Kwentong Dyip na naman tayo. Papunta akong mall noon, sumakay ako ng dyip malapit sa Mini Stop. Ilang minuto, may isang matandang ale ang sumakay. Hantagal bago makaakyat ng dyeeep.
At nung makasakay na 'yung ale. 'Yun na, nakasakay na nga! Edi paandar na ng sasakyan si manong drayber. Wala akong kilala sa sasakyan. Tangina, OP ako ah! 'Yun pa naman ang ayoko sa lahat, ang ingay-ingay ng tsismisan-slash-kwentuhan ng mga ito. Lalo na kung hindi ko naiintindihan kung ano ang pinag-uusapan.
Maya-maya, may pumara. "Sa kanto lang po," sabi nung isang pasaherong dalaga. Sabay baba ng dalawa pa niyang kasama. Ilang metro pa lang ang naaabante ng sasakyan, may pumara na naman para samakay. Sumakit ulo ko sa ilang beses na paghinto-andar ng sasakyan. Tapos biglang namang pumara 'yung matandang ale na nabanggit ko kanina pa.
"Para, sa tabi," mahinahong sabi ni Lola.
Pero itong si drayber, nabingi na yata. Hindi narinig ang boses ng matanda. Kaya inulit na lang ng matanda ang pagpara.
"Sa tabi lang!," medyo paasik na sabi ng matanda. Mga tatlong beses yata inulit ni Lola ang pagsigaw, saka pa lamang napansin ni poging-poging drayber na bingi. At biglang inihinto ang sasakyan.
At ito na nga. Ang umuusok na ale, imbes na bumaba na lang eh nagtatalak pa dun sa loob ng dyip. "Sinabi ko ng para! Tuloy-tuloy pa rin! Ang layo ng nilampasan mo, isang kanto na ang lalakarin ko!" At habang nagbubunganga si Lola eh humahakbang na ito para bumaba nang biglang nagsalita si drayber.
"Ah? Kayo pa ang galit? Magkano ga ang ibinayad niyo? Eh hanggang dun lang pala kayo sa kantong 'yun eh.... Lampas na kayo. Kulang pa nga sana ang bayad niyo, hindi ko na lang kayo sinisingil!"
Napatawa na lang ang ibang pasahero. Napatahimik ang matanda na nakakunot ang noo, sabay baba ng jeep. Napaisip na lang ako. May punto ang drayber na ito ah. Bakit nga ba sa ibang bagay, natutuwa sila kapag may sobra?
Sa internet shop, kapag nagkokompyuter sila, tapos lampas sa oras, natutuwa sila.
Sa pagkain, kapag may sobrang pagkain na inihain, natutuwa din.
Sa sukli, kapag sobra din, 'yung iba hindi na ibinabalik kayang tuwang-tuwa.
Eh bakit pagdating sa pamasahe, lampas ka na sa dapat na bababaan mo, ikaw pa ang nagagalit? dapat nga magdagdag ka pa ng bayad kasi lumampas ka eh.
Teka.... huwag niyo ako aawayin... toinkz!
.
The Seven Star Hotels of the World
3 years ago
Comments
4 comments to "Sumusobra Ka Na!"
October 5, 2008 at 7:59 PM
ayun lang, tiklop si lola at bongga si manong drayber! ayos to.
October 5, 2008 at 9:25 PM
ahaha... kaya nga ako hindi na nagrereklamo eh... baka masabihan pa ako ng ganun... hehehe...
salamat sa pagdalaw nga pala... ung isip mo.. baka naliligaw na naman...
October 6, 2008 at 3:37 PM
nice parody pero kawawa naman yun matandang pasahero. yun drayber kasi sobra din - sobrang bingi, lol.
October 6, 2008 at 4:14 PM
napaisip nga lang ako nung bumababa na ang matanda...
iniisip ko... kung bakit hindi na siya nagreact nung magsalita ng ganun ung drayber...
naisip ko na lang.. hindi yata narinig nung matanda ang cnabi ni manong drayber...
BINGI din yata... ahaha
Post a Comment
Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...