Blag pa ba ito? Aktib pa ba ito? Bakit walang bagong nakasulat? Kanino ba ang blag na ito? Akin yata... kaya pala walang bagong nakasulat. Ano kaya ang magandang maisulat ngayong araw na ito? Hmm... dahil katatapos lang ng Araw ng mga Ina (matagal na palang tapos), tungkol ulit sa mga babae ang ikukwento ko. May ilan sa kanila ang ina na, pero ibang tema naman ngayon.
[Pansamantalang inihihinto ang pagsusulat... nagugutom ako...]
Wala akong maisulat na matino. Hindi ko alam kung anong naging problema. Bigla na lang akong naubusan ng pwedeng ilaman dito. Bisi ba ako? Oo. Saan? Sa trabaho? Bisi ako habang nasa trabaho, pero hindi ako bisi dahil sa trabaho ko. Sa madaling salita, iba ang pinagkakaabalahan ko kahit pa nasabing nasa oras ako ng trabaho. Naisipan ko na lang gawin ang mga dati kong ginagawa bago ako magsulat. Baka sakaling bumalik ang pakiramdam ng tulad dati. Nagpunta ULIT ako ng BigMac. Madalas akong bumili ng makakain doon bago magsulat ng tuluyan dito. Hindi ko alam kung anong meron doon at ginaganahan ako. Bumili ako ng hotdog sandwich, cheeseburger at isang C2. Pwede na 'yun. At dapat talaga pwede na 'yun dahil wantwenti [120] pesos lang ang dala kong pera. Kinain ko habang naglalakad 'yung pinamili ko. At pagdating ko sa bahay, tama nga ako. Bumalik 'yung pakiramdam!
May naramdaman ako. Katulad ng madalas kong maramdaman. Alam ninyo 'yung pakiramdam na parang naeeksayt ka? 'Yung may gusto kang palabasin. Pero minsan, pinipigilan natin. Pinipilit muna nating huwag ilabas, habang may tao pa sa banyo. Tama! Natatae ako.
[Hindi ko na idedetalye ang ginawa ko sa banyo... proceed to next kwento...]
Dahil nga doon, parang nagkaroon na naman ako ng ganang magsulat. Hinanap ko lang siguro 'yung nakasanayan kong gawin bago ako magsulat. At heto na nga at nagsusulat na. At nabanggit ko nga kanina, tungkol sa mga babae ang ikukwento ko. Mga babaeng mas matanda sa akin. May sobrang tanda sa akin at mayroon din namang ilang buwan lang. Sa mga taong nakakakilala sa akin, mapapansin nilang mas malapit ako sa mga babaeng mas may edad. Mas madali ko silang nakakapalagayang-loob. Malapit talaga ako sa mga tao, kahit kanino. Pero mas iba ang pakiramdam ko sa mga babaeng mas matanda sa akin. Siguro dahil mas eksperiyensado na sila..... sa buhay, hindi sa eksperiyensang iniisip mo.
Lahat ng babaeng malalapit sa akin ['yung matatanda kesa sa akin], tinatawag kong ate. Siguro dahil 'yun ang hinahanap ko. Gusto ko ng ATE. Iba kasi kapag may ate ka na pwede mong kausapin kapag may problema. Sabihan ng masayang nangyari sa buhay mo. May kukulitin. Iba kasi kapag sa mas nakakatandang kapatid na lalaki kesa sa babae. May pwede kang sabihin sa lalaki na hindi pwedeng sabihin sa babae at ganun din naman sa isa.
Si Ma'am Yeng. Hindi ko siya tinatawag na ate. Ma'am talaga. Baka kasi hindi ako paswelduhin kapag hindi ko tinawag na ma'am. Ilang taon na siya? 38 na daw siya [soon]. Siya ang babaeng aliw na aliw maging elflady. Elflady na naglalakbay mag-isa sa gitna ng kawalan. Sa madaling salita, EMO! [At dahil dito, may batok ako sa kanya dahil hindi siya umaamin na emo siya, senti lang daw] Madalas kaming magkausap ng mga parang walang kwentang bagay pero meron. Meron talaga pero hindi ko alam kung ano 'yun. Siya na din ang nagsabi, may mga bagay kaming pinag-uusapan na kami lang ang nagkakaintindihan.
Si Ate Jaja. Ang bait nitong babaeng ito, tuwang-tuwa ako sa kanya. Sa tingin ko, ganun din siya sa akin [sana lang]. Madami din akong nakwento sa kanya at karamihan doon ay 'yung tungkol sa amin ni leading lady ko. Pinapadalhan niya ako ng mga kanta na nababagay daw sa amin. Hindi ko pa siya nakikita sa personal. Hindi kasi siya nakapunta noong oras na makikita ko na siya. Kung hindi ako nagkakamali, 26 na siya. At kung nag birthday na siya ng hindi ko nalalaman, malamang 27 na siya. Galing ko sa Math noh?
Si Ate Eiyelle. Ang huling usapan namin ay sa pagitan lang ng teks. Wala na akong balita sa kanya. Pero siya 'yung babae na madalas magbigay ng mga payo sa akin kung anong mga bagay ang pwede kong gawin na magiging maganda ang resulta. Minsan tinanong niya ako kung saan daw niya nakuha ang nikneym niya. A. L. ang sinagot ko. Nagulat siya at namangha. Kung paano ko daw nalaman 'yun? Hindi ga obyus? Hahaha. Eiyelle = A. L. Edad? Hindi ako sigurado, siguro 28. Pasensya na Ate Eiyelle.
Si Ate Josh. Oo. Ate Josh, hindi Kuya Josh. Babae siya, napapagkamalan lang lalaki dahil sa pangalan. 100% babae siya.... at 900% bakla. Madalas kaming magkulitan, sa pamamagitan ng internet. Sabi niya, ako daw ang namber wan fan niya. Hmm, pwede na din. Meron silang sikreto. Tungkol sa lablayp nila ng kanyang nag-iisang Dong. Hindi ako magbibigay ng palatandaan para mahulaan kung sino 'yung Dong niya. Dahil alam ko, ang sikretong 'yun... ay alam ng lahat. Hahaha. Isang taon lang o ilang buwan lang ang pagitan ng edad naming dalawa, at swerte ko at pumayag siyang patawag na ate. Kahit sapilitan.
Si Ate Karen. Matagal na akong tumatambay sa kompyuter syap nila. Estudyante pa lang ako noon, tambay na ako doon. Madalas kaming magkwentuhan ni Ate Karen. Lagi siyang nakikibalita sa akin at tuwang-tuwa kapag may magandang nangyari sa akin. Lumipas ang limang [5] taon na ganun kami sa isa't isa bago naming natuklasan na magkamag-anak pala kami. Hindi ko siya first cousin, hindi din siguro second cousin. At kung hindi third cousin o fourth cousin, wala kaming pakialam, magpinsan pa rin kami. Kahit hindi sa dugo. Hehehe. Wala kasi akong hilig sa halaman kaya hindi ko alam ang family tree namin.
Marami pa sila, pero hindi ko tinatawag na ate. Baka kagalitan ako. Dahil mas matanda siguro ako sa kanila sa edad, pero mas bata naman ang aking pag-iisip. Ilan pa sa kanila ay sina Ate Mahalia, nasaan na siya?. Si Maryjochrista, kung hindi ninyo siya kilala, hindi ko na sasabihin, baka ipa-salvage ako dahil kinalat ko ang maganda niyang pangalan. Si Dhianz, na sa bawat sinasabi niyang pagkahaba-haba eh tiyak namang may matututunan ka. Si Jojitah, na bisi? Si Ate Kengkay. Pasensya na kung hindi ako nakakadalaw sa mga blag-tahanan ninyo. Arnie o Twistedmind, iyon na, magulo ang utak gaya ng nasa nikneym niya. Hindi ko pa masyado kilala pero alam kong mabait siya, dahil bibigyan niya ako ng headset. Hahaha, jowk lang.
Hindi ko na nilagyan ng mga nararapat na kawing [link] sa kani-kanyang mga blag ang bawat pangalan. Tama na ang ganitong publisidad ninyo. At ang masasabi ko lang... Ang swerte ko.
Siyanga pala, 'yung larawan sa itaas ay simbolo ng ATE. At sila ang mga Ate ko... matatanda na mga iyan!
WordPress Resources at SiteGround
6 years ago
Comments
11 comments to "Ang Pagbabalik ng Batanggero"
May 21, 2009 at 4:48 AM
matatanda ha... toinks!... wehe... abahh... special mansyon pa akoh d2... ang swit naman! feelin' close naman sau... teka.. alam koh kaya ang sikretong dong and joshaness... akoh fah... teka... kala koh akoh number one fan ni josha? ahh... siguro kc nag-hibernate akoh... kaya naging ikaw? teka nawala ka ren ah? lolz... oh well... pareho tayong fans... teka... man fans club kayah akoh sa kanyah... FYI akoh ang president... lolz... meron nang vice, secretary at treasurer.... si Dong ang tresurer... haha... akalain moh yon... sya ang tiga-bigay nang budget nagn club... kaso mga hibernate den eh... teka ikaw ang auditor koh... ano trabaho mo? ewan koh... wehehe... haha...kamo sana sinabi moh... sa pagkahaba haba minsan nang sinasabi koh... wala naman tlgang pino-point out... tumatalak lang.... oh sya sige nah... ingatz lagi kayo ni lorraine moh...hihhee... ingatz. Godbless! -di
May 21, 2009 at 4:49 AM
teka naaliw palah akoh sa mga patalastas moh sa blog moh... ayos at least nagbalik kah sa blog... at nilinis moh mga agiw nah d2... nd yeah natawa ren akoh sa hirit mong family tree... laterz kuya vhonne! haha.... =) Godbless.
May 21, 2009 at 12:57 PM
natawa ako sa comment ni dee. angreact hahahahahaha.
NAMAN. NAKAKATATS! 900 PERCENT BAKLA. WAHAHAHA.
May 21, 2009 at 1:08 PM
tragis yan. [URL=http://www.smileyvault.com/][IMG]http://www.smileyvault.com/albums/CBSA/smileyvault-cute-big-smiley-animated-005.gif[/IMG][/URL] wala ako dyan!!! walaaa! lololol.
May 22, 2009 at 10:07 AM
kuya, sali naman ako sa blogroll mo. please? salamat in advance..
May 22, 2009 at 10:51 AM
hahaha! mahilig ka pala sa mga ate..
waw. ako, gusto kong magkaroon ng kuya!
wehehehe...
ayos!
May 22, 2009 at 9:24 PM
@dhianz:
totoo un... ndi ko maxado alam ang family tree namin... hehehe.. at totoo din un... na matatanda na kau... ahaha
@ate josh:
san ka natats ate josh? dun sa 900% bakla? ahaha
@pilar:
wala ka ba jan? ang alam ko anjan ka... ndi mo lng cguro napansin ung name mo.. dahil sa sobrang ganda... ahaha... peace...
@engokz:
sure... added
@desza:
oo.. mahilig talaga ako sa mga ate... kung mahilig ka naman sa kuya.. madami jan sa tabi-tabi... wag mo ako idamay ha? ahaha... sila lang ang matatanda...
May 23, 2009 at 10:51 AM
e welkam back naman bon. hindi ko alam kung matutuwa ako sa entry mo na to. lol! ewan ko sa'yo.
ako din bisi? kagaya mo ang pagkabisi. labo. sana makakulitan ulit kita pag naghimalang gumana yung pc sa bahay at may magbayad ng outstanding bill ko ng intarnet. lol!
natatats ako sa mga kagayo mong hindi nakakalimot. salamat utoy. ;)
May 23, 2009 at 2:55 PM
@ate jojitah:
aun... dumalaw... ahaha... ni hindi ka nga nag-oonline sa ym mo eh... hmm... o kaya naman... invisible ka lagi... parang ako... ahaha
May 28, 2009 at 3:51 PM
huy vhonne!hindi pa ako matanda..bwahaha..pero tama ka mabait ako pero hindi ko bibigay ung headset sau dapat sumali ka sa contest ni joycee..ngayon lang ako napadpad sito dahil bisi..
twistedmind..tulirong utak, pero hindi tuliro ang pagkatao ko..
salamat naman so tatsing at nagawa mo pa akong gawing ate..bwahaha..
May 30, 2009 at 12:29 AM
@twistedmind:
lol... aminin mo na.. matanda ka na... ahaha... cguro nasa 1983 ka noh? ahahaha...
Post a Comment
Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...