Umuwi na ako. Galing trabaho. Malapit pa lang ako sa pintuan ng aming bahay, may narinig akong nagtatalo. Ang kambal namin ni Leading Lady ko. Ganito ang naabutan kong pag-uusap ng dalawa.
Heart: 'Nay oh! Si Vhraine, nangingialam na naman!
Vhraine: Eh ikaw kasi eh! Mali-mali naman ang ginagawa mo. Ayaw mong mag-iisip!
Heart: Pakialam mo ba? Hindi na naman kailangang pag-isipan 'yung ginagawa ko ah! Doon ako masaya eh!
Vhraine: Mali ka! Lahat ng bagay dapat pinag-iisipan!
Heart: Ikaw ang mali! Aanhin mo ang pag-iisip mo kung nakakasakit ka naman!
Pumasok na ako ng bahay, sabay-awat naman ni Leading Lady sa kambal. "Oh siya, tama na yan. Nandiyan na ang tatay ninyo." Nag-unahang tumakbo ang kambal para salubungin ako.
Heart: 'Tay. Si Vhraine oh, inaaway na naman ako.
Vhraine: Sumbungera ka tlaga! Eh mali ka naman talaga eh. Ayaw mo muna mag-isip. Hay naku!
Ako: Ano na namn ba ang pinagtatalunan ninyo?
Pinakinggan ko ang pareho nilang kwento kung bakit sila nag-aaway. At pagkatapos noon, pinaupo ko sila pareho at kinausap. Kinausap ko sila sa paraang alam ko. Kahit hindi ako sigurado na maiintindihan ang sinasabi ko dahil sa kanilang kamusmusan.
Ako: Vhraine. Ano sa tingin mo ang kahulugan ng pangalan mo?
Vhraine: Nag-iisip po! Dahil brain. Utak.
Ako: Ok . At ikaw naman Heart?
Heart: Nagmamahal? Opo! 'Yun nga, nagmamahal dahil puso.
Ako: Alam ninyo ba na ang puso at utak ang nagtutulungan sa isa't isa?
Vhraine/Heart: Pa'no pong nangyari 'yun?
Ako: Bago ko ipaliwanag sa inyong dalawa, ikwento ko lang 'yung sinulat ko dati bago kami naging mag-asawa ng maganda ninyong ina.
Vhraine: Ano po 'yung sinulat ninyo noon?
Ako: Sinabi ko dati na "Mahirap magmahal kung wala kang utak, at mahirap mag-isip kung wala kang puso."
Heart: Hindi po ba baliktad, 'Tay?
Lumapit na din si Leading Lady ko na kanina pang nakikinig sa usapan namin. Tinulungan niya ako na ipaliwanag ang sinasabi ko.
Leading Lady: Ganun talaga 'yun. Hindi 'yun baliktad. Kung mag-iisip tayo, dapat samahan natin ng puso. Para maramdaman natin kung tama ba o mali 'yung iniisip natin.
Ako: At kung magmamahal naman tayo, samahan naman natin ng utak para alam natin kung tama ba 'yung nararamdaman natin.
Kaming dalawa: Hindi lang puso ang dapat gamitin kapag nagmamahal at lalong hindi lang dapat utak ang gamitin kapag mag-iisip.
Biglang tumayo ang kambal at binalikan 'yung kanilang ginagawa n'ung naabutan ko sila at narinig ko ang kanilang pag-uusap.
Heart: Vhraine. Tulungan mo naman ako dito. Ikaw ang mag-isip para mapaganda ito.
Vhraine: Sige, basta sabihin mo lang kapag hindi mo gusto 'yung naisip ko, para pwede pa nating baguhin.
Tumayo na din kaming mag-asawa. Inakbayan ko siya at nakangiti naming pinagmamasdan ang kambal. Nasabi ko na lang, "Buti naman at madali nilang naintindihan." Sumagot naman si Leading Lady ng "Oo nga, manang-mana sa'yo ang mga anak natin." Nang biglang may narinig pa kaming dalawa sa pinag-uusapan ng kambal.
Vhraine: Hayaan natin 'yung dalawa d'un. Kung anu-ano ang pinagsasasabi.
Heart: Oo nga. Hindi ko naman naiintindihan.
Vhraine: Doon tayo sa kwarto, baka mahawa tayo sa dalawa. Mga adik!
T.A.P.O.S.
---------------------------------------
Epekto ng brownout. Walang magawa. Lowbat ang PSP. Lowbat ang CP. Hindi makapag-PC dahil nga walang kuryente. Nangarap na lang ng gising. Hehehe.
The Seven Star Hotels of the World
4 years ago
Comments
6 comments to "Ang Kambal Namin"
May 22, 2009 at 10:36 PM
Okay? HAHAHA. ang cute talaga ng mga kambal natin. hihihi.
May 23, 2009 at 7:03 AM
wow... naaliw naman akoh d2... astig!... abahh... at may kambal nah... ayos... nag-enjoy akoh sa conversation nyoh... nag-enjoy akoh sa pagbasa nitoh... ang sweet... abah ayan palah si leading lady loraine... kaya naman palah dmeng langgam d2 ohh... lolz.. ingatz lagi kayoh... Godbless! -di
p.s. ahh love diz line palah... ""Mahirap magmahal kung wala kang utak, at mahirap mag-isip kung wala kang puso."
May 23, 2009 at 1:15 PM
ganda nga ng usapan ng mga kambal ninyo..
madalas kasi talagang hindi sila magkasundo sa lahat ng bagay, nangengelam madalas ang isa sa desisyon ng isa.. parang mga adik!
May 23, 2009 at 3:00 PM
@LORAINE:
hahaha... ibang level na... may kambal na tayo... wag mo ipabasa kay mommy... mo... nakow!... malilintekan... ahaha
@dhianz:
nagamit ko na ang linyang yan sa tula ko dati dito... tapos ung about sa kambal... kaya ko naisip dahil ung mommy nya, may kakambal... ung tita nya, kambal... tapos may tita din akong kambal... pati ung pinsan ko kambal... so... hindi malayo na magkaroon din kami ng kambal... nasa lahi... ehehe
@kheed:
kami nga ang napagkamalang adik ng kambal namin eh... ahaha.. ndi kasi nila na-gets ung sinasabi namin ni leading lady ko... ahaha
May 24, 2009 at 2:24 AM
awww... kakatuwa naman 'un... yeah malaki ang chance na magkaroon kayo nang twins... that would be so nice... sana one girl one boy agad... ang sayah... na-excite naman akoh sa para sa inyoh... =) ingatz kayo ni lorraine. Godbless.
May 24, 2009 at 2:26 PM
salamat Ate Dhi... hehehe...
eh parehong girl ung nasa kwento ko eh... :( si Heart at si Vhraine... hehe.. pero ung Vhraine... pwede naman sa lalaki di ba? hehehe.. unisex..
Post a Comment
Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...