Nov 29, 2008

Patikim sa "Ang Alamat sa Kweba"

11 na lasing
Hindi ko alam kung paano uumpisahan ang kwentong ito, kaya ito na mismo ang simula. Gusto ko lang ibahagi ang kwento ng dalawang kaibigan na problemado sa kanilang nararamdaman. Parehong hindi alam kung paano sosolusyunan ang dinadala nilang problema para sa isa't isa.

Bago natin simulan ang totoong kwento, ipakilala muna natin ang magiging tauhan ng nasabing istorya. Unahin ko na muna ang mga palatandaan para maaga ninyo silang makilala. Maiba naman, kadalasan kasi sa mga ganitong kwento, hinuhuli ang palatandaan.

Naruto


Lumalabas sa animey, kaibigan ni Sasuke at ni Sakura. Nakatira sa Konoha at magiging ika-anim na Hokage. Estudyante ni Jiraiya at ginagabayan ni Kakashi. Kung iyan ang iniisip mo, nagkakamali kayo. Hindi siya ang tinutukoy ko. Ginamit ko lang ang pangalang Naruto, dahil kayo pa rin ang lulutas kung sino talaga siya. Basta ang Naruto na tinutukoy ko sa kwentong ito, may dilaw ding buhok.

Flashlight


Bakit flashlight? Malalaman ninyo din kung bakit 'yung ang gagamitin nating pangalan sa kanya kapag nabasa ninyo na ang kabuuan ng kwento. Malaki ang papel niya sa buhay ni Naruto, kahit alam naman natin na hindi naman papel ang flashlight.

Para madali ninyong makilala kung sino talaga siya, siya ang sumulat ng kwento ng dalawang baliw na nagkagustuhan na ngayon ay nagmamahalan. Kung hindi ninyo naman nasubaybayan ang kwentong ginawa niya, gawing batayan at basehan ang magiging komento sa blag na ito. Hahaha.

Sila na lang muna ang ipakilala natin, hindi naman masyadong mahalaga ang katungkulan ko sa magiging kwentong ito. Isa lang akong tagapagsalaysay. 'Yung iba naman, unti-unting lalabas sa kwento. Papasok pala.

Patikim pa lang 'yan. Iniisip kasi nung dalawa na hindi ko magagawa itong kwentong ito. Nananawagan ako sa mga nakakakilala sa kanila, tulungan ninyo akong buuin ang kwento "Sa Loob ng Kweba."

Abangan...

Comments

11 comments to "Patikim sa "Ang Alamat sa Kweba""

paperdoll said...
November 30, 2008 at 4:48 AM

aww! intro pa lang tapos na. . hanep! bilisan mo tapusin yan! fan aco ng naruto! kung sino man sya gandahan nya ang pag ganap!

Vhonne said...
November 30, 2008 at 11:24 AM

@paperdoll:

hahaha... nangangalap muna ako ng impormasyon eh... ahaha...

Anonymous said...
November 30, 2008 at 12:07 PM

cge kapatid kaya mo yan, kilala ko na yang dalawang yan xD

yun ngalang di ko kc nasubaybayan ang lab story nila...di kc ako palaging online.buhihi.

kaya dito ko nalang talaga aabangan.

Yummie said...
November 30, 2008 at 12:59 PM

OMG XD hahahahaha

Anonymous said...
December 1, 2008 at 6:48 AM

hala cge lang. natutuwa na ako, ituloy mo lang. hahah. flashlight!! ano ka ngayon, ano ha ano ano ano. haha. nsa tagaytay pa ko neto ah, hinamak ko lahat mabasa lang ung kweba. LOL. intro plng pala. XD

- hi flashlight... :D

Vhonne said...
December 1, 2008 at 11:48 AM

hi chim... kung may iba kang nalalaman... kelangan ko ng tulong mo... hehehe... para tuluyan ng mabuo ang kwento...

Kosa said...
December 1, 2008 at 4:56 PM

sige aabangan ko ang kasunod...
may kasunod din to ah.. baka nman epal lang yun...
joke
see you around

Yummie said...
December 1, 2008 at 8:33 PM

hahaha nakanang teteng LOL.

tuwang tuwa ka chim ahh.
vhonne galingan mo ahh haha pag di maganda yan lagot ka sakin.HARHAR

Anonymous said...
December 3, 2008 at 2:14 PM

kakaiba ka rin magsulat vhonne. hehe.

Vhonne said...
December 3, 2008 at 4:15 PM

anong kakaiba joshmarie? hehehe...

Anonymous said...
October 19, 2009 at 2:27 PM

ala pa! ay alam ko di yaan kwentong yaan, ay di gay dine nga sa amin yaan nangyari, ay sya sa susunod ko na laang sasabi sa iyo at ng matuloy na yaang kwento mo.

Post a Comment

Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...

 

Copyright 2008 All Rights Reserved Revolution Two Church theme by Brian Gardner Converted into Blogger Template by Bloganol dot com Customized by Vhonne DeVille