Naisipan ko na lang magbasa ng manga. Oo. Binabasa ang manga. Hindi kinakain at nilalagyan ng alamang. Wala pang bagong Naruto episode sa manga kaya doon muna ako tumambay kina Luffy sa One Piece. Hindi ko pa natatapos, namatay kasi si Ace eh. Sayang. Kung hindi mo maintindihan ang sinasabi ko pero pilit mo pa rin itong binabasa, naiintindihan kita. Wala ka ring magawa.
May gusto kang gawin. May gusto kang sabihin. Para sa isang taong, gusto mong mahalin. Hindi mo magawa. Napapatunganga. Pero hindi mo makakaya, na siya ay mawala. Bakit ganito, ang sinusulat ko. Parang tulang nagkakaroon ng tono. Ang walang magawa, talaga bang ganito? Pagiging makata ang siyang epekto? ISTAP! Baka mapakanta pa ako. Ituloy na ang matinong usapan.
Minsan, may nagugustuhan kang isang tao pero hindi mo malapitan. Hindi mo makausap. Iba ang sinasabi ng utak mo, sa ikinikilos ng katawan mo. Planado sa isip mo 'yung gusto mong gawin. Pero sa oras na nasa harap mo na siya, mismo, wala kang magawa. Torpedo. Walang magawa.
Pero hindi lahat ng walang magawa, nauuwi sa pagkasawi sa pag-ibig. Tulad ng sinabi ng isang babae d'yan. Nasa tabi-tabi lang 'yan. Hindi ko na babanggitin ang pangalan dahil kung kwentong pag-ibig ang usapan, lagi nasasabit ang pangalan niya dito sa blag ko. Oo. Si Ate A!. Nyahaha. Hindi ko kilala kung sino 'yung lalaking sinabihan niya nito. Pero ang masasabi ko lang sa lalaking 'yun. Goodluck! Oo nga! Ito na ang sinabi niya, dami-dami ko pang satsat.
Walang magawa ang puso ko, kaya naman masisisi mo ba ako, kung ikaw ang mahal ko?
At meron ding namang nasa loob na ng isang relasyon pero hindi naman masaya. May nagpupumilit kumawala pero hindi magawa. Walang magawa dahil sa madaming dahilan. Naaawa sa maiiwan. Natatakot na may masaktan. At para sa kabaliktarang sitwasyon, para sa taong naiiwan. Hinahayaang masaktan ang sarili at maiwan. Hindi magawang ipaglaban kung ano ang nararamdaman. Walang magawang paraan kung paano pa ibabangon ang bumagsak na pinagsamahan. Walang magawa.
Inabot na ako ng madaling araw dito pero hindi ko alam kung may nagawa ba akong pwedeng ipagmalaki. Pero hindi ibig sabihin na dahil wala akong ginagawa ay isa na akong tamad na tao. Sa totoo lang... hmm... kasi... err... sige na nga... tamad na ako.
Tanong: Ano ba ang mas nakakainis, mga taong walang ginagawa o 'yung mga taong hindi alam ang gagawin? Mga taong gumagawa ng walang kwenta o 'yung mga taong walang pagpapahalaga sa ginagawa nila? Mga taong gumawa ng gumawa pero walang tumatama o 'yung mga taong ginagawa pa rin ang isang bagay kahit alam nilang mali?
Masasagot mo lang ang lahat ng tanong na iyan.... kung wala kang gagawin.
Sige na. Hanggang dito na lang muna. May gagawin pa ako eh.
Comments
8 comments to "Walang Magawa"
May 13, 2010 at 2:36 AM
wala ka talagang magagawa kung tinamaan ka ng sinasabing PANA ni kupido,
hindi ung tipikal na PANA na sinasabi ko dito sa disyerto ok?alam ko na kung paano ka mag-isip, sala-salabat din tulad ng kableng pilit kong tinutuwid at sinusuot sa makipot na butas, nyahaha!
tignan mo pati puso may nagagawa diba?kala mo lang wala..
pag sinabi mong wala kang magawa ibig sabihin may ginagawa ka, hindi mo lang alam kung ano, pero totoong may ginawa ka na, :lol:
ayoko gumawa ng mahabang komento dahil baka sabihin mong WALA AKONG MAGAWA KAYA ANG HABA NITO..
May 13, 2010 at 2:40 AM
eh ano pa bang magagawa natin? andyan na yan eh... ahahaha...
May 13, 2010 at 1:12 PM
uhmmm wala ka nmn talga magagawa pag tumibok ang puso mo ei...
May 13, 2010 at 1:30 PM
at gaya ng pinangako ko sau kagabi dahil pareho taung wlang magawa at nagpalitan tau ng mga kuro kuro tungkol sa tagapayo mo sa pag ibig na si Arny....
ayan na binasa ko na ang blog mo at salamat dahil kahit ppnu eh may nagawa ako...hahahahha
May 13, 2010 at 1:54 PM
@ladyinadvance:
kumakanta ka po? Donna Cruz... hehehe... kapag tumibok ang puso... wala ka nang magagawa kundi sundin 'to... :D
@lorie:
wala naman ako ginawa ah... bkt kasalanan ko daw na nabuking nio na hopelessly romantic ang ate ko? hahahaha...
salamat po sa pagdaan...
October 17, 2010 at 10:14 PM
sorry i don't like the way you wrote it
May 24, 2011 at 4:00 PM
pano gagaw-en
December 6, 2012 at 8:15 AM
hi to all
Post a Comment
Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...