Whew. Dahil sa kayabangan ko, ito ang napala ko. Iniisip ko na balewala sa akin ang konting ambon na tatama sa katawan ko. Parang naglalakad sa buwan kahit may pumapatak na tubig mula sa langit. Dahil sa ginawa kong iyon, binigyan ako ng parusa. Hindi lang isa, kundi dalawa. Nagkaroon ako ng sipon na masarap na sana dahil may konting alat, kaso, hirap namang huminga. At ngayon naman, may kasama pang ubo. Tapos na ang bagong taon pero may naiwan pang paputok sa lalamunan ko.
Nahihirapan akong mag-isip ngayon. (May isip ba ako?) Wala akong maisulat na maganda. (Kailan ba ako nakapagsulat ng maganda?) Kaya ang isusulat ko na lang muna ngayon ay mga usapang narinig ko na nagbigaw ng kiliti sa aking kilikili. Medyo natawa ako dahil sa kanilang katang. Oo. Crab, katang. Katang*han. Hehehe. Peace. Katang sa mga pagbanggit ng tamang letra.
Unang eksena: Isang pag-uusap sa pagitan ng isang call center agent at isang kliyente.
Agent: Sir, kunin ko po buong pangalan ninyo.
Client: Rey Quizon.
Agent: Pwede ninyo po bang i-spell gamit ang ponetiks?
Client: R for Roger, E for Elephant, Y for Yellow. Q as in... Hmm... Aha! Q as in cucumber,...
Agent: Q? Q-cumber? =))
Pangalawang eksena: Sa computer shop ng kaibigan ko. Isang babaeng nagpapagawa ng resumey sa kaibigan ko. Tinatanong ng kaibigan ko ang bawat isusulat sa resumey na ipinapagawa sa kanya.
Kaibigan ko: Father's name po?
Customer: Felippe *****
(Letrang "P" ang naisulat ng kaibigan ko. Kinorek nung babae.)
Customer: "F" po 'yun. "F" as in victory.
Kaibigan ko: (Napatulala)
Ako: (Napasubsob sa mesa habang pinipigil ang tawa.)
Pangatlong eksena: Kasama sa eksena doon sa pangalawang eksena. Parehong tauhan, parehong sitwasyon at parehong araw.
(Nagkamali sa spelling 'yung kaibigan ko, Felipe ang naisulat sa pangalang Felippe, kaya kinokorek nung babae.)
Customer: Dobol "u" po 'yun. Dobol "u" po.
Kaibigan ko: Ha?
Customer: Dobol "u" po.
Kaibgan ko: (Nag-iisip at naghahanap ng double u o w) Ano?
Customer: Ay! Dopol "p" po pala.
Ako: (Tawa ng tawa sa sulok.)
Pang-apat na eksena: Dalawang babaeng nagkukwentuhan. Tungkol sa mga naging boypren nung isa.
Babae 1: Lahat pala ng naging eks ko, nagsisimula sa "R" ang pangalan.
Babae 2: Talaga? Sinu-sino?
Babae 1: Si Richard, Robert, Reylan at Arnel.
Babae 2: Ar.. Ar... R-nel?
Panglimang eksena: Napanood ko sa Wowowee. Habang tinatanong ni Willie kung anong letra ang gustong piliin nung kontestant.
Willie: Pumili ka na ng letra.
Contestant: "G" po.
Willie: "G"?
Contestant: Opo, "G." "G" as in Jar.
Willie: "G" as in Jar? Hahaha. Ah! "J."
Ikaw ba? May pagkakataon ka ba na nalito sa bawat letra? Nagkamali ka na ba sa pagbigkas ng mga salita? Ako? Siguro, may pagkakataon na. Hindi naman kasi ako Ferpect.
Edited:
Pahabol na eksena. Isang taong nagyayabang. Nagyayabang siya sa kausap niya.
Mayabang: Alam mo ba na sa dictionary, iisa lamang ang salitang nagsisimula sa "SU" pero binibigkas ng "SHU"?
Marunong: Talaga? Ano naman 'yun?
Mayabang: SUgar lang ang salitang 'yun. Kahit tingnan mo pa sa dictionary.
Marunong: SUre ka ba dun?
The Seven Star Hotels of the World
3 years ago
Comments
11 comments to "FerPect!"
February 8, 2009 at 9:15 AM
hahahahaha! KAVOG!
February 8, 2009 at 4:36 PM
lol! nakakatawa talaga to! nagkamali na din ako sa mga ganito eh. nakakahiya kasi pag nagkamali ^^ nagkakamali ako sa pish (fish) o kaya sa prying pan (frying pan) mga ganun ba? usual na pagkakamali ay f at p! minsan may naririnig din akong e as in egol (eagle) o e as in epol (apple) wahahha!
February 8, 2009 at 4:38 PM
@loraine:
kabag!... ahaha...
@cyndi:
ahaha.. honga.. dun sa F at P kadalasan magkamali... ung about naman sa egol at epol... may ganyang senaryo n din dun sa shop.. ahaha.. ndi ko na naisama jan...
nagtatanong ung lalaki dun sa nagbabantay sa shop... "paano po makakapasok sa gugol?" google pala... ndi na gets nung bantay... hehehe
February 9, 2009 at 8:12 AM
hahaha. . natawa din aco dun sa kaibigan mo at dun sa costomer eh. . kung andun aco baka humalakhak aco sa tabi nun. . lol. .
marami din acong mali sa spelling. . gaya mo hindi aco ferpect. . nobody's ferpect so why practice? haaaay naku vhonne. . u made my day. . hahaha
February 9, 2009 at 8:58 AM
@manika:
kung andun ka lang nung araw na iyon... sabay tayong kakapusin ng hininga.. wahaha... pero nag explain naman ung babae...
"pasensya na po ha? wala pa kasing tulog..."
ahaha... sabi ko naman... "pabasa nga ng educational background mo"... ahahaha...
February 9, 2009 at 9:55 AM
malamang. . hahaha. .
ang lupit mo naman magtanong. . derechong derecho. . sana tinanong mo muna kung kaya nya iispell pangalan nya. . kita mo naman nagpaliwanag pa. . haha
February 9, 2009 at 10:05 AM
ang nakakatuwa pa dun... maxadon xang makulit... pinpilit nya ung alam nya,.. "DOBOL U PO, DOBOL U!" akala ko naman W... tapos... dobol P pala.. anak ng P!... ahaha
February 10, 2009 at 12:22 AM
hahaha ayos!
eto minsan nagsusulat kami sa pader (as in vandal)sabi ng pinsan ko na hindi magndang sumulat, "kuya isulat mo yung pangalan ko"
sinulat ko naman...ROMEL (pintura ginamit ha!)
tapos sabi niya, "kuya dobol M"
kaya dinugtunga ko, naging "ROMEL-DOBOL M"
February 10, 2009 at 12:23 AM
ahahaha... adik! ROMEL-DOBOL-M
ahahaha...
February 10, 2009 at 1:59 AM
TOINkKzZz hehehehe...
HALos nahULog na akOo sa kakatawa KoO SA INuUPUAN Ko jejeje....
pero tao lang tayO na nagkakamali so gaya ng iksena sa taas....nangyari narin sa akin to hehehe......
kaya napatawa akOo dahil sa naalala ko na naman ang pag Ka sHoanGERs Ko HEHEHE
February 10, 2009 at 4:39 AM
@chuchay:
ano ba ung pagkakamaling ginawa mo noon? hehehe... sabihin mo naman sa amin... para matawa din kami... ahahaha...
ung mga pagkakamali nating un... dapat ndi na natin ikinakahiya.. kung naitama na natin... ehehehe... dahil sa pagkakamaling un... natuto tayo... hehehehe
Post a Comment
Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...