Kuntento ka na ba sa mundong ginagalawan mo? Masasabi mo na bang masarap mabuhay dahil sa kung anong meron ka ngayon? Nakakaya mo bang maging masaya sa kabila ng nakikita mong ibang tao na nagrereklamong pinagkaitan sila ng magandang buhay? Kung oo ang sagot mo sa lahat ng tanong na ito, gusto kong basahin mo ang ikukwento ko.
Simulan natin ang kwento sa isang babaeng nagngangalang Myrna. Isang maganda at seksing babae na naghahangad na makatapos ng pag-aaral bilang isang nars. Pero dahil ulila na sila ng kapatid niyang si Bugoy, napilitan siyang kumayod para may pangtustos sa pag-aaral at pangkain na din sa araw-araw. Nagtatrabaho siya sa gabi. Bilang isang prosti, the snowman. Isang babaeng nagbibigay ng panandaliang-aliw kapalit ng pera. Itinatabi niya ang kinikita niya sa bawat gabi ng kanyang trabaho. Iniipon sa isang malaking garapon.
Lingid sa kaalaman ni Myrna, kinuha ni Bugoy ang perang iniipon ng kapatid niya. Nabitin kasi siya sa isang sesyon na ginagawa nila kasama ang ilang kabarkada. Ang pagsinghot ng batong pinagugulong sa isang papel na kumikinang habang pinapadaanan sa apoy na nagmumula sa isang bagay na pangsindi, may bato din ito, lighter. Pumunta si Bugoy sa isang kaibigang nagbebenta ng ganung klaseng bato at batong parte ng katawan, gamit ang perang inipon ng kapatid niya. Kay Boy Bato, si Roy.
May asawa at limang anak si Roy. Wala itong matinong trabaho kaya mas pinili na lang niya na magbenta ng ipinagbabawal na gamot para may maipakain sa pamilya. Nagkataong may sakit ang isa sa mga anak niya kaya ang perang napagbentahan niya ay ipambibili sana ng gamot. Pero kulang ang perang 'yun para sa kanila, kaya naisip pa niyang gumawa ng paraan para magkapera. Nang hablot siya ng isang bag ng babaeng naglalakad sa kalye. Isa sa mga kabit ni Kongresman. Pero hindi pa siya nakakalayo ng pagtakbo, nahuli siya ng mga pulis. Mga pulis na malalaki ang tiyan.
Doon naranasan ni Roy ang bangis sa kamay ng mga pulis. Bugbog-sarado. At matapos magsawa ang mga pulis, diretso siya sa kulungan. Halos hindi na makatayo si Roy ng dalawin ng kanyang asawa. Si Melba. Umiiyak. Hindi niya alam kung paano tutulungan ang asawa. Hindi niya alam kung saan siya kukuha ng pambili ng gamot at pagkain nila. Magulo na ang takbo ng isip niya. Bago siya umuwi, humihingi siya ng tulong sa mga dumadaan sa kalye. Namamalimos.
Madaling-araw, unti-unti nang nawawala sa kanyang katinuan si Melba. Sobrang layo na ng iniisip niya. Parang naglalakad sa kawalan. Isang drayber ng trak ang mukhang inaantok pa sa pagmamaneho. Mas inuna kasi niya ang panonood ng iskandal na bidyo kaysa matulog na maaga para sa biyahe kinabukasan. Si Ka Pandoy. Mabilis ang pagpapatakbo. Nagulat na lang siya ng may isang babaeng papatawid ng kalsada. Bago pa lang niya maiiwas ang trak na minamaneho, nasagasaan na niya ang babae. Sa sobrang gulat at takot, hindi na niya nagawang babaan si Melba. Nagmadali siyang umalis. Hit and run.
Nakauwi na ng bahay si Ka Pandoy. Malalim ang iniisip. Balisa. Nakita niya na ibinabalita sa telebisyon ang aksidente. Hindi pa man nagsisimula ang report, pinatay na niya ang tv. Lumapit ang kanyang anak na lalaki. Humihingi ng bagong laruan. Kinulit ng batang si Niko ang kanyang ama. Dahil sa gulung-gulong pag-iisip ni Ka Pandoy, sinigawan niya ang kanyang anak at nagpunta sa kwarto. Humahagulgol na tumakbo papalapit sa kanyang ina si Niko.
Kinabukasan, sa eskwelahan. Kung saan nag-aaral si Niko. Pinakitaan na naman siya ng mga bagong laruan ng kaklaseng si Marco. Anak ni Congressman Menandro. Anak sa ibang babae. Naiinggit itong si Niko kay Marco kaya pinipilit niya ang kanyang magulang na ibili siya ng bagong laruan. Pero dahil nga hindi siya maibili ng mga ito, ninakaw ni Niko ang laruang naiwan ni Marco habang oras ng pananghalian nila.
Nalaman ito ni Marco at isinumbong sa ama niyang naka-barong-tagalog. Kumikinang si Congressman habang nasisinagan ng araw ang kanyang mga suot-suot na alahas. Pinagalitan niya ang batang si Niko. Binatukan. Minura. Kinausap ni KingKongresman ang guro, at dumiretso sila sa opisina ng prinsipal. Pinatawag din ni Prinsipal Labrador ang lahat ng mga guro. Naging isang malaking pagpupulong ang naganap. Nakangiting-aso ang prinsipal at ilang guro. Isang malaking publisidad para sa kanilang pinakamamahal na paaralan. Publisidad na maaaring maging mitsa mismo ng pagkabagsak nila.
Iniwan ng mga guro ang kanilang mga estudyante sa kani-kanilang silid-aralan. Magugulo. Maiingay. Habang nasa kalagitnaan na ng pagpupulong, isang malakas na hiyawan at sigawan ang narinig nila sa labas. Dumating kasi ang mga alien para sakupin ang mundo. Hindi pala. Isang babaeng tinedyer ang tumalon mula sa ika-limang palapag ng paaralan. Basag ang bungo! Dumanak ng buto at nagkabali-bali ang dugo. Nagpakamatay.
Siya si Mimi. Isang babaeng pinagsasamantalahan ng sariling ama. Ilang beses na itong ginagawa ng kanyang amang walang ibang trabaho kundi ang lumalaklak maghapon, magdamag. Sinumbong ni Mimi sa kanyang ina ang kababuyang ginagawa ng kanyang ama sa kanya. Pero imbis na suportahan ang anak, sinampal niya ito ng bonggang-bongga. Sinabihan pa na wala itong karapatang magsalita ng ganun sa kanyang ama. Walang nagawa si Mimi kundi ang umiyak. Kaya nung pumasok siya sa paaralan, hindi na niya nakayanan ang bigat na kanyang dinadala. Naisipan na lang niyang tapusin ang buhay niya.
Dahil sa nangyaring 'yun, dumating ang maraming usyusero. Bumaba na din si Kingkonggresman, ang may ngising-asong prinsipal at mga sipsip na guro doon sa pinangyarihan. Dumating ang mga malalaking tiyang pulis. Nagdatingan na din ang mga reporter ng iba't ibang istasyon ng radyo at tv. Nag-uunahan at halos magtadyakan na mauna lang sa pagreport ng nasabing insidente. Sino ba ang dapat na kausapin? Ang mga guro? Mga estudyante? Pulis? Walang ibang humarap sa kanila kundi si Congressman.
Halos hindi magkasya ang mukha niya sa kamera. Halos isubo na niya ang mga mikropono at rekorder sa bibig niya. Nangako na gagawan ng aksyon, bibigyan ng tulong at kung anu-ano pang pangako na may kinalaman doon sa nangyari. Ang pogi na naman niya sa telebisyon.
Ginabi ng uwi si Congressman. Sa kanilang bahay. Sa tunay niyang misis. Halos kabubukas lang niya ng pinto, sinalubong na siya ng mga nagliliparang babasaging gamit. May multo pala sa bahay nila kaya lumulutang ang mga gamit. Mali pala ulit. Binabato ito ng kanyang tunay na asawa. Galit na galit. Sigaw ng sigaw. Napanood kasi nito ang asawa/pulitiko/babaero/malapit-na-maging-artista sa telebisyon. Ano daw ang ginagawa niya doon sa paaralan na 'yun. Malamang daw ay dahil sa anak nito sa ibang babae. O kaya ay babae nito ang isa sa mga guro doon. O maaari din namang ang prinsipal mismo.
Parang may konsiyerto sa bahay nila dahil sa alingawngaw ng kanilang sagutan. Hindi nakayanan ni Congressman ang mala-armalite na bunganga ng kanyang asawa. Sumuko siya. Natalo. Kaya lumabas na lang siya ng bahay. Gusto na muna niyang magliwaliw. Magpakaligaya. Kumuha siya ng babae at dinala sa isa niyang kondo. Pero wala siyang dalang kondom. Nagparaos siya sa isang babae. At matapos niyang mailabas ang kanyang ispermsels, inabutan niya ng pera ang babae. Si Myrna.
Ngayon, ganito ba ang bansang ginagalawan natin? Gusto mo ba nang ganito? Kung ayaw mo naman, may magagawa ka bang solusyon para maiwasan ito? Maiwasan nga ba talaga o maiiwasan? Dahil 'yung nakwento ko, madalas yang nangyayari sa panahon ngayon. Sino ba ang may kasalanan? Ang kapatid ni Myrna na walang pakialam kahit iba ang magdusa? Si Roy na nagbebenta ng ikakasira ng ibang tao? Ang mga pulis na mapang-abuso? Ang drayber ng trak na kaskasero, walang ingat at tumatakbo sa responsibilidad? Ang ama na mapagsamantala? Ang ina na walang kwenta? Ang mga gurong pabaya? Ang mga kabit na sumisira ng pamilya? Ang prinsipal na may sariling interes? Mga estudyanteng walang disiplina? Ang mga pulitikong mapagsamantala at manloloko? Ikaw na nagbabasa nito? O akong nagsulat nito? Malamang lahat tayo.
Kung ang kwentong ito ay isang episode ng Maalaala Mo Kaya, ano kaya ang titulo nito?
The Seven Star Hotels of the World
4 years ago
Comments
11 comments to "Sinong May Kasalanan?"
June 2, 2009 at 11:52 AM
"nursing cup" yang ang title. wala feel ko lang
kawawang bata napagkaitan ng proteksyon sa sariling bahay..
1st time ko dito sana makadalaw ka din saken, tnx...
June 2, 2009 at 11:55 AM
@livingstain:
hehehe... pwede.. nursing cap... pero may naisip din akong title.... "garapon" hehehehe...
salamat sa pagdalaw... sana mawili ka dito... hehe.. sure.. dalaw ako sa blog mo... salamat po ulit....
June 2, 2009 at 12:56 PM
ahm teka lang, siguro mas may dating kung ang title nito ay gulong, wala lang din hehe..
June 2, 2009 at 1:18 PM
@kheed:
gulong... gulong ng palad... hehehe...may isa pa akong title... "BATO!" nyahahaha...
June 4, 2009 at 8:19 PM
alam ko na kung sino ang may kasalanan!
Kasalanan ito ng edukasyon!! dapat kasi libre na lang to para sa mga karapat dapat. hahaha.
June 5, 2009 at 1:50 AM
@loraine:
hahaha... pero ndi mo naman sinisisi ung sa scholarship dun sa OLFU? ahaha.. joke lng. i love you... :-*
June 6, 2009 at 8:44 PM
pwde ring "ispermsels" n lng? wala lang..hehe
Kasalanan niya kasi eh..
kung hindi siya naghihimutok na lumabas,
hindi maghahanap ng way ang mga kingKong para makaraos..
hindi kikita mga snowman...
hindi na na rin magkakalaman ung garapon..
walang mananakaw na pera si adik..
blah, blah, blah..
hahaha! ingatz!^^
June 7, 2009 at 2:42 AM
@desza:
nice naman des... hehehe... depende kung kanino manggagaling at kung saan ipupunlan ung ispermsels na un... ahahaha...
June 8, 2009 at 7:04 PM
dahil karaniwan namang walang kakune-kuneksyon ang titulo ng Maalala Mo Kaya (pasintabi lang sa mga fans diyan!) sa storya ng kada episode, ang titulong babagay sa kuwento mo, para sa akin, ay dapat na "LIGHTER".
wala lang... trip ko lang. hehehe...
June 10, 2009 at 4:38 AM
@angelnawalangpakpak:
ahahaha... ang daming title... hmm... sino kaya ang mananalo? ahahaha...
eto ang mga ipinasang title...
- narsing cap
- garapon
- gulong
- bato
- ispermsels
- lighter
ahahahaa
July 3, 2009 at 6:21 PM
Hi musta na Kuya Vhonne? xenxa na sobra kcng bz...hay...amm pwede ihabol ung naisip kong title?
Amm title ko naman ay "Bilog ang Mundo"
bilog kc gumugulong..jejeje
Post a Comment
Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...