Jun 16, 2009

Ang Palito ng Posporo

7 na lasing
Madalas ba kayong maka-engkwentro ng mga taong ipinanganak na may kasamang aircon sa katawan? 'Yung mga taong kapag nagkwento na eh pakiramdam mo may bagyong paparating dahil sa lakas ng hangin? Mga taong akala nila kaya nilang gawin ang lahat at siya ang pinakamagaling. Natutuwa ba kayong kasama ang ganitong klaseng tao o kinaiinisan ninyo?


Gusto ko munang ibahagi sa inyo ang isang kwento. Isang kwento tungkol sa palito o mga palito ng posporo. Sa bahay, iba't ibang kagamitan ang makikita mo. Gamit sa kusina. Sa salas. Sa kwarto. sa banyo. At marami pang iba. Sa bahay ding ito, matatagpuan ang posporo. Kahit saang sulok mapunta, hindi mapigilan ng palito ang magyabang kung ano ang mga kaya niyang gawin.

Madalas niyang sabihin na siya ang nagbibigay-liwanag sa buong kabahayan. Siya ang nagsisindi at nagbibigay ng apoy para makapagluto. Minsan daw ginagamit din siya bilang tutpik at panglinis ng tenga. Kapag may narinig siyang nagkukwentuhang ibang kagamitan sa bahay, palagi siyang sumisingit sa usapan at inilalagay ang sarili niya bilang pinakamagaling at maraming nagagawa.

Isang araw, gaya ng lagi niyang ginagawa, nagpakitang-gilas siya sa mga kasamahan niya. Nagpasindi siya ng apoy. Nahulog ang umaapoy na palito ng posporo. Nasunog ang karpet at kurtina na natamaan nito. Lumaki ang apoy na nauwi sa pagkasunog ng buong bahay. Dahil sa kayabangan niya, tama nga, siya ang nagbigay ng liwanag. Lumiwanag ang buong paligid dahil sa sunog na ginawa niya. Lahat apektado.

Kung ihahalintulad sa tao, maraming mga beses at pagkakataon ang ganun ang nangyayari. Dahil sa may gustong patunayan o ipagyabang sa iba, nauuwi lang sa trahedya. Siguro nga malaki ang pakinabang nila o marami silang kakayahang nagagawa, pero hindi na nila ito dapat ipagyabang pa kung kani-kanino. Kahit gaano ka kagaling, kung hindi mo naman kayang pigilan ang sarili mo para hangaan ka ng iba, lalo ka lang nilang kaiinisan kesa sa paghangang gusto mong makuha mula sa kanila.

At tandaan din natin palagi, na sa bawat pagkiskis ng ulo ng palito ng posporo para makagawa ng apoy, iisa lang ang kinahihinatnan niya. Ang maging ABO.

****************************************************
^_^ : Tol, may lighter ka ba? Pasindi nga.
-_- : Wala eh, heto posporo.
^_^ : Ano'ng laman niyan? Gagamba?
-_- : Hindi! Kisses!

Comments

7 comments to "Ang Palito ng Posporo"

Hari ng sablay said...
June 16, 2009 at 12:50 PM

comment muna ako sa bagong bahay mo. ayos ganda.

pag may nkasalumuha akong mhangin, pahahanginan ko din siya at sasabihang palito ng posporo.

Vhonne said...
June 16, 2009 at 1:31 PM

@hari ng sablay:

hehehe.. honga noh... tapos.. pag nagpasiklab xa.. hipan mo.. para mamatay ang apoy... ahaha...

Joel said...
June 16, 2009 at 4:56 PM

ganda nga ng bagong bahay mo vhonne, nasan na yung lumang bahay mo? nasunog na ng posporo?

yoko din sa mga tanong mayabang, mas gusto ko pong makasama ang isang pipi kesa sa taong puro kayabangan ang lumalabas sa labi..

Vhonne said...
June 16, 2009 at 5:10 PM

@kheed:

ahahaha... ok lng magmalaki paminsan-minsan.. pero ung sobrang kahanginan na ang mga sinasabi... at ung iba... yabang na wala naman talgang ipagyayabang... magkulong na lang sa loob ng posporo... hehehe

joyzkelmer said...
June 22, 2009 at 3:27 AM

tama...sumasang-ayon ako sa sinabi mo tungkol sa posporo...pero tekalang nadugo ang ilong ko, masyadong malalim ang tagalog ko...di na kinaya ng utak ko hahahaha...jk!

ayan oh,para lang akong aircon :p

Anonymous said...
June 26, 2009 at 7:03 PM

nice kwento.. nung napanood ko to (hindi ko alam kung sa batang bibo yata yun) talagang nakinig ako para akong bata.

napadaan lang ulit.

Vhonne said...
June 28, 2009 at 8:31 PM

@joyce:

ndi ka naman aircon... hehehe... kung matatas ka sa pananagalog mo.., dapat talaga nating ipagyabang un... dumugo man ang ilong.. ahaha

@livingstain:

ang kwentong yan ay base na din sa napanood ko nung bata ako... isang animation... twing pasko kadalasang ipinalalabas ung ganung cartoon eh.. ndi ko maalala.. ahaha.. binago ko lng ng konti ung pinaka kwento... pampagising.. lol

Post a Comment

Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...

 

Copyright 2008 All Rights Reserved Revolution Two Church theme by Brian Gardner Converted into Blogger Template by Bloganol dot com Customized by Vhonne DeVille