Inabutan na naman ng kagutuman sa gitna nang mapanglaw na kadiliman. Langya, nakaramdam na naman ng gutom habang may kinakalikot na lengguwaheng programa (programming language) sa kompyuter. Walang laman ang kaldero, may nakataklob sa pinggan sa ibabaw ng mesa pero wala namang laman. Pesteng buhay ito, tatakbo na naman ako nito sa labas.
Medyo malayo ang shitty-onsehan (7-11) mula sa bahay kaya sa BigMak ko na lang naisipang dumaan. Iniisip ko kung ano ang bibilhin ko dun habang naglalakad. Footlong hotdog sandwich? Superlong hotdog sandwich? Chillidog? Ano kaya?
Andun na ako sa harapan ng BigMak, pero parang walang tao. Bukas na bukas ang tindahan at may nakita pa akong charger ng selpon sa ibabaw, nang bigla na lang ako nagulat sa isang kung anong biglang lumitaw sa harapan ko.
Anak ng foosaah! 'Yung tindera pala, dun umiidlip sa sahig ng tindahan. Pero hindi ako napahalatang nagulat kahit na 'yung hitsura niya eh magulo pa ang buhok at parang mangangain ng tao. Habang pinupuyod ang mahabang dayami este buhok niya, tinanong niya ako kung ano'ng oorderin ko.
Tindera: Ano pong bibilhin niyo?
Ako: Isa ngang Footlong.
Tindera: Wala na po eh.
Ako: Superlong na lang.
Tindera: Wala na din po, Sir.
Ako: Chillidog?
Tindera: Wala pa pong deliber eh.
Ako: Eh ano'ng abeylabol niyo diyan?
Tindera: LittleMak na lang po, Sir.
Ako: LittleMak? Ano gang pangalan ng tindahan na ito?
Tindera: BigMak po.
Ako: Eh, bakit LittleMak ang itinitinda niyo? Tapos tinanong mo pa ako kung ano'ng bibilhin ko wala pala kayong ibang tinda. (Kamot-ulo) Sige, wag na lang.
Nakunaman! Notsoys, sa 7-11 na ang bagsak ko nito. Nakarating ako dun sa pamamagitan ng pagtahak sa daan kung saan makikita mo ang mga nangaghigaang mga tao na hindi mo alam kung sinu-sino ang magkakamag-anak.
Pagpasok ko sa loob ng 7-11, walang tao kundi 'yung gwardiya at isang kahera, langyang gwardiya ito, ang sama ng tingin sa'kin. Dumiretso na ako dun sa dulo kung saan matatagpuan ang mga inumin. Kumuha ako dun ng dalawang bote ng maiinom, dalawang kamay ang may hawak ng tigisang bote. Kaya siniko ko na lang ang pinto para maisarado. Aysus! Napalakas. Hehehe. Tayo bigla ang nakaupong gwardiya at sinilip ako.
Tuloy lang ako sa pagpili kung ano ang bibilhin ko. Nung nasa tapat ako ng mga nudels at krakers, napansin kong pinagmamasdan ako ng gwardiya. Pinaghihinalaan yata akong hindi gagawa ng mabuti ah. Kaya ang ginawa ko, habang kumukuha ako ng ilang piraso ng krakers, kinakamot ko 'yung tagiliran ko. Pinapasok ko 'yung kamay ko sa loob ng dyaket ko na parang may ipinupuslit akong bagay. Titingnan ko lang kung ano'ng gagawin nung gwardiya. Hehehe. Wala namang nangyaring masama.
Binayaran ko na lahat ng kinuha ko at nagpasya ng umuwi. Nung pauwi na ako, napansin kong may nagbukas ng bintana sa isang kwarto sa bahay na nadaan ko. Nakita ko sa silowet eh mahabang buhok. Nung medyo naaaninaw ko na siya, WALANG PANG-ITAAS. Ayos ah. Tiningnan ko siya, medyo napansin din yata niya na nakatingin ako. Aba! Walang bra! Nung lumiwanag sa kwarto niya. 'Tangina! Wala ding suso! Lalaki pala ang walanghiya, long hair lang pala. Tumingin siya sa'kin. Medyo natakot ako, kaya napaliko ako sa isang kalye.
Kalye ng P. Torres! Sa mga hindi nakakaalam, h'wag niyo nang alamin. Hehehe. Dito sa Lipa, ang P. Torres ang isa sa teritoryo ng bakla. Kung may mga lalaking nangangailangan ng madaliang pera, dito sila tumatakbo at nagbebenta ng lolipap sa mga babaeng "MILA" sa loob ng kanilang parlor. MILAWIT!
Bakit ko alam? Wala na yatang taga-Lipa ang hindi nakakaalam sa kwentong 'yun. At isa pa, madalas din ako dito kapag wala akong pera. Pero HINDI! Hindi ako nagbebenta ng lolipap! Isa akong dakilang tambay sa Kompyuter Siyap ng kaibigan ko. Dito ako sumasaydlayn sa pamamagitan ng pagkalikot ng mga programa sa kompyuter.
Habang tinatahak ko ang kahabaan ng kalyeng 'yun, isang baklang hindi ko malaman kung taong mukhang kabayo o kabayong mukhang tao ang tumitig sakin at nginitian ako. Ang sa pag-aakala kong pagngiti niya sa akin eh katumbas ng isang pagbati. Dahil medyo kilala ko na ang pagmumukha niya dahil madalas nga ako sa lugar na iyon. Ginantihan ko naman siya ng ngiti, hindi kasi ako suplado kapag nginitian ako, maging tao man 'yan o kabayo.
Pero sa pagganti ko ng ngiting 'yun, bigla siyang lumapit sa'kin at may sinabing pabulong.
"Shuwushiwashiwap."
Medyo lumapit din ako sa kanya ay tinanong ko nang...
"Ano?!"
At medyo napaatras ako sa sinagot niya na "Sabi ko, nagserservice ka ba?" sabay isang malanding ngiti na halos makikita mo na ang gilagid. Heto lang ang nasabi ko...
"Tangina! Hindi ah!"
Anakngpitumputpitongputinglasing! Langyang bakla 'yun. Kahit tatlong daan na lang ang laman ng pitaka ko eh hindi ako papatol sa ganung gawain. Kahit operan pa niya ako ng isang milyon hindi ko siya papatulan... Teka?! Isang milyon? Daming zero nun ah. Hindi pala, kapag pala inoperan niya ako ng isang milyon, pag-iisipan ko muna. Hehehe.
Pero bumilis ang lakad ko pagkatapos nun. Mas nakakatakot pa ang hitsura niya kesa sa'kin eh. At mabuti naman at nakauwi ako ng ligtas. Pagkaupo ko sa aking trono sa harap ng monitor ng kompyuter ko, wala akong ibang nasabi kundi...
"Mga walang kwentang serbisyo!"
...
The Seven Star Hotels of the World
4 years ago
Comments
4 comments to "Iba't Ibang Klaseng Serbisyo"
October 10, 2008 at 9:47 AM
parang ako yung tindera sa Bigmak nong araw, nagtrabaho din ako sa isang burger-burger na 24 hours dati. ;)
October 10, 2008 at 5:03 PM
talaga? edi madalas mo ding tulugan ang trabaho mo? ganun kasi ung naaabutan ko dito sa amin eh.. bukas nga pero tulog ang tao... ehehe...
oi... muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko nung makita ko picture mo sa MyBlogLog ko...
ahaha... MonaLisa de Jojitah
October 20, 2008 at 1:51 PM
ngayon ko lang napagtanto na talagang nakakapagpa inspire pala bumili sa 7-11. Talaga namang hagalpak na ako ng katatawa sa mga kwentong komiks mo.
October 20, 2008 at 5:53 PM
langya nga pala... bakit nga pa panay ang banggit ko sa store na yan... wala naman sila inaabot sakin... tsk tsk tsk... wala man lang discount...
Post a Comment
Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...