Mula sa bayan ng Lipa, papunta ako ng Tanuan, Batangas para dalawin ang isang kaibigan. Sa paradahan ng jeep malapit sa palengke, sumakay ako ng jeep. Habang binabaybay namin ang kalsada, isang Ale ang pumara.
Iniabot niya ang bayad sa mamang drayber swit laber ang bayad.
"Sa Munisipyo lang po." Sabi ng ale sa drayber. Tuloy lang. Wala pang nangyayari. Diretso sa pagpapatakbo si manong drayber. Malapit na kami sa City Hall nang nagsalita na naman si Ale.
"Mama, sa Munisipyo lang po ako ha."
Itong si drayber, parang walang naririnig. Hindi sumasagot sa Ale at tumitingin lang mula sa salamin sa unahan sa taas para makita ang mga taong nakasakay sa likod.
"Sukli ko po?" Si Ale na naman na medyo mapapansin mong maasim na ang mukha na parang nakakain ng hilaw na sampalok. Kung pagmamasdan ito, galit na.
"Pasaan ga kayo?" Hay salamat, sumagot ang aming piloto.
"Diyan nga lang sa Munisipyo at ang sukli ko, hindi mo pa inaabot!" Hala, paasik na magsalita ang babaeng are. Napakamot lang ng ulo si drayber na nagmistulang si Efren Bata. At pinagpatuloy ang pagmamaneho.
"PARA! Sinabi nang diyan lang sa Munisipyo! Tanga ka ga! Sukli ko, dali na nang makababa na ako!" Tuluyan nang nawala sa sarili ang Ale. Iskandal! At tuluyan nang hininto ang sasakyan, sinuklian at bumaba na ang Ale.
Medyo napaisip din ako sa nangyayari. Bakit sila nagkakaganito? Ano bang mali sa nangyayari? Nakakunot na ang noo ko nun. Samantalang ang ibang pasahero ay tuloy lang sa ginagawa nila. Nang biglang nagsalita si drayber habang umiiling-iling.
"Tanginang 'yan! Kanina pang munisipyo ng munisipyo! Baka City Hall! Katanga-tanga!"
Saka ko lang naisip. Ay ano nga ga ang MUNISIPYO? At ano naman ang CITY HALL? Madalas nga din itong mabanggit ng ilang tao. Iniisip ko ang ibang kahulugan ng munisipyo at ng city hall. Napagwari ko na ang Munisipyo nga pala ay isang Bayan kung saan nakatira ang mga residente ng lugar na iyon (natural nakatira dun, residente nga eh!). At ang City Hall naman ay isang Bahay Pamahalaan sa bayan na iyon na pinamumunuan mga kawatan este opisyal ng bayan.
Kung ganun, sinong mali sa dalawa? Malamang 'yung Ale, hindi bale na lang kung sa kabilang bayan ang ibig niyang sabihin sa pagsasabing "Sa Munisipyo lang po", dahil nasa loob na siya ng munisipyo bago pa lamang siya sumakay ng jeep.
Ibig sabihin, madami pa rin ang nagkakamali sa dalawang 'yun? Kung sabagay, wala na kasing bumabanggit ng salitang Bahay-Pamahalaan kaya inakala nilang ang City Hall at ang Munisipyo ay iisa.
Pero bago pa ako lumampas sa dapat kong puntahan, pumara na ako sa may kanto.
"Mama, City Hall po este sa kanto lang po."
The Seven Star Hotels of the World
3 years ago
Comments
2 comments to "Ano ba ang Munisipyo?"
October 3, 2008 at 2:14 PM
municipality yung minusipyo :D
vhonne, pwede magtanong, ano po ba ang email ad ng paypal. help me :(
October 3, 2008 at 5:45 PM
paypal? hindi ko alam eh... bakit mo sila e-email?
ang in-email ko ay unionbank... nung kinuha ko ung 4digits number... kung email ng paypal... hindi ko maalala...
Post a Comment
Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...