Oct 8, 2008

Ang Tanong!

6 na lasing
Tuluy-tuloy lang tayo sa mga kwentong padyent. Buti pa ang mga batang paslit, kahit sabihing musmos eh meron namang kaalaman na hindi makita sa ibang katauhan. Kung sa mga kontes ang pag-uusapan, magaling sumagot ang bata, kwela ang hirit ng bakla at nakakasakit ng ulo ang sagot ng taong nagpapakabata at nagpapakabakla.

Bigyan nating ng isang tanong ang bawat isa sa kanila, para sa bata, bakla at... at... ewan, at alamin natin an posibleng maging sagot nila.


Sabi nga ni Korina Sanchez at Ted Failon, "ANG TANONG!"

"Identify an organ in the human body that starts with the letter 'L'"

Bibong Bata: The LUNGS! Without it, we cannot breathe.

Galing, pang Litol Mis Pilipins ang sagot ah. Ano naman kaya ang sagot ng isang bakla?

Baklitang Takda: Of course the LIVER! Without it, our body will weaken because the liver cleanses the system.

Ganun lang? Inaasahan ko pa namang nakakatawa ang sagot niya. Aymdisapoynted! Pero tama pa rin ang sagot niya di ga? At heto na... Ang pangatlong kandidata. Maganda, seksi, matangkad at ang utak? Nasan? Nawawala? Pero ayon sa interbyu, iniidolo daw niya ating nag-iisang Bb. Pilipinas-Word este World pala.

Janina de Metallica: I'm only 17 years old and my answer is the L-Bow!!! Oh my God!!! hahahaha!!! I'm sorry!! without it we cannot spread our wings and fly... Butterfly!!! I told you I was confident!!!

Ayun na nga! Kumalat na ang epidemya.
...

Comments

6 comments to "Ang Tanong!"

kengkay said...
October 8, 2008 at 8:18 PM

Lbow nga naman, hahaha. tulad nung mga bata sa bahay dati na kumuha na lang basta ng tsokolat sa ref. sabi nung kapatid ko dapat magpa-alam muna sila. so sagot nung mga bata -paalam, sabay takbo, hahaha

Vhonne said...
October 8, 2008 at 9:49 PM

ahaha... paalam... lol...

parang ganito... sabi nung ina sa anak..

"anak... mag math tayo... bilangin mo kung ilan ang makukuha mo... binigyan ka ng tatay mo ng 3 mansanan... tapos binigyan kita ng 2 mansanan... anong isasagot mo?"

sagot ng bata... "thank you"

Vhonne said...
October 8, 2008 at 9:50 PM

amf... typo... mansanas po un.. ndi mansanan ung reply ko sa taas nito... hehehe...

ate kengkay... salamat sa pagdaan... ;)

eiyelle said...
October 9, 2008 at 10:46 AM

ayus! iba talaga ang mga bata kahit makukulit nakakatuwa parin..hindi katulad pag matanda na at mali-mali, nakakaasar hehehe..

un pamangkin ko nga na 2 yrs. old, kapag tinanong ka niya at sumagot ka ng oo o kaya um-um..sasabihin niya sayo, "hindi oo/um-um ang sagot..opo!" yun share ko lang..

PS. ipagdarasal ko na hindi umabot dito sa lugar namin ang epidemyang dala ni janina de metallica..nice neym! lolz!!

Mahali said...
October 9, 2008 at 10:57 AM

Hahaha, na realize kong mahilig ka talaga sa panonood ng beauty paygent ano? Mayron pa kayang ibang episode sa youtube? mahilig din akong manood nyan eh. hehehe

Vhonne said...
October 9, 2008 at 4:08 PM

hindi ako mahilig manood ng padyent... tsismoso lng ako... nakikinig lng ako sa balita... ahaha...

mga napuna ko lng yan.. kaya sinubukan kong isulat dito... hehehe...

Post a Comment

Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...

 

Copyright 2008 All Rights Reserved Revolution Two Church theme by Brian Gardner Converted into Blogger Template by Bloganol dot com Customized by Vhonne DeVille