Nov 16, 2008

Si Cactus at si Sky Diver

17 na lasing
Maaaring ang isusulat ko ngayon dito ay nabasa ninyo na sa isa pa "naming" blag. Oo. Kung nabasa nio na 'yung blag na 'yun, eh kami nga ang gumawa nun. Pero para sa mga hindi pa nakakabasa, isusulat ko na din dito.


At heto na ang ang usapan ng dalawang baliw...

Lalaki:Kung mahuhulog ako, at ang pagbabagsakan ko ay may kasamang tinik, iindahin ko ang sakit na tutusok sa’kin basta handa lang niya akong sambutin.

Babae:Kung masasaktan ka lang sa pagbagsak mo dun sa may tinik na ‘yun, bakit hindi ka na lang humanap ng ibang pagbabagsakan na walang tinik?

Lalaki:Kung ikaw ba? Saan mo mas gugustuhing bumagsak? Sa alam mo ngang may tinik at masasaktan ka pero doon ka naman masaya? O doon sa may mababango at magagandang bulaklak, na hindi ka nga masasaktan sa pagbasak, pero may allergy ka pala sa amoy ng mga ‘yun?

Babae: Eh paano naman nasangkot ang bulaklak dito?

Lalaki: Cactus kasi ‘yung may tinik eh, hehehe.

Babae:Hanggang kailan mo kayang humawak? Hanggang kailan mo kayang bumitin? Kailan ka babagsak?

Lalaki:Kahit isang daliri ko na lang ang nakahawak, hindi pa rin ako bibitaw, hangga’t hindi pa handa ang babagsakan ko, para sambutin ako.

Babae: Paano kung mangawit ka?

Lalaki:Kung mangangawit ako, at hindi pa siya handa para sumambot, ibabalik ko ang apat kong daliri para kumapit ng mahigpit, at kung hindi pa rin kakayanin, may isa pa akong kamay. Kakapit at maghihintay.

Sandaling naputol ang usapan… at hindi yata nakayanan nung lalaki ‘yung damdamin niya. Hahaha. Hindi siya nakatiis at sinabing…

Lalaki: “Ikaw ang CACTUS ko!!!”

Sumagot naman itong si babae ng…

Babae:SKY DIVER!

Ganyan din ba kayo kabaliw? Unliquote ng utak ng dalawang ‘yun ah, kung anu-ano ang pinagsasasabi. Hindi ba pwedeng mag-usap ng diretso? At kelangan pa bang daanin sa ganung usapan para lang masabi kung ano ‘yung nararamdaman? Ewan ko, hindi ko din alam. Kung ganyan ka din, pareho ang mga wavelength ng utak ninyo! Hahaha.

...

Comments

17 comments to "Si Cactus at si Sky Diver"

Kosa said...
November 16, 2008 at 5:47 PM

taena...parang nabasa ko na nga yata to...heheheh

Vhonne said...
November 16, 2008 at 5:54 PM

un na nga un.. ahaha...

Yummie said...
November 16, 2008 at 7:16 PM

hahaha kinikilig pa rin ako kahit 100 times ko na nabasa yan dun sa wordpress niyo hahha XD

pinapahaba niyo masyado yung part4 ko eh hahaha XD

Vhonne said...
November 16, 2008 at 9:50 PM

@yummy:

gagawa ako ng post about dun sa sinulat mo sa blog mo... kukuha ako ng excerpts... tapos... bitinin ko... ahaha.... tapos nakalink sau... para basahin nila... weee...

Yummie said...
November 17, 2008 at 8:19 AM

hahaha whhhaaaatttt???

Niel said...
November 17, 2008 at 3:55 PM

kawawa naman yung cactus kung nadurog ng sky diver na wala yatang parachute...

Vhonne said...
November 17, 2008 at 4:24 PM

@niel:

wag kang mag-alala... nagawa nyang sambutin ung sky diver... pero bago nya sinambot un... binunot muna nya lahat ng tinik...

Unknown said...
November 18, 2008 at 1:24 AM

haha.. pers taym ko pa to nabsa! ay kiligs! hahaha. xD

Vhonne said...
November 18, 2008 at 1:56 AM

@mary:

talaga po? kinilig kau? hmmm... maniniwala ba kaung totoong nangyari yan? hehehe

Anonymous said...
November 18, 2008 at 10:36 AM

nakakakilig toh, kahit na mejo nalunod ako sa lalim ng usapan
hahaha xD

Vhonne said...
November 18, 2008 at 11:09 AM

@joyzKelmer:

wala na akong itatago... ahaha... mag-abang na lang tayo ng part 4...
;)

Anonymous said...
November 19, 2008 at 2:05 AM

hihi,of course mag-aantay ako dun sa part 4...

at kung sinuman ung drunk writer na un mamahalin ko din bilang isang tunay na kapatid...tulad ng pagmamahal ko kay paranoia...

saludo ako sa kanila xD

kasi maxado nilang pinapasaya ang puso ko.ahahahaha

Vhonne said...
November 19, 2008 at 10:26 AM

@joyzKelmer:

ang swerte naman ng drunk writer na un... whew... sana ako din.. ahahaha...

salamat sa pagdaan... kapatid na joyz... ako na bahala sa kapatid mong si aning... lol...

Anonymous said...
November 20, 2008 at 12:17 PM

ahahaha,dapat lang po noh.
madami magrereact pag pinabayaan mo yan...

hihihi

Vhonne said...
November 20, 2008 at 12:53 PM

@joyz:

basta tulungan nio din ako eh... hehehe... kailangan namin ng mga katulad nio... na sumusuporta samin... ahaha... nagdadrama n ako nyan...

Anonymous said...
November 20, 2008 at 5:53 PM

makakaasa ka sa suporta ko tsong :)

Vhonne said...
November 21, 2008 at 1:25 AM

awts... bakit ganun ang comment ko...? ahaha... mabubuking... whew

Post a Comment

Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...

 

Copyright 2008 All Rights Reserved Revolution Two Church theme by Brian Gardner Converted into Blogger Template by Bloganol dot com Customized by Vhonne DeVille