Jan 8, 2010

Patintero (Part II)

11 na lasing
Patintero. Alam kong alam ninyo 'yan. At karamihan sa inyo ay nalaro na ito sa kalye. Kung maaalala ninyo, may naisulat na ako sa blag na ito na patungkol din sa patintero. Pero malamang hindi ninyo maalala kung ngayon ninyo lang natagpuan ang blag na ito. May kaibahan ang patinterong ikukwento ko ngayon sa patinterong nabanggit ko na dati. Malaking kaibahan.


Nasa sitwasyon ako ng parang patintero ngayon. Dalawang taong nagpapatintero. Nandito ako sa side ko at nandun naman siya sa side niya. Kung ang parihaba at parisukat ay may apat na sides, ilan naman ang sides ng bilog? Pakisagot na lang sa comment box sa ibaba ang sagot ninyo. Hahaha. Anong kinalaman ng bilog sa patintero? Hindi ko din alam.

Gusto kong lumampas sa guhit na nasa gitna para makapunta sa kabilang gilid. Pero hinaharangan niya ako sa guhit na 'yun. Hinaharanangan niya ako pero hindi niya ako itinataboy. Hindi niya ako hinahayaang makapunta sa lugar niya, pero hindi naman niya ako hinahayaang manatili sa lugar ko. Kapag sinusubukan kong lumampas, tumatapat siya sa daraanan ko. Parang patintero. Kaya ang nangyayari, nandun kami pareho sa gitna. At sa gitnang 'yun, doon namin ginagawa ang gusto naming gawin nang hindi lumalampas sa guhit.

Hindi na muna ako magpupumilit lumampas sa guhit. Dahil habang nandito kami sa guhit na ito, walang nagiging taya. Walang hinahabol at walang humahabol. Walang hinaharangan at walang humaharang. Sa ngayon, mas maganda na muna ang ganito. darating din ang araw na makakapunta ako sa lugar nya at makakapunta siya sa lugar ko ng hindi kami naghaharangan.

Comments

11 comments to "Patintero (Part II)"

wala lang said...
January 8, 2010 at 10:17 PM

ang sikreto sa laro, tamang timing at isang fake move. kunwari pupunta ka doon sa kabilang side ng linya nya, pero bigla kang magiging si the flash at pupunta sa kabilang side ng linya.

hindimokokilala said...
January 9, 2010 at 5:38 PM

wag na lang kayo kasi maglaro ng patintero, ibang laro na lang, para siguradong may patutunguhan.

Vhonne said...
January 22, 2010 at 2:42 PM

uso ba sa blog ngaun ang walang name sa comment? hehehe... si wala lang at si hindimokokilala... hahaha.. thanks sa pagbabasa ng walang kwentang blog ko... :D

Michael Angelo C. Aquino said...
January 24, 2010 at 6:25 PM

walang side ang bilog! nyahahaha.

Vhonne said...
January 26, 2010 at 1:05 PM

@michael:

meron pong sides ang bilog... dalawa po... hahaha...

cheness said...
February 3, 2010 at 3:31 AM

hindi co alam anongilang side ang bilog.. pero pansin co parang may bilog na naman sa post mo na'to?

patungkol ba san toh? sainyong magjowa na hindi pa handang lumampas sa linya? hmmmm.....

basta sa kahit anong laro dapat alam mo kung kelan ka taya. pag nandaya ka at di nagustuhan ng kalaru mo eh ayawan na...hehe

oo nga noh? bakit wala ding pangalan ung mga nag comment sa taas? uso nga ba talaga toh?

Vhonne said...
February 3, 2010 at 9:42 AM

@cheness: dalawa po ang sides ng bilog... :D honga noh... may bilog din dito.. pati dun sa hamsilog... hehehe.. ngaun ko lng napansin...

tungkol po ito sa... hmm.. hindi naman mag jowa... parang ganun na din.. pero hindi pa... kasi... hindi pa sila lumalampas sa linya... hahaha.. lalo yatang gumulo?

tama... kapag nandaya tayo... tapos na ang laro...

at nakikiuso ka ba sa walang pangalan pag nagcocomment? hehehe... sino ka?

Choknat said...
March 1, 2010 at 11:13 PM

tanong po, bakit ayaw lumampas sa guhit? baka dun mas magiging masaya.. baka lang naman..

Vhonne said...
March 2, 2010 at 8:22 AM

@choknat

masaya nga kung makakalampas ako dun sa guhit na 'yun... pero marami pang dapat munang isaalang-alang bago gumawa ng hakbang...

pero kapag ok na ang lahat... dire-diretso lng ako sa guhit na 'yun ng walang humaharang... :D

kilalamoko said...
June 17, 2010 at 3:37 AM

mahirap lumampas sa guhit hanggang hindi ka nakakasigurado...

Mahirap din maglaro kung hindi ka handa..

kaya kelangan mong maging handa sa ano mang laro nang buhay ang darating...

:)

Vhonne said...
June 26, 2010 at 8:32 PM

@kilalabakita?

mahirap lumampas sa guhit... kung ang guhit eh malayo... hahaha... tatawid pa ng dagat... andun ung guhit sa dagat... cguro apat na taon pa... lalapit na ang guhit na un... (lol)

Post a Comment

Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...

 

Copyright 2008 All Rights Reserved Revolution Two Church theme by Brian Gardner Converted into Blogger Template by Bloganol dot com Customized by Vhonne DeVille