Dec 12, 2009

Bato o Damo?

6 na lasing
Gusto kong magsulat ngayon. Oo nga, nagsusulat na nga ngayon. Heto na nga oh! Medyo napagod ako sa bago kong trabaho, pero ayos naman dahil nagiging abala at gusto ko naman ang ginagawa ko. Nakakasakit ng ulo dahil kailangan talaga paganahin ang utak. Nakakalaki ng ulo dahil sa mga papuring natatanggap at humahanga. Nakakasira ng ulo dahil sa dami ng mga gagawin. Sa madaling salita, nakakaulo. Pasensya na, hinahangin na naman ang ulo ko. Ulol! (Ako)


Pero pagkatapos ng trabaho, naku na naman. Heto na naman. Kapag walang magawa, nakakabato. Kapag walang ginagawa, binabato. Kapag ayaw ng ginagawa, ang sarap mambato. Kapag ayaw gumawa, mukhang bato! Ano ba 'to? Sana nga naging bato na lang talaga ako. (Patalastas: Nakakarelate ako sa nangyayari sa PBB House. Parang kami lang ng mga kasama ko. Isa-isang nagvovoluntary exit. Nyahaha!) Balik sa usapan. Minsan, hamburger. Este, minsan, gaya ng sinabi ko kanina, gusto kong maging bato na lang muna. Para wala muna akong maramdaman. Walang inaalala. Walang pakialam sa nangyayari. Hindi nasasaktan. Oo! Manhid. (Ako)

Pero 'yung inaakala kong mas makakabuti para sa akin, tama. Pero tama nga. Mas makakabuti para sa akin. Para sa akin lang. Isang paraan ng pagiging makasarili. Sarili ko lang ang inaalala ko. Dahil kahit gaano man ako katigas bilang isang bato, maiisip din natin, 'yung pagiging matigas na bato ang mas nakakasakit sa ibang tao. Subukan mong ibato. Mayroon din namang mga batong nabibili lang sa tabi-tabi. Gustung-gusto ng mga patapon ang buhay pero sa bandang huli, sila din ang sinasaktan ng batong 'yun. Ayoko na ng bato. Batugan! (Ako)

Kaya tama na muna ang usapang-bato. Gamit muna tayo ng alternatibo at mas mura. Ang damo. Kung gumamit kaya ako ng damo? Este kung maging isang damo na lang kaya ako? Sa bawat pag-ihip ng hangin, sumasabay sa paggalaw ang damo. Nakakaya ang anumang problema. Kung matumba man dahil sa lakas na hanging tumama sa kanya, muling tatayo ang damo pagkadaan ng malakas na hangin na iyon. Tinatapak-tapakan lang. Pero paglipas ng ilang araw, muling babangon. Parang walang nangyari. At kung sakaling maputol, muling tutubo ng panibago at mas maganda pa. Pero kung magiging ganitong damo ako, isa akong masamang damo. Hindi mawawala kung hindi bubunutin ang ugat. May mga damo ding nagpapaligaya ng tayo. Matapos ubusin at hithitin ang damong ito, iba't ibang kaligayahan ang nakukuha nila. May tawa pa ng tawa. Pero sa bandang huli din, sila ang kawawa. Damuho! (Ako)

Pero bago kayo mag-isip ng kung anu-ano dahil sa mga nabanggit ko, uunahan ko na kayo. Hindi ako adik. Tulad ng laging sinasabi ni Mommy Bojoy (Instant Mommy ko). Ikaw? Ano'ng mas gusto mo, bato o damo? Pero kahit ano pa yan, isama mo ako. Sesyon tayo.

Salamat at hanggang ngayon, mayroon pa ring mga taong gustung-gusto na magbasa ng blag ko. Pinapalakas ang loob at ineengganyo pa rin nila ako na magsulat. Kahit papaano, tumatatak sa isip nila 'yung mga nilalaman ng bawat entri ko. Hindi ko na talaga kayo papangalanan. Dami nagrereklamo eh (annoyed). Hanggang sa muli. Alak pa!

Comments

6 comments to "Bato o Damo?"

Anonymous said...
December 12, 2009 at 4:39 PM

Bato nga lang ba at Damo ang pinaguusapan dito?

HMMMPPPP....

Naku anak at napasali pa talaga ako eh no? ahehehe...

Anak... sa bawat hamon nang buhay kailangan mo talagang makisabay..makisayaw at makipagsapalaran...ang pagiging bato minsan hindi din nakakatulong... yan pa minsan ang dahilan kong bakit nasasaktan tayo...

Para sakin...wag kang matakot harapin ang lahat nang bumabagabal sayo ngayon...dahil sa pagiging bato man o damo... sa huli alam kong ikaw pa din ang masusunod at magddsisyon sa mga bagay bagay na yan...

:) GoD BLeSS!

itlog said...
December 13, 2009 at 1:05 PM

ako! ako! ako! isa akong masamang damo! :)) tsk.. buti naman ay may bagong entry :) salamat sa post :)

Vhonne said...
December 13, 2009 at 4:28 PM

@mommy bojoy (anonymous): ndi lng damo at bato dapat ang ikkwento ko eh.. sasamahan ko pa sana ng rugby... hahaha... adik lng... at kasali ka talaga jan... lagi mo ako sinasabihan ng adik eh... salamat...

@itlog: hahaha... masamang damo tayo... at isa ka din sa nagrereklamo na pinangalanan ko...nyahaha.. salamat din...

cAlista said...
January 23, 2010 at 3:27 PM

sama ko sa session mo..

Anonymous said...
February 7, 2010 at 8:33 PM

thanks for your blog may sagot na ako sa ass. q!!!!!!!!!!!!hahahaha,T.Y.!!!your msgs. are so cool!!!!!!!!!!nice 1........

Vhonne said...
March 2, 2010 at 8:31 AM

@calista

anong klaseng sessyon? bawal un... hahaha... alak lang... lol... taga batangas ka pala eh... cge... session tayo... nyahaha

@anonymous

dumadami yata ang anonymous sa blog ko ah... haha... ano ba ang assignment mo? paano nakatulong ang sinulat ko? pinahanap ka ba ng bato ng prof mo? hehehe... thanks din sa pagbisita... ;)

Post a Comment

Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...

 

Copyright 2008 All Rights Reserved Revolution Two Church theme by Brian Gardner Converted into Blogger Template by Bloganol dot com Customized by Vhonne DeVille