Jan 8, 2009

Nabano ako sa Plurk!

3 na lasing
Plurk. Tagal ko ng naririnig at nakikita yan. Gumawa na din ako ng akawnt d'yan, noong Setyembre pa kung hindi ako nagkakamali. Pero hindi ko man lang siya nagamit mula ng makaregister ako dun. Sa madaling salita, hindi ako naging interesado.


Pero nitong isang araw lang, dinaanan na naman ako ng pagkabato (Napapadalas na yata ah!). Nag-tsek ako ng imeyl ko. Napansin kong may nag-aanyaya sa'kin na sumali sa Plurk na 'yun. Sinubukan kong ilag-in 'yung dati kong ginawa. Pumasok.

Pero sa pagpasok kong iyon, hindi ko naman maintindihan kung paano gamitin 'yun. Humingi ako ng tulong sa mga kakilala na alam kong gumagamit n'un. At sa kabutihang-palad, may tumulong sa'kin. Isang malapit na kaibigan ng leading lady ko, si joyzKelmer. Nagtiyaga siyang makipag-usap sa'kin. Madaling-araw na kasi nun kaya wala na din siguro siyang makausap na iba. Nalibang naman ako sa pagkalikot, pag-iikot, paglalaro sa loob ng Plurk na 'yun. Ayan na nga at inilagay ko pang widget sa saydbar ng blag ko.

Sinubukan kong alamin kung ano ang kahulugan ng nasabing Plurk. Magaling naman at may nahanap akong impormasyon.

Ang Plurk daw ay isang uri ng social networking at munting blag kung saan pwede kang magpadala ng mga kaganapan, pangyayari o kung anu-ano pa sa pamamagitan ng maikling mensahe. 140 characters lang ang kasya sa isang mensahe, maikling mensahe nga lang eh. Meron silang tinatawag na timeline at doon mo pwedeng makita kung ano 'yung sinulat ng sumulat. Kung miyembro ka din nun, pwede kang sumagot sa sinulat niya. Para ka na din lang nagteteks sa inyong selepono. Taong 2008 ng Mayo daw ito ginawa.

Bakit naman Plurk ang naisipang itawag dun?

Ang salitang Plurk daw ay abribiyasyon ng salitang "people" at "lurk", at kung pagsasamahin mo daw ang salitang "play" at "work" mabubuo din ang Plurk.

Ang akronim daw ng Plurk ay Peace, Love, Unity, Respect at Karma.

Ang galing naman ng ideya ng gumawa ng pangalan. Hehehe. Wala lang, ibinahagi ko lang. Natatawa kasi ako nung napasok ako sa lugar na iyon. Nakakaloko. Tapos, sabi nga ni leading lady ko. "Plurk, ang bagong Y!M."

http://www.plurk.com/user/Vhonne

Comments

3 comments to "Nabano ako sa Plurk!"

my2cents said...
January 8, 2009 at 7:44 PM

nahook din ako sa plurk. for one night nga lang.
hindi na ako umulit. kasi naman, hindi ko namalayan, limang oras na akong nakababad sa computer kakaplurk. kaya hindi na ako umulit. kakadik eh.

ayii!

Vhonne said...
January 8, 2009 at 7:57 PM

ahaha... kala ko ndi mo nagustuhan kaya one day lng.. un pala.. sobra ka ding maadik.. ahaha... ung pc ko... lalo ng naging 24 hours na bukas... nadagdagan kc ng pagkakaabalahan... ehehe...

Dear Hiraya said...
January 11, 2009 at 4:42 AM

ayos din ang plurk.. masaya.. dami ka ring mamimeet na mga kaibigan.. kakaadik nga lang..

http://fjordz-hiraya.blogspot.com

Post a Comment

Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...

 

Copyright 2008 All Rights Reserved Revolution Two Church theme by Brian Gardner Converted into Blogger Template by Bloganol dot com Customized by Vhonne DeVille