Jun 28, 2009

Ang Kutsilyo

6 na lasing
Nasira na naman ang sinabi ko. Sabi ko, magiging masipag na ako sa pagsusulat dito sa blag na ito. Pero ano'ng nangyayari? Halos matabunan na ng abo mula sa sunog na iniwan ng huling naisulat ko tungkol sa palito ng posporo. At kung babalikan ang ilan sa mga naisulat ko dito, tungkol sa trahedya. Sana, sa isusulat ko ngayon, hindi na.


Ang ikukwento ko ngayon ay tungkol sa kutsilyo. Malayo ito sa trahedya. Maniwala ka. Kung itatanong mo kung bakit kutsilyo ang napili ko at hindi balisong, dahil isa akong BatangueƱo, huwag ka na lang umangal. Kung ayaw mong magkaroon ka ng gripo sa tagiliran mo. Gamit ang balisong na hanap mo. Pero biro lang 'yun. Ayoko ng dugo. Masama ang lasa.

Kutsilyo. Karaniwang gamit na makikita sa kusina. Isa sa mahalagang bagay na maraming pinaggagamitan. Kapakipakinabang. Pero minsan ay ito rin ang kumukuha ng ilang buhay ng tao. Pero ang kutsilyong sinasabi ko ngayon ay idadaan natin sa ibang usapan. Kutsilyong nasa ating katauhan, kaugalian. Kung hindi mo gusto ang mga sinasabi ko, nasa sa'yo ang kutsilyong tinutukoy ko.

May mga taong kasing-talas ng kutsilyo ang dila. Nakakasakit ang bawat sinasabi. Bawat salita ay nakakahiwa. Minsan, kahit hindi sinasadya ng taong may matalas na dila, may nasasabi siyang nakakasugat sa pinagsabihan. At ang sugat na ito ay mas matagal pang maghilom, kaysa sugat na gawa ng totoong kutsilyo. Parang kutsilyong nakatarak sa dibdib mo. Panghabambuhay. Minsan, mas ok pa 'yung totoong kutsilyo ang isasaksak sa'yo. Kung mabuhay ka, pwede pa gumaling ang sugat na 'yon. Kung mamatay ka, pwede na din. Wala ng paghihirap. Pero ang kutsilyong gawa ng matalas na dila, unti-unti kang papatayin. Dahan-dahan. Bawat sakit ay hindi mo makakalimutan.

Ngayong alam mo na ito, ano ba ang pwede at magandang gawin kapag may kakilala tayong may mala-kutsilyong dila? Iwasan? Pangilagan? O magbitbit ng sangkalan, bilang pangharang? Hindi ko ikinukwento sa inyo ito para matakot sa mga taong tulad nila. Ikaw mismo ang tutulong sa kanila.

Kahit gaano katalas ang dila niya na sapat na para makasakit ng ibang tao, huwag din nating alisin sa isipan natin, na ang kutsilyong nasa bibig niya ay siya ding kutsilyong makakahiwa sa sariling labi niya.

****************************************************
Take 1:

-_- : Heto ng kutsilyo mo... Napakapurol!
^_^ : Matalas 'yan nung pinahiram ko ah?
-_- : Pinagbibintangan mo ba ako? Para sabihin ko sa'yo, unang-una, hindi ako nanghihiram ng kutsilyo sa'yo. Pangalawa, hindi ko ginagamit ang mga gamit mo. At pangatlo, mapurol na talaga 'yan ng isoli ko!
^_^ : !@#$%^&*

Take 2:

-_- : Heto ng kutsilyo mo... Napakapurol!
^_^ : Mapurol ba? Teka nga, testingin natin.
*saksak sa tagiliran*
-_- : Ay.. matalas pala...
*bagsak... duguan*

Comments

6 comments to "Ang Kutsilyo"

Dhianz said...
June 29, 2009 at 5:09 AM

see... magaling ka naman sa paggawa nang entry kuya vhonne... nung una pa man akoh mapadalaw ditoh eh naaaliw na akoh magbasa... pero syempre there are times na we don't juz feel like writing or we juz really dunno wat to write... minsan may topic sa yutakz pero pag isusulat na eh mawawala.. minsan may naisulat nah tapos idedele na lang kc parang ang korni lang.. parang akoh lang atah 'un ah... wehe...

eniweiz yeah... words can hurt us... minsan nde nilah namamalayan nakakasakit nah silah.. kaya nga dapat most of d' tiem itz better to stay quiet and not say anythin'... keysa naman ibuka ang bibig at kung ano ano ang masabi naten... kaya itz important den kugn ano ang pinapasok naten sa mind naten... kc watz on our mind is wat more likely to come out to our mouth... well dat reminds me of some verse from d' bible... dunno d' exact words pero parang agn message... itz not wat we eat dat makes us sin but wat comes out from our mouth... somethin' like dat... kaya sometimes we really gotta be careful on wat we gonna say... kung sasabihin man naten eh negative lang eh mas mabuting itikom na lang ang bibig...

hmm... hihiritz pa sana akoh pero parang lumipad na ang thoughst sa yutakz koh... syempre may mga typo errors ne nemen.. kaya bahala ka nah... and hmmm... ingatz lagi kayo ni Ms. Ino-chan... Godbless u two... laterz. see yah two at plurkville. Godbless! -di

Joel said...
June 29, 2009 at 8:24 AM

ayokong kausap ang mga taong parang kutsilyo ang dila, sensitive pa naman ako hahaha..

pero sadyang may mga taong ganyan, hindi nila napapansin na nakakasakit na sila sa mga pinagsasabi nila, tama ka na daig pa ang mga sinabi nila kesa sa hiwa ng tunay na kutsilyo..

Loraine said...
June 29, 2009 at 10:55 PM

pero minsan nakakabuti rin ang negative comments para lalong ma challenge yung taong sinabihan. siguro dapat negative, pero constructive. awts, mali ata ung term. basta. hehe.

napacomment lang. si ate D kasi eh. hahaha.

Hari ng sablay said...
July 1, 2009 at 3:40 AM

may mga taong gnyan walang pkelam sa mga sinsabi, ang mgndang gawin sa mga yun i-staple ang bunganga,lols


okaya kudkurin ang dila para pumurol naman.

Celine said...
July 3, 2009 at 8:14 PM

astig ung take 2. ang taLino. hahaha .

Vhonne said...
July 4, 2009 at 9:00 AM

@dhianz:

salamat ate dhi... hehehe... tamad lang talaga ako noh?

@kheed:

ako din... madalas akong mahiwa ng mga sinasabi nila... hindi lng halata.. ahaha

@Loraine:

dapat pala lagi mag comment dito si ate dhi... para mapacomment ka din lagi.. ahaha

@HARI NG SABLAY:

bigyan na lang natin sila ng isang kilong mangga... tapos... talupan nila gamit ang malakutsilyong dila... para hindi na sila makapagsalita at makasakit ng iba... hehehe

@CHONG x]:

ahaha... ingat ka dun sa take 2... wag mong gagalitin... :D

Post a Comment

Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...

 

Copyright 2008 All Rights Reserved Revolution Two Church theme by Brian Gardner Converted into Blogger Template by Bloganol dot com Customized by Vhonne DeVille