapasong Apoy

4 na lasing
Nitong mga nagdaang araw, naging abala na naman ako. (Lagi na lang!) At medyo madami pa ang gagawin. Pero kapag natapos na namin ang dapat gawin para sa linggong ito, pwede na siguro ako magliwaliw ulit ng konti. Sa mga araw na abala ako, pelikula ang naging libangan at naging bayad ko sa sarili ko sa bawat pagsisikap na ginagawa ko.


Pirates of the Caribbean: The Curse of the Black Pearl. Pangatlong beses kong pinanood ang pelikulang iyan. At 'yung huling pagkakataon na napanood ko 'yun, saka ko lang pinahalagahan ang isang litanya doon. "You can trust a dishonest man to be dishonest. It's the honest man you should not trust for you'll never know when he would be dishonest." 'Yan ang sinabi ni Captain Jack Sparrow. Pero ang isusulat ko ngayong araw na ito ay HINDI tungkol d'yan. Ang isusulat ko ngayon ay tungkol sa mainit na apoy. Kaya halika na. Magbasa at tayo'y maglaro ng apoy.

Apoy. Nakakapaso. Mainit. Ang apoy, kapaki-pakinabang at nakaka-perhuwisyo. Kailangan natin ng apoy para makapagluto. Ayaw din natin ng apoy dahil delikado. Pero sa buhay natin, mayroon din tayong tinatawag na apoy.

Ang bawat problema at pagsubok na dumarating sa buhay natin, ay parang apoy. Tulad ng apoy, ang pagsubok ay pwedeng sumira sa'yo, at maaari din namang magpatibay sa'yo. Ang magiging resulta lang ay nakasalalay kung ano'ng katauhan mayroon ka. Depende kung paano mo malalampasan ang nakakapasong apoy na 'yun. Madaming paraan para patayin ang apoy. Marami ding sugat o paso ang pwedeng ibigay sa'yo ng apoy.

Pero lagi lang nating tandaan. Ang apoy na tumutunaw sa mantikilya, ay siya ring apoy na nagpapatibay ng bakal. Kung hindi mo alam kung paano labanan ang apoy na 'yun, magiging mantikilya ka matutunaw. Pero kahit ilang paso ang makuha mo sa apoy na 'yun, basta't alam mo na kaya mong lagpasan, darating ang araw, titibay ka na parang isang bakal kahit ilang apoy pa ang dumaan sa buhay mo.

** Labingpito [17] sa naisulat kong salita dito ay "apoy." Hindi pa kasama ang nasa titulo.


Comments

4 comments to "Nakakapasong Apoy"

Claw Machines said...
April 19, 2009 at 1:24 AM

mabuti bumalik ka na sa bahay mo

musta naman ang paglalakbay

Anonymous said...
April 22, 2009 at 5:51 PM

gusto ko din yung line na yun mula sa pirates...

nwei, enjoy your summer vacation!

♥ K.i.i.k.a.Y ♥ said...
April 24, 2009 at 1:09 AM

yah ako din...

d bah tama naman

musta na pala?

yngatz

Vhonne said...
April 27, 2009 at 4:19 PM

@cebuanong hilaw:

ok naman... napaso ng apoy.. pero mas tumibay... hehehe

@yhen:

gusto ko na ngang maging pirata... ahahaha

@kikay:

mabuti naman... humihinga pa ako... hehe

Post a Comment

Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...

 

Copyright 2008 All Rights Reserved Revolution Two Church theme by Brian Gardner Converted into Blogger Template by Bloganol dot com Customized by Vhonne DeVille