Ilang taon ka na ba? Dumaan ka naman siguro sa pagkabata noh? Ano'ng kadalasan ang nilalaro ninyo noong bata pa kayo? Taguan? Habulan? Tumbang-preso o lata? Luksong-tinik o baka? Chinese garter? Bahay-bahayan? Buhay-buhayan? (Meron ba nun?)... Patintero? Patintero.
Patintero. Kadalasang nilalaro sa isang malawak na espasyo. Kadalasan sa kalye. Kadalasan sa basketbol kort. Kadalasang tatlo hanggang limang manlalaro sa kada koponan. Kadalasang dalawa hanggang apat na guhit na parisukat. Kadalasan... kadalasan sa sinasabi ko ngayon, ay kadalasan. Napapadalas na.
Pero alam ninyo ba, na kadalasan..., este ang patintero ay hindi lang basta simpleng laro ng mga bata? Kahit hanggang ngayong matatanda na kayong lahat, bata pa rin ako, naglalaro pa rin tayo ng patintero. Pero hindi na sa kalye. Nilalaro na natin ito sa totoong-buhay. Pero hindi na din ito tulad ng dati, na kapag nataya ka, pwede kang magprotesta na dinaya ka. Pwedeng mag-ulitan. Pwedeng ka ding mandaya. Pwedeng umayaw kapag sawa na. Pwedeng suntukin ang kalaro kapag inaasar kayo na lagi kayong talo. Pwedeng pwede... Pero iba na ngayon.
Sa patinterong nilalaro natin ngayon, walang ulitan. Walang ayawan. Walang sukuan. Kailangan mong lampasan ang bawat nakaharang sa harapan mo. Hindi mo pwedeng titigan na lang ang guhit habang buhay. Kailangan mong pilitin ang lumampas doon, kahit alam mong may kakaharapin kang panganib o paghihirap. Dahil sa oras na malampasan mo ang guhit na may nakaharang, matutunton mo ang dulo. Mapapatalon ka sa tuwa. Dahil nakaya mo. At saka mo sigawan 'yung pilit na humaharang sa'yo. "ASA KA BOY!!!"
May pagbabago man sa patintero noong bata at patintero sa buhay natin ngayon, hindi pa rin nagbabago ang pananaw bilang manlalaro at bilang taong haharap sa totoong hamon ng buhay.
Kaya ngayon... Tatayo ka na lang ba diyan? O aabante ka para lampasan ang guhit? Madapa ka man sa paglusot sa mga harang na iyon, balewala ang sugat kapag nandun ka na sa kabilang dulo.
Off-topic: Salamat nga pala sa kapatid nating si Desza ng Desperadang Prinsesa / Des per Ada ng Prinsesa sa pagbibigay ng tag. 'Yung tungkol sa siyam na katotohanan at isang kasinungalingan sa sarili. Pero parang meron na akong ganun dati, at meron na ding ginawang ganun si Loraine para sa akin. Kaya hindi ko na lang isusulat. Pero salamat pa rin sa kanya.
The Seven Star Hotels of the World
3 years ago
Comments
19 comments to "Patintero ng Buhay"
April 9, 2009 at 9:40 PM
syempre dere derecho pa din ako, mataya man ako sa ngayon, sisiguraduhin ko namang panalo na ko bukas.. hindi dapat kayo na lang ang laging panalo, asa ka boy!
April 9, 2009 at 10:49 PM
Naalala ko, after ng super sakit sa ulong board exam namin, naglaro kami ng patintero sa harap ng dorm na nasa isang tahimik na subdivision.. Muntik pa kaming nabarangay, ang ingay pala namin! hahaha
Mabuti na lang at nanalo kami sa laro at nalagpasan ang hamon ng board. Naks.
Asus, oo nga noh. Ok lng, walang anuman yun. Salamat din po!=)
April 10, 2009 at 1:05 AM
ako minsan scared ako dumeretcho kasi baka madapa ako hehehe
pero oo ang buhay nga ay parang laro...pero dati pagnaglalaro tau walang problema..ngunit ngaun tambak na ang problema....
April 10, 2009 at 3:21 PM
ang kulit... namiss ko larong ito... dahil sa larong ito nagkaroon ako ng maraming peklat sa tuhod... hahaha
April 10, 2009 at 9:44 PM
nakalaro na din ako ng patintero noong bata pa ako pero ngayong malaki na ako na realize ko syemore na di pala gaanun kadali ang patintero ng buhay..
April 10, 2009 at 11:40 PM
ayokong magpatalo pero parang laging ganun ang nangyayari!
April 13, 2009 at 7:32 PM
nakakatuwang maglaro ng patintero kaso nkakalungkot lang kasii, halos lahat ng mga bata, hindi na lansangan ang laruan, computer na.
...napadaan! daan ka rin sa bahay ko. salamat!
April 14, 2009 at 8:33 PM
@kheed:
tama... ndi naman pwede na lagi k n lng talo... ndi naman pwedeng ikaw lagi ang sigawan ng.. ASA KA BOY!... ahahah
@desza:
ahaha.... muntik na pala kayong makipagpatintero sa mga tanod... lol...
@KIKAY;
pero kung may problema ka... mas ok un... may kabuluhan ang buhay mo.. lalo na kung masosolve mo un kahit gaano kahirap... basta wag lng aayaw..,
April 14, 2009 at 8:36 PM
@yhen:
ang peklat na un.. ang katunayan na nakayanan mo ang lahat ng pagsubok... hehehe...
@cyndi:
ndi nga ganun kadali... mas seryoso.. mas kumplikado.. pero mas masaya... ahaha
@abe:
malas lng.. :D
@wiinkii:
cge.. isuggest ko na maglaro ng patintero mga bata.. ung online patintero... ahaha... dumaan n ako sa bahay mo... makikipaglaro sana ako ng patintero... hehehe
April 15, 2009 at 12:55 AM
pareng vhonne....ayos k talga!!! bat d kya mglaro tau ng patintero s reunion nten hehe....
April 15, 2009 at 12:56 AM
c jhen to...gmit ko id ng hubby ko
April 16, 2009 at 12:13 AM
@jena/peter:
ahaha... kala ko kung sinong Peter... sige... patintero tayo... magandang idea un Mare!...
kunin kitang kumare pag may anak na kami ni loraine... ahahaha...
April 26, 2009 at 10:15 PM
wow this is my game 20 years ago
April 27, 2009 at 4:17 PM
@cebunanong hilaw:
20 years ago? 3 years old pa lang ako nun... ahaha... madalas pa ako madapa nun...
March 18, 2011 at 12:48 PM
March 18, 2011 at 1:54 PM
Traditional filipino game talaga ang patintero, wlang katulad. nkakalungkot lang ksi di na siguro alam ng mga bata ngayon kung paano ito laruin.
Eto naman ang aking pananaw tungkol sa mga Laro noon at ngayon http://wantedbayani.blogspot.com/2011/03/games-of-today-vs-games-of-past.html
March 18, 2011 at 1:54 PM
Traditional filipino game talaga ang patintero, wlang katulad. nkakalungkot lang ksi di na siguro alam ng mga bata ngayon kung paano ito laruin.
Eto naman ang aking pananaw tungkol sa mga Laro noon at ngayon http://wantedbayani.blogspot.com/2011/03/games-of-today-vs-games-of-past.html
March 18, 2011 at 5:17 PM
@maryhknoll:
salamat po sa pagbisita... habulin kita sa blog mo... para ikaw naman ang taya... :))
February 17, 2012 at 12:00 AM
buhay-buhayan? parang saksak-puso tulo ang dugo. hehe... game of tag na ang mataga patay. then have to resuscitate ng isang tag from a live player. yun ba yun? haha.
Post a Comment
Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...