Oct 3, 2008

Anak ni Kulapo: Apo ni Kopong-kopong

2 na lasing
Habang inaabangan kong mag-onlayn ang aking "kaibigan," naisipan kong magliwaliw muna sa pagtambay sa mga blags. Mga blags na pwedeng pagparausan, na maghahatid ng kakaibang kiliti habang gumagana ang aking imahinasyon. At napadpad ako sa isang weblag. Isang blag na ang namamahala ay 'yung nasa sinaunang blag niya. Pangalan pa lang, talagang hindi na aabutin ng bagong heneresyon. Ang kopongkopong.com!

Pero dahil nga sa hanggang kwento na lang ang kopong-kopong, hindi na natin ito matatagpuan sa mundo ng sayber. Kaya itong apo na lang ni kopong-kopong ang naabutan ko. At ito ay ang...


Hindi ko alam kung talagang apo nga ito ni kopong-kopong dahil hindi ko naman kilala si kulapo eh. Hindi ko na inalam iyon dahil nabasa ko 'yung pakulo niya. Nabasa ko 'yung pwedeng mapasaakin kung saka-sakaling mabola ko si Buraot.

Ito nga pala 'yung mga pwedeng makamkam kung sasali ka sa pautot niya:

Grand Prize:
1. 3,000 entrecard credits at
2. Pumili ng isa sa mga sumusunod:
a. Three hundred dollars,
b. Tatlong daang dolyares,
c. Tres syentos estados unidos dolyares, o
d. Tatlong plastic balloon (used)

Second Prize:
1. 1, 000 entrecard credits at
2. Pumili sa mga sumusonod:
a. One hundred dollars,
b. One hundred pesos,
c. Isang daang baku-bako, o
d. None op da above

Third Prize:
1. 500 entrecard credits at
2. Pumili sa mga sumusunod:
a. Fifty dollars,
b. Singkwenta pesos,
c. Limampung pirasong sinkong kulot, o
d. Tenkyu mula kay BURAOT

$100 Consolation Prize: (Kita mo naman sa pakontest, me consolation prize pa.)

At dahil sa sikat si Buraot na kasing-sikat ni Katchupoy (sikat pa ba 'yun? Sikatchupoy?). Gusto ko ding maging sikat. Pero bago ako magpasikat, narito ang isang post niya na nagpasikat, este nagpasakit ng tiyan ko:

Ang Blackout happenings sa buhay niya. Dahil... isa din akong magbabarik (sa mga hindi nakakaalam ng salitang magbabarik, manginginom po iyon!), minsan na ding mangyari sa'kin ang mag-blak-awts! Pero hindi naman kasing wild ni Buraot... kasi, naging Superman daw ako, kwento ng mga nakasaksi.

Siyanga pala. Sa mga magbabasa sa blag ng http://anaknikulapo.com, kung sakaling hindi niyo agad makita 'yung mga naisulat niya at 'yung baul niya kada buwan. Andun lang 'yun sa gilid na may drapdawn baks! Ayokong malasheng kayo kahahanap. Hindi ko kasi napansin nung una... Hahaha...

Comments

2 comments to "Anak ni Kulapo: Apo ni Kopong-kopong"

BURAOT said...
October 3, 2008 at 3:37 PM

ala namaann. hayaan mo at pag ako gay nakauwi yayayain ko kayo ni itot na magbarik doon sa koprahan nina mamay ko.

Vhonne said...
October 3, 2008 at 5:50 PM

ay saan ga iyun? baka naman kalayo? ay dine ako sa Lipa eh...

ala... baka magblackout ka... tapos magwawala ka... ay sya... kelangan ko din magtransform.. superman ako eh...

ako sasaway sayo... lagot ka sakin...

Post a Comment

Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...

 

Copyright 2008 All Rights Reserved Revolution Two Church theme by Brian Gardner Converted into Blogger Template by Bloganol dot com Customized by Vhonne DeVille