Para kang kape, di ka nagpapatulog
Parang kagabi, gising ako hanggang tanghali
Balik sa usapan, tungkol kina Drunk Writer at Paranoia. Mula sa blag ng kaibigan nating si Yummy, kinuwento niya kung paano tumakbo ang mabilis na oras para sa dalawang bida sa kwento. Kwento na pinamagatan niyang "Di Lang Nila Alam." Irebyu na lang natin ang bawat bahagi ng sinulat niyang kwento.
Unang Bahagi:
Sumabog ang unang bahagi ng istorya nang hindi na makayanan ni Yummy na itago ang kanyang mga nalalaman. Siya ang nagsilbing piping saksi para sa dalawang 'yun. Sa kanya ibinubuhos lahat ng nararamdaman nung dalawa. Pero dahil sa nag-uumapaw na ang lahat ng nalalaman niya, kahit nakiusap 'yung dalawa na sana ay hindi makarating sa isa at ganun din naman dun sa isa, hindi na niya nakayanan kaya isinulat niya ang kwento ng dalawa.
Pangalawang Bahagi:
Naging matagumpay naman ang paglalahad niya ng kwento sa naunang bahagi. Pero madami ang nabitin sa istorya kaya madami din ang humiling na isulat ang ikalawang bahagi. At sa ikalawang ito, natuklasan na ng dalawang baliw na gusto na nila ang isa't isa. Ang istorya sa bahaging ito ay tungkol sa pag-aaminan. Pero hindi lang 'yun, may lumabas ding namumuong kwento sa pagitan ng May Akda at sa isang taong tawagin na lang nating Naruto.
Ikatlong Bahagi:
Dumami na ang tagasubaybay ng nasabing istorya. Marami ang nabitin sa naunang dalawang bahagi. Marami din ang kinilig. Pero laging may naiiwang katanungan para sa kanila. "Sino si Drunk Writer at sino naman si Paranoia?" Sa ikatlong bahaging ito, lumiliit na ang maskarang nagtatakip sa mukha ng dalawang ito. Unti-unti nang nasisilayan ang tunay na katauhan sa likod ng pangalang Drunk Writer at Paranoia. Kasabay ng nalalapit na paglalantad ng kanilang mukha ay tuluyan namang lumantad ang tunay nilang nararamdaman para sa isa't isa. Pero sa bahaging ito, hindi lang 'yung May Akda ang sangkot/tumulong sa dalawa, kundi pati na din ang nabanggit kanina na si Naruto.
Kung hindi mo pa rin makilala kung sino nga ang tinutukoy sa kwento, abangan mo na lang ang nalalapit na pagtatapos ng kwento. Ayon sa May Akda, hanggang ikaapat lang ang magiging bahagi ng kwento sa blag niya. Pero hindi lang apat para sa dalawang taong bida sa istorya.
Abangan ang susunod na kabanata.
...
Comments
25 comments to "Drunk Writer at Paranoia"
November 18, 2008 at 12:02 PM
haha. kala ko naman itutuloy mo. LOL. basta i know who they are. paranoia and dunk writer. ayii.
November 18, 2008 at 12:29 PM
@chim:
may part 4 pa eh... ndi ako spoiler... ahahaha... talaga? kilala mo na kami? este kilala mo na sila? LOL...
November 18, 2008 at 12:34 PM
parang narinig ko na din yung mga tsimis na to... hahahaha may kasunod pa ba to? lolssss... masundan nga..
November 18, 2008 at 1:31 PM
@kosa:
meron pa yan... abangan nio n lng... ahaha...
November 18, 2008 at 3:08 PM
vhonne ang hilig mo sa mga writer a mahilig tumagay ano? hehe. apir tayo jan.
November 18, 2008 at 3:42 PM
ikaw talaga vhonne. mahilig ka palang makiusisero.
medyo naguluhan ako konti sa mga kung saan-saang iklik. alam mo naman ang neurons natin, no space for new messages na.
November 18, 2008 at 3:51 PM
at oo nga pala, umamin ka. ikaw yun no?
November 18, 2008 at 4:07 PM
@joshmarie:
basahin mo na lang kasi ung kwento... ahaha... para malaman mo kung sino ung tinutukoy ko... ahaha... sshhss...
@siangelnawalangpakpak:
ano ang aaminin ko? ahaha... may part 4 pa eh... =)) abangan nio n lng...
November 18, 2008 at 5:26 PM
Wahahaha nagulat naman ako!!!
Ano ba sasabihin ko haha magpapasalamat ba ako o ano LOL? Salamat hahaha. Naappreciate mo pala ginawa ko para sa inyo hahaha... Baka maiyak pa ako hahaha..
HUMANDA KA SA ISUSULAT KO SA PART4 LOL. Masaya yun!
November 18, 2008 at 5:29 PM
PAKIUSAP.
Magcomment po kayo LOL, at PAALALA wala po dito sa Blogger account ko ang mga sumunod ng parte ng kwento tanging part 1 ang nailathala dito sa Blogger account ko, nasa Rakista Blogs po lahat.
Maraming salamat
BOW.
Papa Vhonne ILY XD hahaha.
November 18, 2008 at 8:20 PM
@yummy:
sinong tinutukoy mong humanda sa kwento mo? ako ba? bakit? ako ba si drunk writer? ahahaha...
abangan namin ang part 4... ahaha.. mwuah...
November 18, 2008 at 8:35 PM
^
^
^
aabangan mo pa eh alam mo na. :)
haha! geezh. ang hirap isipin na si "tooth tooth" pala si drunk writer at lalo na si paranoia. LOL.
November 18, 2008 at 8:42 PM
@chim:
sinong pong "tooth tooth"? na yan?
November 18, 2008 at 8:43 PM
hmm..i wonder cnu cla..nyahahahhaha..kunyari dw nd ko alm..heheheh..mishu!!
November 18, 2008 at 8:46 PM
jajaaaaaa!!!! musta na? baka may clue ka kung sino un? nahihirapan ako mag-isip eh...
November 19, 2008 at 2:29 PM
whatever. haha. pano kaya cla nakadivelopan? :))
November 19, 2008 at 2:46 PM
@chim:
ayon sa kwento... halos pareho sila ng ugali... pareho sila ng gusto... pareho sila ng hinahanap... at pareho silang lalaki... lol.. joke...
madali daw silang nagkapalagayan ng loob... kumbaga... kuha na agad nila ang kiliti ng isa't isa... sabi nga ni paranoia... para siyang nakaharap sa salamin kapag kausap niya si drunk writer...
madalas din daw sila nagkakapareho ng iniisip at sinasabi... in an instant...
November 19, 2008 at 9:48 PM
haha. *kilig!!* >:) hmm.. ganun pala yun.. sana nga.. sana nga natagpuan na nila ang tunay na pag ibig.. wahah. parehong pareho din cguro ung sinisigaw ng puso nila noh.. saya siguro nun..
haays.. naiinggit ako. lol.. haha. joke :)
tunay na pag ibig na nga ba.. ? :D SANA NOH? wahaha.
November 19, 2008 at 10:27 PM
@chim:
sana nga... mahal na mahal daw ni drunk writer si paranoia eh... sobra sobra na nga daw... ganun din naman c paranoia... ang saya naman ng dalawang baliw n un...
November 20, 2008 at 3:37 PM
ganun? inggit!!* haha.. bakit alam na alam mo? >:))
November 20, 2008 at 5:22 PM
@chim:
syempre alam ko... hmm.. tsismoso kasi ako eh... ahaha...
suportahan nio ung dalawa ha?
November 22, 2008 at 1:43 AM
sus! 'to naman si vhonne, malihim! ikaw si drunken writer (aka batang lasenggero)... teka, basahin ko kwento ni yummy para mlaman ko kung sino si paranoia.
i shall return!
November 22, 2008 at 2:31 AM
ate maya namaaaannn!!!!... grrr.... ahahaha
November 23, 2008 at 12:56 PM
wait lang ah makikitawa lang ako. kinikilig kasi ako eh! XD
ahahahhahahahahahahahhhahahah!
November 23, 2008 at 5:21 PM
@loraine:
bakit ka kinikilig jan? hehehe... dito k nga sa tabi ko... lol
Post a Comment
Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...