Ano'ng kinalaman noon kung bakit ako hindi makapagsulat? Ginigisa ako ng mga tao sa paligid para maghanap ng bidyo iskandal na 'yun. At nang madawnlowd na, kung sinu-sino ang humahagilap sa akin para kumopya. Whew! Mapasa-baranggay man o dito sa opisina. Nagiging kumplikado tuloy ang ibang mga gawain at talagang dapat gawin dahil sa mga ganun. At nabanggit ko ang kumplikado, may isang brainteaser ang pinasasagutan ng kasama ko.
1 = 5, 2 = 25, 3 = 125, 4 = 625 then 5 = ?
Mali daw ang una kong sagot. Pero ilang segundo, naisip kong mali nga ako. N'ung sinabi ko 'yung pangalawang sagot ko, tinanong niya kung anong aral ang nalaman ko. Sinabi niya na huwag gawing kumplikado ang mga bagay-bagay. Tama nga naman. Ang simple ng sagot, pinahirapan ko lang ang sarili ko. Hehehe. At ano ang koneksyon nito sa kwento ko ngayon? Ito kasi ang tinatawag nilang patalastas. Balik sa programa!
Tungkol pa rin ba sa iskandalo ang kwento ko ngayon? Hindi ba nakakasawa na? Hmm... Iniisip ninyo na naman na walang kinalaman ang pasakalye ko sa totoong kwento. Parang ganun na nga. Pero hindi ganun. Medyo tungkol pa rin doon, hindi lang halata.
Pero kahit hindi halata, darating pa rin ang pagkakataon na malalaman ito ng lahat. Na kahit paano mo ito itago, lalabas pa rin ito. Gaya nga ng sinasabi ng matatanda, [kung isa ka sa nagsasabi ng ganito, siguro matanda ka na din...] na tatlong [3] bagay lang daw ang hindi pwedeng itago ng matagal. Ang araw, ang buwan at ang katotohanan.
Tulad ng araw at buwan, maaaring nagtatago sila kaya hindi natin sila nakikita. Pero pansamantala lang 'yun. Sa gabi, nagtatago ang araw pero pagdating ng umaga, makikita at makikita pa rin natin 'yun. At sa umaga naman, doon nagtatago ang buwan na lalabas naman pagdating ng kinagabihan. Ganun din ang katotohanan. Maaari mo siyang maitago pero hindi pwedeng hindi siya malalaman ng lahat pagdating ng panahon.
Hanggang dito na lang muna. Medyo maikli ang entri ko para sa araw na ito. Kung hindi ninyo nahanap ang bidyo nila este ang koneksyon ng post ko sa iskandalong sikat na sikat ngayon, huwag mag-alala. Siguro sa pagsikat muli ng araw o sa paglabas ng maliwanag na buwan, malalaman mo na ito. Hindi lang pala 'yun. Pati 'yung sagot sa mga numero sa itaas. Hehehe.
Comments
9 comments to "Iskandalong Uso"
May 28, 2009 at 1:36 AM
1!
di ko alam kung anong kumento ko jan..
bahala nga sila...lumabas din naman na yang tinatago nila.hehe
ilalabas mo rin ba ang sagot sa brain teaser mo?
tama ba?
GBU!
May 28, 2009 at 9:51 AM
kailan kaya matatapos yang mga scadal na yan? nakakasawa na.... at parang mas nagiging importante na sya sa news kesa sa A(h1n1), parang mas matindi ang exposure ng scandal na yan kesa sa dapat na talagang binabalita.
May 28, 2009 at 2:24 PM
nakakasawa na ang ganyang uso...... sa totoo lang.....
May 28, 2009 at 3:41 PM
walang scandal kung walang magpapa-scandal hahaha..
malamang hindi na matatapos yan..aminin man natin o hindi lahat ng tao mahilig sa scandal..
scandalosang jowa, kapitbahay, kaklase, kamag-anak, lahat..bwahaha..
sasagutin ko ang brain teaser mo..pero hindi muna ngayon gutom ako eh :)
May 28, 2009 at 8:56 PM
teka, mali ba ang 3,125 sa tanong sa taas?
hala, hindi pa matatapos yang sex scandal na yan, madami pa daw ang lalabas, nakita nyo na ba yung kay aling dionisia at hayden kho?
'nga pala vhonne, salamat sa link ng mga video uh, expert ka talaga pagdating dyan haha
May 28, 2009 at 9:24 PM
@desza:
wag muna maingay sa sagot... hindi pa alam ng iba... hahaha... hindi ko sasabihin ung tamang sagot... alam naman cguro ng papasok dito kung tama o mali sila eh.. hehehe
@pilar:
honga... nung isang araw.. kala ko.. matatapos na... nung naglabasan ung haydengate... tapos... biglang kung anu-ano na naman DAW ang lalabas pa... tsk... kahit ako apektado jan... ako ang nahihirapang mag search...
nga pala... sau galing ung link na pinagdownloadan ko... nakita ko sa plurk mo... salamat...
@lawrence:
talagang nakakasawa... kaya nga sa sinulat kong ito... sa intro lang sila.. ung kabuuan... para sa pangkalahatan na... para naman wala ng sumunod pa...
@twisted:
ate arnie? hehehe... kahit nga mga magulang eh nagpapahanap pa sa mga anak nila... whew... ahahaha
@kheed:
mali... pero ikaw na ang tumuklas ng sagot... ahaha... ako ba nagbigay ng link sau? ahaha... ikaw ung sabik na sabik sa bidyos? ahaha.. joke lng...
May 29, 2009 at 12:59 AM
ha?totoo bang may scandal si katrina?lols
June 4, 2009 at 4:40 PM
Kulit! Lupit mo talaga bro!
Hayaan na lang natin ang mga yan at ang tanging masasabi ko ay hindi sila karapat-dapat pag-usapan.
June 5, 2009 at 1:52 AM
@hari ng sablay:
tsismis lng yata un... ahaha...
@jamir design:
honga eh... malalaos din naman ung isyu na un... ndi na sasakit ang mga tenga natin... pero sa lalabas na bago... sikmura ang sasakit sa atin... aling dionisia at hayden? wowowee!... ahaha
Post a Comment
Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...