Kilala mo ba talaga kung sino ang kaibigan mo? At kung sino naman ang kaaway? Sa mga napapansin ko ngayon, mahihirapan tayong kilalanin kung sino talaga ang kalaban at kakampi. Bakit ko nasabi? Hindi ko sinasabi, sinusulat ko. Madalas ko lang itong mapansin, kaya pansinin ninyo na din. Nagpapansin lang ako kaya sana mapansin ninyo.
Madami akong nakikitang mga grupo. Mga grupo na laging magkakasama. Sila-sila ang laging magkakasama. Laging nagkukwentuhan. Asaran. Kulitan. Tapos, maya-maya, magsisigawan na. Mayroon pang iba, nagmumura na. 'Yung iba, halos mamatay na sa pagsigaw. Pagkatapos naman noon, mag-uusap-usap na naman. Balik sa normal. Magkukwentuhan na naman. Hayz... Hindi mo alam kung sinu-sino ang magkakakampi at magkakalaban. Kaya ayoko mag-DOTA eh. Magyayaya maglaro, pero habang naglalaro na, aawayin ka na, mumurahin at sisigawan ka pa. PERS BLAD!
Pero seryoso, (Sino? Ako? Seryoso?) Kilala mo ba talaga ang kaibigan mo? Totoo ba sila para sa'yo? Tayong mga Pilipino ay likas na palakaibigan. Ang problema lang, hindi natin alam kung sino ba talaga ang tunay na kaibigan. Mayroon d'yang mga tao na nakakasira ng ozone layer. 'Yun ang tinatawag na plastik. At meron din namang mga taong pinaglihi kay Lastikman at Rubberman. Ano ang pagkakaiba ng Plastik sa Goma?
Ang plastik na tao, 'yun ang mga taong kung ano ang nakikita mo sa kanya, iba naman sa katotohanan. Sa madaling salita, peke. Mapaglinlang. Madami na tayong nakakasalamuhang ganitong klaseng tao. At aminin natin, may pagkakataon din na tayo mismo, nagiging plastik. Kahit gaano pa kalaki o kaliit ang sitwasyon o kung paano 'yung ginawa nating kaplastikan, plastik pa rin 'yun. Hindi lang 'yung sa ibang tao ang tinutukoy natin, may pagkakataon din na tayo mismo, sa sarili natin, nagiging plastik tayo. Pero kaya naman nating iwasan 'yung ganung ugali, 'yun eh kung gugustuhin natin. At kung mahal mo ang ating mundo, magbawas tayo ng plastik para hindi makasira sa kalikasan at kalusugan. Tulad ng totoong plastik na bagay, iwasan nating sunugin, i-resaykel natin. Ganun din sa tao, wag nating sunugin (mas delikado kung tao ang susunugin, mas mabaho), baguhin natin at gawing mas kapaki-pakinabang.
Ano naman ang taong goma? Lastikman tulad nina Von Serna, Vic Sotto, Vhong Navarro at Mark Bautista. Avah! Karamihan ay letrang "V"? Isama ko na din ako dun, tutal katunog naman. Vhonne DeVille. Rubberman tulad ni Michael V. ("V" na naman?). At si Monkey D. Luffy (Gomu Gomu no Pistol!). Sila ang mga taong goma na kilala natin. Mga napapanood sa telebisyon at pelikula. At nababasa sa komiks at manga. Pero hindi ganyang klaseng taong goma ang tinutukoy natin. Sino? 'Yun ang mga kaibigan nating lumilipat sa ibang kaibigan. Iiwan ka. Akala mo, wala na, iniwanan ka na ng tuluyan. Pero dahil nga sa pagiging goma nila, huwag mo lang silang bitawan, kahit gaano kalayo ang puntahan nila, babalik at babalik sila sa'yo. Huwag mo lang hilahin ng sobra. Baka maputol.
Madami pang klase ng kaibigan ang hindi natin binanggit. Pero sa dalawang tinukoy ko, maaaring isa d'yan ay katugma sa ugali mo. Pero ako. Kung ako ang tatanungin kung anong klaseng kaibigan ako, ito lang ang masasabi ko... Isa akong leather. Genuine. Ikaw na bahala magpaliwanag kung bakit.
Kaibigan ba kita? Pautang naman. Wala na kasing laman 'yung leather wallet ko. "'Yung Seiko, seiko wallet, ang wallet na maswerte. Balat nito ay genuine. International pa ang mga designs. Ang wallet na maswerte. Seiko, seiko wallet. Seiko, seiko wallet!"
Seiko Wallet, Ang Wallet na Maswerte!
Oo! Alam ko ang kantang 'yan. Sa mga hindi nakakaalam, mga bata pa siguro kayo. Sa mga napakanta habang binabasa ito, hindi tayo nagkakalayo ng edad. Malamang mas matanda pa kayo sa akin. Bwahahaha!
The Seven Star Hotels of the World
3 years ago
Comments
19 comments to "Plastik o Goma? Saan ka?"
February 6, 2009 at 12:22 PM
goma pala ang tawag sa mga tao/kaibigan na ganun. akala ko kasi sila'y mga "kabute", minsan sumusulpot minsan nawawala, pero pag-kailangan mo pakalat-kalat lang pala.
paano naman ang mga taong-lupa at taong-bato? hindi mo man lang sila isinama sa hanay ng mga nilalang sa mundo? kilala mo ba sila?
February 6, 2009 at 1:42 PM
@hukombitay:
ndi ko po sila kilala.. ang alam ko po... lamang-loob at lamang-lupa... ung lamang-loob po.. masarap iihaw at gawing pulutan... un namang mga lamang-lupa... ung nagagalit sa mga lasing kapag naiihian ung bahay/punso nila... hehehe.. kaya ingat sa pag-ihi sa kung saan saan kapag lasing...
February 7, 2009 at 3:25 AM
HMMM haysss saan nga ba akOo sa DALawa hehehe...HonesTLy itanoNg NyO NA Lang sa mga kaibigan Ko kasi Po D Ko ALAM basta ang alam ko mabait ako sa mga taong mabait at mataray naman ako sa mga taong mataray din..pero d naman yan ang tamang sagot sa tanong mo hehehe...
eh xencia na wala naman akong maishare sa topic mo hehe...basa lang ako ng basa basta d lang akO magiging basahan....
^_^
February 7, 2009 at 6:02 AM
@chuchay:
ako lng yan... nagpapakatotoo ka lang.. ndi ka nagpapaka plastik para magustuhan ka ng iba... cge lang sa pagbasa... hehehe... ndi totoong wala kang naishashare.. ayan na nga at naishare mo na... hehehe
February 7, 2009 at 8:16 AM
hahaha. . alin nga ba aco dun? sigurado acong hindi aco plastik. . lol. . pwede bang leather na lang din aco? lol
kala co tungkol sa dota toh. . dalidali co pa namang binuksan. . haha. . padaan kaibigan:P
February 7, 2009 at 8:23 AM
@papel:
gawan ko nga ng istorya ang DOTA... ay... ndi ung mismong laro ng dota... kundi ung mga dota boys na katrabaho ko... ahaha..
buti n lng ndi ko naaddict sa dota... mahina kc ako sa pagshoshopping eh... mali ang nabibili ko... ahaha
February 7, 2009 at 12:26 PM
@Vhonne
hmm..ask ko lang sana kung paano mag post ng sarili kong entry dito madami kcakong alam na stries weh..thanks sana masagot mo agad..
February 7, 2009 at 6:10 PM
@bad_mj97:
ndi mo type magkaroon ng sariling blog? pwede ka gumawa.. tapos.. post mo ang mga stories mo... para madami maentertain dun sa mga isusulat mo... ;) tulad nitong sakin... gawa k lng sa blogspot.com or wordpress.com para makapagsimula ng blog...
February 7, 2009 at 6:15 PM
@Vhonne
xempre gusto un nga lang di ko alam kung paano gumawa eh...
February 8, 2009 at 12:27 AM
hello..napadaan lng po. kala ko about DOTA. mahilig kasi plastic at goma kong frenz jan, samantalang aq wlang alam jan. haha..
anyways, ang cute po ng blog nyo. sna lam ko rin kung panu gawin.hehe^^,
February 8, 2009 at 4:44 AM
@bad_mj97 at desza:
madali lang naman eh... pero pili muna kayo kung anong platform ang gusto nio.. may dalawa akong irerecommend... blogspot at wordpress...
itong sakin... blogspot.com... kelangan nio lng muna magregister jan... isip kayo ng pangalan ng blog nio... tapos... punta lng kayo sa post section at dun nio sulat ung gusto nio... hehehe...
February 10, 2009 at 10:14 PM
meron na po ako ya lang medjo tamad magpost..hehehe^^,
February 10, 2009 at 10:27 PM
@desza:
ahaha.. tamad ka nga.. bakit? walang inspirasyon? o walang oras? kaya mo yan... masaya naman mag blog di ba?
February 11, 2009 at 11:00 AM
@Vhonne
thank you so much tlaga ah..may nagawa na ako..un ngalang song ung una..jejeje thanks uli ha... tignan mo nalang ung blog ko..hurtstoriesofdarkangel.blogspot.com
February 11, 2009 at 3:10 PM
@bad_mj97:
basta ang payo ko lng... maging orihinal... maging totoo... at siguradong tatagal ka dito sa mundo ng blogosperyo... hehehe...
tulad ng post kong ito.. plastik at goma... wag tayong maging plastik... at kung dadalaw tayo sa blog na nagbigay sa atin ng atensyon.... subukan nating maging goma... bumalik-balik tayo dun.. hehehe
January 24, 2010 at 6:22 PM
nice post! pa follow ako.. add din kita... keep on posting!
April 15, 2011 at 8:39 PM
hahaa !! tama !!
ang galing ..
lahat ng nabanggit tama ..
June 3, 2011 at 3:50 AM
Tama lahat nang mga nabanggit at sana mabasa nang madami para malaman nila kung ano cla at kung paano nila mababago ang pagkatao nila? At sana gumawa kapa nang mga gantong makabuluhan na blog,tnx :-)
October 16, 2011 at 5:20 PM
tama nmn halos lahat hmm.. sana lang mabawasan na sila :D
Post a Comment
Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...