Habang nakatitig ako sa dito sa monitor nitong kompyuter kanina, nakaramdam ako ng kakaiba. Nakarinig ako ng parang halimaw na umiiyak. Umuungol. Tumahimik ako at pinakinggan kung saan nanggagaling ang ingay na 'yun. At nang muling marinig, nalaman kong sa tiyan ko pala nanggagaling ang walanghiya. Gutom na pala ako.
Kaya tumakbo muna ako sa konbinyenteng tindahan ng shitty-onsehan na mas kilala sa tawag na 7-11. Kumuha ako ng dalawang inumin na Propel Vitamin Water, dalawang Choco Mallows, isang Hotdog Sandwich at 'yung Special Siopao na hindi ko pa natitikman ang pleybor, Siopao Spicy Asado. Pagdating ko sa pagbabayadan ng aking kinuha, Aba! kamahal ga ng mga tinda dun! Mahigit isang daan na agad 'yun? Akala ko tapwe lang 'yun eh. Pero hindi bale, gutom talaga eh.
Binayadan ko na 'yun at naglakad na pauwi. Habang naglalakad, may nakita akong isang eksena sa may gilid ng kalsada. May napansin akong nakahandusay doon, medyo kinilabutan ako. Lalo na nung nakita ko 'yung isang medyo may edad na, na parang iniyuyugyog ng kamay ang katawan ng munting nakahandusay. Hindi ito kumikibo. Tinitigan ko at napansin kong hindi na humihinga.
Ano'ng gagawin ko? Hindi ko alam kung ano'ng dapat kong gawin. Sa t'wing hahakbang ako papalapit, napapaatras 'yung kanina'y yumuyugyog sa kawawang nilalang. Minabuti kong dumaan sa medyo may kalayuan ang agwat sa kanilang dalawa.
Nang malapampasan ko sila, tinitigan ko pa rin kung ano ang nangyari. Hindi ko alam kung ano ang relasyon nung maaring patay na dun sa nakabantay sa kanya. Pero kung pagmamasdan ang kanilang hitsura, magkamukhang magkamukha sila. Sa hugis ng mukha, sa mata, ilong, bibig at tenga. Walang pagkakaiba. Maliban na lang sa kulay na balahibo nila. 'Yung nakahigang kuting kasi, kulay orange at 'yung isang pusa ay puti at itim.
Sa palagay niyo? mag-ina kaya sila?
...
The Seven Star Hotels of the World
3 years ago
Comments
4 comments to "Namatay sa Kahirapan?"
October 4, 2008 at 12:41 PM
hehehehe! ang kulet mo Batang :)
October 4, 2008 at 3:15 PM
uy.. tru istori yan... nakita ko talaga yan kaninang madaling-araw... nakakapangilabot... kawawang kuting...
naisip ko na lang.. maswerte pa ako... kasi nakakabili ako sa 7-11... cla hindi man lang makapasok... hayun.. namatay ng dilat...
thanks nga pla sa pag dalaw... mwuah...
October 5, 2008 at 10:25 AM
di ko pa natatapos ang post talagang handa na akong tumawag ng pulis. kinilabutan pa ako dahil baka dalawin ka ng multo. yun pala ay kuting lang, ngeks
Mahalia
http://chocolateword.net
October 5, 2008 at 4:26 PM
ahaha... masyado ka kasi nagkakape... kaya ka ninenerbyos... ehehe...
salamat sa pagdaan.. cge... lingk-lingkan tayo...
idikit ko websayt mo sa blag ko... ;)
Post a Comment
Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...