Hininaan ko ang ispiker ng aking kompyuter. Masyado kasing malakas ang tunog noon habang nanonood ako ng mga episowds ng South Park. (Lagi na lang pinapatay si Kenny McCormick) Wala nang ingay mula sa aking ispiker, pero naririnig ko pa rin ang ingay. Hininto ko ng ilang segundo ang paghinga para malaya kong marinig ang ingay. Nagulat na lang ako, dahil ang ingay na naririnig ko pala ay mula sa aking tiyan. Gutom na ako.
Matagal na panahon na din ang nakalipas ng lumabas ako ng bahay ng alangang oras. Iba na kasi ang iskedyul ng pagpasok ko sa trabaho. Ngayon na lang ako ulit nakatambay sa bahay ng madaling-araw. Naalala ko na lagi akong nagpupunta sa siete-onse (7-11) o kaya ay sa burger stand. Sa BigMak. Kanina, mas pinili ko na lang na sa BigMak bumili ng makakain dahil medyo malayo ang 7-11. Baka kapusin ako ng lakas sa paglalakad dahil medyo nanghihina pa ako. Isang footlong hotdog, siopao, C2 lemon at isang chuckie chocolate drink ang binili ko. Nung tinanong ko kung magkano ang pinamili ko, sinagot niya na 100 pesos. Pinaulit ko 'yung sinabi niya, dahil nagulat ako. Ang galing ko talaga sa Math, sakto isandaang piso ang pinamili ko. Anong koneksyon? Gutom ako.
Nakauwi na ako sa dito sa bahay at dito ko kinain ang pinamili ko. At gaya ng nakagawian ko dati, pagkatapos kong kumain ay nagkakaroon ako ng aydiya para makapagsulat. Ano nga ba ang aydiya na naisip ko ngayon? Simple lang, nabanggit ko na sa dalawang naisulat ko dito sa buwan ng Marso, parehong tungkol sa kamatayan. Kaya hindi nalalayo tungkol doon ang isinusulat ko.
Kapag tayo ay namatay, ano ba ang isinusulat sa ating lapida? Pangalan. Siyempre para makilala ng tao kung kanino 'yung katawang ibinaon sa lupa. Araw ng kapanganakan at araw ng kamatayan. Ano ba ang halimbawa ng petsa ang isinusulat sa lapida? Ganito...
October 12, 1985 - October 12, 2059
Tunay kong kaarawan ang nakasulat pero 'yung araw ng kamatayan, hindi totoo 'yun. Sa nakasulat na halimbawa sa taas, ano ang pipiliin mo? Araw ng kapanganakan, dahil sa araw na ito, nasilayan mo ang makulay na mundo? O ang araw ng kamatayan, dahil sa araw na ito, mawawala na ang mga paghihirap at problema mo at makikita mo na ang tahanan ng ating Tagapaglikha? Ako? Anong pipiliin ko? 'Yung pinakasimpleng nakasulat.
Dash ( - ) o 'yung patlang sa pagitan ng araw ng kapanganakan at araw ng kamatayan. Dahil sa pagitan ng dalawang petsa, doon mo malalaman kung ano ang mga nagawa mo. Doon mo nakilala ang mga taong iniingatan mo. Doon mo nagawa ang lahat ng pwede mong ipagmalaki. Doon mo masasabi na nabuhay ka sa mundo. At doon, "doon" ang word of the day ko.
Kaya habang nabubuhay pa tayo, at wala pang tiyak na petsang isusulat sa katapat na petsa ng kaarawan, gawin natin ang lahat ng bagay na masasabi nating kukumpleto sa atin. At dahil sa naisulat kong ito, nalaman ko kung gaano kahalaga ang dash ( - ) sa buhay natin.
(Note: Ang dash ay hindi hypen.)
Comments
13 comments to "Nabuhay - Namatay"
March 9, 2009 at 9:35 PM
Aww..gwabee di talaga natin alam kung kailan talaga tau papanaw sa maguLong mundo na2...
i really like ur word wisdom sa katapusan ng pOst mO nA2..
AkO D kO PA aLam KuNg ANo ang pipiLiiN Ko KASi ayaw Ko panG iisipaN na mamaTay na AKo
KASI marami pa akong gus2ng gawin d2 sa mUndo
HaLimbawa mga kasaLaN na gUs2 kO PAng iTAMA hayss...^
March 9, 2009 at 11:11 PM
@kikay:
salamat po... pero ok din naman minsan ung ihanda mo na ang sarili mo sa kung anuman ang mangyayari sa hinaharap... pero kahit pinaghandaan na natin un... hindi pa rin natin maiiwasan ang mga pagkabiglang mararamdaman ng iba...
"HaLimbawa mga kasaLaN na gUs2 kO PAng iTAMA hayss...^" <<--- kasalanan po yata ang ibig niong sabihin dito.. ndi kasalan.. hehe... o baka naman gusto nio magpakasal? hehehe
salamat po ulit...
March 11, 2009 at 11:09 AM
ako isang tula ang nakasulat sa aking lapida :)
March 11, 2009 at 11:20 AM
@nash:
nice.. pero sana.. hindi kasing haba ng mga ilan sa sinusulat kong tula.. kasi... magastos sa lapida... ahahaha...
gudluck sa atin kapag patay na tayo... lol
March 12, 2009 at 2:26 AM
ang istorya ng patlang (-) na yan narinig ko na minsan nun hayskul sa pastor/pari namin sa iskul, akalain mo yun mahalintulad ka sa mga salita nila... astig!
March 12, 2009 at 7:09 AM
creepy naman, puro tungkol sa death ang mga recent entries mo....happy na ulet...
siguro nabasa mo na yung poem na Dash, ganda yun...
March 12, 2009 at 12:25 PM
...awww... luv ur post!... oo nga naman... ang pinakamahalaga eh 'ung in between... like sa buhay... nde 'ung starting point ang mahalagah nor the destination... ang pinakamahalaga at binibigyan nang atensyon eh journey... hayz.. pero sometimes kc so much focus tayo sa future... kung tutuusin parepareho naman ang pupuntahan nateng lahat...and by d' time we reach all our goals and all our wants and desires in life eh we probably old by then... so by dat time we gonna wish dat hopefully we are back on bein' young again.... hayz... kaya nga tlgah enjoy lang ang every moment nang buhay...sabi nga nang karamihan.. seize d' moment... ingatz lagi vhonee! Godbless! -di
March 13, 2009 at 4:29 AM
@hukombitay:
ibig mong sabihin... nababagay ako maging isang pastor? pwede ba mag-asawa ang pastor? at pwede bang maging pastor ang isang demonyong tulad ko? lol...
@joyzKelmer:
hindi ko alam ung poem na Dash... parang ganyan din? tulad ng sinulat ko?
@dhianz:
honga... hindi tayo dapat manatili sa unahan.. at lalong hindi tayo dapat matapos ng walang napapatunayan... sa gitna ng unahan at hulihan... gawin natin kung ang lahat para meron tayong mapatunayan kesa matapos ng walang kabuluhan...
March 13, 2009 at 9:50 PM
sa totoo lang kahit anong oras handa akong mamatay... dahil sigurado akong sa langit ang punta ko... kaw ba?
gayunpaman, tama ka sa sinabi mo... kailangan nating i-enjoy at gawing maayos ang ating buhay habang andito pa tayo s amundong ito...
March 14, 2009 at 7:45 AM
@yhen:
buti ka pa sa langit... ako kc... ndi pa sila sure sakin... di ba masama ang mapagkunwari? edi masama ako... kasi.. kunyari ndi ako mabait.. pero mabait ako... ahahaha... pero kasinungalingan lng yang sinasabi ko...
sinungaling? masama din un di ba? ndi talaga ako pwede sa langit...
tama din po kayo sa sinabi nio.. kelangan nating i-enjoy at guluhin ang buhay ng iba habang buhay tayo.. ahaha... joke lng...
March 14, 2009 at 7:14 PM
ang pastor di yun tulad ng pari, pwde yun mag-asawa wag ka mag-alala. malay mo pagiging pastor ang calling mo... nyaks! biglang kumidlat... lol
March 15, 2009 at 11:18 AM
napag isip din ako sa post mo, hehe uo nga naman syempre yung in between ang pipiliin ko..
March 15, 2009 at 7:55 PM
@hukombitay:
wag naman sana... hehehe... hindi ko pinangarap un... hindi ko naman sinasabi na hindi ok ung pagiging pastor.. pero talagang hindi ko lng gusto... ahahaha
@kheed:
sa susunod nga na post ko... binabalak ko ilagay.. sudoku puzzle.. para mas lalong mapag-isip kayo... ahahaha...
Post a Comment
Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...