Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maisip kung paano ko sisimulan ang kwento ng "Ang Alamat sa Loob ng Kweba." Kaya heto, bahala na. Wala ng introduksiyon pa. Umpisahan na.
Si Naruto. Pumasok sa loob ng isang kweba. Isang madilim na kweba. Paano siya napadpad sa loob ng kwebang 'yun? Hindi ko din alam. Basta nasa loob siya nun. Kung ipipilit ninyong itanong kung bakit nga siya nandun sa loob, sasabihin ko na. Si Naruto ay mahilig talagang pumasok sa mga ganung klaseng lugar. Sa mga medyo mapanganib na lugar kahit hindi niya alam kung ano ang magiging kahihinatnan niya kung pasukin niya ang ganun.
May hawak siyang dalawang mahalagang bagay sa kamay niya. Ang bagay na nasa kanang kamay niya, napakaimportante para sa kanya. Madaming pagkakataon, na 'yun lang ang lagi niyang dala-dala kahit saan man siya magpunta. Ang brip. Ay hindi pala. Ang hawak niya sa kanang kamay niya ay isang kristal na nagbibigay sa kanya ng swerte.
Habang sa kaliwang kamay naman niya ang isang bagay na hindi niya totoong pag-aari. Isang kompas na nagbibigay-direksiyon para mas madaling matunton ang isang lugar na pakay. Nakita lang nila ang kompas na 'yun ng isa niyang kaibigan. Gusto din ng kaibigan niya na mapasakanya ang bagay na 'yun pero pilit na hiniram muna ni Naruto ang kompas na iyon para gamitin sa paglalakbay niya.
Huwag ninyong isipin na si Sasuke ang kaibiga ni Naruto na tinutukoy ko dito.
Balik sa loob ng kweba. Madilim. Mata lang ng pusa at paniki ang maaaring makakita sa ganoong kadilim na kweba. Hindi niya alam kung saan siya dadaan para makalabas. Hindi na din niya alam kung paano makabalik kung saan man siya dumaan pagpasok sa lugar na iyon.
Iniisip niya kung ano'ng silbi ng kompas niya sa loob ng kwebang 'yun kung hindi naman niya makita ang direksyon mula dun dahil nga sa kadiliman. At ano naman ang swerteng magiging dala ng kristal na hawak niya sa kanyang kanang kamay.
Habang pakapa-kapa ang paa niya sa paglalakad sa kadiliman nun, may nahagip ang paa niya na isang bagay. Iniisip niyang pwede niyang magamit ang bagay na iyon para makalabas sa kweba. Medyo may kahabaan at kabigatan ang tantiya niya. Biglang bumalik ang atensiyon niya sa bagay na nasa kanang kamay niya. Marahil 'yung swerteng hinihintay niya ay 'yung bagay na nasa paanan niya.
Ano nga ba ang bagay na iyon? Makakatulong nga ba 'yun para makalabas siya ng kweba?
Abangan...
...
The Seven Star Hotels of the World
3 years ago
Comments
7 comments to "Ang Alamat sa Loob ng Kweba"
December 3, 2008 at 5:27 PM
may pag kamalabo. LOL.. pero.. hi flashlight!!! :D
December 3, 2008 at 5:28 PM
hindi lang malabo.. madilim pa.. ahahah... sa dulo.. malalaman nio din kung paano liliwanag yan... lol
December 3, 2008 at 9:21 PM
gusto mo hulaan co na lang? taena nabitin aco. .
dapat nagdala sya ng lighter. . panu kung najejebs na sya? wala syang paninde ng yosi! dah! haha
December 3, 2008 at 9:28 PM
ahaha... nabitin k ba? may kasunod p nga eh... parang Naruto mismo lng din yan... lagi bitin... nakakaasar... ahahaha
December 3, 2008 at 10:29 PM
@DRUNK WRITER
-MADAYA KA SABI MO PAINT NA LAGI GAGAMITIN MO HAHAHA!
nahihirapan ako sa pinapagawa nila sa akin ngayon sa adobe LOL. yung header ng rakista dot com gagawin kong hiphop dumugo ilong ko TULONG!
Dahan dahanin mo yung kwento ahh busy pa naman kami LOL XD
@CHIM
- HELLO XD. AKO BA YUN??? hahahaha.
labo talaga dude. weeelll pabayaan mo na si vhonne gusto niya maghiganti sa amin eh XD!
December 4, 2008 at 4:57 AM
sigurado akong gps yon, o kaya celphone para itext nya gf nya, wer u na? here me na. hihihi
December 4, 2008 at 9:49 AM
ate mahalia... miss you... hehehe... ndi cellphone un... or kung cellphone man... walang signal sa loob nun... lol...
Post a Comment
Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...