Sep 15, 2008

Malunod sa Kalasingan!

0 na lasing
Si Tatang Tanggero at si Ka Erwino. Nangingisda sa kalagitnaan ng lawa. Parehong naghihintay sa isdang kakagat sa kanilang pain. Bigla na lang napansin ni Tatang Tanggero na bumigat ang kanyang pangbingwit. At nang hinila niya ito paitaas, hindi isang isda kundi isang bote.

Tatang Tanggero: Leche! Kala ko nakahuli na ako, bote lang pala.

Ka Erwino: Malas lang, Pare! Hahaha!


(Habang inaalis na ni Tatang ang bote mula sa "hook" ng pangbingwit niya, biglang isang Genie ang lumabas mula sa bote...)

Genie: Dahil pinalaya mo ako sa pagkakakulong sa loob ng boteng iyan, bibigyan kita ng isang kahilingan!

Tatang Tanggero: Ayos! Sige, gawin mong "BEER" ang buong lawang ito!

Genie: Masusunod! *Woosh!*

(At naging beer nga ang kabuuan ng lawang kinalalagyan nila... At biglang naglaho na ang Genie...)

Tatang Tanggero: Oh, Pare! Ayos ba? Hindi na natin kailangang gumastos para bumili ng alak. Hahaha!

Ka Erwino: T*nga! Bakit 'yun pa ang hiniling mo? Eh sa'n na tayo iihi ngayon? Dito sa bangka?

Comments

0 comments to "Malunod sa Kalasingan!"

Post a Comment

Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...

 

Copyright 2008 All Rights Reserved Revolution Two Church theme by Brian Gardner Converted into Blogger Template by Bloganol dot com Customized by Vhonne DeVille