Napanood ninyo ba ang pelikulang Jurassic Park III? 'Yung may mga daynosors. Oo, 'yun nga. Pero hindi tungkol sa daynosors ang pag-uusapan natin ngayon. Sa mga nakapanood na, naaalala ninyo ba ang isang usapan doon sa pagitan nung doktor at ng isang bata? Napag-usapan nila ang pagkakaiba ng astronomers at astronots (astronauts).
Ganito ang naging usapan nilang dalawa...
Dr.: I have a theory that there are two kinds of boys -- those that want to be astronomers and those that want to be astronauts. The astronomer, the paleontologist, gets to study these amazing things from a place of complete safety.
Boy: But you never get to go into space.
Dr.: Yes. It's the difference between imagining and seeing.
Dahil sa usapang 'yun, masasabi nating dalawa ang uri/klase ng tao. Pwede kang maging astronomer o kaya ay isang astronot.
Ang mga astronomer ay 'yung mga taong nagiging kuntento kapag nakikita ang bagay na nakakapagbigay-saya sa kanila. Masayang-masaya na silang nasisilip ang mga bituin at iba't ibang klaseng planeta. Habang ang mga astronots naman, mas gusto nilang maramdaman at mismong makasama ang mga bagay na nakakapagpasaya sa kanila. Mas gusto nilang puntahan 'yung bagay/lugar na 'yun kaysa masilayan lang.
Ikaw? Ano ka ba sa dalawang klaseng 'yan? Kuntento ka na ba na hanggang tingin ka na lang sa kanya o sa isang bagay na gusto mo? O mas gusto mong makuha ang bagay na 'yun para mas makumpleto ang kasiyahan mo?
Noon, masasabi kong isa akong astronomer. Pero mas nagustuhan ko ang pagiging astronot. Walang mas sasaya kapag kasama mo ang nagpapasaya sa'yo. Hindi lang 'yung basta mo lang nakikita. Mas maganda ang abot-kamay kaysa abot-tanaw.
Bilang astronot, pinuntahan ko ang isang planeta/bituin na nagbigay sa akin ng sobrang saya. Bilang tao, ang planeta o bituin na 'yun ay 'yung leading lady ko.
The Seven Star Hotels of the World
3 years ago
Comments
12 comments to "Astronomers VS Astronauts"
April 27, 2009 at 4:34 PM
korek!mas masaya kung kasama mo ang taong nagpapasaya sayo..hindi lang ung lagi ka na lang nakatingin at walang magawa, dapat nga nman na paminsan minsan eh MARAMDAMAN mo din sy..
sa ngayon astronomer muna ako..after 2 months astronot na :P
April 27, 2009 at 4:36 PM
@arnie:
dahil uuwi ka na ng Pinas? hehehe.. ayos... pengeng skullcandy... nyahaha
April 27, 2009 at 4:38 PM
wow gnda naman nun,,gusto ko dn astronot,anu o sino kya pwd mpuntahan,,manlilimos haha...
April 27, 2009 at 4:39 PM
@hari ng sablay:
ahahaha... naku... ung pupuntahan mo.. malamang magtatago na... ahaha.. ano bang limos ang kailangan? limos ng pagmamahal? ahahaha
April 27, 2009 at 4:41 PM
*blush*
sabi ko na nga ba, I'm your lucky star eh :)
April 27, 2009 at 4:43 PM
@loraine:
tsk... ako ang maswerte... dahil ikaw ung star na napuntahan ko... ayan.. baka may mag react na naman.. nag-uumpisa na namang langgamin ang blog na ito.. ahaha
April 27, 2009 at 4:46 PM
ako! ako! ako ang swerte, kasi napadpad ka sa mundo ko :) masaya ka ba sa star mo? hehe
April 27, 2009 at 4:49 PM
@loraine:
ahahaha... tama ka na... kahit ndi na ako makabalik ng Earth.. kung ang star na pupuntahan ko ay isang tulad mo... ok lang... ahaha....
April 27, 2009 at 9:05 PM
cguro isang akong astronut! kasi una sa lahat di naman ako nakukuntento, kaya gumagawa ako ng paraan matupad o maabot lang ang makakapagpasaya sa akin! ganda ng points dito ^^
April 27, 2009 at 9:14 PM
wow! parang greenwich lang, haha
ako din syempre mas gusto ko magingastronot..
di ako nasisiyahan sa patingin tingin lang, nakikita mo nga, di mo naman natitikman.. parang wala lang diba? hehe
April 27, 2009 at 9:47 PM
@cyndi:
honga... gaya nga ng sabi ko... mas maganda ang abot-kamay... kesa abot-tanaw lang... hehehe
@kheed:
bakit parang greenwich? hehehe... karamihan sa atin gusto maging astronaut... pero merong ibang ndi talaga nila magawa at nananatili na lang bilang astronomers...
lalo na kung ang gusto nilang makuha.. hawak na ng ibang astronaut.. awts... hehehe
July 13, 2010 at 11:22 PM
I know a brilliant philosopher and astronomer who contributed a lot in the field of astronomy and philosophy. He’s name was Guillermo Haro.
Guillermo Haro was very famous, and at the same time, very influential in the development of astronomy in Mexico, not only because of his own astronomical research but also by helping in the promotion of the development of new institutions for astronomy. Moreover, he defined modern astrophysical research in Mexico where he paved the way to various initial lines of research and established general scientific policies.
Post a Comment
Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...