Jan 6, 2009

May tiwala ka ba sa mata mo?

8 na lasing
Naniniwala ka ba sa multo? May nagparamdam na ba sa'yo?Mahilig ka ba sa mga kwentong kababalaghan? Gusto mo ba bang makarinig ng ganung klaseng kwento at makakita ng mga hindi maipaliwanag na bagay? Pwes! Kung ganun... pareho lang tayo. Gusto ko din makakita ng multo para paniwalaan ko na may ganung bagay o elemento nga dito sa mundo. Pero hindi iyon ang ikukuwento ko para sa araw na ito.


Ang istorya para sa araw na ito, ay kwento ng dalawang mag-asawa. Kung paano nila nadala ng maayos ang kanilang pagsasama sa kabila ng pagiging baog ng lalaki. Dear Charo,... eeennnggg! Mali na naman. Hindi ito Maalaala Mo Kaya.

Ito na. May mga bagay lang na gumugulo sa isip ko. At isa na dito ang pagiging makitid na utak ng isang tao. Bakit ba kailangang may ipanganak na tao na hindi alam kung paano gamitin ang utak bago gumawa ng isang hakbang? Gumawa ng maling hakbang na nagdudulot sa kanya sa sariling kapahamakan. Mahirap bang unawain muna ang isang bagay bago ito gawan ng aksiyon?

Marami na akong nakasalamuhang ganung klaseng tao. At inaamin ko din na may mga pagkakataon na ganun din ang nagiging takbo ng pag-iisip ko. Minsan, nalilinlang din tayo ng sarili nating mata. Akala natin, dahil sa nakikita ng mga mata natin, totoo na siya. Akala natin, madali mong makukuha ang bagay na nakikita mo dahil abot-tanaw mo lang 'yun. Pero kung iisipin mo, hindi mo naman alam kung gaano kalayo ang bagay na iyon. Maiisip mo na hindi mo pala 'yun maaabot ng ganung kadali.

Sa eskwelahan, tuwing daraan ang mga eksams. Sa kagustuhan mong tumaas ang makukuha mong iskor. Tumatabi ka lang sa kaklase mong matalino, kopyahin mo 'yung mga sagot niya. Sa tingin mo eh mas magiging madali 'yun kesa mag-isip ng kung ano ang isasagot. Tapos, pati mga ereysyurs sa papel niya, nagagaya mo na din. May mga eseys na kailangan ng kanya-kanyang sagot ayon sa sariling idelohiya, kinopya mo na din. At may mga pagkakataon, pati buong pangalan niya, nakopya mo na din. Ang resulta? Lalo mong nilagay ang sarili mo, para bumaba.

Sa trabaho, gusto mong abutin ang mas mataas na posisyon. Halos lahat naman tayo ganun ang gusto. Pero nasa paraan kung paano ka makakarating doon ng maayos. Makakakita ka ng ibang kasamahan na maayos nilang nagagampanan ang trabaho nila. Naririnig mong may posibilidad na mapromowt sila sa trabaho. Dahil sa kagustuhan mo o kaya dahil sa inggit na naramdaman mo, sinubukan mong gayanin o kunin ang mga ginagawa nila para mas mapadali ang pagkilala sa'yo. Nakita mo kung paano ang ginagawa nila sa trabaho. Ganun din ang ginagawa mo sa pag-aakalang magiging madali ang pagtanggap sa'yo. Mapapansin mo na lang, iba pala ang trabaho niya sa trabahong dapat mong gawin. Magkaiba pala kayo ng departamento ng taong nakita mo. Kaya ang nangyari, napabayaan mo 'yung trabahong dapat na ginagawa mo.

Madaming simpleng bagay na sa tingin natin ay sobrang dali. Dahil siyempre nga, gaya ng sabi ko, simple. Pero kahit simple man nating maituturing 'yung mga 'yun, nararapat pa din siguro nating pag-isipan ng mabuti kung paano natin iyon gagawin.

Isang kwento ng unggoy na gustong mahawakan ang buwan. Nakita ng unggoy ang repleksiyon ng buwan sa dagat. Sinubukan niyang hawakan 'yung repleksiyon na 'yun. Nilapitan niya. Gumawa siya ng paraan para mahawakan ang buwan, ang repleksiyon ng buwan sa tubig. Hindi niya tinitigilan hangga't hindi niya nahahawakan. Hindi niya namamalayan, lumulubog na siya sa dagat. Na nauwi sa pagkalunod.

Comments

8 comments to "May tiwala ka ba sa mata mo?"

cyndirellaz said...
January 6, 2009 at 12:45 PM

napanood mo ba yung maala ala about sa pagbubutis, di ko kasi napanood eh. pero tama ka sa mga sinulat mo dito, hindi dapat tayo nagpapaloko sa mata natin dahil minsan talaga naloloko tayo nito eh. Buti na lang di ako unggoy ^^

Kosa said...
January 6, 2009 at 1:16 PM

akala ko pa naman kung anu na yun..
kung gusto mo makakita ng multo pumunta ka sa sementeryo sa kalagitnaan ng gabi... lols
baka nman matakot ka kase baka may multo..lols

Yummie said...
January 6, 2009 at 5:00 PM

dude
sometimes our passion can kill us.

parehas lang yan ng istorya ng gamo gamo dun sa istorya ng buhay ni rizal :)

Vhonne said...
January 6, 2009 at 5:12 PM

@cyndirellaz:

nalilito ako sa spelling ng pangalan mo... lol... ndi ko napanood... sa commercial ko lng nakita... hehehe... buti p ung mga bulag.. ndi naloloko ng kanilang mata...

@kosa:

gusto ko makakita ng multo... wag lng zombies... hehehe

@yummy:

tama nga noh... parehas nga lang ng gamu-gamo ni rizal... tsk tsk tsk... "hindi lahat ng maganda sa paningin... makakabuti sayo..."

Anonymous said...
January 7, 2009 at 5:23 PM

hehehe ang laki naman ng problema mo.

nwei, ako ayokong maniwala sa multo pero nakarmdam na ako.. hehe!

happy new year! ;-)

Anonymous said...
March 15, 2009 at 3:29 PM

jham14 ako super naniniwala jan sa mga multo kac d2 sa amin super dami eh

Anonymous said...
March 15, 2009 at 3:34 PM

kac parang d naman totoo ung kwento mo bute nalang d ako UNGGOY heheheheh lol

Vhonne said...
March 15, 2009 at 7:53 PM

@anonymous:

hindi nga totoo ung kwento ko... pero totoo na ganun ang nangyayari... dahil sa kagustuhan nating magawa ang isa bagay.. minsan.. ito pa ang nagbibigay sa atin ng kapahamakan... hehehe

Post a Comment

Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...

 

Copyright 2008 All Rights Reserved Revolution Two Church theme by Brian Gardner Converted into Blogger Template by Bloganol dot com Customized by Vhonne DeVille