Apr 23, 2009

Kabayo Ba Kayo?

6 na lasing
Tumataya ka ba sa karera ng kabayo? Nananalo naman ba ang kabayong tinatayaan mo? Ano'ng klaseng kabayo ba ang pinipili mo? Mahilig ka ba sa kabayo? Mahilig ka bang mangabayo, este sumakay sa kabayo? Mukha ka bang kabayo? Eh kilala ninyo ba ang Kabayo Kids?


Sa tingin mo, ano ang dahilan ng kabayo para manalo sa karera? Hindi mo alam? Hindi ko din alam, hindi naman ako kabayo eh. Pero ang alam ko, tumatakbo sila dahil sa hapdi at sakit na nararamdaman nila sa bawat pagpalo at hampas ng hinete o 'yung taong nakasakay sa kabayo.

Gusto ng hinete na manalo sila ng kabayo niya. Sinasaktan niya ito para mas bumilis ang takbo. At dahil nga sa sakit na nararamdaman ng kabayo, mas napapabilis ang pagtakbo niya. Kahit hindi niya alam kung ano'ng mapapala niya kung marating niya ang dulo ng karera. Pero iisa lang ang kanilang layunin. Ng hinete at kabayo. Ang manalo sa karera.


Sa totoong buhay, nakikipagkarera din tayo. Mismo. Ang buhay natin ay isang karera. Tayo ang nagmimistulang kabayo, at ang Diyos ang ating hinete. Sa bawat pinapataw na mabibigat na pagsubok Niya sa atin. Sa bawat hagupit na pinaparamdam Niya sa atin. Isa lang ang gusto at dahilan ng Diyos para sa atin. Gusto Niya tayong manalo sa nilalabanan nating karera.

Kaya kapag naramdaman mo ang mga problema mo, huwag kang manghihina. Huwag kang susuko. Dahil sa oras na makapunta ka sa pinis layn, may makukuha kang gantimpala. Hindi pa natin alam kung anong gantimpala 'yun, pero huwag kayong masosorpresa, kung ang makuha ninyong premyo ay.... DAMO.

Tandaan mo, isa kang KABAYO.

Comments

6 comments to "Kabayo Ba Kayo?"

Joel said...
April 23, 2009 at 11:58 AM

Minsan kelangan nating masaktan para ang hinete naman natin ang ating lapitan, kelangan nya tayong kalabitin o hampasin para matuto tayong tumakbo sa kanya..

Mahalia said...
April 24, 2009 at 9:13 AM

tumaya ka ba at natalo noong isang araw at ni reflect mo ang buhay kabayo?

duke357 said...
April 24, 2009 at 9:09 PM

siempre, kung kabayo ka, lalo't pagod na pagod ka pa, ang luntiang DAMO ay langit na ;-)

cyndirellaz said...
April 25, 2009 at 5:00 PM

nice realization pero kailangan ba talaga kabayo? hehe! di ako mahilig sa racing ng kabayo pero mahilig akong tumakbo, at makipag karerahan, well dati pa yun nung payat pa ako ^^

Hari ng sablay said...
April 26, 2009 at 9:42 PM

ayos ayos, sige karera tayo hnggang pinis layn...

Vhonne said...
April 27, 2009 at 4:24 PM

@kheed:

honga... pero madalas.. masarap talagang mangabayo... (evilgrin)

@ate mahalia:

ndi po ako tumataya sa kabayo... ahaha.. at ndi ako sugalero... naisip ko lng bigla ung kabayo...

@duke:

pero kung ibang DAMO ung tutukuyin natin... talagang langit ang mapupuntahan... masisira naman ang ulo... ahaha... ung DAMONG binebenta sa mga sulok-sulok ng kanto... nyahaha...

@cyndi:

ndi din ako mahilig sa karera ng kabayo... kahit ung bidyo-karera ng kabayo.. ndi ko pinapatulan... hehe.. pero mga karera ng motor at kotse.. madalas kong laruin sa bidyo-geyms... hehe

@hari ng sablay:

sige ba... basta kung sinong mauna sa pinis layn... wag magdadamot sa damo ha? hehehe

Post a Comment

Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...

 

Copyright 2008 All Rights Reserved Revolution Two Church theme by Brian Gardner Converted into Blogger Template by Bloganol dot com Customized by Vhonne DeVille