Mar 7, 2009

FrancisM: FreeMan

9 na lasing
Katatapos lang ng post ko dito tungkol sa buhay na nawala. Akala ko, isang magandang kwento naman ang susunod doon. Pero ano ito? Pagkagising ko kahapon ng gabi, nalaman kong "wala" na ang Master Rapper na si Francis Magalona. Dalawang tao ang hinahangaan kong Pinoy pagdating sa pagrarap. Si Gloc9 at si Kiko.

At dahil sa isa akong numero unong tagahanga ng Parokya ni Edgar, mas lalo kong ikinatuwa ang ginawa nilang kantang "Bagsakan" kung saan silang tatlo ang kumanta. Si Francis M. Maraming sikat na banda at singer ang gusto siyang makasama. Nabanggit ko na ang Parokya ni Edgar at si Gloc9, ilan sa kanila ang Eraserheads, si Mike Hanopol, Joey Ayala, Ryan Cayabyab, Michael V., maging si Andrew E. Idagdag na din natin si Ramon Bautista sa komersyal nilang Nescafe. (Instant coffee... instant advertisement!). At marami pang iba.

Si FrancisM. Hindi lang basta isang rapper/singer kundi isang respetadong tao. Karamihan din sa mga sinusulat at kinakanta niya ay may magandang mensahe para sa mga tao. Ilan sa mga hindi makakalimutang kanta niya ay ang "Mga Kababayan," "Meron Akong Ano!?," "3 Stars and A Sun" at ang "Kaleidoscope World." Isa na siyang alamat sa mundo ng industriya noong nabubuhay pa, at mananatiling alamat pa rin ngayong wala na siya.

Pero hindi kami close... Hehehe... Nakikiramay ako sa lahat... lalong lalo na sa pamilya ni Francis Magalona. Marami ang nagluluksa dahil sa nangyari.


Comments

9 comments to "FrancisM: FreeMan"

Anonymous said...
March 7, 2009 at 8:53 AM

rock on! FRANCIS M.

\m/

long live!!

cyndirellaz said...
March 7, 2009 at 10:54 AM

Nakakalungkot. isa nga talaga siyang malaking kawalan sa industriya ng telebisyon. sayang no? sigur0 ganuun ang nangyayari sa mga taong mabait talaga. kinukuha agad ni Lord. tsk tsk! buti na lang di ako mabait.

nga pala, fav ko din si gloc 9... condolence kay Francis M.

Anonymous said...
March 7, 2009 at 11:04 AM

hindi nga ako agad naniwala when i heard yesterday. busy nga naman kasi ako simula ng pumatak ang 1pm eh wala na ko contact sa civilization by choice. i can’t say he’s all that perfect pero indeed he did more good things and lived a full life with purpose and meaning and that is way important and so i’m very much sure he’s now in peace. i am likewise a fan pero ipagpapaliban ko na ang blog dedication sa inyo. prayers would be more than enough not only for his soul pero para sa mga naiwan niya na family & lovedones. he’s a father of 8 at his youngest ay super bata pa. their life after their father’s death would be far difficult lalo pa ang hirap ng pamumuhay ngayon. i’m sure his wife’s burden ay magiging nine-fold. pasensya na umaatake nanaman ang pagiging mother theresa ko.

Boris said...
March 8, 2009 at 12:10 PM

oo nga eh. di man ako fan ni francis M. eh alam kong he was a great rapper na nagpamulat sa lahat ng mga kabataan. nakikita ko naman sa blog niya na he is family-oriented siya.

nang nabasa ko ito sa net, on the same day na namatay siya, tinext ko lahat ng ka-close ko.

Vhonne said...
March 9, 2009 at 2:42 AM

@anonymous:

brucey ni pilarsky.. ahahaha...

@cyndi:

honga... malaking kawalan xa... at tama ka... ganun din ang sabi ng lola ko dati sakin nung mawala ang inay ko.. sabi nya... kinukuha ng Diyos ang mga mababait na tao.. dahil ayaw sa Niya na may makasamang masamang tao... sabi ko naman sa lola ko... "edi malapit na pala tayo kunin ni Lord?"

@hukombitay:

tama... prayers... makabili nga nyan mamamya.. hehehe.. joke...

@boris:

xa din ang nagbigay ng daan para sa ibang rappers na gustong maging katulad nya...

may pinsan akong tagahanga ni FrancisM... kumpleto xa ng mga kanta ni Kiko...

♥ K.i.i.k.a.Y ♥ said...
March 9, 2009 at 9:53 PM

Grabee naLungkOt taLaga akO nUng MAgTxT ANg fren Ko sa akiN from pinas na waLa na daw si francis M....

Gus2NG Gus2 kO anG mGA raP AT SOnG nYA...

coNDELence sa mga Love ones Nya...

MAY HE rest in peaces :[

Unknown said...
March 16, 2009 at 10:52 AM

hi guys, I checked the album of Francis M. at out of stock n ang Freeman na album nya...pwede bang maka hinge ng copy to any one out here?yung orig ko...hindi ko n rin makita eh...thanks po.

Vhonne said...
March 18, 2009 at 1:43 AM

@kikay:

magaganda talaga mga songs nya... heto nga ngayon at biglang nauso ulit mga kanya nya.. kelangan pa ba na mawala ung gumawa ng isang bagay.. para maappreciate ng tao ung gawa nila?

@efren:

nagulat ako... efren kc ang name mo... sasabihin ko sana.. ung pinsan ko... maka francis m.. meron xa dating freeman na album... nawawala din... ang name nya.. Efren... hehehe...

Anonymous said...
March 22, 2009 at 1:01 AM

kala ko hindi pa sa patay kawawa na man say

sana mag ingat sya sa byahe o happy trip naya

ingat

Post a Comment

Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...

 

Copyright 2008 All Rights Reserved Revolution Two Church theme by Brian Gardner Converted into Blogger Template by Bloganol dot com Customized by Vhonne DeVille