Palabiro. Isa ka din bang taong palabiro? Isa ka ba sa mga nabiyayaan ng sense of humor, o isa ka sa pilit na nagpapatawa kahit wala namang natutuwa? Madami akong kaibigan na nagsasabing isa ako sa mga taong mayroong sense of humor. Pero hindi pa ako sigurado doon. Kaibigan ko kasi sila kaya nila nasasabi 'yun.
Mahilig akong magkwento. At sa bawat kwento ko, hindi ko maiiwasan ang lagyan o haluan ng konting kwela. Nagsawa na kasi ako sa mga maseryosong usapan. Masarap ang tumawa. 'Yung tama lang, iba na kapag napasobra. Hindi lang masaya ang tumawa, mas masaya kapag alam mong napapatawa mo 'yung ibang tao. Pero ang pinakamasaya, kapag natutuwa sila sa paraan ng pagpapatawa mo. Iba ang nakakatawa sa nakakatuwa. Pwede kang matawa kahit hindi ka natutuwa sa ginagawa ng iba pero kapag natuwa ka sa kanya, mas natural ang pagtawa mo.
Maraming biro ang hindi nakakatuwa at nakakatawa. Merong korni, papansin, at kadalasan below-the-belt na. Ang pagpapatawa ay hindi lang basta pagbibitaw ng punch line nang hindi pinag-iisipan. At hindi lahat ng pagpapatawa, walang pinanggagalingan o pinaghuhugutan ng isang seryosong bagay.
Ang komedya ay hango sa totoong buhay o pangyayari. Isang totoo at seryosong pangyayari na nilalagyan mo lang ng kiliti sa dulo. Tulad ko, makatotohanan ang mga kinukwento ko pero kadalasan, hindi na mukhang totoo dahil sa paraan ng pagkakakwento. Nilalagyan ko ng nakakatawang pangungusap pero sa huli, nararamdaman pa rin nila ang pagkaseryoso ko.
Ang common sense at ang sense of humor ay pareho lamang. Pero magkaiba ng bilis bago maunawaan o maintindihan. Ang sense of humor ay mismong common sense, common sense na nilagyan ng malikot na pamamaraan. Pero ang common sense, mas madali mong maunawaan, iyon ay kung may common sense ka talaga. Samantalang pagdating sa pagpapatawa, kinakailangan mo pa minsan ang mag-isip ng ilang segundo para maunawaan mo ng husto kung ano ang ibig iparating nun.
Walang ibang dahilan ang pagpapatawa. Dahil ito mismo, ay ang katotohanan. Isang birong katotohanan. Magulo pero 'yun ang totoo. Hindi ka makakapag-isip ng isang biro kung hindi ito nanggaling sa isang totoong pangyayari o kaganapan.
Ano ang pinakamababang uri ng humor? Katalinuhan. Walang tao ang may sense of humor, pero ang sense of humor, merong tao. Kung hindi mo maintidihan ang sinasabi ko, tumawa ka na lang. Paano ba tumawa ang taong nakikitawa lang sa isang biro na hindi niya naintindihan? Kapag tumatawa ng nakataas ang eyeballs o kaya nakatigil lang sa isang dako ang mata na halatang may iniisip at medyo mabagal ang pagkakabigkas niya ng "Ha...Ha...Ha...Ha..."
Pero sa lahat ng sinabi ko sa itaas, ito ang pinakatotoo. Ang biro ay napakaseryosong bagay pero ang pagtawa ang pinakamatinding depensa mula sa pinakamaliit na problema.
The Seven Star Hotels of the World
3 years ago
Comments
9 comments to "Sense of Humor"
March 15, 2009 at 9:25 PM
*taas eyeballs*
Ha...Ha...Ha...Ha...
March 16, 2009 at 8:29 AM
yo sup batanggero?
I'm inviting you to join the EARTH HOUR 2009.
just check it out. :]
http://jeszieboy.blogspot.com/2009/03/flick-that-switch-off-make-difference.html
March 16, 2009 at 12:10 PM
sabi nga nila di lahat ng tao ay biniyayaan ng sense of humor. basta ako, meron akong sense! yun lang!! hahaha! actually mga pilosopong tao o matatalinong tao lang ang nakakaisip ng mga joke. parang tayo di ba? ahaha!! teka ako lang ata natawa dun ah! ^__^
March 17, 2009 at 7:13 AM
@loraine:
hindi nagets? dito ka sa tabi ko... ipapaliwanag ko... hehehe...
@jeszieBoy:
yo... nagsign na ako jan... salamat...
@cyndi:
honga.. parang tayo... hehehe... kung gusto mong hindi lang ikaw ang matawa sa sinabi mo.. ipabasa mo kay soulmate mo.. para dalawa na kayong tatawa.. hindi ka nya ilalaglag.. hehehe...
March 18, 2009 at 5:08 AM
hehehe confused akO dun ay d pala nahilo akO sa nabasa Ko...
d rin naman mahina utak ko slyt lang dami Ko KASING iniisip ngaun...
hmmm i fink im funny sa mukha pa lang matatawa na kayO hehehe....tawa naMan kayO...
March 18, 2009 at 5:10 AM
@kikay:
ahaha... natawa ako... pero hindi sa mukha mo.. sa sinabi mo... pero sabi naman ni loraine... maganda ka daw... ;)
intentional kong sinulat yan para mahilo kayo.. ahaha... para san pa ang pagsulat... kung hindi mahihirapan ang magbabasa... walang thrill... lol... papalusot lng dami ko pa sinasabi... ahaha
April 15, 2009 at 1:17 AM
genius ka talaga frend!!!! really!!! tagay pa!
April 16, 2009 at 12:42 AM
@jena/peter;
nagpapatawa ka? ako genius? ahahaha.. tagay!
February 13, 2014 at 10:49 PM
Paghilum mu ui mga maot maot mog dagway aslum aslum kaau
Post a Comment
Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...