Jan 3, 2009

Pares-pares (Part II)

6 na lasing
Dinaanan na naman po ako ng pagkabagot. Hindi ko kasi kausap si Ms El. Kaya heto't nagmukmok na naman at pinaandar ang utak. Mabuti na lang at nakatali, hindi masyadong nakalayo ang utak ko. Pinuna ng manedyer namin 'yung istatus sa way-em ko. Kaya naisipan kong bisitahin 'yung nasulat kong tula dito. Ang Pares-pares. Kung hindi mo pa nababasa klik mo dito.


Habang binabasa ko at pinagninilayan ang mga nakasulat, may iba na namang naglaro sa utak ko. Kaya nabuo ang pangalawang tula ng Pares-pares.

Sa unang kong nabanggit
Sa tulang kong pilipit
Na ang puso at utak
Iisa lang ang tatak

Ngunit ngayon itong dalawa
Parehong silang nakakatawa
Na sinasabi kong magkapares
Hindi magkatugma ang interes

Sa utak na nabanggit
Ang puso ay kakabit
Sa nauna kong tula
Ganito ang nakalatha

Mahirap mag-isip
Kung wala kang puso
At mahirap magmahal
Kung wala kang utak

Hindi ko ngayon sinasabi
Na sa tula ako'y nagkamali
Pero akin namang aaminin
Magulo pa rin para sa akin

Sa nabanggit na doble
Sa katawan na pobre
Ang puso'y di kailangan
Hanapan ng katuwang

Kung kapares ang hahanapin
Madaming pwedeng gamitin
Kung puso ay nag-iisa
Hindi kailangang mangamba

Sa dalawang mata na magkasama
Madali kang nakakakita
Ang puso ay iyong isama
Mas maliliwanagan ka

Butas ng ilong ay dalawa
Pang-amoy at panghinga
Kung puso ay wala ka
Hihinga ka ba kung patay ka?

Para sa dalawang tenga
At sa pusong nag-iisa
Subukan mong ipagsama
Maganda ang magiging resulta

Korteng puso ang tenga
Kung ipagdidikit mo sila
Kung 'di ka marunong makinig
Imposible sa'yo ang umibig

Comments

6 comments to "Pares-pares (Part II)"

cyndirellaz said...
January 3, 2009 at 10:35 PM

nice one! grabe tol nakaka touch to ah! reality bites ba to? grabe, talagang,wala ako masabi! hanep! so kailangan makinig ha.. okay, i'll do that! 2 thumbs up!

Vhonne said...
January 3, 2009 at 10:52 PM

w0w... ang bilis ng comment ah.. kakapost ko lng eh... salamat po... hirap ng walang magawa.. kung anu-ano ang naiisip... ahaha...

Anonymous said...
January 5, 2009 at 8:09 PM

para akong sinermonan ng tula mo. XD

Vhonne said...
January 6, 2009 at 12:08 AM

waaaaaaa.... Ms. El? hehehe... ikaw daw kasi eh... maxado kitang namiss... lol

Anonymous said...
June 16, 2010 at 1:29 AM

hmmmmmm... wala lang napa comment lang...

ganyan talaga ang buhay... kelangan magkakaugnay...

BOW...

Vhonne said...
June 26, 2010 at 8:33 PM

@anonymous:

ikaw ba ang uugnay sakin? hahaha...

Post a Comment

Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...

 

Copyright 2008 All Rights Reserved Revolution Two Church theme by Brian Gardner Converted into Blogger Template by Bloganol dot com Customized by Vhonne DeVille